*Kaguluhan 15*
Vicca Diaz
"Yung bebeloves mo Vicca nakita ko kanina sa gate, may kasamang lalaki," napantig ang tainga ko sa katangahang sinabi ni Dino na kumakain ng fudgee bar.
"Tigil-tigilan mo akong baboy ka!" iyamot kong sabi habang hinahanap ang cellphone sa bag.
Narinig kong nagreklamo si Dino dahil sa tinawag ko sa kaniya. Nagawa niya pang magsumbong kina Yuan. Mukhang tanga.
To: Josh♥
-sino ksama m sa pagpasok?
Ilang segundo lang ay nakapagreply na siya.
From: Josh♥
-classmate ko. Nakasabay ko e.
Kumunot ang noo ko bago tumipa.
To: Josh♥
-lalaking classmate?
From: Josh♥
-hehehe. I love you.
Mas lalong kumunot ang noo ko habang madiing nakahawak sa cellphone. Narinig ko pa na nagsalita si Sofia.
"Baka mabasag phone mo," sita niya bago tinuloy ang pagwawalis. Hindi ko siya pinansin at saka nagreply sa bakla.
To: Josh♥
-Tangina mo.
Saka ko in-off ang cellphone ko at umub-ob sa arm chair. Bwisit na bakla, balak pang manglalaki. Patay siya sa akin mamaya!
---
"Putek! Sinong kumuha ng cellphone ko?!" naalimpungatan ako sa sigaw ni Dianne. Tumunghay na lang ako saka tumingin sa mga kaklase kong nagkakagulo.
Mukhang wala atang dumating para magturo. Masyado ata silang galit sa amin.
"Zenon?! Nasayo no?" dinuro niya sa Zenon na nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang bag. Tsk. Mukhang tanga.
"Nakikita mo bang hawak ko?!" pabalang niyang sagot bago umirap. Natawa ako dahil nagmukha siyang bakla. Bigla akong napatigil...
Bakla? Bwisit na bakla. Tanginang bakla yun! Wag lang siyang magpapakita sa akin.
Hindi ko na lang pinansin si Dianne na mukhang mag-aamok na. Napagtripan ang cellphone niya ng mga tukmol. Panigurado, may porn na dun mamaya.
Bumalik ako sa pag-ub-ob at saka pinilit ulit matulog. Wala pa namang teacher e. Saka absent si Sir ngayon, naospital kasi ang mama niya. Baka mamaya pumunta kami dun. Baka lang.
"Vicca may naghahanap sa'yo!" rinig kong sigaw ni Chris sa may pintuan. Hindi ako tumunghay at nanatiling tikom ang bibig.
Imposible naman kasi akong puntahan ng baklang yun. Ayaw niya ng chismis kaya ginusto niyang itago ang relasyon namin. Kasi nga diba, bakla siya tapos pumatol ako na isang magandang dalaga. E bakit ba? Matalino at mabait siya, saka talented pa, bunos na lang yung kagwapuhan niya.
"Vicca?" si Sean naman ngayon ang tumawag sa pangalan ko pero hindi pa rin ako sumagot sa kanila. Hilig talaga nilang mang-trip, mga bwisit na tukmol.
"Josh, mukhang ayaw ka niyang maka-usap," napamulat ako bigla nang marinig ang sinabi ni Chris. Mabilis akong tumunghay at lumingon sa kanila.
Pero... wala naman. Pvta!
Bigla silang tumawa ng malakas. Pinalo-palo pa ni Sean ang pader habang halos hindi na makahinga sa pagtawa. Pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko. Sumama ang tingin ko sa kanila at saka humakbang palapit sa kanila.
Nang nasa harap na nila ako bigla silang napatigil pero maya-maya lang din ay tumawa na ulit sila. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko dahil sa inis at galit sa mga tukmol na 'to. Habang yung iba naman ay walang pakialam at may kaniya-kaniyang ginagawa.
Hindi ko napigilan at lumanding ang kamao ko sa tiyan ni Sean na tumatawa. Bigla siyang napa-ubo dahil malakas ang pagkakasuntok ko. Sunod ko namang pinagsusuntok ay si Chris. Todo ilag siya sa mga suntok ko habang tuloy-tuloy sa pag-ubo si Sean na nasa tabi na. Magka-tuberculosis sana ang tukmol na yan.
"Ops, masakit yan," agad niyang sabi nang makitang may hawak na akong dustpan. Umirap ako bago naglakad papunta sa kaniya, kaya mabilis siyang tumakbo habang sumisigaw ng tulong.
Hindi ko na siya hinabol at padabog na lang na bumalik sa upuan ko. Naabutan ko roon sina Jenny at Sofia na nagchi-chismisan.
Umupo na lang ako sa tabihan nila at nakinig sa usapan.
"Ako din. Pansin ko rin kahapon. Pero diba hindi naman niya type ang mga maarteng babae?" sabi ni Sofia at kumunot ang noo ko. Sino bang pinagchi-chismisan nila?
Umirap si Jenny bago nagsalita.
"Hindi naman natin alam kung kanino tayo magkakagusto. Kahit na meron tayong standard hindi pa rin natin napipigilan na ma-inlove sa taong ayaw natin," ay wow! Love expert na ang gaga.
"Ikaw umaasa ka kay Ian, e ang alam ko type niya ang mga desente at matatalinong babae," natawa ako sa sinabi ni Sofia.
Umingos naman si Jenny sa kaniya.
"Bakit hindi ba ako mukhang desente?! OA mo ah. Saka pakiramdam ko kasi siya na yung para sa akin," at ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis habang nakapikit.
"Mukha kang tanga Jenny," pagsabat ko at sinamaan lang niya ako ng tingin. Tumingin rin sa akin si Sofia bago nagtanong.
"Ikaw Vicca kamusta na lovelife mo?" ngumiwi ako bago umiling.
"Naging loveshit na," napatawa silang dalaw bago ngumuso. Kumunot ang noo ko dahil mukha silang pato. Hanggang sa ituro na ni Sofia ang bandang likuran ko. Nagtataka naman akong lumingon at nagulantang ako sa nakita ko.
Anong ginagawa ng baklang yan dito?!
Napatayo ako bigla, maging sina Jenny at Sofia rin. Bigla namang tumahimik ang buong room. Mga chismosa at chismoso talaga.
"Anong ginagawa mo dito?" kalmado kong tanong nang makalapit sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin bago hinawakan ang dalawa kong kamay.
Nagulat ako at napasinghap. Hindi ako naging handa sa ginawa niya.
Shit! Bakit kinikilig ako?! Kinikilig ako sa tingin niya. Pesteng bakla naman oh!
"Nagtampo ka e," mahinahon niyang bulong at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka himatayin ako nito? Grabe, talaga ang tama ko sa gwapong bakla na'to. Hays.
"H...Hindi naman...ah," iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa niya at halos manlambot ang tuhod ko dahil sa manly niyang boses. Oh shit!
Ang sarap niyang halikan. Bwisit.
"Talaga?... E minura mo nga ako sa text e," napakagat labi ako bago sinalubong ang mata niya. Nawalan na ata siya ng pakialam sa mga kaklase ko na nanunuod sa amin.
And speaking of kaklase...nakisabat na sila sa usapan namin.
"Josh, gelpren mo na ba si Vicca?" tanong ni Paul na nasa unahan. Mukhang kagagaling lang niya sa pagtulog.
Hinintay ko ang sagot ni Josh pero imbis na magsalita ay hinila lang niya ako palapit sa kaniya at saka inakbayan. Naghiyawan tuloy sina Sofia sa ginawa niya.
Samantalang ako ay halos atakihin sa puso. Rinig na rinig ko ang puso ko, sana ay hindi niya rinig.
Patay na patay, Vicca?
"We're in relationship and I know that you think I'm a gay but I don't care I'm just inlove with her," sabi ni Josh habang naka-akbay sa akin.
Nakatulala lang sina Paul hanggang sa biglang nagsalita si Kian na may nakalagay na band-aid ang mukha.
"English, pre. " pagkatapos ay tumawa siya. Lumuwag ng bahagya ang pagkaka-akbay niya bago nagsalita. Na ikinamatay ko...
"Mahal ko siya kahit na bakla ako,"
(End of Kaguluhan 15)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top