*Kaguluhan 12*

Eyan Perez

"Pinapatawag po kayo ng Principal sa office, nandun na rin po ang magulang ni ate Eyan at Ate ni kuya Vincent," sabi nung estudyante na nag-excuse kanina. Napalunok ako at saka napahawak sa palda. Nasa likod lang nila ako habang sila ay nasa unahan.

Naramdaman kong nilingon ako ni Sir kaya napayuko ako. Hindi naman talaga kasi totoo yung sinasabi doon sa video. Kapag nalaman ko lang kung sinong may pasimuno nun, ibabalik ko siya sa perlas ng nanay niya.

Ilang minuto rin ang tinagal namin sa paglalakad bago nakarating sa office ng principal. Napalunok ulit ako at saka pinunasan ang pawis sa noo. Ano kayang reaksyon ni Mama? Bwesit talagang video yun pati yung estudyanteng nakasalubong ko! Mga sinungaling!

Binuksan na ni Sir ang pinto at saka pumasok sa loob. Nag-aalinlangan pa ako kung susunod ba ako o hindi kung hindi lang siguro ako nilingon ni Sir ay hindi pa ako hahakbang papasok.

Agad kong nakita si Mama na masamang tingin ang sinalubong sa akin. Habang si ate Vanice naman ay nginitian lang ako. Bahagyang gumaan ang kalooban ko sa ngiti niya. Ibig sabihin lang nun, hindi siya naniniwala sa sabi-sabi.

"Sit down, Miss Perez," kalmadong wika ng Principal. Marahan akong umupo habang nakatingin kay Mama.

"Huling tanong ko na sa'yo ito iha.. May nangyare ba sa loob ng banyong yun?" napalingon ako sa principal sa itinanong niya. Saka ko kinuyom ang kamay ko na nakapatong sa binti ko.

"Katulad po ng sinabi ko sa inyo kanina, wala po. Hindi ko po type si Vincent," sabi ko.

Tangina, malalagot sa'kin ang hinayupak na nag-upload ng video na yan!

"Pero may nakakita sa inyong magkasama sa loob at meron ding video, pano namin malalaman na hindi ka nagsisinungaling?" napapikit ako ng mariin habang pinapakalma ang sarili.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Hindi po ako nagsisinungaling, ma'am. Sa maniwala po kayo't sa  hindi walang nangyare sa loob ng lecheng cr na yun at walang katotohanan ang video at yung sinasabi ng lintik na estudyante na yan,"

Kumunot ang noo ng principal sa akin. Hindi ko inalis ang titig ko sa kaniya at nanatiling walang emosyon sa mukha.

"Maniniwala ako sa'yo, iha, kung may patunay ka na wala talagang nangyare," sabi niya. Sa pagkakatong ito, tuluyan ng nangunot ang noo ko.

"Pano po? Magpatest kung may sperm cell na natira sa perlas ko?" nagulat at napasinghap ang principal pati na rin si Mama sa sinabi ko. Samantalang, narinig ko naman ang kaunting pagtawa ni ate Vanice habang pinandilatan naman ako ng mata ni Sir.

"Kung nanaisin mo, pwede naman iha," sabi ng principal nang maka-recover sa gulat.

"Sige po—"

"Excuse me po," natigil ako sa pagsasalita at lahat kami ay napatingin sa pinto.  Nakasilip ang isang estudyante at pamilyar siya sa akin. Sa tingin ko, grade 10 section B siya.

"Yes?" pormal na sabi ng principal. Alanganin siyang ngumiti sa amin bago pumasok sa loob. Lumapit siya at tumapat sa kinauupuan ko, saka ako tinapunan ng tingin.

"Ako po si Adi Mendez, section B," nakangiti niyang sabi sa principal. Tumango sa kaniya ang principal bago inalok ng upo.

Umupo siya sa tapat ko at nagkatinginan kami. Nginitian niya ako kaya hindi ko napigilang hindi rin ngumiti. Mabait siguro 'to?

"Anong ipinunta mo dito, iha? Kasi may inaayos pa kami dito, e," sabi ng principal.

"Noong araw po na nakuha ang video nina Eyan Perez at Vincent Basdien ay nandoon po ako sa loob ng isang cubicle sa loob ng CR," napa-ayos ako ng tayo at saka napalingon kay Sir. Bigla ring nabuhayan sina ate Vanice at Mama.

"May nangyare ba, iha?" tanong ng principal. Pinagpipilitan pa, e?

Kaagad siyang umiling at nagkwento.
"Noong araw po na yun, nasa red days po ako. Tapos noong gagamit po sana ako ng CR sa floor namin pero punuan na po kaya naman pumunta ako sa CR ng nasa taas na floor. Nauna po ako sa kanila bago sila dumating, narinig ko nga po na nagtatanong si Vincent kung ano bang gusto ng babae sa isang lalake. Kahit tapos na ako sa ginagawa ko ay hindi pa rin ako lumabas kasi po hindi naman ako taga-fifth floor kaya nag-stay muna ako sa loob. Ilang minuto rin ang itinagal ko doon bago nakarinig nang pagsarado ng pinto, buong akala ko nga e na-ilock ako sa loob. Yun pala nasa loob pa sila, akala ko may gagawin silang kakaiba sa loob pero narinig ko lang po ang pag-aasaran nila, nakarinig pa po ako ng pangbabatok. Pagkatapos nun ay lumabas na sila kaya lumabas na rin ako at naabutan ko po yung ibang taga-fifth floor sa loob. Yun po talaga ang nangyare sa loob, at hindi yung nakalagay sa video,"

Tahimik lang kami pagkatapos ng sinabi niya. Hanggang sa basagin ni Mama ang katahimikan sa loob ng opisina.

"Siguro naman po ay naniniwala na kayo na walang ginawa ang anak ko at ang kaklase niya, ma'am?" sabi niya kaya napatunghay sa kaniya ang principal.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngayong, meron ng nagsalita para sa akin na wala naman talagang nangyare sa loob ng banyo, siguro naman ay babalik na ulit sa lahat. At isa lang ang natutunan ko sa araw na'to 'Ang huwag makipag-usapa sa lalaki sa loob ng banyo' Kahit sino naman talaga ay hindi maiiwasang hindi maisip ang ganung bagay, yun nga lang, hindi ako ganun.

Tumikhim ang principal at saka tumango kay Mama.
"Kung mangangako ka iha, na totoo iyang sinabi mo sa amin ngayon," napatingin ako sa principal sa sinabi niya. Kasalukuyan siyang nakatingin kay Adi. Maya-maya lang ay marahang tumango sa kaniya si Adi.

"Hindi po ako pinalaking sinungaling ng pamilya ko, at saka wala naman po akong mapapala kung magsinungaling ako para sa kanila ni hindi ko nga sila kaibigan e," tumango-tango ang principal at saka hinarap si Sir.

"Ayaw ko ng ma-ulit ang ganitong pangyayare kaya sana ay pagsabihan mo ang iba mong estudyante na huwag masyadong gumawa ng gulo. Palagi na lang sila ang bukang bibig ng mga guro dito," sabi ni principal kay Sir. Tumango-tango sa kaniya si Sir at saka nagpaalam.

Nilapitan ko muna si Mama bago sumunod kay Sir. "Pasensiya na Ma, naabala ka pa," nakayuko kong sabi. Marahan lang niyang ginulo ang buhok ko at saka tumayo.

"Sa susunod kung makikipag-asaran ka huwag sa loob ng banyo," tumawa siya pagkatapos kaya napangiwi ako.

Pagkatapos noon ay si ate Vanice naman ang hinarap ko. Ngumiti ako sa kaniya at saka nakipagbeso.

"Pasensiya na Ate at naabala ka pa. Kamusta na nga po pala si Vincent?" tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"Ayos lang. Wala naman akong pasok dahil kailangan kong alagaan si bunso. Si Vincent, malapit na ring gumaling yung mga sugat niya, baka next morning makapasok na siya," sagot niya sa akin.

---

"Walang klase?" tanong ko kay Vicca na seatmate ko. Kakarating ko lang galing sa principal office at pagkadating ko dito ay sobrang ingay ng mga tukmol.

Umismir sa akin si Vicca kaya kinunotan  ko siya ng noo. Anong problema ng gaga na'to?

"Problema mo?!" siniko ko siya kaya agad niya akong pinandilatan ng mata. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa.

Itong mga 'to talaga ang nagpapagaan ng loob ko. Nawawala lahat ng problema sa isip ko kapag kasama sila.

"Pwede ba? Nakakainis na kayo," napamaang ako sa sinabi niya. Bakit pati sa akin mainit ang ulo niya? Ano bang nangyare pagkaalis ko?

Hindi ko na lang siya kinulit at tumayo na lang sa upuan para lapitan si Jenny na mukhang tangang nakangiti sa notebook niya habang nagsusulat. Napangiwi ako bago umupo sa tabihan niya.

"Muntanga, Jenny," napalingon siya sa akin. Nanliliit pa ang mata niya habang parang sasabog sa kilig.

"Kinakausap na ako ni Ian.. Bwahahahaha!" at ayon nga, kilig na kilig ang kawawang babae.

Tumaas ang kilay ko bago nagsalita.

"Ano naman? E kinakausap nga rin ako nun e," kibit balikat kong sabi at bigla siyang napatigil. Nilingon niya ako at sobrang sama ng tingin niya.

Baliw!

"Traydor ka ba, Eyan?!" muntik na akong mapahagalpak sa tawa sa sinabi niya, isama mo pa yung itsura siya habang nagsasalita.

"Gago ka. Anong traydor?! Hindi ko naman type yun no! Saka nagjo-joke lang ako, boi," pinangliitan niya muna ako ng mata bago tumango-tango. Napatawa ako bago naalala kung ano nga ba ang ipinunta ko dito.

Umayos ako ng upo at saka hinawakan ang braso niya para humarap siya sa akin.

"Nga pala, bakit beast mode yung si Diaz na yun? Pati ako nadamay!" tanong ko. Sinulyapan niya muna si Vicca at saka niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

Kunot noo naman akong nakinis sa bulong niya.
"Nalaman ng mga tukmol ang pinakatatagong sekreto niya sa buhay," tiningnan ko si Jenny ng hindi makapaniwala bago ko siya sininghalan.

"Pwede ba? Lahatin mo na yung sasabihin mo," tumawa lang siya bago ulit lumapit sa akin.

"Kilala mo yung grade 11 na gwapo pero malambot?" tumango-tango ako.

Si Josh yung grade 11 na tinutukoy niya. Sayang nga lang, sobrang gwapo nun, chinito, maninipis ang labi at ang tangos ng ilong. Tisoy at saka hindi gaano kalaki ang katawan niya kaso nga lang 'barbie'.

Hindi naman siya yung tipo n nagsusuot ng mga pambabae, hindi rin siya nagliliptint or kung ano mang may kinalaman sa babae, yun nga lang malambot siya gumalaw, silahis kumbaga.

"Nalaman namin na may something sa kanilang dalawa"

(End of Kaguluhan 12)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top