*Kaguluhan 20*
Dino Damus
"Kamusta ka pare? Hindi ka pa naman siguro nakakakita ng liwanag 'no?" tanong ko kay Adam na may bendang nakatali sa buong ulo.
"Tangina mo, gago!" nagtawanan kaming walo sa loob.
Si Josrael, Leo, Gavin, Rence, Kian, Paul, Sean, at ako ay nauna ng dumalaw kay Adam. Dahil bumili pa ata ng madadalang prutas sina Jenny at Sofia kasama ang iba. Samantalag sina Yuan at si Eyan ay hindi makakapunta.
Saka kung sakaling magkasabay-sabay kami, e di naging suman kami dito sa loob?
Sa itsura ngayon ni Adam, mukhang isang linggo pa ang kailangan niya para gumaling ang mga sugat niya.
"Hina mo naman pre, nabugbog ka," iiling-iling na sambit ni Kian, na akala mo hindi nabugbog.
Umingos si Adam at saka binato ng ubas ang gago. Pvta, sayang yung prutas!
"Tangina mo rin! Pito yung mga umabang sa akin samantalang ako, gwapo lang," ismir nung gago.
"Ay! Pvta,"
"Isa kang tanga, Adam."
"Hunghang!"
"Gago!"
"Gwapo? San banda? Pwe!"
Kaniya-kaniyang reklamo namin sa sinabi niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang mahabang sofa habang katabi ko sina Paul, Sean, Leo at Rence. Samantalang sina Gavin at Kian naman ay nakasandal sa gilid namin. Habang si Josrael ay nakatayo lang.
"Bakit ka kaya inabangan ng mga yun?" tanong ni Paul pagkatapos ng ilang segundo.
"Baka naman, chicks ng isa sa mga iyon yung babaeng nagkakagusto sayo," kibit balikat na hula ni Sean.
Kumuha na lang ako na dalandan sa isang basket habang nakikinig sa usapan nila. Prutas! Prutas! Prutas!
"Baka nga. Kasi sabi nung isang estudyante na nakakita, laging kasama nung babae yung isa sa mga section M na yun," sabat ni Rence.
Naging seryoso na ang mga itsura ni Adam at Josrael. Mukhang may aabangan kami sa isang araw sa gate. Sabagay ilang araw na rin akong walang nasusuntok.
Maya-maya lang ay biglang tumawa ng malakas si Gavin. Nakaduro pa ang kamay niya sa mukha ni Adam na mukhang makakapatay na sa sama ng tingin.
"Tangina. Nabugbog ka dahil lang sa isang babaeng nagbigay sa'yo ng sulat. Porket first time mo." tawa ng tawa ang gago kaya hindi na ako nakatiis at sinungalngal ko ang ilang piraso ng dalandan sa bunganga niya.
"Ikaw!" dinuro ni Adam si Gavin na ngumunguya. "Pag ikaw nabugbog dahil sa babae, tatawanan kita sa mukha, gago ka!"
"Ulol! Wala naman akong babae," pinakita niya pa ang gitnang daliri niya kay Adam.
Ngumisi naman si Adam sa kaniya. "E sino yung kasama mong babae sa bahay nina Vincent?"
Biglang napatigil si Gavin kaya naghiyawan kaming walo. Pero bigla na lang bumukas ang pinto sa kwarto na kinaroroonan namin.
Sumilip doon ang isang nurse na babae. Ang sexy naman ng nurse na'to.
"Paki-maintain po ng katahimikan mga Sir," nakangiti niyang sabi bago tuluyang umalis.
"Wews, chicks yun ah," komento ko pagkatapos.
"Wow! Dino my man! May natipuhan ka rin sa wakas! Buong akala namin ay nalihis ka na ng landas." tinapik-tapik ni Sean ang balikat ko kaya agad kong siniko ang tagiliran niya.
"Hayop ka! Anong akala niyo sa akin bakla? Ulol! Sa gwapo kong 'to?" tinuro ko pa ang mukha ko habang nagsasalita.
"Akala nga namin naiinggit ka kay Josh e," pagkatapos ay tumawa silang lahat.
Tangina nila.
"Gago. Hindi ako bakla! Ipakita ko pa ang espada ko sa inyo e," umamba akong bubuksan ang zipper nang makatanggap ako ng sapak mula ka Jos.
"Mapa-bakla man o lalaki may espada. Wag kang tanga, Dino!" singhal niya sa akin. Nagtawanan sina Sean habang napasimangot naman ako.
Lagi na lang nila akong inaaway. Mga supot naman!
"Ouchy!" malanding sambit ni Rence habang nakahawak sa dibdib na akala mo ay nasasaktan. Tangina talaga.
---
"Aalis na kami, para naman lumuwag kayo dito," pagpapaalam ni Gavin kina Sofia na kadarating lang. May mga dala rin silang mga prutas, kaya nakahingi pa ako.
"Buti naman at naisip mo yun," ismir na sagot ni Hale habang inaayos ang unan ni Adam.
"Nyenyenye..." pagkatapos noon ay lumabas na kaming walo.
Habang naglalakad sa hallway, pinag-usapan na namin kung saan at kailan namin aabangan yung mga gagong section M.
"Wag sa gate, napaka-common naman nun," maktol ni Paul na nasa likuran kasama sina Rence at Kian.
"E saan?" tanong ko habang ngumunguya ng mansanas. Ang tamis naman ng nabili nina Sofia, makahingi nga ulit bukas.
"Ah. Alam ko na," tiningnan namin si Leo at hinintay ang sasabihin niya. "Wag na pala," biglaang bawi niya. Nakatanggap tuloy siya ng pambabatok ay pananapak mula sa amin. Gago kasi.
"Langya naman," kamot ulo niyang sambit.
"E kung sa room na lang nila?" bigla yung pumasok sa isip ko at bago ko pa mapag-isipan ay lumabas na sa bibig ko.
"Nasan ba utak mo, Dino? Nasa pagkain?" singhal sa akin ni Jos na kasabay ko sa paglalakad.
Pagkalabas namin sa ospital, dumiretso muna kami sa isang karenderya na malapit para maghapunan. Pasado alas 7:00 na rin kaya gutom na kami. Lalo na ako.
"Uwian ba natin aabangan ang mga 'yon?" tanong ko ulit habang naghihintay ng in-order. Bigla naman akong binatukan ni Leo.
"Gago ka ah!"
"Gago ka ah!" panggagaya niya. Pvta talaga.
"Siguro puro pagkain na lang ang laman ng utak mong yan?" tanong ni Rence habang hawak-hawak ang ulo ko.
Iniwas ko na lang ulo ko bago siya sinuntok sa braso. At tinawanan lang niya ako. Gago.
"Itong wallet ko ay parang bungo ni Dino," pagsabat ni Gavin habang nakalabas ang wallet niya.
Pagkatapos ay bigla niya itong binuklat at tumawa ako dahil walang lamang pera ang wallet niya. Ampoor naman niya! Hahaha.
"Wala namang laman yan e," tumatawang sabi ko.
Bigla siyang ngumisi sa akin. "Exactly, kasi katulad ng wallet ko wala ring laman yang bungo mo," at dahil doon ay bigla akong napatigil kasabay ng paghagalpak ng mga gago.
Bakit ba lagi na lang ako ang pinagtitripan ng mga 'to?!
Sa buong pagkain namin ay tahimik lang ako. Nanggigigil pa rin ako sa katarantaduhan nila. Lagi na lang ako. Nasasaktan din naman ako, dahil may puso rin naman ako.
Katulad kanina ay pinag-uusapan pa rin nila kung paano namin ma-aabangan yung mga section M.
Hanggang sa mapunta ang usapan sa babaeng section A na kasama ni Gavin noong isang araw. Halata sa mukha ng gagong Gavin na ayaw niyang pag-usapan kaya nakisali na rin ako.
"May something sa inyo nung babae na yun, ano ngang pangalan nun? Ah Alicia," sabat ko.
Tiningnan niya ako ng masama. Narinig ko lang kasi na tinawag yung babaeng yun sa pangalang Alicia kaya baka yun ang pangalan niya.
"Wow. Nakabingwit ka ng maganda na matalino pa, at mayaman pa," kantyaw ni Paul na may tangan-tangan ng lollipop.
"Baka maarte," tanging komento ni Gavin.
"Bakit ayaw mo ba sa kaniya Gavin?" tanong ni Sean kay Gavin. Biglang napatigil si Gavin at ilang segundong natahimik.
"Ayuko sa ma-aarte," yun lang ang nasabi niya.
"E di akin na lang. Hindi naman ako maselan e," natatawang sabi ni Sean pero sinamaan lang siya ng tingin ni Gavin.
"Hindi mo makakayanan ang kaartehan nun," ismir niya.
"Ayos lang. Matiyaga naman akong tao," pamimilit ni Sean.
"Hindi pwede,"
"Bakit?" Nagkatinginan kaming pito at napangisi.
"Nagbago na isip ko, gusto ko na ng maarte,"
---
Mga alas-otso na rin ako nakarating sa bahay at si Mama agad ang bumungad sa akin.
"Saan ka na naman galing, Damus?" nagmano ako kay Mama na bunganga agad ang sinalubong.
Damus ang tawag niya sa akin, dahil wala lang. Trip lang niya. Ewan ko ba kay Mama, ang daming alam sa buhay.
"Diba nagpaalam ako kagabi sa inyo na dadalawin namin si Adam sa ospital?" sabi ko habang tinatanggal ang sapatos.
Naramdaman kong tumabi siya sa pagkakaupo ko.
"Anong nangyare kay Adam, anak?" napaikot ang mata ko. Para namang hindi ko nasabi kagabi ang nangyare.
"Ma, diba sinabi ko na kagabi sa inyo," napakamot pa ako ng ulo.
"Ha? Parang hindi naman," nagtataka niyang sabi sa akin.
"Mama naman e," maktol ko.
"Parang hindi nga anak! Bakit nga kasi?" pagpipilit niya. Napabuntong hininga na lang ako at sinabi ang nangyare kay Adam.
Katulad ng reaksyon niya kagabi ay katulad rin ng ngayon.
"Hala, kawawa naman siya anak,"
(End of Kaguluhan 20)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top