*Kaguluhan 30*
Sofia Villa
"Bakit daw naglasing si Jenny, Zenon?" tanong ko kay Zenon habang naglalakad papunta sa paradahan ng jeep.
"Hindi ko alam. Baka broken," kibit balikat niyang sagot.
Broken? Bakit naman mabobroken ang isang 'yon? Ang alam ko, ayos sila ni Ian. Walang label pero nagkakausap.
Ibang klase din ang trip ng babaeng yun!
Ilang minuto lang din ang lumipas at nakarating na kaming pito sa paradahan. Hindi na sumama sina Nena, Klea, Vicca, Dianne, Jia, Leo, Paul, Yuan, Iguel, Gavin, Rence, Adam, Henry, Chris, Elise at Kian dahil pagod na daw sila sa maghapong pagchi-cheer at paglalaro. Kaya kami-kami na lang nina Hale, Eyan, Sean, Dino, Zenon at Josrael ang pupunta sa Henyeon park na sinabi ni Vincent.
Pagkarating namin parke, mabilis lang naming nakita ang dalawa sa isang bench na nasa ibaba ng malaking puno. Naka-ubob si Jenny habang si Vincent naman ay pakonti-konting sumusubo ng ice cream.
Lumapit kaming pito sa dalawa.
"Anong nangyare?" tanong agad ni Hale pagkalapit namin kaya nagulat si Vincent sa kaniya at muntik pang mabitawan ang dalang ice cream.
"Anak ng?! Ang hilig niyo talagang magsalita ng biglaan!" maktol niya habang kumakamot ng ulo.
"Tsk," asik ni Hale saka tiningnan ang mukha ni Jenny na nakapikit na.
"Ba't ba 'to naglasing? Problema ng gaga na'to?" tanong ko at saka tumabi sa kabilang side ni Jenny samantalang, si Eyan naman ay kay Vincent tumabi habang ang apat ay nanatiling nakatayo at may kaniya-kaniya ng hawak ng alak.
"Wag nga kayong uminom. Bawal pa sa edad natin ang alak," sita ko habang pinandidilatan sila ng mata.
"Sus, anong pake ko?" tanong ni Josrael at saka tinungga ang beer in can. Napailing na lang ako sa ginawa niya.
"Broken kami ni Jenny ngayon," tumawa si Vincent habang tangan-tangan ang maliit na kutsara sa ice cream niya.
Kumunot ang noo ko. "Broken? Bakit?"
Sinulyapan niya si Jenny bago tumingala.
"Hinalikan ni Tala si Ian kanina, sa labi..." saka siya mapait na natawa at yumuko.
"Sa labi?!" eksaheradang sigaw ni Eyan at bigla pa siyang tumayo.
"Kakasabi lang, bingi ka?" pagsabat ni Sean at nakatanggap siya ng matatalim na tingin mula kay Eyan.
"Tangina, ang landi talaga ng Talang yun," napahawak si Hale sa sintido niya tapos ay umiling-iling.
"Oo nga. Pero hanggang ngayon siya pa rin talaga ang gusto ko," sabi ni Vincent at ang beer in can naman ang binanatan niya.
"Ay. Ulol ka na," komento ni Eyan habang may pandidiri sa mukha.
"Nakita ba ni Jenny ang nangyareng 'yon kaya siya naglalasing ngayon?" tanong ko habang nakahawak sa likod ni Jenny na humihilik na.
Tumango si Vincent at lahat kami ay natahimik. Tanging mga tunog lang ng mga bisikleta at ingay ng ibang tao ang naririnig namin.
"Put*ngina!" nagulat ako at ang iba nang biglang tumunghay at sumigaw si Jenny.
Halos atakihin na ako sa puso dahil sa ginawa niya.
"Putangina din Jenny! Kung may sakit lang ako sa puso baka namatay na ako, gaga!" gigil na sambit ni Eyan habang hinihila ang dulong buhok ni Jenny na nakahalf open ang mata.
Napatitig kaming walo kay Jenny nang bigla siyang humikbi. Umaangat ang dalawang balikat hanggang sa takpan niya ang sariling mukha at tuluyan ng umiyak.
"Bakit niya hinalikan si Ian? Ako lang dapat ang humahalik sa kaniya!! Bakit niya hinalikan, tanga ba siya?! Haliparot. Malandi. Higad. Makati. Malandi. Pokpok. Isa siyang pvta!" at tuluyan na nga siyang nagwala.
Napangiwi si Vincent sa lahat ng sinabi ni Jenny. Sina Zenon at Josrael naman ay nakapamewang na naglakad palayo sa amin. Si Eyan naman ay umupo at tinakpan ang dalawang tenga. Habang si Hale ay nanatiling naka-akbay kay Jenny. Habang si Dino, nanghihiram na ng bike sa isang matabang babae. At si Sean naman na nanatiling nakatayo at nakangiwi kay Jenny.
"Ikaw Vincent, alam mo ba kung nasan ang bahay ni Tala? Gugupitin ko lang ang makakapal na labi ng talantod na 'yon!"
"Ihatid mo ako Sofia. Kaibigan kita diba? Kaya ihatid mo ako. Hindi ako uupo lang dito habang yung babaeng yun ay kilig na kilig dahil sa nahalikan niya ang bebe ko. Ayuko ko. Kailangan mawala ang kasiyahan niya!"
"Tara, Sofia ihatid mo ako," hindi namin namalayan ang pagtayo niya kaya muntik na siyang ma-out balance.
"Sandali nga. Pano mo gugupitin kung wala kang gunting?" tanong ni Eyan habang nakataas ang kilay.
Biglang tumigil si Jenny at napaisip. Sinamaan ko naman ng tingin si Eyan dahil sa imbis na pigilan niya, ginatungan pa.
"Oo nga. Bibili na lang ako ng gunting sa daanan natin...tara na," hinila niya ako bigla.
Dahil sa gulat ilang segundo akong nagpahila sa kaniya pero agad ko ding binawi ang kamay ko. Tumigil din si Jenny at kukurap-kurap na lumingon sa akin. Mapupula na ang magkabilaang pisnge niya habang ang mata naman ay halos pumikit na.
Juskoo, 16 years old pa lang si Jenny. Bawal pa wa edad namin ang malasing. Pero ano nga bang pakialam ng babaeng 'to? Lahat ata ng magustuhan niya ay ginagawa niya, walang edad-edad. Ganoon ang section Z, walang pakialam, ako lang ata at si Elise ang mayroon.
"Hindi mo na ba ako mahal Sofia? Bakit ayaw mong ihatid ako sa bagay ng kabit ni Ian?" humihikbi niyang usal at saka tuluyang umatungal.
Napahampas ako sa noo ko saka nikingon sina Eyan at iba pa na tumatawa sa kalagayan ko.
Mga piste!
"Ano? Ang dami mong alam Jenny," sabi ko na lang. Pero mas lalo siyang umatungal, nakuha niya pang umupo sa kalsada at pumadyak-pumadyak na parang isang bata na hindi nabilhan ng candy.
"Please, Sofia Villa! Gagaan lang ang loob ko kapag natanggal ko na ang bibig ng babaeng 'yun. Gusto mo ba laging mabigat ang kalooban ko?" sumimangot siya pagkatapos.
"Anak ng?!" nilingon ko ulit sina Zenon na nakaharap sa amin.
"Buhatin niyo na nga ang lasing na'to," utos ko at buti na lang sumunod siya.
"Ano?! Hindi ako lasing. Sinong may sabing lasing ako? Wag mo ako bubuhatin Zenon, uunahin kong gugupitin 'yang mga baraha mo!" dinuro niya si Zenon na naglalakad na palapit sa amin.
Sinenyasan ko sina Josrael na uuwi na. Hindi man lang nila niligpit ang kalat sa bench, mga wala talagang modo.
Tumili si Jenny nang buhatin siya ni Zenon na parang isinampay lang sa balikat. Panay ang piglas niya pero sa huli ay tumigil rin.
Humiwalay na sa amin sina Hale at Dino dahil may dadaanan pa daw sila. Si Eyan naman at Sean at binabantay si Vincent na pagewang-gewang kung maglakad, isama mo pa na tumatawa siya.
Hay. Ganito pala ma-broken hearted? Buti na lang wala ako lovelife at wala akong balak pumasok sa ganoong bagay. Tama na ang mga kaibigan ko lang.
---
"Susmaryosep!" sigaw ng mama ni Jenny nang makarating kami sa bahay nila. Nakahiga na sa sofa si Jenny at humihilik na.
Ako, si Zenon at Josrael ang naghatid kay Jenny habang si Sean at Eyan naman ang naghatid kay Vincent.
"Anong nangyare?" tanong ng kuya niya.
"Naglasing po, broken hearted," sagot ko.
"Broken? Ang bata niya pa para mabroken," natatawang sabi ng kuya niya. Tumango na lang ako habang nakangiwi.
Lumapit sa akin si Zenon at bumulong. Nagpaalam na kami sa mama ni Jenny at saka umalis. Inihatid ako ng dalawa hanggang sa bahay.
"Ingat sa pag-uwi," tumango ang dalawa sa akin bago ko isinara ang gate.
(End of Kaguluhan 30)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top