*Kaguluhan 14*

Vincent Basdien

"Hindi ba kayo napapakain sa mga bahay niyo?!" irita kong tanong sa mga kaklase kong patay gutom. Dapat ay hindi ko niyaya ang mga 'to sa bahay. Si ate kasi mapilit, miss niya na daw ang kakulitan ng mga gago. Miss? Miss? Mga mukhang pwet naman ang mga mukha.

Sarap na sarap sila sa gawang graham ni ate Vanice. Todo puri sila sa ate ko na feel na feel naman ang pagiging chef. E nurse naman siya.

"Wag kang KJ gago," natatawang sabi ni Leo habang kumukuha ulit sa tupperware ng graham.

Tiningnan ko siya ng masama at saka tinulak palayo. Napamura pa siya dahil natapon ang kaunting graham na nasandok niya. Sayang daw ang grasya, dapat hindi tinatapon. Mga gago.

"Wala pa yung iba, gahaman kang gago ka!" sabi ko. Tiningnan niya lang ako bago nagkibit balikat at tumalikod sa akin. Maya-maya lang ay lumapit sa akin si Eyan. Kaagad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Pang-ilan mo ng kuha 'to?" tanong ko kaagad bago pa siya makalapit sa lamesa. Kumunot ang noo niya bago tumawa.

"Tangina. Napakadamot mo. Nag-aya ka pa ha?" sabi niya habang natatawa. Umirap ako sa kaniya kaya lalo siyang natawa.

"Hindi ako ang nagyaya sa inyo. Si ate yun," irita kong sabi. Nakita kong napailing siya bago humakbang palapit sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Alam mo naman siguro yung naging issue sa atin no?" mahina niyang sabi. Malamang alam ko yun, kasali kaya ako sa group chat. Saka sa dami ba naman ng bibig ng tao dito ay hindi ko pa malalaman?

Pero ang tanga ko lang din kasi. Dapat naghintay na lang ako sa room para doon magtanong. Katangahan ko din kasi minsan, umaandar.

"Oo. Syempre nandun ako sa video e. Pero sabi ni ate okay na daw ang lahat," sabi ko at saka siya tumango-tango. Naglakad siya paatras at saka sumandal sa lamesa.

"Oo okay na. E ikaw? Yung sugat mo okay na?" tanong niya. Ako naman ngayon ang tumango sa kaniya. Hanggang sa lumapit  sina Vicca at Henry sa amin.

"Uy. Madala-dala naman kayo," komento ni Vicca habang ngumunguya. Talagang pinuntahan pa kami para mang-asar?

Ngumisi ako sa kaniya. "Ako si Vincent, may gusto kay Tala. Ikaw si Vicca, may gusto kay Josh. Ay! Sabi ko na barbie!" biglang nalukot ang mukha niya saka sinipa ang binti ko. Tumawa kaming tatlo habang siya naman ay nakasimangot na.

"Tangina mo! Buti nga nabugbog ka," galit niyang sabi habang masama ang tingin sa akin.

"Ano ka ba Vicca? Ayos lang namang magkagusto sa lalaking may pusong babae, atleast diba may saging," walang hiyang sabi ni Eyan at saka tumawa ng malakas.

Nakitawa rin si Henry at ako. Hindi  ko pa napigilang hindi mapawak sa tyan dahil sa pagtawa. Hanggang sa bigla na lang humapdi ang sugat sa pisnge ko. Mukhang nabanat ata dahil sa pagtawa. Napangiwi ako at hindi iyon nakaligtas sa tingin ni Vicca.

Siya naman ngayon ang ngumisi sa akin.
"Ano? Ang bilis ng karma no?" pang-aasar niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang hawak-hawak ang pisnge ko.

Bwisit.

---

"Parating daw si Gavin, may kasamang bwesita," sabi ni Jia habang nakatutok ang mata sa cellphone.

Kumunot ang noo ni Elise at Hale na siyang katabi ko sa sofa. Kakatapos lang ng mga gagong yan magmeryenda, at ngayon naman ay nanunuod kami ng pelikula ni FPJ. Yung 'Isang bala ka lang' ang pamagat.

Para kaming sardinas na siniksik sa lata. Mga bwisit ayaw pang magsi-uwi. Tapos si gagong Gavin magdadala pa ng kasama. Ako na lang kaya ang mag-adjust para sa kanila?

"Sino daw?" tanong ni Hale. Nagkibit balikat si Jia sa kaniya.

"Walang sinabing pangalan e," sagot nito. Napataas ang kilay ni Hale bago nanahimik at tinuon ang atensiyon sa palabas.

Nilingon ko ang mga gago na tutok na tutok sa palabas. Idol na idol nila si FPJ, parang namana na namin kay Sir ang pagka-idol namin sa kaniya. Number one fan ni FPJ si Sir. Lahat ng movie niya saulo ni Sir, di lang halata.

Naglatag pa ng makapal na kumot si ate para sa mga gago. Tuwang-tuwa naman sila at prente pang nakahiga.

"Conjuring ang sunod nating panuorin," pagsusuhestiyon ni Zenon habang nakadantay ang paa kay Iguel.

Nagsing-ayunan ang lahat kaya agad akong kumontra. Feel na feel sa bahay ko ah.
"Anong sunod? Wala ng susunod, dahil uuwi na kayo. Nakakaperwisyo kayo sa may bahay e," sabi ko. Binelatan lang ako ni Adam saka niyakap ng kunwari si Yuan na nanunuod.

"KJ kang ulol ka! Next week naman kina Sir tayo," pagsusuhestiyon ulit ni Zenon at nagsing-ayunan ulit sila.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na si Gavin. Pero nagulat kaming lahat nang makitang kasama niya yung babaeng natapunan ni Hale ng burger na section A.

Nasa tabihan niya lang yung babae habang isa-isa kaming tintingnan. Nakita kong tumaas pa ang kilay niya nang magtama ang tingin nila ni Hale. Paktay.

"Anong ginagawa dito ng section A na yan?" Mataray na tanong ni Elise na nasa kaliwa ko. Sinulyapan muna ni Gavin yung babae bago sumagot.

"Gusto niyang sumama e," kibit balikat niyang sabi. Saka siya humakbang palapit sa kumpulan ng mga gago at iniwan doon ang babae. Biglang tumaas ang kilay ng babae habang masama ang tingin kay Gavin.

"Uy! May bagong dating?! Halika! Halika ganda may tinira kaming graham sa'yo," biglang nagsalita si ate at hindi na kami nakapag-react nang hawakan niya sa braso yung babae at hinila papunta sa kusina.

Dinuro ko si Gavin at saka siya sinighalan.
"Sundan mo yung dalawa dun,"

"Bwisit talagang babae, napaka-arte," mahina niyang usal bago tumayo at sumunod sa dalawa. Natahimik kaming lahat pagkaalis niya at tanging tunog lang ng tv maririnig.

"Dapat sinama ko rin si Ian dito," pagbasag ni Jenny sa katahimikan. Biglang natawa sina Klea na siyang katabi niya.

"Parang ka-close na ka-close ah," pang-aasar ni Eyan kay Jenny. Inirapan lang siya Jenny at saka humalukipkip.

"Parang may something sa dalawang yun," nanghihinalang sambit ni Hale habang nakatingin sa daanan papuntang kusina. Biglang tumawa si Josrael habang nakaturo sa mukha ni Hale.

"Selos na selos," tawang sabi ng gago. Nalukot ang mukha ni Hale saka binato ng unan si Josrael na nakangisi.

"Wag kang tanga, Jos," umirap siya.
Natawa sina Elise sa ginawa ni Hale.

"Diba crush mo si Gavin?" hindi tumigil ang gago at tinuloy ang pang-aasar kay Hale. Hindi ko alam kung nanunuod pa ba sila?

"Gusto mong makatikim ng kamao, Josrael?!" nakagat-labi si Hale habang naka-amba ang kamao niya. Tinawanan lang siya ni Josrael.

"Hindi masarap ang kamao, si Gavin masarap," parang tangang dinilaan ni Josrael ang bibig niya. Ako na mismo ang bumato ng tsinelas ko sa mukha niya.

"Tangina mo, mukha kang tanga!" singhal ko. Binelatan niya ako bago binato  pabalik ang tsinelas sa akin.

---

"Ingat kayo! Balik kayo next time ah?" sigaw ni ate kina Hale at Elise na nauna ng umuwi. Imbis na sina Hale ang sumagot ay ang mga gago ang nagsalita.

"Paniguradong babalik kami dito. Sa sarap ba naman ng graham e?" pang-uuto ni Zenon habang naka-akbay kay Nena.

Malawak na ngumiti si ate. Nalukot ang mukha ko dahil napaka-uto uto niya.

Magaling mang-uto at madaling ma-uto. Napakagaleng!

"Una na ako mga kagago, ihahatid ko lang ang maarteng babae," pagsabat ni Gavin. Napalingon kaming natira sa kanila.

Tumingin si Alicia ganda kay Gavin at saka tumaas ang kilay.

"I heard it. Stop calling me, maarte! Dahil magkaiba ang maarte sa nagmama-arte," sabi nito. Tumawa lang si Gavin bago naunang umalis.

"Thank you for your graham. It's delicious," binalingan niya si ate at saka ngumiti ng matamis.

"Sumama ka ulit kay Gavin kapag pupunta siya dito ah?" pagpapaalala ni ate kay Alicia ganda. Tumango ito sa kaniya at saka sumunod kay Gavinm.

"Bagay sila no?"


(End of Kaguluhan 14)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top