*Kaguluhan 36*

Zenon Manlangit

"Nagka-usap na ba kayo ni Chris?" tanong ni Sofia habang nagsusuklay ng buhok sa harap ko.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Nakataas bahagya ang ulo ko para makita ang mukha niya.

"Hindi. Bakit?" ani ko. Nakita kong bumuntong hininga siya bago ako hinarap ng maayos.

"Kamusta na ang pamilya mo?" tanong niya.

"Wasak pa rin," saka ako natawa sa sinabi.

Dati kapag umuuwi ako, lagi akong sinasalubong ng yakap at halik ni mama. Pero ngayon, ibang iba na, sobrang tahimik ng bahay, laging lasing si papa at si Ziya laging na kina lola.

Parang biglang nagbagong lahat ang bagay-bagay sa bahay. Maraming nagbago. Maraming naging kulang.

"Kaya niyo yan, wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Tingnan mo si Jenny, parang kahapon lang siya yung laging nakatanaw kay Ian pero ngayon halos si Ian na ang pumunta dito araw-araw," natatawa niyang sambit habang nakatingin kay Jenny na mag-isang nakangiti sa upuan niya.

Hindi ko mapigilang mapangiwi kay Jenny. Mukha siyang baliw na tanga. Ganiyan ba talaga kapag inlove? Nagmumukhang hibang?

Parang ayuko na tuloy mainlove ah?

"Si Vicca naman, parang unti-unti niya ng nakakalimutan si Josh, sa bawat pagdaan ng araw nagiging maganda ang bawat ngiti niya at pagtawa. Tingnan mo, mukhang may katangahan na naman," sabi niya saka ininguso ang pwesto ni Vicca.

Lumingon ako at nakita siyang tumitipa habang nakangisi sa harap ng cellphone.

Isa pang tanga.

"Pfft!" pvta!

"Si Gavin naman, hindi pa tanggap sa sarili na may gusto siya doon sa section A na babae. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na nahulog siya sa pinaka-ayaw niyang tao sa mundo," nakangiting usal ni Sofia habang nakatanaw sa labas kung saan nandoon si Gavin at kunot-noong nakikipag-usap kay Alicia.

"Ang bilis na panahon, malapit na tayong magpaalam sa school na 'to. Halos apat na taon tayong nagkasama, mukhang mahihirapan akong magsimula sa bagong school na papasukan ko," natatawa niyang sabi.

"Lahat ng mga kaklase natin ay umiibig na. Ikaw ba?" biglang nanliit ang mata niya habang nakatingin sa akin.

Tumawa ako at napakamot ng batok.
"Wala. Sa panahon ng buhay ko ngayon, wala pa akong oras para sa ganiyan,"

"Parehas tayo, saka may lalaki ng para sa akin. Pagkalipas ng limang taon, ikakasal ako at gusto ko nandoon lahat ng section Z. Walang kulang," tumawa siya bahagya saka naglagay ng mga pulbo at liptint. Nakuha niya pa akong alukin, pucha!

Mukha ba akong bakla?

---

"Anong hinahanap mo, pre?" tanong ko sa lalaking kanina pa tingin ng tingin sa loob ng classroom.

Nagliwanag ang mukha niya nang makita ako. Recess ngayon kaya walang tao sa loob, bumalik lang ako dahil nakalimutan ko ang cellphone sa bag. Sakto naman at nakita ko ang lalaking 'to.

"Ito ba yung room ng section Z?" lumapit siya sa akin.

"Hindi ka nagkakamali," sagot ko saka naglakad papasok sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko saka binalikan ang lalaki.

"Gusto ko sanang maka-usap si Vicca," nag-aalinlangan niyang sabi.

Kumunot ang noo ko saka nilingon ang loob ng room.

"Mukha bang nasa loob si Vicca?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Nagulat siya at nahiya sa sinabi ko.

"Nasaan ba siya?" nahihiya niyang usal.

Umiling-iling ako habang nag 'tsk' 'tsk'.

"Sumama ka sa akin—pero sandali lang," iminwestra ko ang kamay ko. Tumigil naman siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Ano nga palang kailangan mo kay Vicca? Magkakilala ba kayo?" tanong ko nang maalala na hindi ko pala kakilala ang lalaking 'to. Tapos hindi pa siya taga-dito sa school.

"Magkakilala lang kami. Meron lang akong sasabihin sa kaniyang importante," sagot nito.

"Gaano ka-importante?" taas kilay kong tanong.

"Handa kong ibuwis ang buhay ko para lang maka-usap siya," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka ako tumawa ng malakas.

"Hanep! Pinu-pormahan mo ba si Vicca?" tanong ko habang malawak ang ngiti.

Mabilis siyang umiling.

"No. We're just friends," sambit niya.

"With benefits," dugtong ko saka tumawa. Napangiwi siya sa sinabi ko, para bang nadiri pa siya sa naisip ko.

"No. I mean, walang ganun, kaibigan lang talaga and by the way, my name is Lance," pagtanggi niya.

Naningkit ang mata ko at hindi naniwala. Alam ko naman ang takbo ng utak niya, dahil lalaki rin ako.

Hindi ko siya masisisi kung magkaroon siya ng paghanga kay Vicca, kahit na tanga yun, maganda naman. Kahit na bobo yun, maalaga man. Kahit na nagmumura yun, nagiging sweet din naman siya, minsan nga lang.

"Zenon, pre," pagpapakilala ko.

"Alam mo bang broken hearted ang kaklase kong yun? Kaya sana kung liligawan mo siya, pag-isipan mo ng mabuti, dahil labing-anim kaming babalik sayo," iminwestra ko ang kamay na sumama siya.

"Hindi naman ako manliligaw eh. Wala akong ganoong intensyon, promise," pahabol niyang sabi habang nasa likuran ko.

"Ikaw bahala," kibit balikat kong sabi.

Hanggang sa nakarating na kami sa canteen. Pagkapasok pa lang namin, rinig na rinig na ang kantyawan ng mga gago. Mukhang pinagtitripan nila ang mga pagkain.

"Ano bang kinuha mo sa room?! Malaking bato?!" angil ni Sofia sa mukha ko pagkalapit sa kanila.

Ngumisi na lang ako sa kaniya at inirapan naman niya ako. Saka ko, binalingan si Vicca na tumatawa kasama sina Eyan at Klea.

"Vicca!" napatigil siya at mataray na tumingin sa akin.

"Ano?!" asik niya.
Saka ako tumagilid para makita ang taong nasa likuran ko. Namewang ako habang nakangisi sa kaniya.

"Tanga ka ba?!" dahan-dahan niyang itinaas ang kanang kilay kaya biglang nawala ang ngisi sa labi ko.

"May kasam—" napatigil ako sa pagsasalita nang walang makita aa likuran. Lumingon ako sa kaluwa at kanan pero wala talaga.

Anak ng?!

"Nasan na yun?!" napakamot ako sa ulo habang dahan-dahang naglalakad papunta sa mga gago.

"Anong problema, pre?" tumatawang tanong ni Iguel saka umusod para makaupo ako.

Hindi ko siya pinansin. Nakakapagtaka, saan kaya nagpunta ang isang yun? Akala ko ba gusto niyang makausap si Vicca? Itinagilid ko ang ulo ko para makita ang buong itsura ni Vicca.

Wala naman kagusto-gusto sa babaeng 'to, para sa akin. Sa loob ng apat na taon, kahit na isa sa kanila, wala akong nagustushan. Siguro, dahil parang mga kapatid na rin ang turing ko sa kanila?

"Type mo ba si Vicca, pre?" hinarang ni Iguel ang mukha sa mukha ko. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa pangit niyang mukha.

"Pvta!" saka ako huminga ng malalim.

"Wag mong sabihing, may gusto ka kay Vicca?" nandidiri niyang bulong. Kumunot ang noo ko saka siya binatukan.

"Hindi, bobo!" angil ko.

Tumayo na lang ako saka lumapit sa grupo nina Vicca. Umupo ako sa tapat niya at nakikain sa kanila.

Tumigil silang anim saka masamang tumingin sa akin.

"Badtrip 'to ah!" malakas na ibinagsak ni Eyan ang hawak na kutsara saka pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Ba't nandito ka sa amin?" pagalit na tabong ni Klea habang nakataas ang kilay sa akin.

"Bahay mo ba 'to? Canteen 'to, oy!" ismir kong sagot habang ini-inom ang binili nila softdrinks.

"Nga pala Vicca, may kasama akong lalaki kanina, gusto ka daw niyang maka-usao dahil importante daw yun, kaso biglang nawala kanina," dugtong ko habang pilit na kumukuha ng carbonara ni Klea.

"Isa!" sita ni Klea habang iniiwas sa kamay ko ang pagkain.

"Tsk. Panget na nga, madamot pa," bulong ko.

"Ano?!"

"Wala!"

"Sino?"  pagsingit ni Vicca na halatang nagtataka kung sino ang gustong makipag-usap sa kaniya.

"Lance daw ang pangalan niya," kibit balikat kong sagot.

Bigla siyang napa-irap sa kawalan.

(End Of Kaguluhan 36)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top