*Kaguluhan 17*
Jia Lendell
"Saan ka lalaro, Jia?" napatingin ako kay Jenny na may hawak-hawak na papel at ballpen. Mukhang siya ang naglilista ng mga player.
Wala naman akong sports e. Wala akong gusto kundi ang mga player lang. "Wala. Ayukong maglaro sa intrams," sambit ko kaya tumango-tango na lang siya. Sunod niyang pinuntahan ay si Klea na katabi ko.
"Ikaw Klea anong laro ang lalaruin mo?" rinig kong tanong ni Jenny sa kaniya.
"Sa laro ng pag-ibig ako," muntangang sagot ni Klea. Mayroon ba nun? Kalandian ng isang 'to!
Tinaasan siya ng kilay ni Jenny at saka siya binatukan nito. Natawa ako sa naging reaksyon niya kasi akala mo napalo sa pwet ng nanay.
"Walang larong ganun sa intrams! Minsan nga ayusin niyo buhay niyo," padabog pa siyang naglakad paalis sa pwesto namin at at saka nilapitan ang grupo nina Eyan na nagdadaldalan.
Nagkatinginan kami ni Klea at sabay na nagkibit balikat. "Baka nabusted ni pareng Ian?" ngiwing komento niya at wala sa sariling napatango na lang ako.
"O kaya naman red days?" komento ko rin at tumango lang din siya.
---
"Isu-submit ko na ang listahang 'to, sino pang may sasalihan sa laro?" sigaw ni Elise habang nakataas ang papel na nilistahan ni Jenny kanina.
"May laro bang taguan dyan? Doon lang ako pwede, Elise," sagot ni Zenon habang ngumunguya ng tinapay na dala ni Vincent.
Sinamaan siya ng tingin ni Elise at lumipad na lang ang eraser na lumanding sa mukha niya. Mahirap talagang galitin si Elsie, buong akala ko pa naman maganda ang mood nito dahil nagka-text daw sila ng SSG president na bet na bet niya. Mukhang parehas sila ng karanasan ni Jenny.
Hay. Buti pa ako, less stress kapag walang bet na boys. Sila lang ang may bet sa akin e.
"E pabilisan ng pagkain Elise meron?" pagsabat ni Dino na hawak-hawak ang cellphone, mukhang naglalaro ang gago.
Siya naman ngayon ang sinamaan ng tingin ni Elise. "Gusto mo bang kumain ng chalk, Dino?!" nagtawanan kami sa sinabi ni Elise habang napasimangot naman si Dino at hindi na nagsalita pa.
"Meron ba diyang pahabaan ng..." hindi na natapos ni Paul ang sasabihin niya dahil nakatanggap na agad siya sapak mula kay Hale na malapit lang sa kaniya.
"Tangina! Ba't ka nambabatok?!" reklamo niya habang hinihimas ang batok. Sininghalan aiya ni Hale habang magkakrus ang braso sa dibdib. "Anong pahabaan?"
Tumaas ang kilay ni Paul at saka sumagot. "Pahabaan ng tulog ang tinutukoy ko! Ano bang nasa isip mo?" na-iirita nitong usal kaya bigla na lang natahimik si Hale. Bigla namang nagtawanan ang mga tukmol na nakikinig. Napahiga pa sa sahig si Iguel dahil sa kakatawa habang si Gavin naman ay hinahampas pa ang arm chair.
"Ano ba? Umayos kayo!" sigaw ni Elise. Walang nakinkg sa kaniya kaya lumabas na lang siya sa classroom.
---
"Narinig ko kanina ang chismisan ng mga teacher sa canteen," pagdadaldal ni Dianne habang kagat-kagat ang takip ng ballpen.
"Tungkol sa atin ba? Ano na namang ginawa nagin para pag-usapan nila?" ismir ni Sofia habang nakaupo sa upuan niya.
Wala ngayon ang mga gago sa room dahil kailangan nilang tumulong sa pag-ayos ng gymnasium para sa intrams. Pero pakiramdam ko wala silang maitutulong doon, baka makadagdag pa sa gawain.
"Oo. Ano pa nga ba?" bitter na sang-ayon ni Vicca.
"Narinig ko na sobrang baba ng grades natin at baka hindi tayo makasama sa completion dahil puro bagsak ang grades natin. Parang siguradong sigurado pa sila na hindi tayo makakapasa," usal ni Dianne.
Napaikot ang mata ni Eyan habang nakasandal sa balikat ni Nena.
Suminghal naman si Klea na siyang katabi ko. "Siguro, tuwang-tuwa ang mga iyon na hindi tayo makakasali sa completion next year?" nanlalaki pa ang butas sa ilong ni Jenny habang nagsasalita, imbis na tumango ay natawa ako. OA kasi.
"Ano ba kayo? E di dapat pataasin natin ang grade natin para makasama tayo sa conpletion at tawanan ang nga teacher na hinihila tayo pababa," pagsusuhestyon ni Vicca.
Natahimik kami ng ilang segundo hanggang sa magatanong si Elise. "Pano natin mapapataas ang grades natin?"
"E di mag-aral. Gawin lahat ng mga outputs na pinapagawa. Piliting makapasa sa quizes. Magsulat na tayo ng mga notse na pwedeng reviewer. Magbagong buhay na tayo." tumigil sa pagsasalita si Vicca at tiningnan kami isa-isa.
"Sabi sa akin ni Mama, hindi porket hindi mo ginagawa noon ay hindi mo kayang gawin ngayon. Sa pag-aaral hindi importante kung matalino ka, basta ang mahalaga nakakaunawa ka at responsable," dugtong niya. Nagpalakpakan kaming siyam na nakinig sa kaniya.
"Wow. Tatakbo ka bang SSG president sa taon Vicca?" tanong ni Hale habang pumapalakpak.
Bigla namang nangunot ang noo ni Vicca bago sumagot.
"Seryoso ako ah," irita niyang sambit. Natawa na lang si Hale bago pi-nat ang balikat ni Vicca.
"Hmmm.. Mukhang iba ang epekto ng pag-ibig sa'yo kaibigan, nagiging malawak na ang iyong pag-iisip," natawa kaming lahat habang napasimangot na lang si Vicca.
"So, kailangan nating mag-aral? Tayo lang ba o pati yung mga gago?" pagsabat ko sa kanila. Napatigil silang lahat at sabay-sabay na tumingin sa akin.
May mali ba sa tanong ko?
"Section Z tayo Jia, walang iwanan," sabay-sabay nilang sabi kaya napa-atras ako ng kaunti.
Parang nagtatanong lang e.
---
"Ano? Magbabasket ball kami mamayang uwian, diba Jos?" maktol agad ni Adam nang sabihin namin na mag-aaral kami ng sabay-sabay sa bahay nina Jenny.
"E di magbasket ball kayo, hindi naman ako namimilit," singhal ni Sofia habang nag-aayos ng bag niya.
"Hindi namimilit? E kinuha mo nga ang wallet ko, akin na nga yun?" sagot ni Adam habang sunod ng sunod kay Sofia.
Kanina kasi ay sinabi namin ang napag-usapan naming mga girls. Pero itong mga gago, ayaw pa. Kami na nga ang nagmamagandang loob sa kanila para sa kinabukasan nila tapos ang lalakas pang magreklamo!
"Mag-aaral nga kasi tayong lahat! Ayaw niyo bang maging senior?" iritang tanong ni Vicca na nasa unahan.
"Sino bang aayaw dyan? Kami pa ba? Pero pwede naman sigurong sa susunod na araw na lang tayo mag-aaral, baka mabigla ang utak namin," si Kian ang sumagot kay Vicca na hanggangg ngayon ay may band-aid pa rin ang mukha.
"Ayaw niyo mag-aral? E di bahala kayo, kami na ang nagmamagandang loob sa inyo, hindi na namin problema kung hindi kayo makasama sa completion next year," pagpaparinig ni Dianne at sinimulan na naming ayusin ang mga gamit namin.
Kanina, halos iilang teacher lang din ang sumipot dito sa room para maglecture. Nagulat pa nga sila dahil nagte-take down notes na kami. Pati ako ay nagulat sa sarili ko dahil for the first time, humaba ang sulat ko.
Alam niyo kasi, tamad akong magsulat pero kaya ko namang magsulat. Nakakapanibago pala, lalo na at ang sobrang daming slides ng powerpoint ng mga teacher. Sumakit nga ang kamay ko e.
Pagkatapos naming maayos ang mga gamit ay sunod-sunod na kaming lumabas ng room.
Tapos na rin kaming maglinis dahil kasali yun sa pagbabago namin.
"Oh akala ko magbabasketball kayo?!" napataas ang kanang kilay ni Sofia nang makita ang mga tukmol na nakasunod sa amin.
Napalingon tuloy kaming lahat sa mga gago na lahat ay nakasimangot. Ang kyut ng mga gago ah?
"Sasama na kami, mapilit kayo e!"
(End of Kaguluhan 17)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top