*Kaguluhan 16*
Elise Fernando
"Maglinis na kayo," utos ko sa limang tukmol na nakasalubong ko sa hagdanan. Napakamot pa sila ng ulo habang dahan-dahang bumalik paakyat. Napangisi ako habang nakasunod sa kanila.
Sabi nila, feeling president daw ako, e ako naman talaga ang president ng section Z. Mga utak talaga, ang sarap hugasan sa faucet.
"Nga pala Elise san ka galing?" nilingon ako ni Yuan habang naka sabit sa kaliwang balikat ang bag. Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot.
"May pinapasa lang sa akin si Sir, bakit?" tanong ko at nakasabay ko na sila sa paglalakad. Umiling lang siya habang naka-akbay kay Chris na inaayos na naman ang buhok.
"Balak niyo lang tumakas sa paglilinis!" bigla silang napalingon sa akin at saka umiling ng umiling.
"Hoy. Hindi ah! Bababa lang sana kami para ma- exersice ang tuhod namin," nakangusong bwelta ni Dino. Agad namang sumang-ayon sa kaniya ang apat. Napakagaling, magpalusot.
"Palusot.com ka e," inirapan ko siya at saka naunang naglakad pero agad ko rin silang binalaan.
"Subukan niyong tumakas!" sigaw ko.
---
"Sabay na tayo Elise," nilingon ko si Paul na nakasandal sa pintuan at parang inaantok. Tumango na lang ako dahil magkapitbahay lang naman kami. Mukhang wala silang usapan ng mga tukmol ah?
Pagkatapos kong ayusin ang mga panglinis ay naglakad na ako palapit sa gamit ko. Sinimulan ko ng ayusin ang mga notebook ko nang biglang may tumawag sa akin.
"Excuse po kay Elise Fernadez," nilingon ko yung lalaking estudyante. Nakasuot siya ng salamin at hanggang leeg ang pagkakabutones ng polo niya.
"Bakit boi?" tanong ni Paul na nakasandal pa rin. Napatingin yung lalaki sa kaniya at parang nabarahan ang lalamunan niya.
"Pinapatawag po kayo ng SSG president, may kailangan daw pong pagmeetingan," napansin kong napalunok pa siya habang nagsasalita. Tumango ako sa kaniya, pagkatapos ay sinabit ko na sa kaliwang balikat ko ang bag.
Nang malapit na ako sa pinto, biglang hinarangan ni Paul ang pintuan. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Sabay pa rin tayo diba?" tanong niya.
"Baka hapunin ako, maghihintay ka ba?" tanong ko pabalik. Hindi naman kasi ako sigurado kung hanggang anong oras ang meeting. Mukhang tungkol sa papalapit na intrams ang pagmemeetingan.
"Eh? Gusto ko ng makauwi e!" maktol niya. Binatukan ko siya at agad siyang ngumuso.
"E di umuwi ka! Bakit, nasa akin ba pamasahe mo?" naiinis kong sabi habang pinandidilatan siya ng mata. Ngumiti siya sa akin ng parang tanga habang nagkakamot ng ulo.
"Hehehe. Ang totoo wala akong pamasahe," nahihiya niya lang sabi. Muntil ko na siyang sapakin sa sinabi niya. Buong akala ko pa naman ay gusto niya akong makasabay sa pag-uwi.
"Alam mo, tangina ka," usal ko habang kinakapa ang sampung peso na nilagay ko sa bulsa ng palda ko kanina.
Nagliwanag ang mg mata niya ng makita ang sampung peso sa palad ko. Agad niyang kinuha iyo at saka ginulo ang buhok ko. Inis ko namang tinanggal ang kamay niya.
"Salamat, walang bayaran 'to!" sigaw niya mula sa malayo habang tumatakbo paalis. Napa-irap ako bago naglakad pasalungat sa dinaanan niya.
Kanina pa nakauwi ang section Z, lagi lang talaga akong nahuhuli dahil kailangan kong tingnan kung maayos na ba ang classroom. Kahit na last section kami, ayuko pa ring makarinig ng mga masasamang salita tungkol sa classroom namin kaya pinagsisikapan kong malinis ang room tuwing hapon.
Pero minsan, hindi talaga maiiwasang tamarin sa lagi mong ginagawa. Minsan tinatamad na akong sumigaw para lang kumilos ang mga tukmol. Nakakasawa rin pa lang mag-paulit ulit.
Pagkarating ko sa room ng SSG, naabutan ko ang malinis na silid. Kumunot ang noo ko habang tumitingin-tingin sa paligid at baka sakaling napagtripan nilang magmeeting sa labas. Pero wala akong nakita kahit isa.
"Hey..." bahagya akong napatalon nang may biglang magsalita sa likuran ko. Nakita ko si Gio, ang SSG president ng school na'to. Ackward akong ngumiti habang yung puso ko biglang kumabog ng malakas.
Shit! Ang bango niya! Ang gwapo niya! Parang gusto ko na lang yakapin siya magdamag.
Hmm...landi Elise!
"U-uy," nautal pa ako. Ganun ata talaga kapag kaharap mo ang gusto mong lalaki. Muntik pang malaglag ang panty ko ng ngumiti siya sa akin.
Tumaas ang ulo niya at tiningnan ang ilaw sa hallway bago siya tumingin sa akin.
"Tapos na ang meeting kanina pa," natatawa niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, pero kakatawag lang sa akin nung estudyanteng lalaki kanina ah?
"E, ngayon lang ako natawag?" kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-nguso. Naningkit ang mata niya dahil ngumiti na naman siya sa akin.
"Ah ganun ba? It's okay. It's fine. Pwede ko namang sabihin sa'yo lahat ng napagmeetingan namin." sabi niya. Tumitig lang ako sa mukha niya saka nagtanong.
"Kaso uwian na. Paano?" takhang tanong ko. Bigla na lang niyang nilabas ang cellphone at inabot sa akin. Naguguluhan kong kinuha ang cellphone niya saka tumingin sa kaniya.
"Let's talk through text," saad niya. Napakurap-kurap pa ako habang nakatingin sa kaniya. So, textmate na kami? OMG talaga ba?
Kinilig ako sa isiping magkakatext kami ng SSG president. Kahit na about sa school ang pag-uusapan namin, ayos lang. Atleast may number ako.
Nakangiti kong nilagay ang number ko at pagkakuha niya ay agad niyang tinawagan ang number ko. Nang mag-ring ang cellphone ko ay pinatay niya na at ngumiti sa akin.
"Sabay na tayo," aniya at saka kami nagsimulang maglakad. Muntik pa akong matapilok dahil sa kakatingin sa kaniya. Nakakahiya pero ayos lang atleast kasabay ko siya kahit hanggang gate lang.
---
Pagkarating ko sa bahay, agad kong inopen ang group chat naming mga girls. Yes, meron kaming sariling gc para lang sa babae. Meron kasi kaming mga pinag-uusapan na para sa amin lang. Boys are not allowed
here.
[Mga Naggagandahang Dyosa]
Elise: Nakasabay ko si Gio!!!
Jenny: ayos lang mangarap ng tulog wag lang ng gising.
Elise: Umayos kang gaga ka. Totoo, magtetextan nga kami ngayong dalawa e!
Vicca: SS mo para may proof.
Sofia: omg...baka naman hinarangan mo siya sa corridor para lang sa number niya?
Elise: ang tanga mo @Sofia!
Sofia: HAHAHA CHAROT LANG. OH CAPITAL PA YAN AH!
Klea: baka naman mahingi mo yung nber ng Vice President? Bwahahaha.
Elise: susubukan ko para sa lovelife mo. Lol.
Klea: iboto para sa senado, Elise Fernandez!
Dianne: panibagong stage ma ba dis?
Jia: wag muna kayo umasa. Baka ma-ghost ang pres. natin.
Hale: ayos lang ma-ghost atleast nakalandian. Bwahahaha.
Jia: ew. Puro ka landi @Hale
Hale: well. May bente nga pala akong kachat ngayon. Want some?
Nena: well may sampu nga pa lang nanliligaw sa akin, want some?
Eyan: higit trenta na nga pala ang natikman ko. Want some?
Dianne: yabang niyo. Gago.
Vicca: well, kuntento na ako sa gwapo kong bakla. Bala kayo dyan!
Jenny: sapat na sa akin si Ian. Bwahahaha.
Hale: bakit ikaw ba sapat sa kaniya?
Nagulat ako at napatigil sa pagbabasa nang may biglang lumabas sa notif ko. Isang message galing sa unknown number pero alam ko kung sino yun.
Hindi ko muna binuksan ang message niya dahil nilagyan ko muna ng pangalan ang contacts niya sa akin.
From: GioAngPresidenteNgPusoKo
-Hey. This is Gio.
(End of Kaguluhan 16)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top