*Kaguluhan 11*


Iguel Adios

"Ano namang nangyare sa'yong bata ka?" tanong ni Sir pagkakita pa lang kay Kian na nakahiga sa teacher's table sa unahan. Kanina pa yan natutulog dahil wala namang teacher na dumating.

Marami kasing guro ngayon ang busy dahil sa darating na intramurals. Marami silang inaasikaso at saka may mga bisita ring dadating dito sa school. Mga bwesita pala.

"Sir, inabangan yan ng mga Section M doon sa 3rd floor. Ang laki talaga ng galit sa amin ng seksyong yun," iiling-iling na sabi ni Yuan habang may nakasalpak na lollipop sa bibig niya. Yumuko na lang ako at ipinatong ang ulo ko sa arm chair.

Ang dami namang ganap ng section Z ngayon. Hindi na ako magtataka kung madadagdagan pa 'to. Mga hinayupak talaga.

"Sabi sa akin ni Ma'am Chie si Kian daw ang nauna, nanlaban lang daw yung mga estudyante niya kaya napalo yang si Kian?" palatak ni Sir. Halata sa boses niya na naiinis na siya.

"Sus, naniwala naman kayo sa adviser nun? Nagsisinungaling lang yung mga ugok na yun," walahiyang sabat ni Sean. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng pagbagsak, pagtunghay ko nakita ko na lang siyang nasa sahig na.

Mukhang totoo na talaga ang galit ni Sir. Tsk. Tsk. Mahirap 'to. Baka itakwil niya na kami.

Wala ngang nagtyaga sa aming teacher dito kundi siya lang. Astig talaga yang si Sir e! May pagka-bayolente lang kapag nagagalit. Pero ayos lang, sanay na kami sa bugbugan.

Napangiwi si Sean saka hawak-hawak ang likod na tumayo. Agad naman siyang inalalayan nina Klea at saka hinila palayo kay Sir. Habang padabog namang naglakad si Sir papunta sa kaniyang table.

"Galit ata si Sir?" bulong sa akin ni Chris habang inaayos ang kaniyang buhok. Naglalagay pa ng fix ang gago.

"Anong ata? Tinumba niya na nga si Sean e," madiin kong bulong sa kaniya saka humingi ng fix para ayusin rin ang aking buhok.

"Konti lang, baka naman maging sobrang tigas na niyang buhok mo," angil niya at siya na mismo ang naglagay ng fix sa buhok ko. Napa-ismir ako sa gago, umiral na naman ang kadamutan sa katawan niya.

"Wala ng mas titigas pa sa dalawa kong ulo, gago," napatawa siya sa sinabi ko at saka ako binatukan. Muntik pa akong matumba sa pagkaka-upo dahil napalakas ang pagkakabatok niya. Hahabulin ko sana siya kaso saktong pag-angat ko, sumalubong sa akin ang isang chalk.

Napasunod ang tingin ko sa chalk na bumagsak sa sahig at nabasag. Pagtingin ko sa pinanggalingan ng chalk, masamang titig ni Sir ang nakita ko. Ngumiti ako sa kaniya ng pilit at saka iniwas ang tingin.

Mahirap talagang galitin si Sir. Damay-damay, amputa.

---

"Paano niyo maipapaliwanag na wala talaga kayong ginawang kakaiba sa loob?" tanong ni Sir kay Eyan na naho-hot swat ngayon. Swerte si Vincent dahil nabugbog siya, kung hindi nandito rin siya sa kalagayan ni Eyan ngayon.

"Wala naman po talaga kaming ginawa! Pinagtripan ko lang po si Vincent nung oras na yun. Kasi nagtatanong siya kung anong gusto ng isang babae sa isang lalaki. Pero wala po talagang nangyare Sir," sabi ni Eyan habang pinaglalaro ang mga daliri.

Habang kami namang mga natira ay pinaglinis ni Sir ng buong room. Pati mga sapot na mga gagamba sa kisame ay pinatatanggal niya. Hawak-hawak ko ang isang basahan habang pinupunasan ang mga bintana. Kasama ko sa pagpupunas sina Gavin at Dino na nakapatong na sa mga upuan para maabot ang itaas ng bintana.

Pagkatapos kong punasan ang binatana na nasa gilid ng pintuan ay agad akong lumipat sa isang bintana kung saan malapit lang ito kina Sir at Eyan.

"Merong isang estudyante na nakakita sa inyo," sabi ni Sir. Nakakuyom na ang kamay niya na nakapatong sa table. Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang lingunin ako ni Sir. Sumipol-sipol ako habang nagpupunas.

Muntik na, tangina!

"Sinong estudyante Sir? Itutumba ko na," sabi ni Eyan at muntik na akong tumawa sa sinabi niya, buti na lang napigilan ko. Baka may lumipad na namang chalk.

"Pwede ba? Seryosong usapin ito Eyan. Maari kang patalsikin sa school kasama na rin si Vincent kung sakaling mapatunayan na may ginawa nga kayo," sabi ni Sir. Nakita kong napalunok si Eyan at saka napatungo. Maya-maya lang din ay nagsalita na siya.

"Maniwala ka sa amin Sir. Walang nangyare sa aming dalawa. Inilagay niyo na sa isip namin na magturingan kami bilang magkakapatid, at saka hindi ko po type si Vincent," sabi ni Eyan habang nagbabadya na ang luha sa mata.

"Pano nga, Iha. Pano niyo ipapaliwanag na walang nangyare? Yung estudyanteng nakakita sa inyo sa loob ng banyo ay isang malaking ebidensiya na, pati na rin yung video na nag-uusap kayo sa loob," sagot ni Sir habang nakakunot na ang noo niya. Napabuntong hininga si Eyan at saka bumagsak ang balikat.

"Kapag sinabi ko sa kanilang walang nangyare, hindi nila ako paniniwalaan, dahil section Z ako. Dahil ang tingin nila sa amin ay mga sinungaling," suminghot-singhot pa si Eyan habang magkadaop ang dalawang kamay niya.

"Naniniwala ako sa inyo, dahil estudyante ko kayo," pati ako ay muntik ng mapaiyak sa sinabi ni Sir. Itiningala ko na lang ulo ko saka pinagpatuloy ang pagpupunas

"Kayo lang ang naniniwala sa amin Sir. Pero maraming guro at estudyante dito ang hindi, " sabi pa ni Eyan.

Hinila ko ang isang arm chair at saka doon pumatong para mapunasan ang itaas ng bintana.

"Hindi ba sapat na naniniwala ako sa inyo?" tanong ni Sir. Napatigil ako sa pagpupunas at saka napa-hatsing. Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin kina Sir.

"Ikaw lang Sir, sapat na," biglang sabat ni Leo kaya naalis ang atensyon ni Eyan sa tanong ni Sir at napunta sa gagong nakisabat.

"We love you, Sir," hiyaw ng mga gago. Napa-iling si Sir saka tumayo at tumalikod. Nakaharap siya sa bintana habang nakahawak sa bewang niya, at ilang buntong hininga ang pinakawalan niya.

Bumaba na ako sa pagkakapatong at saka pumunta sa lagayan ng mga basahan. Hindi ko na inayos ang paglalagay at basta ko na lang sinalpak doon.

"Ito po ba ang room ng section Z?" napalingon ako sa pintuan nang may magsalita doon.

Dahil malapit lang naman ang lagayan ng mga panlinis sa pintuan ay ako na ang sumagot sa kaniya. Mukhang nasa lower grade pa lang siya.

"Hmm.. Section Ñ ito e," nakasimangot kong sabi. Nangunot ang noo niya saka ako tiningnan.

"Wala naman pong seksyong Ñ e," sabi niya kaya napa-'oh' ako at pagkatapos ay natawa ng konti.

"Ito nga. May nakalagay naman kasi sa gilid na  'Section Z'  nagtanong ka pa," ismir ko sa kaniya. Nagulat na lang ako dahil sa pag-irap niya sa akin. Muntik ko na siyang patulan kung hindi ko lang naisip na mas bata siya sa akin ay baka sinapak ko na'to.

Ang ayuko ko kasi sa lahat ay yung nilalabanan ako. Lalo na yung sina Elise at yung ibang babae dyan sa loob, ang sasarap pag-uumpugin ng ulo nila.

"Pwede ko po bang makausap si Sir Feñoso?" sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata bago tinawag si Sir.

"Pareng Gab, tawag ka ng anak mo sa labas!" sigaw ko. Lahat ng mga nasa loob ay napatingin sa akin, pati na rin si Sir. Kinunotan ko sila ng noo at saka nagsalita.

"Kayo ba si Pareng Gab?"

Kaniya-kaniya silang mura sa akin bago ipinagpatuloy ang mga ginagawa. Naglakad naman papunta sa pwesto namin si Sir at saka niya ako binatukan.

Bago niya sinalubong yung estudyante sa labas.

"Ano yun, iha?"

(End of Kaguluhan 11)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top