*Kaguluhan 35*
Jennifer Santos
"Wag. Ayuko!" umiling-iling ako kay Dino habang nakaharang ang kamay sa tapat ng camera ng cellphone niya.
Nakita kong sumimangot siya at nakuha pang ipadyak ang kanang paa. Mukhang badeng, amputa.
"Dali na, Jenny," nakanguso niyang sabi habang pinipilit na kuhanan ako ng epic na picture.
"Ayuko nga sabi. Si Eyan na lang kunan mo," naiirita kong sabi saka ininguso ang pwesto ni Eyan.
Mas lalo siyang ngumuso at umiling-iling sa akin.
"Ayuko kay Eyan. Ikaw ang gusto ko!" pumadyak ulit siya habang nakanguso sa harapan ko.
"Tsk. Ayuko ko nga," irita kong sigaw sa mukha niya.
"Dali na kasi. Gagawa lang ako ng memes," napahawak ako sa batok ko, pinipigilang wag masapak ang nasa harapan kong baboy.
"Ako pa gagawin mong memes, hinayupak ka!" angil ko.
"Ayaw mo nun, kakalat ang mukha mo," nakangisi niyang sabi saka tinaas-taas ang kilay.
Ngumiwi ako at saka siya binatukan.
"Gago. Wag ako, Dino ha! Si Hale na lang ang gawan mo ng memes," saka ko naman ininguso ang pwesto ni Hale na kasalukuyang nakikipag-usap kay Gavin.
"Eh ikaw nga ang gusto ko!" bigla niyang sigaw at may ilan pang tumalsik na laway sa mukha ko.
Pvta!
"Ambaboy mo.. Kadiri!" naiinis kong sabi habang pinapahid ang laway na tumalsik sa mukha.
"Ohhh!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw nina Yuan sa pintuan.
"Pano ba yan pareng Ian, may karibal ka na kay Jenny?" tumatawang sabi ni Sean habang naka-akbay kay Ian na nakikipag-titigan sa akin.
Ako ang unang umiwas at tumayo. Naglakad ako papunta sa kabilang pintuan para doon dumaan. Pero ang mga hinayupak na tukmol, tinulak si Ian papunta sa direksyon ko.
"J-Jenny," banggit niya.
Napalunok ako at napakagat-labi. Bakit kasi ganito? Binabanggit lang naman niya ang pangalan ko, pero ang putangina kong puso halos magpa-party na.
Nakakainis!
"Jenny daw," bulong ni Iguel habang binubunggo ang balikat ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak palayo. Hindi ako nagsalita at nilampasan ko lang siya.
Ramdam kong nakasunod siya pati ang mga tukmol. Pero hindi ako tumigil at lumingon. Dumeritso ako sa banyo dahil alam kong walang makakasunod sa akin dito.
Alam ko ding, hindi siya susunod dito. Siya ang pinakamatalinong estudyante dito sa school at alam niya ang lahat ng bawal at patakaran dito.
Napangisi ako habang nakatingin sa salamin. Hinawi ko ang ilang hiblang buhok sa mukha ko.
Rinig na rinig ko din ang bulungan ng mga tukmol.
"Jenny! Lumabas ka na! Wag ka na magpakipot pa kay Pareng Ian!" sigaw ni Leo mula sa labas.
Napangiwi ako at saka malakas na sinipa ang pinto.
"Tangina mo! Umalis na nga kayo dyan!" sigaw ko mula sa loob. Nakuha pa akong pagtawanan ng mga tukmol. Buti na lang di ko narinig ang tawa ni Ian dahil panigurado, matutunaw na naman ang puso ko.
Pakening shit!
"Jenny lumabas ka na, kawawa naman si pareng Ian dito," natatawang sigaw ni Rence.
Muli kong sinipa ang pinto ng banyo at sumigaw.
"Hindi ako lalabas hangga't nandyan kayo!"
"Tara na nga!" iritang sambit ni Josrael.
Nilapit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang mga galaw nila sa labas. Pero tanging mga tunog lang ng sapatos nila ang narinig ko.
Hindi pa ako sure kung umalis na ba sila.
Nang wala na akong narinig pa, dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saka naglagay na maliit na siwang para makita ang labas.
"Wahhhhh!!" napasigaw ako dahil sa biglaang paglitaw ni Ian sa harap ko. Tinulak niya ako papasok sa loob at malakas na sinara ang pinto.
Kung saan siya galing, hindi ko alam.
"T-teka—" nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kalmado niyang mukha.
May kung anong bagay akong naramdaman sa tiyan ko. Hindi ko alam kung paru-paro ba o tutubi?
"B-Bakit mo ni-lock?!" natataranta kong tanong.
"We need to talk,"
"Bakit kailangang dito sa loob? Pede naman sa labas," pilit kong iniiwas ang tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko hindi ko kayang magsalita habang nakatingin sa mata niya.
"Pano? Eh tinatakbuhan mo ako. Iniiwasan mong makipag-usap sa akin," madiin niyang sagot saka siya umupo sa sink.
"Hindi kita iniiwasan. Wala lang ako sa mood makipag-usap," tanggi ko habang nakatingin sa maayos niyang buhok.
Pero umingos lang siya sa sinabi ko.
"Really? Pero masaya kang nakikipag-usap sa isa mong classmate," mataray niyang sambit.
Kumunot ang noo ko.
"Mukha ba akong masayang nakikipag-usap kay Dino ha?" naiirita kong tanong pero nanatiling sa baba ang tingin.
"Yes. You are,"
"Hayyy ewan ko sa'yo," pagsuko ko.
"Let's talk, Jenny," pagsusumamo niya. Ilang beses pa akong napalunok ng sarili ko laway.
"Sige, mag-uusap tayo pero wag dito," sabi ko na lang.
"Okay," nagtaka ako dahil bigla niyang inilahad ang kamay sa harap ko.
"Ano yan?" nakangiwi kong tanong pero sa loob-loob, natataranta at sumisigaw na ako.
"I will hold your hand because you might run again,"
"Hindi naman ako tumakbo kanina ah!" pagtanggi ko.
Feeling naman ng poging 'to!
"Yeah, you didn't run but you walked away," asik niya saka siya na mismo ang kumuha ng kamay kong nanginginig at pinagpapawisan pa.
Nakakahiya! Huhuhu.
---
Nakakarindi.
Akala ko ba gusto niya kaming mag-usap? Bakit nanahimik lang siya?
Bumuntong hininga ako habang nakasandal sa mga railing. Saka ako sumulyap sa kaniya.
"Akala ko mag-uusap tayo?" hindi ko mapigilang tanong dahil kung magtatagal pa akong kasama siya—baka magawa ko din ang ginawa ng Talang linta na 'yon.
"O-oo. Mag-uusap tayo," sagot niya agad. Napahawak pa siya sa batok niya habang nakatingin sa akin.
"Tungkol nga ba saan ang pag-uusapan natin, Ian?" tanong ko ulit sa kaniya.
"About the things that you saw in the hallway," nakangiwi niyang banggit.
Napatanga ako at tanging pagtitig lang ang nagawa. Ni ang ibuka ang bibig ay hindi ko nagawa.
"Anong nakita? Ha-ha-ha," mukha akong tanga dahil sa pagtawa.
"Nakita kita. You saw it," mariin niyang sabi bago ako hinarap.
"Ang a-alin ba? Yung k-kiss?" napalunok ako.
Tumango siya ng marahan. "Yes..."
"Bakit kailangang pag-usapan yun?" tumawa ako ng kunwari pagkatapos.
"I...don't know. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag sa'yo."
"Hindi ko naman kailangan ng paliwanag mo, Ian. Dahil hindi naman tayo para ipaliwanag mo pa," sabi ko.
"At saka gusto lang naman kita pero wala akong karapatan sa paliwanag mo," pabulong kong dugtong.
"She kissed me. I didn't kiss her," bigla ay sambit niya.
"Alam ko," mahina kong tugon. Hindi ko na kayang magtagal dito sa lugar na 'to kasama siya. Parang gusto ko ng tumakbo at umuwi na lang.
"I'm sorry," sambit niya dahilan para mangunot ang noo ko.
"Bakit ka nagso-sorry?" takhang tanong ko sa kaniya.
"I'm sorry dahil hinalikan niya ako and...I'm sorry for doing this,"
Bago pa ako makapag-tanong, yumuko na siya at hinalikan ako sa labi!
(End Of Kaguluhan 35)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top