Epilogo
Jennifer Santos.
Graduation day...
Sa bawat estudyante, itong araw na 'to ang pinakamahalaga.
Ang araw ng graduation.
Kung saan sa araw na 'to, makikita na namin ang lahat pinagsumikapan namin. Lahat ng pagpupuyat, pagod, paglilinis, pagsakit ng ulo dahil sa kakasaulo, pagsusulat, pagawa ng mga props, mga projects, at kung anu-ano pa.
Marami na tayong naipundar na mga alaala sa high school life. Tama na siguro 'yon, dahil kailangan na naming takahin ang panibagong hakbang.
Siguro, ito na rin ang maituturing nating 'Student day'. Dahil ngayong araw, tayo ang bida. Tayo ang nasa stage, ang tatanggap ng mga awards at kung ano pa.
Halos apat na taon ang iginugol natin para lang makumpleto ang junior high. Pagkatapos noon, ay panibagong yugto na naman ng buhay.
Sa ngayon, mag-e-enjoy muna tayo. Mag-e-enjoy tayo sa huling araw ng school year na 'to. Mag-e-enjoy tayo sa huling araw natin sa junior high.
"Jenny!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon.
Nakita ko si Klea. Malawak ang ngiti habang kumakaway sa akin. Kasama niya ngayon ang mama at papa niya.
"Congrats!" sigaw ko. Nagthumbs up lang siya at nang-gigil.
"Pi-picturan kita anak, mamaya ha?" sa gawing kaliwa ko naman ay si Kian. Nakasimangot siya habang inaayos ng mama niya ang suot na toga.
"Wag na Ma, sa bahay na lang," reklamo ng tukmol.
"Gusto ko dito ka kunan eh," hindi ko sure kung sino talaga yung magulang sa kanila at kung sino talaga ang anak? Para kasing nabaliktad eh.
"Aishh, sige na," maktol nito. Natawa ako saka napa-iling.
Kasunod ko namang natanawan ay si Iguel, kasama ang papa niya. Hindi man nakangiti ang ama niya, nakikita ko naman ang saya nito sa mata. Alam kong ipinagmamalaki niya ang anak niya.
"Vicca, what else do you need?" nilingon ko ang direksyon ni Vicca. Nagtataka nga ako kung bakit kasama niya 'yong jowa ng ex niya eh.
"Wala. Dito ka lang, wag kang aalis," pasaring na sagot ni Vicca. Tumango si Lance at saka nag-aalinlangang umupo sa tabi ng bruha.
"May handa ako, ma?" tanong ni Dino sa mama niya. Natawa ako. Hanggang sa pag-graduate pagkain pa rin ang nasa isip niya. Tukmol talaga.
"Wala, anak. Kumain na lang tayo sa labas mamaya," sagot ng mama niya. Abot-tenga naman ang naging ngisi ni Dino, saka niya niyakap ng mahigpit ang ina.
Wala sa sarili akong napangiti. Ang ganda lang pagmasdan.
Naglakad-lakad pa ako sa buong gym, hanggang sa makita ko si Dianne na nakaluhod sa tapat ng isang bata. Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nila.
Lumapit ako sa kanila para makinig sa usapan.
"He's here. He's looking at you," nakita ko ang paglaki ng mata ni Dianne. Mukha siyang tanga.
Umusog pa siya ng kaunti sa bata para bumulong. Pero naririnig ko pa rin naman ang simasabi niya dahil nasa tabi lang niya ako.
Wala nga siyang pakialam sa akin eh. Amp.
"Nasaan siya?"
"Near,"
"Nakatingin pa rin ba siya sa akin?"
"Ahuh..."
Nakangiwi ako ng lumayas sa tabi niya. Lalandi lang naman siya eh. Buti pa ako, mamaya pa. HAHAHA.
"Hey, congrats," sunod kong nilapitan ay si Gavin. Kaharap niya ngayon si Alicia na mukhang pinaghandaan talaga ang araw na 'to.
Pero sabagay, kung ako rin ay with high honor baka ipakulot ko pa 'tong buhok ko eh.
"Congrats din," bati ng tukmol kong kaklase. Napataas ang kilay ko nang hindi na maalis ang titigan ng dalawa.
Nakakahiya naman. Baka istorbo lang ako dito. Pucha! Makaalis na nga!
Naglakad ako palayo sa kanila. Hindi man lang kasi ako napansin ng tukmol eh. Nasa tapat lang nila ako pero parang sila lang dalawa ang nandoon. Hanep, gandang-ganda sa seksyong A! Tusukin ko kaya mata niya? HAHAHA.
"Jenny, picturan mo nga kami ni Mama," napatingin ako kay Yuan. Binigay niya sa akin ang cellphone at saka inakbayan ang ina.
Napangiti ako habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Ibang-iba ang itsura ng tukmol ngayon ah!
"Wacky naman," suhestyon ko na agad din naman nilang sinunod.
Nag-peace sign ang mama niya habang malawak na nakangiti. Si Yuan naman ay nagduling-dulingan habang nakadila. Natawa ako habang kinukunan sila ng picture.
Ang cute!
"Salamat, pre," tinapik ni Yuan ang balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago pinagpag ang ang suot na toga. Baka mamaya madumi pa ang kamay niya.
"Tch."
Nagpaalam ako sa mama niya bago umalis. Nakita ko kasi si Jia na nag-iisa at palinga-linga.
"Uy! Nasan magulang mo?" tanong ko.
"Lumabas muna sila, may bibilhin daw—oh! andiyan na pala sila!" nagningning ang mata niya habang nakatingin sa likuran ko.
"Hello po, tita, tito," pagbati ko. Ngumiti sa'kin ang papa niya habang ang mama naman ay marahan akong niyakap.
Nagulat pa nga ako pero hinayaan ko na lang. Ang alam ko kasi, sweet talaga ang mama ni Jia. Sayang nga lang at hindi nagmana si Jia sa kaniya.
"Mga dalaga na talaga kayo," nakangiti niyang sabi. Ackward akong tumawa. Syempre alangan namang bumata kami?
"Pupunta lang po ako kay Sofia, tita," pagpapaalam ko. Tumango siya at saka hinalikan ang pisnge ko.
Medyo nahiya pa ako dahil hindi ako sanay na may nagki-kiss sa cheeks ko. Ngumiti na lang ako sa kanila bago umalis.
Sunod ko ngang pinuntahan ay si Sofia, kasama ang mommy, daddy at kapatid niyang lalaki.
"Oh, Jenny!" unang nakapansin sa akin ay ang mommy niya. Sabay-sabay na lumingon sa'kin ang tatlo kaya agad akong ngumiti.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Sofia. Pinigilan kong umirap sa harap ng magulang niya. Napaka-tanga ng tanungan ng babaeng 'to.
"Syempre, ga-graduate din ako eh," pero hindi ko napigilan ang pabalang kong sagot.
Tumawa ang kapatid ni Sofia. Nakita ko ang pagkindat nito sa'kin. Napangiwi ako, pagkatapos ay tiningnan si Sofia.
"Sus, hinahanap mo lang si Ian eh," pang-aasar niya. Dumila ako sa kaniya saka nagpaalam sa magulang niya.
"Ayusin mo 'yung buhok mo!" ngumiti ako nang makitang sinusubukang abutin ng mama ni Rence ang buhok niya.
"Wag na nga, Ma! Ayos na 'to. Inayos ko na," rekmalo ng tukmol habang patuloy na iniiwas ang ulo.
"Magulo pa kasi," sabi ng mama niya.
"Wag kang malikot!" maya-maya ay sita nito.
Nakasimangot na sumuko si Rence habang malawak naman ang ngiti ng kaniyang ina.
"Ayan!" masayang saad ng kaniyang mama pagkatapos maayos ang buhok ng anak.
"Oh diba, mas gumwapo ka?" tanong nito. Pero sumimangot lang sa kaniya si Rence.
Napa-iling ako. Pagkatapos ay lumakad na ako paalis. Sunod kong nakita ay si Leo kasama ang kaniyang magulang at ang dalawang kapatid na babae.
Masaya silang nag-uusap, kaya hindi na lang ako lumapit. Ilang sandali ko silang pinagmasdan bago ako magpatuloy sa pag-iikot.
Si Paul ang sunod kong nakita. Naghihikab pa ang tukmol habang abalang-abala ang kaniyang mama sa pag-aayos ng kaniyang suot na toga.
Napa-'tsk' ako bago sila nilampasan. Hanggang sa graduation, inaantok pa rin ang tukmol na 'yon! Napa-iling na lang ako sa naisip.
"Jenny! Nakita mo ba si ate Vanissa!?" nagulat ako sa pagsulpot ni Vincent sa harapan ko.
Huminga ako ng malalim habang hawak-hawak ang dibdib. Tangina, muntik na akong atakihin ah!?
Pero, ano daw? Nandito na si ate Vanissa?
"Si ate Vanissa?" ulit ko. Tumango siya habang palinga-linga.
"Nandito na siya?" dugtong ko. Muli siyang lumingon hanggang sa magliwanag ang mukha niya.
Akala ko sa susunod na buwan pa siya uuwi? Mukhang isa naman itong scam.
"Saan kayo galing!?" angil ni Vincent pagkalapit ng dalawang ate niya.
Tumawa si ate Vanice at saka ako binati. Ganun din ang ginawa ni ate Vanissa kaya bumati din ako.
Magkakamukha talaga silang tatlo!
"Nag ikot-ikot lang kami sa school," sagot ni ate Vanissa sa kapatid.
"Bakit hindi kayo nagpaalam!?" angil na naman ng tukmol.
"Busy ka kasi sa pagkikipag-asaran sa mga kaklase mo eh!" sagot ni ate Vanice.
Ngumuso lang si Vincent sa sagot ng dalawang ate. Natawa ako sa kanilang tatlo.
Umalis na ako sa tabi ng tatlo at hinayaan silang mag-usap-usap doon. Naglakad ako palapit kay Elise na masayang kasama ang magulang niya.
"Oh! Jenny!" bati niya. Ngumiti ako at nakipag-high five sa kaniya. Binati ko rin ang magulang niya na tanging ngiti lang ang isinagot.
Pero ayos lang, atleast hindi ako dineadma.
Pagkatapos kay Elise, sunod kong nilapitan si Eyan na ilang lakad lang ang layo kay Elise.
Nag-uusap sila ng mama niya pero bigla rin silang dahil nakita nila ako.
"Jenny? Bakit?" si Eyan.
"Wala lang. Naglalakad-lakad lang ako," kibit-balikat kong sagot. Tumango lang siya saka nagpatuloy sa pakikipag-usap.
Umalis na din ako doon. Sunod kong nakita ay si Hale. Kasama niya ang papa niya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya hindi na ako lumapit.
Si Nena na lang ang nilapitan ko. Katulad ng iba, ay kasama niya rin ang pamilya niya. Lumapit lang ako para batiin silang lahat.
Tiningnan ako ni Nena na nang-aasar. Umirap ako siya kaniya at saka nakipag-usap sa mama niya.
"Alis na po ako," paalam ko dahil masyado na akong nagtagal sa pakikipag-usap.
"Ay, sige sige iha! Ikamusta mo na lang ako sa mama mo," nakangiti niyang sabi.
Tumango ako bago umalis.
Ilang lakad pa lang ang nagagawa ko nang makasalubong ko si Henry. May dala-dala siyang tatlong bote ng tubig. Mukhang para sa magulang niya 'yon.
"Uy," bati ko. Tinanguan niya ako at saka ngumisi. Nilampasan namin ang isa't isa pero lumingon ako sa kaniya. At tama nga ako, dahil para sa magulang niya ang mga tubig na dala.
Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ng dalawang matanda. Mukhang proud na proud sila sa anak nila.
Paglingon ko sa kaliwa, nakita ko si Adam kasama ang magulang niya. Nagtatawanan silang buong pamilya.
Ngumiti ako at saka lumingon ulit sa unahan. Doon ko nakita sina Josrael at ang mama niya. Nag-uusap sila, at mukhang nag-aasaran ang mag-ina.
Sa kanang tabi ng mag-ina, nakita si Zenon. Kasama niya ang papa niya at ang lola. Mukha naman siyang masaya, dahil ang lakas ng tawa niya habang kinakausap ang dalawa.
Ang cute nila!
Huli kong nakita ay si Chris. Nagulat ako nang makita kung sino ang kasama niya.
Teka...'yon ba yung mama niya!?
Shuta!
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanila. Pero napansin ko ang saya sa mukha ni Chris. Ang totoong saya sa mukha niya. Ang sayang hindi mo kailangang tumawa.
"Hey," nagulat ako sa pagsulpot ni Ian sa tabi ko. Katulad ko ay naka-toga rin siya. At syempre, siya ang valedictorian! Yipeeee.
"Congratulations!" pasigaw kong bati. May ilan pang napalingon sa amin dahil sa lakas ng boses ko. Pero pakialam ba nila?!
Tinawanan ni Ian ang ginawa ko bago niya ako iginiya papunta sa magulang ko. Nakalimutan ko, kasama ko pala sina Mama.
Masyado akong nawili sa pag-iikot!
"Ito na po siya," nakangiting usal ni Ian bago ako tinulak ng marahan palapit sa magulang ko.
Nilingon ko siya at saka siya binigyan ng flying kiss. Tumawa siya pero agad din naman niyang sinambot.
Ackk! Shitty talaga!
---
Parte sa buhay natin ang pagiging estudyante. Sa eskwelahan natin mararanasan ang lahat. Pero ang masasabi ko lang, masaya ang pumapasok sa araw-araw.
Bukod sa lagi kang may baon, lagi mo pang nakikita ang crush mo.
Sa loob ng ilang taong pag-aaral, masasabi nating hinubog ng paaralan ang pagkatao natin. Hinuhubog ng mga guro ang kanilang estudyante para sa paghahanda sa bagong kabanata ng buhay nila.
Sa huli, mare-realize din natin ang halaga ng edukasyon. Na ang edukasyon ang pundasyon ng ating karunungan.
Ika nga nila 'Education is the key!'
"Congratulations, Section Z!" bati sa amin ni Sir.
Nandito kaming lahat ngayon sa classroom. Halos sampung buwan din kaming gumamit nito tapos ngayong araw na ang huli.
Nakakalungkot lang isipin.
"Mamimiss ka namin Sir," nagsimula ng umiyak si Klea. Hanggang sa lahat kaming babae ay nagsi-atungal na.
Pinagtawanan lang kami ng mga tukmol. Nakuha pa nilang duruin ang mukha naming magaganda.
"Wag kayong malungkot, magkikita-kita naman kayo sa Senior high eh! At saka nandito lang ako, hindi ako aalis sa school na 'to," nakangiting sambit ni Sir. Pero bakas sa mata niya ang magkahalong lungkot at saya.
"Gusto ko lang sabihin na proud na proud ako sa inyo. Para akong nagkaroon na bente singko na anak dahil sa inyo. At sana, pagsumikapan niyong magtagumpay sa buhay, dahil kapag nangyare yun, ako na ang pinaka-masayang adviser sa lahat," nakangiting dugtong niya.
"Syempre naman, sir!" sagot naming lahat.
Siguro nga, magkakahiwalay naming tatahakin ang daan patungo sa tagumpay.
Pero sana, sa dulo ng daan na 'yon ay muli kaming magkita-kita.
Sana dumating ang panahon na mabuo ulit kaming Section Z.
Dahil mamimiss ko ang lahat ng kaguluhan namin.
(The End)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top