*Kaguluhan 33*

Vicca Diaz

"Wait lang!" napatigil ako sa paglalakad nang may biglang humaramg sa aking isang matangkad na lalaki.

Alas onse na ng tanghali, at kagagaling ko lang sa mall dahil bumili pa ako ng damit na pangregalo ko sa ate dahil birthday niya bukas.

Dahil naka-tapat sa akin ang araw, hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki. Kumunot ang noo ko habang pilit na ina-aninag ang mukha niya.

"Tabi nga!" inis kong sabi saka siya tinulak patagilid.

Pagkalakad ko ng ilang hakbang, lumingon ako pabalik.

Kumunot ang noo at tinuro siya.
"Sinusundan mo ba ako?" nakataas kilay kong tanong habang humahakbang palapit sa kaniya.

Nakita kong kumurap siya ng ilang beses at na-iilang na tumingin sa akin.

"H-Hindi," umiling siya ng bahagya.

Tumigil ako ng isang hakbang na lang ang pagitan sa amin saka ako ngumiti ng nakakaloko sa kaniya.

"Talaga? Eh anong ginagawa mo dito?"

"I just w-want to talk, Vicca," pagsusumamo niya. Nagulat pa ako dahil bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

Mabilis kong tinabig ang dalawang kamay niya at nandidiring lumayo ng bahagya.
"Wag mo nga akong hawakan, bakla!" sigaw ko.

"I'm not a gay. Please, let's talk! He really need your forgiveness, so he can be happy freely," sabi niya pero umiling lang ako.

Mabuti na lang, naiinitindihan ko ang sinabi niya. Ayuko munang mag mukhang bobo sa harap niya.

"Alam mo bang, madali lang magpatawad pero kung doon lang siya sasaya?" tumingin  ako sa mga mata niya. "Hindi ko yun ibibigay," dugtong ko saka ngumiti ng nakakaloko.

"W-what? Vicc—"

"Wag mong banggit-banggitin ang pangalan ko dahil una sa lahat hindi naman tayo close at pangalawa hindi pa rin tayo close!"  sigaw ko sabay hawi ng ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha.

Eksaherada akong tumalikod habang bitbit ang pinamili. Ramdam kong sumunod siya sa akin hanggang sa pagsakay ko sa jeep.

"Pwede ba?" irita kong sabi dahil talagang tumabi pa sa akin ang hangal.

"Let's talk," matigas niyang sabi. Umirap ako sa kaniya at umusod palayo sa kaniya kaya naman nasiksik ko ang isang babae.

"Vicc—"

"Ops!" iminwestra ko ang kamay ko.
"Don't talk to me. Talk to strangers, hmp!"

"Bayad nga po," sabi bigla ng isang pasahero. Nagkatinginan pa kami ni Lance, saka ko inis na nilahad ang kamay ko para abutin ang bayad nung ale.

Hindi ako lumingon sa kaniya nang biglang nagring ang cellphone niya. Pero agad din akong napaharap nang malaman kung sino ang tumawag sa kaniya.

Si Josh na putangina!

"H-Hello!" bati ni Lance habang nakatingin sa reaksyon ko.

"I'm with her," halos pabulong na sabi niya. Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya kaya ilang beses siyang napalunok.

"Don't worry. I'm okay, just relax,"

Just relax?! Aba ay tangina niyaa pala!
Ako dito, broken hearted tapos siya pare-relax relax lang?!

Ang kapal ng mukha! Tapos gusto pa ng pagpapatawad ko?! Aba, mamatay siya sa kaka-relax!

"Gago,"

---

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil may pasok na ulit sa araw ng lunes. Saka sa huwebes at biyernes na ang first periodical test.

Napatigil ako sa pagbubutones ng uniform ng tumunog ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim bago padabog na kinuha ang cellphone sa kama.

From: 0909*******
-Let's meet later. I'll fetch you, Vicca. We need to talk, really.

Kumunot ang noo ko. Sino naman kayang tanga 'to?!

To: 0909*******
-Fetch mo mukha mo. Ulol.

Inis kong sinuksok sa bulsa ng palda ang cellphone at saka ko pinagpatuloy ang pagbubutones ng uniporme. Pagkatapos kong ayusin ang sarili, mabilis akong bumaba para kumain ng agahan.

Pagkatapos ng agahan, kinuha ko agad ang bag ko.

"Alis na po ako!" sigaw ko habang sinasabit ang bag sa balikat.

Tumakbo ako hanggang sa makarating sa paradahan ng jeep. Mabilis lang na napuno ang jeepney dahil maraming estudyante ang pasahero.

Ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa school. Nakasabay ko pa si Jenny habang papasok ako sa gate.

"Jenny!" sigaw ko habang kinakaway ang kamay at saka ako mabilis na tumakbo palapit sa kaniya.

"Uy..." matamlay niyang bati. Ilang besed din siyang bumuntong hininga.

"Bakit?" kunot noo kong tanong.

"Anong bakit?" parang wala sa sarili ang isang 'to.

Hay. Kahit na parehas kaming broken hearted, magkaiba naman kaming kumilos. Ako, masigla. Siya, malamya.

"Bakit ang tamlay mo?"

"Ikaw bakit ang sigla mo?"

"Ewan ko," kibit balikat kong sagot.

"E di ewan ko rin," at nagkibit balikat din siya.

Pagkarating namin sa room, halos lumuwa ang mata ko sa nakikita. Nakahilera ng maayos ang mga upuan. Nakapatas ng maayos ang mga libro sa bookshelf. Makintab ang sahig at amoy na amoy ang 'liwanag' na floorwax.

Daebak?!

Nanlaki ang mata ko at naging 'O' ang hugis ng bibig ko saka ako pumalakpak na parang tanga.

"Wow! Ang linis!" sigaw ko habang naglalakad palapit sa upuan ko.

"Siyempre, maagang badtrip si Sir eh," ismir ni Hale.

"Huh? Bakit badtrip si amang hari?" tanong ko.

"Kasi may nanliligaw na kay ma'am Lina," tumawa ang mga tukmol maliban kina Zenon at Chris na nasa magkabilang dulo ng room.

"Ba't naman mababadtrip si Sir?" nagtataka ko ulit na tanong.

Parang nabali pa ang leeg ko dahil sa lakas ng pagkakabatok ni Eyan sa akin.

"Bobo ka ba?! Siyempre crush ni Sir si Ma'am Lina!" tumalsik pa ang laway sa mukha ko. Anak ng?! Kadiri naman!

Hindi ako nagpatalo at hinampas ko ng notebook ang mukha niya saka ko pinunasan ang pisngeng tinalsikan ng laway.

"Bobo ka din ba?! Teka—ano?!" gulat kong usal. Tinawanan ako nina Sofia at ng ibang tukmol. Kaya ngumuso ako.

Ganun ba ako ka-slow para hindi mahalatang may gusto ang ama namin sa ina ng ibang section?

Hay! Slow na nga ako. Amputs!

"Bobo mo gurl!" mapang-asar na tumawa sa harap ko si Sofia at Klea. Wala akong ginawa kundi ang irapan lang sila ng matinde.

---

"Hindi pedeng matalo si Sir," sambit ni Sofia habang nakapila.

Recess kasi ngayon at nandito malamang kami sa canteen para bumili ng siyempre, pagkain.

"Boba! Matatalo talaga si sir, hindi naman siya nanliligaw eh," ngumiwi kami ni Sofia sa inusal ni Dianne.

Habang si Hale at Eyan naman ay tumango-tango lang.

"Bakit ba ayaw ligawan ni sir si ma'am?" naguguluhan kong tanong sa apat na kasama ko.

"May lahing torpe ang mga Feñoso," bulong ni Eyan habang lumilinga-linga sa paligid para tingnan kung may nakakarinig sa pinagsasabi niya.

"Weh?"

"Oo nga!"

"Di joke lang, si sir lang talaga ang torpe sa lahi nila," pagbawi niya sabay tawa.

"Kawawa naman si sir. Tulungan kaya natin?" pagsusuhestyon ni Hale. Nanlaki ang mata ko at pumalakpak.

"Tama! Game ako," masigla kong sabo dahilan para maglingunan ang ibang nasa unahan ng pila. Tinaasan ko lang sila ng kilay, pakialam ba nila kung maingay kami , malamang kasi may bibig kami.

"Tingin?!" pinandilatan ko sila kaya naman nag-unahan sila sa pag-iwas.

Umiling-iling na lang ang apat sa ginawa ko at natawa.

---

"Bukas ah, yung plano natin!" nagthumbs up lang ako kay Sofia na pasakay na ng kaniyang kotse. Pati sina Hale ay nagthumbs up rin.

Nagtaka tuloy sina Elise na kasama ko sa pag-abang ng mga jeep.

"Anong plano?" nagtatakang tanong ni Josrael sa akin.

"Hindi ko sasabihin na plano naming tulungan si Sir," pagmamayabang ko. Saka ko pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Tulungan saan?" tanong naman ni Adam.

"Hmm.. Hindi ko sasabihin na tutulungan namin siya kay ma'am Lina," tumawa ako pagkatapos ng sinabi.

"Parang tanga," ismir na komento ni Dino kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Sinong tanga?" galit kong tanong.

"Si Iguel kako, parang tanga," umingos si Dino pagkatapos.

Bigla namang umangal si Iguel nang marinig ang pangalan niya.

"Ano?!"

Hindi ko na pinansin ang pagbabangayan ni Dino at Iguel nang tumunog ang cellphone ko. Nagtataka ko itong kinuha at tiningnan ang message.

From: 0909*******
-I'm here. Black car.

Black car? Anong gagawin ko sa itim na kotse. Luminga-linga ako sa paligid at nakakita nga ako ng itim na kotse. Kumunot ang noo ko habang ina-aninag kung may tao ba sa loob.

To: 0909*******
-Hu u?

From: 0909*******
-Lance.

From: 0909*******
-Please! 5 mins is enough.

Limang minuto? Eh tanong ko pa nga lang, lampas na ng isang oras! Hmp.

To: 0909*******
-K.

From: 0909*******
-K? As in yes?

To: 0909*******
-Amp... Bobo.

Tumawa ako pagka-hit ko ng send button.

(End Of Kaguluhan 33)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top