*Kaguluhan 26*
Paul Pelaez
"Mamaya championship na, kailangan niyong galingan para ilibre ko kayong lahat, ah!" sabi ni Sir na nakaupo sa table niya habang kumakain.
Samantalang kami nina Adam, Kian, Josrael, Gavin, at Chris ay nakahiga habang ang iba naman ay nasa labas at buminili ng mga makakain at yung iba naman ay nakaupo lang dahil ayaw nilang humiga.
Ang aarte lang kamo.
"Pano kapag hindi kami nagchampion Sir, tapos ay 1st place lang kami?" tanong ni Dino na nakaupo sa isang arm chair na malapit sa pintuan.
"Eh di wala. Sabi ko kapag nagchampion lang," kibit balikat na sagot ni Sir kaya kaniya-kaniya kaming reklamo.
"Pag kami naman ang nagchampion Sir pwede bang kami ang pipili ng ililibre niyo?" tanong ulit ni Dino at sandaling nag-isip si Sir.
"Sige lang basta kaya ng bulsa ko," sagot niya.
"Yun oh! Walang yang bawian Sir,"
---
"San ka, pre?" napatigil ako at nilingon si Leo.
"Cr pre,"
"Pasama,"
"Ta!"
Sabay kaming naglakad papunta sa banyo. Nakasalubong pa namin si Ian na mukhang pinupormhan si Jenny. Mukha lang naman, HAHAHA.
"Trip ata nun si Jenny e?!" lukot ang mukha ni Leo sa sinabi niya.
"Ano naman? Eh trip din naman siya ni Jenny HAHAHA!"
"Hay! Alam mo may nalaman kami ni Dianne tungkol kay Josh,"
"Imbestigador na pala kayo ngayon?"
"Ulol!"
At saktong nakapasok na kami sa banyo.
Dumeritso agad ako sa isang cubicle para umihi. Pagkalabas ko saktong kakalabas lang din ni Leo.
"Ano ngang nalaman mo kay Josh?" pagbabalik ko sa usapan.
"Wag nang tangina ka!"
"Uy, highblood na agad ikaw bebe? Bad sa health yan," nagpa-cute ako sa harap niya.
Hawak-hawak ko ang dalawa kong pisnge habang nakasimangot. Lalong nalukot ang ekspresyon ni Leo at tinulak ang mukha kong malapit sa kaniya. Tumawa ako ng malakas sa ginawa niya.
"Kinilabutan ako, gago. Hindi naman bagay, pucha!" reklamo niya.
"HAHAHAHA!"
Nakalabas na kami sa banyo at pabalik na kami sa room nang makasabay namin si Zenon na nakatulalang naglalakad.
Hindi man lang niya kami napansin.
Nagkatinginan kami ni Leo at saka nanliit ang mga mata sa isa't isa.
Nauuna siya sa paglalakad habang kami namang dalawa ni Leo ay dahan dahan lang sa paghakbang habang nakangisi.
Taena, hindi man lang kami napansin kanina!
"ANG ITLOG!!!" malakas naming sigaw ni Leo bago hawakan ang *maselang bahagi* ni Zenon mula sa likod.
"PUTANGINA!!" sigaw niya rin at muntik pa kaming masipa patalikod.
Hindi na ako makahinga sa pagtawa, hinampas ko na ang pader habang tawa ng tawa. Habang si Leo naman ay nakaluhod habang tumatawa ng malakas.
Ang epic ng reaksyon ng gago. Taena! Pvta!
"Tangina niyo," mura siya ng mura saka kami pinagsa-sapak dalawa ni Leo pero hindi talaga kami matigil sa pagtawa.
Hindi ko makalimutan ang reaksyon niya, pucha!
Hanggang sa nakarating na kami sa room.
---
"Ano?!" sigaw ni Elise habang hawak-hawak ang isang bote ng tubig.
Kasalukuyan naming pinapanuod ang volleyball nina Kian at mukhang mananalo pa nga sila. Kapag nanalo sila ngayon sa laban, pasok na sila sa chamionship bukas.
Bwahahaha!
Pero bigla na lang may bumulong kay Elise na isang babae. Nanlaki ang mata ni Elise kaya alam kong kaguluhan ang sinabi sa kaniya.
Imposible namang section Z yun, nandito kaming lahat e!
Nagkibit balikat na lang ako. Paki ko naman dyan.
Ang mga SSG at president ng bawat section kasi ang nakatalaga ngayon bilang tagabantay sa lahat ng mangyayare, tulad ng away.
Hay!
Kawawang Elise.
"Hey, May nag-aaway daw sa library," napalingon ulit ako kay Elise dahil bigla siyang nilapitan ni Gio, ang SSG president ng school.
"Oo nga. Tara,"
"Let's go," saka sila umalis sa tabi ko. Napangiwi na lang ako bago ulit nanuod sa labanan.
"Spike, pre!" sigaw ko kay Kian na pawisan na.
"Patamaan mo sa mukha, mukha namang paa eh" nagtawanan kami sa sinigaw ni Adam.
"Shhh... Iwas gulo mga serr." saway ni Nena na pinaghahampas sa braso sina Adam at iba pa.
"Joke lang naman,"
"Mukha mo, joke,"
"Hahaha,"
Set 3 na at dito na malalaman kung sino ang mananalo. Lamang na ang kalaban ng limang puntos dahil ang lalamya ng kumilos ng mga hinayupak. Wala ata silang balak magpalibre kay Sir?
"Hoy mga tukmol! Galingan niyo naman," sigaw ni Jenny habang tinataas ang banner na may nakalagay na 'Go! Tukmolers!!!♥'.
"Mg gago, sayang ang libre ni Sir!" aigaw rin ni Dino habang may tangan na lollipop sa bibig.
Nakarinig pa ako ng iba't-ibang reklamo mula sa mga kaklase ko, kesyo bakit daw sila nagpapatalo? Galingan nila at marami pang iba.
Ilang minuto lang din ang nakalipas, biglang may kumalabit sa braso ko. Paglingon ko, nakita ko ang isang babaeng may makapal na salamin.
"Bakit?" tanong ko ng walang ekspresyon ang mukha.
Mukhang kinakabahan ang babaeng 'to? Wala man lang siyang ka-fashion-fashion sa sarili.
"Sabi ni Elise, tawagin ko daw ang isa sa mga kaklase niya,"
"Eh pano mo nalaman na kaklase ako ni Elise,"
"Kasi...ano—nakita ko na kasama ka nila noong pinatawag ang buong section Z sa principal's office,"
"Ah ganun ba? E bakit ako ang tinatawag mo? Pwede namang sina Josrael na lang," itinuro ko gamit ng bibig ko ang katabi kong si Jos.
"Kasi nakakahiya e,"
"E di hindi ka nahihiya sa akin?"
"Medyo,"
Pinigiln ko ang pagngiti ko at pinanatiling walang emosyon ang mukha.
"Bakit daw ako pinapatawag ni Elise?" tanong ko na lamang.
"May ina-away pong outsider si Vicca Diaz sa library na lalaki ngayon, nakalmot niya nga po ang mukha nung lalaki,"
"Ano?!"
Hindi na ako nag-atubili pang magpaalam sa mga gago at nagmadali ng pumunta sa library. Nakita kong sumunod rin sa akin ang nerd na babae kaya hindi ko na lang siya pinansin.
Ilang minuto lang na paglalakad ay naka-abot din kami sa pintuan ng library. Pagkarating namin, nakaupo na si Vicca sa isang silya habang pinapaypayan siya ni Elise.
Sa kabilang dako naman, naroon ang isang lalaki na may isang guhit sa mukha, isang sugat.
Ayun ata ang nakalmot ni Vicca, hindi ko naman alam na may lahi palang pusa si Vicca?
"Paul? Halika!" tawag sa akin Elise kaya agad akong naglakad palapit sa kanila.
"Anong nangyare sa Diaz na yan?" tanong ko.
"Nang-away. Buti na nga lang at sa akin at kay Gio lang sinabi 'to kung hindi yare tayo," bumuntong hininga siya bago pinektusan si Vicca.
Hinarap ko si Vicca na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin doon sa lalaking hindi naman taga-dito.
"Baka ikamatay niya yang tingin mo,"
"Maganda nga yun e! Mga malalandi, ulol! Pakyu," at pinakita niya ang gitnang daliri niya.
"Ano bang problema mo sa lalaking yan?" tanong ko ulit.
"Syinota niya ang syota ko,"
"Ano?"
"Jinowa niya ang jowa ko,"
"Ha?"
"Minahal niya ang mahal ko,"
"Anak ng?!"
Ang sarap nga naman pektusan ng babaeng 'to.
"Bantayan mo muna si Vicca tas ikaw Denny, bantayan mo si Lance baka mamaya pag-alis namin ay magrambol ang dalawang yan. Hindi pwedeng makarating 'to sa mga teacher o kaya kay principal, hahanapin lang namin yung kasama niya dito, babalik din kami," sa haba ng sinabi ni Elise tanging pagtango lang ang nagawa ko.
"Sige po," sagot naman nung babaeng may makapal na salamin.
Denny daw ang pangalan.
Pagkaalis nina Elise at Gio bigla namang tumayo si Vicca. Akala ko, susugurin niya yung lalaki yun pala lumayo lang siya ng pag-upo.
Pero bago yun ay may sinabi pa siya doon sa lalaki.
"Hindi kita mapapatawad, malandi!"
(End of Kaguluhan 26)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top