*Kaguluhan 2*
Jennifer Santos
"Hoy! Umayos daw kayo ng pila sabi ni Ma'am Lina!" sita sa amin ng isang babae sa section L.
Kasalukuyan kasi kaming nagsisidatingan tapos itong mga tukmol kala mo nasa palengke.
Ang sasama na ng tingin sa amin ng ibang section. Puta! Dukutin ko yan e!
"Wala kang pake! Pila namin 'to. Pila niyo atupagin niyo!" walang galang na sagot ni Hale.
Boom bars!
"Pinapasaway lang kayo ni Ma'am sa akin. Palibahasa mga walang pinag-aralan," bubulong-bulong niyang sabi. Aba't bumulong pa?!
"Tanga ka ba ha? Malamang wala pa kaming pinag-aralan, e nag-aaral pa lang kami e!" tanga din kasing sumagot 'tong si Eyan e!
"Eyan, mas mabuting itlog na lang yung kausapin mo no? Waley kasi," komento ko. Sinakmal niya lang naman ang buhok ko pero hindi naman ganun kasakit. Muntik lang naman mabali ang leeg ko. Putek!
"Hoy mga babae! Kanina pa kayo tintingnan ng Principal. Tsk. Tsk," sumingit sa usapan si Sean, umiiling-iling pa ang tukmol.
Umayos na kaming mga babae sa pagpila pero hindi talaga maiwasan hindi magkwentuhan. Kaya kahit namamanata , nasisita kami. Tinatawanan kami ng mga lalaki akala mo naman ang babait!
-
Sa maghapong nagdaan, wala na naman akong natutunan. Salamat sa bunganga ng mga kaklase ko.
"Hoy, nagyaya si Zenon sa kanila!" ani ni Nena pagkahabol sa akin.
"Saan?" tanong ko.
"Sa kapitbahay nila. Tanda mo pa ba yung patay noon doon, isang taon na ngayon kaya may handa," putang ina! Walang hiya.
"Tangina, at niyaya talaga tayo ng tukmol na yun?" hindi ko alam kung anong ire-react ko.
"Saka may bago kasing patay sa barangay nila, magsusugal daw," wala sa sariling napasabunot ako ng ulo.
Hindi ko alam kung saan kami nakabili ng pampakapal ng mukha. Nakahilera kami dito sa gilid ng bahay habang may hawak-hawak ng mga plato.Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak habang kumakain ng sopas dito sa kapitbahay nina Zenon na death anniversary nung padre de pamilya.
"Libre meryenda tayo ngayon ah!" hinimas-himas ni Kian ang tyan niya. Sa last subject lang yan naka-abot ngayon.
"Mga tukmol kayo, napakawalang hiya," pabulong kong sabi kina Kian na siyang katabi ko.
Nilingon ako ni Kian at tinawanan.
"Echosera ka. Kumain ka din naman," mukhang bakla. Echosera-echosera, tukmol!
Maya-maya lang ay biglang lumabas ang dalagang anak nung kapitbahay ni Zenon at kinolekta na ang mga plato.
"Salamat," sabi ko pagkakuha ng plato.
"Salamat sa uulitin," nakuha pang kumindat ni Kian sa babae.
"Salamat baby," lahat kami ay napatingin sa sinabi ni Josrael sa babae. Ngumiti na lang yung babae na halatang nahihiya na.
Mga tukmol talaga!
"Salamat sa pagkain," nakangiting sabi ni Vicca.
"Thank you!" sambit ni Sofia.
"Salamat po!" yumuko si Dianne. Feeling korean ang tanga.
"Salamat sis!" sabi ni Eyan.
"Uy salamat sa sopas," sabi ni Hale.
"Salamat sa pagkain," sambit naman ni Klea.
"Salamat ha!" ma-attitude na sabi ni Elise. Siya na nga nakikain, ummattitude pa?
"Salamat." sabay na sabi ni Nena at Jia.
Sunod naman niyang kinuha ay yung mga plato ng mga tukmol, sadyang nahiwalay lang talaga ang dalawang lalaki na'to na nakitabi sa amin.
"Salamat, pero kulang ata sa gatas yung sopas," walang hiyang komento ni Iguel.
Putang ina ang kakapal talaga ng mukha!
"Salamat sa pagkain pero pansin ko nga kulang sa gatas. Next time dagdagan niyo," nakangiting sabi ni Gavin. Nang malampasan sila ng babae bigla silang humagalpak ng tawa.
Bakit ako yung nahihiya?! Tang ina.
"Salamat pasabi din sa Mama mo salamat," nakangiting sabi ni Chris.
"salamat pasabi din sa Papa mo salamat," seryosong sabi ni Yuan. Mga tukmol!
Hindi na nagreact ang babae at tumuloy na lang sa pangongolekta.
"Salamat sa pasopas!" masiglang sabi ni Leo.
"Salamat po. Nabusog po kami!" parang tangang tumingala si Vincent sa langit habang magkadaop ang kamay.
"Putang ina," sabay naming bulong ni Kian. Si Kian utas na kakatawa habang ako magkasalubong na ang kilay.
"Salamat sana maulit muli," parang tangang nakangiti si Dino sa babae. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ng babae dahil nakatalikod siya.
"Salamat po!" sabay na sabi nina Paul, Adam at Sean. Magkakapatong na kasi ang mga plato nila.
"Salamat." nakangiting sabi ni Rence pagka-abot ng plato.
"Salamat be," pakunwaring bakla na sabi ni Henry.
"Uy salamat Hanah ah," tinapik ni Zenon ang balikat nung babae at umalis na ito.
-
Buong akala ko uuwi na kami pero akala ko lang pala. Si Vicca at Elise hindi na sumama dahil tinawagan na sila ng Papa nila. Balak ko sanang umuwi na rin kaso kinaladkad ako ng mga tukmol.
Nandito kami ngayon sa isang burol kung saan sugal lang naman ang ipinunta ng mga ito. Walang nakakakilala sa amin dito pati kay Zenon ay wala rin.
Wala na rin kaming nagawang mga babae kundi ang panuorin silang magsugal.
"uy puta!" maktol ni Gavin nang matalo siya.
Napatingin ako sa kaniya nang magkaroon ng tensyon sa pagitan nila at noong lalaking mukhang estudyante din.
Lumapit ako sa pwesto niya saka siya hinila patayo. Buti naman at nagpadala siya sa akin at hindi na pumiglas pa.
"Wag kayong mauuna sa gulo ah," paalala ko. Sinulyapan niya ako saka ngumiti sa akin.
"Sige basta pautang ako sa'yo?" nanliit ang mata ko habang nakatangin sa kaniya. Napahawak pa siya sa batok niya habang hindi alam kung ngingiti ba o ngingiwi.
"Talo ka no?" tanong ko. Ipinakita niya sa akin ang wallet niya na may 20 pesos na lang.
Ay tanga!
"Ba't ka nagpatalo?" irita kong sabi habang kumukuha ng isang daang peso sa wallet.
Parang tanga niyang kinuha ang pera pagkalabas ko pa lang sa wallet.
"Salamat Jenny, babawiin ko lang ang talo ko," tumango na lang ako sa kaniya. Tiningnan ko ang ibang mga kaklase ko at nakita kong nakabantay naman sina Sofia sa kanila.
Kaming mga babae ang nagsisilbing paalala sa kanila sa tuwing pakiramdam namin malapit lang ang gulo.
Lumapit ako kina Nena at doon na lang nakipagkwentuhan. Wala pang ilang minuto ang nakalipas ay bigla na lang umalingawngaw ang isang pagbagsak.
Pare-parehas kaming napatayo at napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Hindi nga ako nagkamali at nangggaling iyon sa misa ng mga tukmol.
Kasalukuyan ng nagkakagulo sa pangunguna ng mga kaklase ko at ng grupo din ng mga estudyante na sa ibang paaralan pa ata nanggaling.
Nakataob na ang misa na kanina lang ay pinagdadausan pa ng kanilang laro pero ngayon ay iba na ang gusto nilang laruin.
Gusto man naming umawat na mga babae kaso pinagbalaan na kami ni Dino na huwag na lang makisali.
Makakatikim sila ng sapak sa'kin e!
"Hoy tumigil kayo!" sigaw nang isang babae na mukhang ka-schoolmates ata nung mga lalaking kaaway ng mga tukmol.
"Silvia wag kang makisali, tuturuan ko lang leksyon ang mga gagong 'to!" sigaw ng isang lalaki. Ramdam kong tumaas lalo ang tensyon dahil sa sinigaw ng lalaking iyon.
Ang pinaka-ayaw namin sa lahat ay yung tinatawag ng ibang tao ng ganun ang mga kaklase namin.
"tang ina mo!" malakas na sabi ni Leo bago sinuntok ang lalaki. Itutulak sana nung babae si Leo pero agad kong hinila ang kamay niya.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ako nagpatalo. "Away nila yun, bakit ka nakikisali?"
"Ikaw bakit ka namamakialam?" pabaling niyang sagot.
Aba sumasagot!
"Anong hanger?" sabi ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Anong hanger?" ulit niya.
"Anong buhangin?" sabi ko.
"Ano?" nauubusan na siya ng pasensiya. Mukhang pikon ang babaeng 'to, hindi pwede sa mundo ng mga philosoper.
"Uy pucha ka naman Jenny e! Wag ka ng makiaway, " sita sa akin ni Klea at saka ako hinila pabalik.
Tiningnan ko ang kasalukuyang nagkakagulo. Suntukan doon, suntukan dito, sipaan doon, sipaan dito. Hampasan doon, hampasaan dito.
"prrrt!!"
Dumating ang mga pulis!
(End of Kaguluhan 2)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top