*Kaguluhan 25*
Vicca Diaz
"Nasan siya?" napatigil ako sa tanong ni Zenon at saka umiling sa kaniya.
Alam ko na ang iniisip niya. Pero ayukong manakit sila. Ayuko ko ring saktan nila ang taong nanakit sa akin.
"Vicca, sabihin mo. Nasan siya?" pag-uulit niya kaya paulit-ulit akong umiling.
"Huwag na, Zenon. Wag na nating sirain ang araw na 'to." pakiusap ko sa kaniya habang humihikbi.
Noong sinabi sa akin ni Dianne na merong iba si Josh, hindi agad ako naniwala dahil hindi ganun ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya.
Pero nang ipakita niya ang video sa akin, doon ako nagkaroon ng pagdududa sa kaniya.
Kinausap ko siya kanina, at inamin niya. Inamin niyang dalawa kami ang mahal niya. Tang ina diba? Nakakatangina talaga!
"Sisirain ko ang mukha ng gagong yun," narinig kong sabi ni Leo saka sila lumabas ng classroom. Napatingin ako sa dalawa at parang ganun din ang gusto nilang mangyare, ang mabasag ang mukha niya.
"Shhh... Hindi bagay sa'yo ang umiyak. Nagtataasan ang balahibo ko," bulong ni Dianne kaya nagtawanan kami.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsidatingan na ang ibang kaklase namin. Si Hale na sumali sa larong badminton habang sina Jia at Klea naman ay kumuha lang saglit ng tubig.
Buti na lang at hindi nila napansin ang pamamaga ng mata ko. Kasi kung napansin nila, paniguradong makiki-isyuso sila.
"Halika ka na nga, kalimutan mo muna ang nangyare. Suportahan muna natin ang laro nina Kian sa Volleyball,"
---
"Go! Go! Patamaan mo sa mukha, Kian!!!" sigaw ni Nena sa tabihan ko.
Halos lahat sila ay sumisigaw at tanging ako lang ang tahimik na nanunuod. Sina Jenny, muntik pang sumugod sa kalaban nang natamaan ng malakas na bola ang tyan ni Henry.
"Durugin ang mga mukhang paa!" sigaw muli ni Nena. Halos manlisik na ang mga mata sa amin ng mga ka-klaseng babae ng kalaban nila.
Pero...wala akong paki. E di sumigaw rin sila. May bibig naman sila dyan.
"Shhh..." sita sa amin ni Sir na nasa scoring board.
Naging dikit ang laban pero nanalo pa rin kami. Naging magulo ang buong gym dahil sa sigawan namin nang mapalo ni Henry ang bola at walang nakasalo.
Para kaming nakalabas sa kulungan dahil sa gulo namin. Tumakbo pa sina Leo paalit kina-Kian para batukan ang mga ito. Habang si Sir naman ay ngitngiti-ngiti lang sa kabilang side.
Pagkatapos ng laro, pinag-break muna kaming lahat para sa lunch break. Sabay-sabay kaming lahat na bumalik sa room.
"May libre tayo mamaya, yuhooo!" hiyaw ni Dino na nangunguna sa paglalakad.
"Hindi ka naman naglaro," ismir ni Hale sa kaniya na siyang kasabay niya sa paglalakad.
"Ohhhh!" kantyaw ng mga tukmol sa nakangusong Dino.
Pagkarating namin sa room, nagkaniya-kaniya na kami ng ginawa. Yung iba, dumeritso sa canteen para syempre kumain.
Ilang minuto lang din ay naramdaman ko ang pagtabi ni Sofia sa pagkakaupo ko.
Hindi na lang ako nagsalita at pinikit ang mata.
Ayuko munang magsalita. Nakakapagod.
"Vicca?" pagtawag niya.
Anak ng?! Ang sabi ko ayaw kong magsalita. Bakit niya ako tinatawag? Huhuhu.
"Hmm?"
"Ayos ka lang ba?"
"Oo naman. Bakit naman hindi?" tanong ko at nanatiling hindi nakatingin sa kaniya.
"Alam ko naman. Wag kang magpanggap,"
"Ang alin ba?"
"Yung kay Josh,"
"Ahh! Wag mo ng isipin yun. Kaya ko naman,"
"Basta handa akong makinig, makinig nga lang,"
"Sige," at naramdaman kong umalis na siya. Huminga ako ng malalim para pigilan ang paghikbi.
Ang sabi ko kaya ko. Kaya dapat hindi ako iiyak. Pero sino nga bang heartbroken ang hindi umiyak? Manhid lang ang kayang gumawa nun.
"Vicca? May naghahanap sa'yo," sigaw ni Chris at agad akong napatunghay.
"Sino?" sigaw ko pabalik.
"Aba, malay ko!"
"Tanga!" sigaw ko na lang at saka padabog na tumayo. Natapakan ko pa ang kamay ni Jos nang daanan ko siya.
Siya kasi, paharang-harang sa daanan. Pwede namang sa gilid siya humiga diba?
"Pvta!" reklamo niya bago ulit pumikit.
Pagkarting ko sa pintuan, naabutan ko ang isang lalaki na iba ang school uniform. Sa palagay ko, outsider siya. Bobo mo Vicca!
"Bakit?" pagtawag ko sa atensiyon niya.
Pero napatigil ako nang makita ang mukha niya.
Ang—po....gi. Bakit ako hinahanap ng isang gwapong nilalang?!
Bumagay sa kaniya ang uniform niya dahil sa maputi niyang balat. At natural lang ang pagka-pink ng labi niya.
Over all, pwede na siyang maging oppa.
"I'm Lance," napatigil ako dahil sa pagngiti niya sa akin.
"Hi. Anong kailangan mo sa akin?" nagtataka kong sambit.
"I'm here to talk to you, Vicca," mahinahon niyang sabi sa akin pero ramdam kong kinakabahan siya.
Teka! Hindi kaya—aamin siya sa akin?
Luh?!
"Pano mo nalaman ang pangalan ko? Kasi hindi naman kita kilala eh," ngumiti ako ng awkward sa kaniya.
Tiningnan niya ang mga kaklase kong nakikinig sa usapan namin kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.
Napaka chismoso't chismosa talaga nila. Hay!
"Can we talk, privately?"
"Ah—"
"Anong privately? May balak kang masama kay Vicca 'no? Hindi porket brokenhearted yan eh, aalukin mo na ng kaligayahan?" sumingit bigla sa akin si Rence. Anak ng?! Anong tingin niya sa akin?!
Hunghang talaga!
"Hoy! Tanga ka ba?! Anong tingin mo sa akin, madaling makuha?!" sigaw ko sa kaniya at saka siya sinapak.
"Sumigaw ka lang kapag may ginawa siyang masama sa'yo." inangasan pa niya si Lance bago pumasok sa loob ng classroom.
Tumawa ako bahagya bago hinarap si Lance na mukhang pinagpawisan dahil sa katangahan ni Rence.
"Pasensiya ka na, sige saan ba tayo mag-uuusap?" nakangiti kong wika at agad niya akong iginiya papuntang library ng school.
Intrams ngayon dito sa school kaya walang masyadong tao sa library. Wala ring bantay ngayon dahil intrams nga.
Umupo kami sa dulong hallway at napaka-gentleman niya at paka-bango rin niya.
"Ano ba 'yun?" untag ko agad dahil ilang minuto pa kaming natahimik.
"Don't get mad at me." naiilang niyang panimula.
Kumunot ang noo ko bago sumagot. "No english, please," saka ako tumawa ng bahagya.
Nakitawa rin siya sa akin pero halata kong kinakabahan siya dahil sa ilang beses niyang paglunok.
"I'm Lance Cobero. Ako yung boyfriend ni..." tinaasan ko siya ng kilay dahil bigla siyang tumigil sa pagsasalita.
Nakakapagtaka naman, bakit kailangan niyang sabihin sa akin kung sino ang boyfri— wait! Boyfriend? Boyfriend daw?! Ibig sabihin...
bakla siya?!
Muntik na akong mahulog sa pagkaka-upo sa napagtanto.
Sa lahat ng babae, bakit laging bakla ang nakikilala ko? Bakit laging sa binabae ako nagkakagusto?
Pero hindi ko naman sinasabing may gusto ako sa kaniya.
Pero crush ko siya dahil pogi siya at saka panandalian kong nakalimutan ang katarantaduhan na ginawa ni Josh sa akin dahil sa kaniya.
Nang dahil sa presensiya niya, nawala sa puso ko ang sakit kahit na panandalian lang.
"Bakla ka?!" nanlalaki kong tanong sa kaniya. Nanlaki din ang mga mata niya at agad na umiling.
"Hindi. I'm not a gay. I'm Bisexual," agad na tanggi niya.
"Anong bisexual?" naka-kunot noo kong tanong.
"ahm...yun yung mga taong nagmamahal ng kapwa nila lalaki o kapwa nila babae pero ano...ahmm nagmamahal rin sila ng kasalungat nila."
"Ahh ang ibig mong sabihin, kahit kanino ka ma-inlove ay ayos lang kahit na sa lalaki o babae, ganun?" tanong ko at tumango siya.
"So, nainlove ka sa isang lalaki?" dugtong ko at tumango lang ulit siya.
"Eh, bakit mo sa akin sinasabi?" nagtataka kong tanong.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay na nakapatong sa mesa. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko magawang bawiin.
"Uy! Uy! Sapilitang tsansing 'to?!" natataranta kong sabi.
"P-patawad. I'm sorry Vicca. Hindi ko napigilan ang damdamin ko. I'm so stupid to fall inlove to the person who's already inlove. Dapat hindi ko siya minahal, sorry. I'm so, sorry Vicca!" sabi niya pa habang hawak-hawak pa rin ang dalawa kong kamay.
"Huh? T-teka nga! Hindi kita maintindihan!" marahas kong inagaw ang dalawa kong kamay dahil sa halos mabingi na ako sa kabog ng dibdib ko.
Anak ng?! Brokenhearted ako diba? Pero bakit parang ang landi naman ng heart ko? Dalat wala ito, eh!
Tangina, ganun ba kababaw ang nararamdaman ko kay Josh para makaramdam ako ng ganito sa isang estrangherong lalaki?
"Ako yung boyfriend ni Josh. I ruined your relationship but i'm willing to do everything just to earn your forgiveness, Vicca,"
"I-ikaw?"
(End of Kaguluhan 25)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top