*Kaguluhan 32*

Elise Fernandez

"Bakit kayo nagsuntukan?" tanong ko sa dalawang ugok na nagrambulan kanina sa labas.

Hindi man lang sila nahiya sa may bahay pero sabagay si Sofia lang naman ang nandito at yung yaya niya.

"Siya ang unang sumuntok, gamanti lang ako," imingos si Zenon habang masama ang tingin kay Chris.

Ang ayuko ko sa lahat, ay 'yong magkasakitan kaming magkaklase. Tanging kami-kami na nga lang ang magkakakampi sa school, taspos magkakawatak-watak pa?

Bumaling ako kay Chris na malalalim ang paghinga.

"Bakit mo siya sinuntok, Chris? Sana lang katanggap-tanggap na rason yan," sabi ko at sinulyapan siya. Sarkastiko naman siyang ngumiti sa akin.

"Bakit ko siya sinuntok?" madiin niyang sambit habang nakaduro kay Zenon. Pagkatapas ay pagak siyang tumawa.

"Dahil anak siya ng sumira sa pamilya ko!" napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw niya. Maging sina Gavin at iba pa ay nagulat din.

"Ano?!" asik ni Zenon na napatayo na mula sa pagkakaupo.

Tinaas ko ang kamay ko para patahimikin siya at buti na lang itinikom niya ang bibig niya.

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo Chris?" binalingan ko si Chtis at tinaasan ng kilay.

"Ang mama ni Zenon Manlangit ang kabit ng papa ko at...rason kung bakit nasira ang buong pamilya ko," madiin niyang sagot sa akin habang matiim ang tingin kay Zenon.

Napatigil ako at hindi nakapag-salita. Parang hindi ini-intindi ng sarili kong utak ang narinig.

Grabe!

"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Jia habang nanlalaki ang mga mata. Masasabi kong hindi lang ako ang nagulat sa nalaman, maging sila Josrael at ang iba pa.

"Ang mama mo, ang kabit ng papa ko. Tangina!" parang tinusok ang damdamin ko nang makitang umiyak si Chris.

Napaupo na siya at mariing nakapikit. Nakakuyom ang mga kamao at ilang beses na huminga ng malalim.

"Pano?" hindi makapaniwalang bulalas ni Zenon.

"Bakit? Bakit kailangan ang mama mo pa? Bakit kailangan siya pa ang sumira ng pamilya namin? Bakit, Zenon?" madiing tanong ni Chris saka iniangat ang tingin kay Zenon.

"Nasira din ang pamilya ko, Chris! Akala mo ba sa inyo lang?! Tangina!" napahawak ako sa dibdib dahil sa biglaang pagsigaw ni Zenon.

"Hindi ba naisip ng mama mo, na ang lalaking pinatulan niya ay may pamilya na?" tanong ni Chris at binalewala ang pagtaas ng boses ni Zenon.

"Bakit? Naisip dim ba ng papa mo na may anak at asawa na rin ang mama ko?" pagbawi ni Zenon.

"Teka!" sigaw ko at iminwestra ang kamay sa kanilang dalawa.

"Sinasabi mo bang kabit ng papa mo ang mama ni Zenon? Pero pano?" tanong ko dahil kanina pa ako nalilito sa dalawang 'to.

"Bingi lang, Elise?" pagsabat ni Dino saka ako tinawanan. Inirapan ko lang siya dahil ang epal niya.

"Matagal na akong may hinala sa papa ko, kaya sinundan ko siya kanina at putangina, nakita ko ang mama niyan," tinuro niya si Zenon.

"Buntis ang mama niya at ang papa ko ang ama," dugtong niya. Nalaglag ang panga ko at natahimik.

Ilang minuto kaming kinain ng katihimikan hanggang sa biglang dumating ang yaya ni Sofia. Nilapag niya sa center table ang bananacue. Pero ni isa sa amin ay wala kumibo. Maliban kay Dino, siyempre.

"Ikaw alam mo bang buntis ang mama mo at hindi sa papa mo 'yon?" tanong ni Chris kay Zenon habang nakatungo at nanatiling nakakuyom ang kamay.

Marahang tumango si Zenon. "Pero hindi ko alam na ang ama mo pala," mahina niyang aniya.

"Ngayon, alam mo na..."

---

[The Pabebe Girls]

Elise: sinong nagpalit ng group name?

Jia: ang alam ko hindi ako.

Sofia: i'm innocent. Hahaha.

Jenny: masakit pa rin ang ulo ko. Hindi ko alam. Huhuhu.

Dianne: IDK. K bye.

Klea: malamang hindi ako.

Eyan: walang umaamin. Kaya hindi rin ako, haler.

Hale: @Eyan Perez alam ko ikaw. Mag backread kayo, siya yun.

Eyan: epal ka be?

Eyan Perez removed Hale Suarez in the group.

Nena: Hahaha. Patay ka Eyan.

Nena Zios added Hale Suarez to the group.

Eyan: epal ka din Nena!

Eyan removed Nena Zios in the group.

Hale Suarez added Nena Suarez to the group.

Elise: Pinaglalaruan niyo na ang group chat na 'to.

Eyan: hahaha panong laro?

Jenny: galit na si president.

Sofia: hala!

Elise: tangina niyo!

Klea: ayan, nagmumura na. Hahaha.

Dianne: baka hindi nireplyan ni President Gio?

Jia: tama ka @Diane Cheng.

Jenny: @Diane Cheng basta amin pa rin ang west philippine sea.

Dianne: gago. Hap hap ako,

Nena:  Hap Japanese at hap bombay. Bompanese

Jenny: tangina. Funny mo.

Klea: bwesit! HAHAHAHA

Dianne: tawa pa. Maubusan sana kayo ng tubig kapag naliligo.

Napatawa ako sa sinabi ni Dianne. Kahit kailan, wala talagang matinong usapan na nangyayare sa group chat na 'to. Puro katangahan. Hay.

Hale: feeling ko, hindi magpapansinan sina Chris at Zenon sa lunes.

Jenny: feeling ko, feeling ko lang,

Nena: eps hahaha

Eyan: hay, kaloka nga eh. Grabe!!!

Sofia: ang mama ni Zenon at papa ni Chris. Langya, tadhana. Napaka-mapaglaro.

Klea: nadamay pa nga ang tadhana.

Dianne: parehas namang mali ang magulang nila. Geez.

Jia: umaasim pa ang mama ni Zenon. Tas tamang patol lang ang papa ni Chris.

Elise: hindi nga ako makapaniwala. Grabe lang talaga.

Jenny: yaan niyo. Panalangin niyo na lang na wag magkaganun ang magulang natin hahaha.

Nena: na-iimagine ko nga si papa kasama ang mama mo Jenny eh,

Jenny: tangina ka.

Nena: hahahaha charrott lang

---

Maaga akong nagising dahil linggo-linggo talaga kaming sumisimba nina mama. Sabi niya kailangan ko daw magbawas ng kasalanan.

Sus.

Isang simpleng white t-shirt lang ang sinuot ko at maong na pantalon. Puting adidas na sapatos at saka ko hinayaang nakalugay ang buhok. Konting pulbo at liptint lang sapat na.

Pagkababa ko, naabutan ko sina mama at papa na nag-uusap sa sala. Hindi nila ako napansin at nagpatuloy lang sa pag-uusap.

"Sabi nga sa akin ni kumare, jusko di man lang naisip na may pamilya na yung lalaki," imbyernang sabi ni mama habang nagsusuklay ng basang buhok.

Napangiwi ako dahil ang aga-aga, may chismis na agad. Maagang kasalanan, tsk. Tsk

"Ang alam ko kaklase ni Elisa ang mga anak nun," sambit ni papa at napatigil ako.

Hindi kaya...

"Ano yun, papa?" tanong ko, at parehas nila akong nilingon.

"Diba, anak kaklase mo yung anak ni Carlo Pines at yung anak ni Zaniya Manlangit?" tanong ni papa.

Tumango ako.

"Bakit?"

"Wala. Bali-balita lang na buntis si Zaniya at yun ang ama," kibit balikat na sagot ni papa.

"Anong bali-balita? Totoo nga yun, hindi ba anak?" nilingon ako ni mama.

Kumunot ang noo ko at tumango. Napa-palakpak pa si mama at saka ulit nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok.

Samantalang, sumalampak na lang ako sa sofa. Ilang segundo lang, biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From: GioAngPresidenteNgPusoKo
-Good morning.

Nanlaki ang mata ko at napahawak bigla sa dibdib.

"Oh em ge," bulong ko at pilit na tinatago ang pagngiti ng malawak.

Kinikilig akong nagreply sa kaniya.

To: GioAngPresidenteNgPusoKo
-good morning din.

From: GioAngPresidenteNgPusoKo
-magsisimba kayo?

To: GioAngPresidenteNgPusoKo
-oo. Kayo ba?

From: GioAngPresidenteNgPusoKo
-yeah. See you there

To: GioAngPresidenteNgPusoKo
- sige. Ingat.

"Tara na, Elisa!" nagulat ako sa sigaw ni papa kaya bigla akong napatayo.

"Po?" gulat kong sabi.

Kumunot ang noo ni papa at saka ako hinila palabas. Habang nasa jeep, hindi maalis ang ngiti sa mukha ko. Putik naman kasi eh?!

Hanggang sa makarating kami sa simbahan, nakangiti pa rin ako. Kanina pa nga nagtataka sina mama at nakita kong napa-iling na lang sila parehas.

Sa gitnang bahagi kami umupong tatlo. Pagkaupo ko pa lang, luminga-linga na ako para hanapin sina Gio. Pero kahit anong haba ng leeg ko, hindi ko sila makita.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakangusong nakatingin sa altar. Sina mama at papa, patuloy pa ring nag-uusap. Gusto ko ngang sitahin ang dalawa, kung saan ba naman nasa loob na kami ng simbahan eh?

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang misa, hindi na ako nag-atubili pang tingnan ang mga umupo sa tabi ko. Hanggang sa kantahin na namin ang 'Ama Namin'.

Ipagdadaop ko sana ang dalawa kong kamay nang may biglang humawak doon. Napalingon ako at napatingin sa hangal na gumawa noon.

Pero biglang umurong ang dila ko at hindi na nakapasalita pa. Parang bigla bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa matipid niyang ngiti. Hindi man lang niya ako sinulyapan.

"Grabe," bulong ko habang kinakalma ang nagwawalang puso.

(End of Kaguluhan 32)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top