*Kaguluhan 28*


Vincent Basdien

"Tala?" hinuli ko ang kamay niya. Tumigil naman siya pero hindi niya ako hinarap. Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa braso niya.

"Anong kailangan mo, Vincent?"

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ko. Mula noong nangyare ang pambubugbog sa akin ay lagi na niya akong iniiwasan. Ngayon lang talaga ako nakahanap ng tyempo para harapin siya.

"Hindi naman kita ka-close para iwasan. Simula pa naman noon ay hindi na kita pinapansin hindi ba? Ano pang bago doon?" nilingon niya ako tinaasan ng kilay.

Nakailang beses akong lumunok bago binitawan ang braso niya. Napahakbang ng kaunti at saka napahawak sa sariling batok.

"Gusto...kita eh," mahinang sambit ko.
Pumikit siya at ilang beses na umiling.

"Hindi kita gusto Vincent. Parang awa mo na! Ilang beses ko ng sinabi na hindi kita gusto at hindi kita magusustuhan, kaya wag ako. Wag ako ang gustuhin mo. Marami pang iba dyan na kaya kang gustuhin ng buo," Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tiningnan ako ng sinsero.

"Dahil ba si Montenegro lang ang kaya mong gustuhin?" mapait akong ngumiti nang bahagya siyang nagulat. Di kalaunan ay tumango-tango rin siya.

Putangina! Ang sakit!

"Wow. Hahaha," tumawa ako pero pakiramdam ko ilang libong karayom ang nakabara sa puso ko.

Grabe, ang bata ko pa para makaramdam ng ganitong heartbreak.

"I'm  sorry—"

"—pero si Jenny ang gusto niya," pinutol ko ang sasabihin niya. Napatigil siya at ilang segundong naka-awang ang labi.

"A-ano?"

"Si Jenny ang gusto ni Montenegro. Gusto rin naman siya Jenny kaya hindi ako magtataka kung sa isang araw ay sila na. Pano ka? Kawawa ka naman," kumunot ang noo niya sa huli kong sinabi.

"Sinungaling ka. Alam mo ba na ayaw ni Ian sa mga babaeng walang laman ang utak?" tumigil ako at tinitigan ang mukha niya.

"Hindi ako nagsisinungaling. Baka si Montengro ang nagsisinungaling dahil nagkagusto siya kay Jenny," ngumisi ako pagkatapos.

"Hahaha. Akala mo ba maloloko mo ako? Alam kong sinasabi mo lang yan para siraan sa akin si Ian. At talagang assumera din yang si Jenny na yan para magustuhan siya ni Ian," tumawa siya ng mapang-asar.

"Totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala eh di wag." nilagay ko na lang dalawang kamay ko sa balikat niya.
"Akala mo ba, hahayaan na lang kitang magkagusto sa Montenegrong 'yon?" ngumisi ako at saka siya hinalikan ng mabilis sa pisnge.

Nagulat siya at ilang beses na kumurap. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang at saka siya pinanuod na mataranta.

"Aalis na ako," bahagya akong tumawa bago tumalikod sa kaniya.

---

"Saan ka ba nanggaling, Basdien?" nagulat ako sa biglaang pambabatok ni Nena sa akin pagkapasok ko pa lang sa classroom.

"Anak ng?! Kailangan mamatok kapag nagtatanong?" asik ko pabalik sa kaniya habang hawak-hawak ang batok. Pero inirapan lang niya ako.

"Kanina pa kita hinahanap, dahil sasabay ako pag-uwi," angil niya at pinalo ang braso ko.

Umingos ako sa kaniya at ngumiwi. "Ayuko nga. Nambabatok ka eh!" saka ako tumawa ng malakas.

"Tanga!"

Magkasabay kaming naglakad ni Nena palabas sa school. Nagkaniya-kaniya na kaming uwian dahil hindi naman iisa ang bahay namin. Nauna lang silang umuwi dahil kinausap ko pa ang Tala ko.

Dumeritso muna kami sa kanto kung saan maraming street foods. Sakto at kakabigay lang ng allowance sa akin ni Ate.
"Anong gusto mo?" nakangisi kong tanong kay Nena habang kumukuha ng isaw.

"Wow? Ililibre mo ako?" hindi siya makapaniwala.

"Ikukuha lang naman kita," saka ako tumawa ng malakas kaya sinapak niya ako. Sumimangot lang ako sa kaniya habang ngumunguya ng isaw.

"Bwesit ka!" inirapan niya ako pagkatapos.

Mabilis kong nilunok ang nginunguya kong isaw bago sa kaniya humarap.

"Isaw ka ba?!" tinuro ko ang hawak-hawak niyang isaw at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Dali na?" reklamo ko dahil mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

"Bakit?" hindi siya mukhang pilit. Tsk.

Pero tinuloy ko na lang, nasimulan ko na e.

"Kasi ikaw ang suka sa buhay ko," tapos ay ngumiti ako sa kaniya ng pamatay. Iyong tipong maging ang lalaki ay mahuhumaling sa kagwapuhan ko. Ganun akong ngumiti, kaso ayaw ko nga lang ipakita kay Tala, baka kasi gustuhin niya na ako at hindi pakawalan.

Kumunot ang noo niya at tiningnan ako na naguguluhan.
"Nasan yung isaw dun?" tanong niya habang nakataas ang kanang kilay.

Tinuro ko ulit ang hawak-hawak niyang kalahating isaw. "Ayan! Hawak mo," pagkatapos ay tumawa ako ng malakas.

"Korni mo. Kaya hindi ka nagugustuhan ni Tala e," saka niya ako tinalikuran. Tumigil ako sa pagtawa at tiningnan siya ng seryoso.

"Magugustuhan din ako, nun," kompyansa kong sabi sa sarili. "Not now, but soon," dugtong ko pa.

---

Maaga akong nagising, dahil mga 6am pa lang gising na ako. Hikhok.
Nanuod na lang ako sa YouTube habang hinihintay na magising si ate dahil ayukong magluto. Saka maaga pa naman para pumasok, intrams naman kasi.

Fastforward....lol

"Dianne?!" sumigaw ako para tawagin ang atensyon ni Dianne na naglalakad papasok sa gate ng school.

"Ano?" tanong niya pagkalapit ko. Umiling lang ako at nagkibit balikat. Gusto ko lang naman sumabay.

"Nga pala, nakasabay ko kanina si Tala papasok dito, may dalang pangregalo, alam mo ba kung para kanino yun?" tanong niya ulit.

Napakamot ako ng ulo at napangiti kay Dianne. "Birthday ni Montenegro ngayon,"

Hindi na ako nagulat nang isabit ni Dianne ang kamay niya sa braso ko. Lahat naman sila ay gawain yan, nasanay na nga lang kami.

"Si Jenny kaya may regalo?" wala sa sarili niyang tanong.

Tumawa ako. "Panigurado wala, ulyanin yun e,"

"Hindi rin. Si Ian yun e. Lahat alam niya tungkol dun," umiling-iling si Dainne at saktong paakyat na kami.

"Swerte ng Montenegrong 'yun," sambit ko habang nakapamulsa.

"Sus, magbibirthday ka din naman pero wag kang mag-alala, reregaluhan naman kita ng boxer na may design na spongebob," tumawa si Dianne at mukhang in-imagine pa ako na suot-suot ang boxer na yun.

"eww. Ang manyak mo,"

---

Pagkarating namin sa room, halos wala pang nakakarating. Tinanong ko rin siya kung bakit hindi niya kasabay si Leo, sabi naman niya tulog pa daw. Ang hayop.

Hanggang sa isa-isa ng nagsidatingan ang mga gago kong kaklase.
"May dalang magandang paper bag si Jenny," anunsiyo ni Iguel at saktong pumasok sa loob si Jenny.

Sina Hale, Eyan, Sofia, Klea, Jia, Nena, Vicca, at Dianne ay agad na lumapit kay Jenny. Habang kami namang mga lalaki ay hindi na lumapit.

Pakialam ba namin. Sus.

"Ano yan?"  narinig kong tanong ni Eyan.

"Paper bag. Bulag ka ba?" sagot ni Jenny kaya nagtawanan silang mga babae.

"Buragets ka talaga,"

"Regalo syempre," biglang bawi ni Jenny at saka tinago ang paper bag.

Sakto namang dumating na si Sir at pinapunta na kami sa gym para sa flag ceremony. Nauna silang nagsi-alisan at si Jenny ang nakasabay ko dahil nahuli din siya.

Bitbit niya rin ang regalo at mukhang ngayon niya balak ibigay. Katulad ni Dianne ay nakahawak din siya sa braso ko habang pababa sa hagdanan.

Noong nasa 2nd floor na kami, bigla niyang ako hinila patago sa gilid. Napamura pa ako dahil sa gulat.

"Tangina Jenny," malakas kong sabi pero sinapak niya ang bibig ko. Anak ng? Pvta.

"Si Ian at si Tala," may halong lungkot ang boses niya kaya wala sa sarili akong napasilip sa dulo ng hallway.

Doon ko nakita si Ian at Tala na magkaharap sa isa't isa. Nasa likod ang regalong dala ni Tala habang nakakunot noo lang si Montenegro.

Maya-maya lang ay sumilip rin si Jenny. Dibale nasa baba ko siya para makita rin niya.

"Ano kayang laman nun?" tanong ni Jenny.

"Malay ko. Ako ba binilhan nun?" sarkastiko kong sagot habang nakatingin kay Tala na nakangiti.

Ipinakita niya na ang regalo kay Montenegro at tinaasan lang siya ng kilay nito. Anak ng?! Choosy pa 'tong lalaking 'to!

Pero mabuti na lang tinanggap niya ang regalo. Kung hindi, susugurin ko siya.

Aalis na sana si Montenegro pero bigla siyang hinawakan ni Tala sa braso at saktong nahila ko si Jenny palabas sa tinataguan naming dingding.

Nagulat ako, si Jenny at si Ian sa biglaang paghalik ni Tala sa labi niya. Hindi ako kumurap at nanatiling nakatingin sa kanila habang si Jenny naman ay nabitawan ang dalang regalo.

Nang makabawi si Montenegro sa gulat bigla niyang itinulak palayo si Tala sa kaniya at saka siya lumingon sa amin.

Pero paglingon ko kay Jenny, umiiyak na siya.

"T-tara na," hinawakan niya ang braso ko at hinila paalis.

(End of Kaguluhan 28)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top