*Kaguluhan 29*


Henry Oson.

"Championship na dis!!" sigaw ni Klea pagkapalo ng bola ni Kian.

Volleyball championship na ngayon at lamang na kami. Pero dapat galingan pa rin namin dahil first set pa lang. Mamaya naman ng hapon ay championship ng basketball.

Naalala niyo naman na kapag kami ang nagchampion, ililibre kami ni Sir, kaya ganito kami kapursigido.

Sa huli, kami din ang nagchampion. Hiyawan at sigawan ang nangyare dahil sa pagkapanalo namin. Lahat kami ng section Z ay nagkagulo sa buong gym.

Pati si Sir ay napapunta sa loob ng gym at gumiling ng gumiling habang iwinawasiwas ang dalawang kamay sa ere. Tumigil lang siya nang lapitan siya ni Ma'am Lina.

"Yieee," pang-aasar namin nang sabay silang naglakad paalis.

Nilingon pa kami ni Sir at pinandilatan pero ngumiti din naman at nag thumbs up. Nagtawanan na lang kami dahil sa ginawa niya.

"Baka sila pa ang magkatuluyan ni Sir," natatawang ani ni Hale habang naka-akbay kay Adam.

"Sus, sa torpe ba namam ni Sir eh," umingos si Gavin at matalim ang tingin kina Hale at Adam.

Oh, I smell something fishy, Hahahahahahak.

"Easy, eh di tulungan natin, ano pa at naging estidyante tayo ni Feñoso?" tumawa si Dino saka tinapik ang likod ko.

"Gago,"

---

"Hen, nakita mo ba si Jenny?" napalingom ako kay Eyan nang bigla siyang lumapit sa pwesto ko.

Si Jenny? Hindi ko pa nga nakikita yun eh!

Umiling ako sa kaniya. "Hindi. Bakit? Nawawala ba si Jenny?"

Nalukot ang mukha niya saka umiling.
"Kanina pa namin hinahanap ang babaeng yun, pati si Vincent wala rin dito."

Tumawa ako. "Baka naman nagtanan?"

"Ano ba yang isip mo, may ubo?" umismir siya sa akin at saka ako inirapan. Tumawa ako ng malakas sa kaniya.

"May sipon lang," pilosopo kong sabi kaya bigla niya akong sinapak.

Sasanihin ko, masasakit silang manapak lalo na itong si Eyan, pero ewan ko ba, sanay na siguro ang mukha ko sa mga kamay nila.

Pagkaalis ni Eyan sa harap ko, pinagpatuloy ko na lang pag-idlip ko. Mamaya pa naman ang laban sa basketball. Medyo napagod ako sa paglalaro kanina.

---

"Henry?" naalimpungatan ako sa biglaang pag-tapik sa akin.

Muntik pa akong mahulog sa upuan.

"Ano?!" asik ko at saka magmulat.

Pero bigla rin akong ngumiti nang makita si Liennie. Siya ang anak ng matalik na kaibigan ni mama, kaya medyo malapit rin kami sa isa't isa, saka isa pa kapatid na ang turing ko sa kaniya.

"Kanina ka pa tulog, lahat ng kaklase mo nasa gymnasium na," mahinhin niya sabi.

Mahinhin talaga itong si Liennie, kaya maraming lalaki ang nagkakagusto dyan saka isa, maganda rin siya. Kumbaga siya ang Maria Clara ng modernong panahon.

Pero....

"Pvtang ina!" bigla kong sabi nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. Tumayo ako at tinignan ang buong room, pero wala na ngang tao at tanging mga bag lang nila ang naiwan sa loob.

"Wag ka ngang magmura," mahina niyang hinampas ang braso ko kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" kumunot ang noo ko sa kaniya. Pero nakuha niya pa akong ngitian ng maganda.  Anak ng?!

"Sabi ni Iguel sa akin, nananaginip ka daw ng masama kapag natutulog kaya ako ang pinagbantay nila sa'yo kasi baka daw kapag nanaginip ka at walang nagbabantay ay ikamatay mo. Gusto ka man nilang wag iwanan, hindi naman pwede dahil kailangan nilang suportahan ang kaklase mo kaya pumayag ako dahil bukod sa kaibigan naman kita ay naiintidihan ko din sila," mahaba niyang ani, mahinhin pero madaldal.

"Tangina talaga," bulalas ko at saka kinuha ang cellphone sa bag.

Ang tanga ng dahilan nila kay Liennie, at naniwala naman ang uto-uto na'to? Grabe!

"Masama ang magmura alam mo ba 'yon?" tanong niya.

Hinarap ko ulit si Liennie at saka ginulo ang buhok niya. "Nakakaputangina ang ugali nila 'no?"

Sumimangot siya sa sinabi ko. Umiling na lang ako sa harap niya saka siya hinila papunta sa gymnasium kung saan nandoon at nagkakagulo ang mga taksil kong kaklase.

Pagkarating namin sa gymnasium, agad kong nakita ang mg traydor kong mga kaibigan. Nagtatawanan habang sumisigaw, tangina lang.

Si Liennie naman ay humiwalay na sa akin at pumunta na sa mga kaibigan niyang babae. Dumiretso ako sa tumpukan ng mga gago at binatukan si Iguel na naibuga ang iniinom na mineral water.

"Pucha!!" asik niya pero agad ding ngumiti nang makita ako.

Nag-peace sign pa sa akin ang gago kaya umamba ako na sasapakin siya pero mabilis siyang tumakbo at nagtago sa likod ng isang babaeng na taga ibang section.

Walanghiya. Literal na walang hiya ang gago.

Nagtaka naman ang babae at parang nahiya pa dahil nakahawak sa balikat niya ang dalawang kamay ni Iguel habang natatago sa akin.

"A-Ahhh..." nakaawang lang ang bibig ng babae, hindi alam kong magsasalita o aalis.

Habang ang gagong Iguel naman ay nakasilip at tinitingnan kung malapit ba ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko at itinapat sa leeg bago sumenyas ng 'Patay-ka-sa-akin-mamaya!'.

"Henry?" nawala ang paningin ko kay Iguel at napalingon kay Dianne na nasa tabi.

"Bakit?" ismir ko.

"Nakita mo ba si Jenny at Vincent?" tanong niya. Kumunot ang noo ko saka sinuyod ang buong gymnasium, pero wala akong makita kahit pa ang dulong buhok lang ni Jenny.

"Hindi niyo pa rin nakikita sina Jenny hanggang ngayon?" tanong ko.

Umingos sa akin si Dianne.

"Tatanungin ba kita kung oo? Utak mo talaga, ipa-repair mo na nga yan!" inismiran niya ako at saka pairap na tinalikuran.

Naiwan akong nakatanga, iniisip kong bakit ang ha-harsh nilang magsalita sa tulad kong ang kasalanan lang ay naging gwapo.

Ang lahi namin ay makasalanan, sabi ni Papa.

---

"Baka nga nagtanan na talaga," tamad kong sabat sa mga praning na babaeng kanina pa hindi mapakali.

"Tanga ka ba?" asik ni Eyan at saka ako binato ng mineral water, buti na lang nailagan ko.

Wews...

"Hindi ma-contact ang number ni Jenny kahit si Vincent hindi din! Ano ba yan?!" stressed na hinawi ni Sofia ang buhok na nakatabing sa mukha at saka nangalumbaba.

"Ano kayang nangyare sa dalawang 'yon? Tawagan mo kaya si Tita Jenna at saka si Ate Vanice," suhestyon ni Klea habang nakasandal sa likod ni Dino.

"Baka naman umuwi na yung dalawa, hindi lang nakapag-paalam," sabat ni Gavin at saka nagkibit balikat.

"Bakit hindi man lang nagtext?" tanong ni Hale at umirap.

"Baka lowbat?" patanong na sagot ni Josrael habang naka-hubad ang pang itaas na damit. Ang lakas ng loog mag topless sa school, pag naman nakita ni Sir patay kang gago ka!

"Pwede naman magcharge diba!" sabat ni Nena.

"Baka brownout?" si Rence naman ang sumagot.

"Hayy. Ewan!" sigaw ni Sofia kaya nagulat kaming lahat.

"Kakagulat ka naman girl," sabi ni Paul na nagulat ata sa sigaw ni Sofia dahil umidlip pa ang gago.

Pinandilatan siya ng mata ni Sofia kaya nag-peace sign na lang siya.

"Malalaki naman na si Jenny at lalo naman si Vincent. Kaya na nila ang sarili nila." sabi ni Leo at nagsing-ayunan kaming mga poging kalalakihan sa kaniya.

"Umuwi na nga tayo, nauna pa adviser nating umuwi,"

Magtatayuan na sana kami pero biglang tumunog ang cellphone ni Zenon. Napatigil kaming lahat at tumingin sa kaniya.

"Hello!" HAHAHA. Galit ang pag-hello niya. Putangina.

"Ha? Hindi kita marinig, gago," sandali siyang tumahimik at saka tumingin sa amin. Kinindatan ko pa siya nang magtama ang tingin namin.

"Hintayin niyo kami dyan, pupunta kami dyan," saka niya binaba ang cellphone.

"Sino yun? Bebe gurl mo?" tumawa si Kian.

"Tanga. Si Vincent yun, tumawag dahil lasing na daw si Jenny,"

(End of Kaguluhan 29)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top