Chapter 7

Marina's P.O.V


***Time past***


Umiiyak ako dito sa school, may namatay na naman kasi... Si Gem..


Walang puso ang mga taga-North Force school, mga walang kwentang ugali ang meroon sila... maka-sarili, pumapatay, at madami pa... Ang iniisip lang nila ay ang mga bwisit nilang mga buhay, at ang karangalan nila.

Alam kong iniisip ng killer na nagtatagumpay siya, pero para sa akin ay wala pang panalo dahil NAGSISIMULA PA LANG... 


"Panalo na agad ako, simula pa lang ay  panalo agad ako... mga losers!" sigaw ng isang kaklase namin



Pero sino? Hindi ko maintindihan kung sino yun!


"What the heck, sino iyon?!" sigaw ni Gianne 


"Star Stella is here!" sigaw ni Stella (Maarte)


Maarte talaga si Stella, my start star pa na nalalaman -_-


"Andito ako dahil may announcement ako, may Beauty contest dito sa school tomorrow, isn't exciting?!" masayang announcing ni Stella


Beauty contest? 


"Beauty contest?" sabi ko sa kanya


"Oo, kung sino ang pinaka maganda ang style siya ang panalo, makaka-tanggap siya ng 1,000 pesos, at 500 pesos sa runner up." sabi niya at sinuklay ang wavy niyang buhok


Kailangan kong sumali doon! Maganda na ang 1,000 or 500 Pesos dahil pwede ko idagdag iyon sa tuiton fee ko... kaso hindi ko trip ang mag-ayos ng sarili... actually ang itsura ko ngayon ay, medyo magulo (medyo, okay? Hind sobra) at wala 'man akong make-up.


Tumingin agad sa akin si Stella ng maigi at humalakhak


"Alam mo, Marina? Hindi ka bagay sumali doon, pag-tatawanan ka lang doon. Hindi nga maganda yang ayos mo ngayon!" sigaw niya sa akin at pinat ang ulo ko. >.<



"Guys... ito na ang huling pagkikita nat-----" biglang naputol ang pag salita ni Genna ng magulat kami na bumubula na ang bibig niya


Violet na ang face niya at bumubula ang bibig niya, may naka-ukit na '7...' sa mga balikat niya... 


7? Eh diba si Ariel iyon? Dapat si Ariel ang number 7... pero okay na iyon at least buhay pa si Ariel :D


"YUNG NUUUUUUUUUUUUURSE!" sigaw ni Daniel


Tumakbo agad kami sa Clinic at ininform ang mga nurse sa nangyari kay Genna...


***Time past***


Andito na kami sa classroom kasama ang mga NURSE... 


"Hm... sa tingin ko dahil sa food poisoning ito..." sabi ng nurse at sinubukan siyang gisingin



Na-gulat kami ng bumukas ng onte ang mga mata ni Genna, BUHAY PA SIYA!


" GEMMA!!! YOU'RE STILL ALIVE!" sigaw ni Cara, ang bff niya :3


"Ca-Cara... ple-please... ang ki-ki-killer ay si-i-i------" biglang naputol ang pag salita ni Genna at namatay...



Iyak ng iyak si Cara ng biglang mamatay si Genna, namumula na ang mga mata niya at halos nasasaktan na ang mga mata niya pero wala pa rin siyang pakialam at tumutuloy lang sa pag-iyak.



"GENNA, GENNA! GUMISING KA! SINO YUNG KILLER?! SABIHIN MO! PARA MABIGYAN HUSTISYA NA AGAD NATIN IYANG PAGKA-MATAY MO!" sigaw ni Cara at iyak ng iyak



"Tama na, Cara. Patay na si Genna..." pinataha ni Ariel si Cara ngunit sinampal lang siya nito



"Ariel, she's my best friend, okay? Hindi madaling makalimutan ang pagka-matay niya." sabi ni Cara



"Namatay ang kapatid ko, si Xander." sabi ni Ariel at onti-onti lumuluha


"Pero hindi ganyan ang naramdaman ko..." sabi ni Ariel at kumuha ng panyo



"I don't care, basta mahal na mahal ko si Genna at ayaw ko pa siyang mamatay." sabi ni Cara at tila ba kinalabit ang nurse



"HOY, MADAME! 'DIBA ANDITO KA PARA I-REVIVE SI GENNA? ANO NA ANG GINAGAWA MONG BABAE KA? NAKA-TUNGANGA? ILIGTAS MO NA SI GENNA HOY!" pagpupumilit niya sa nurse na i-revive si Genna



Ang kulit ni Cara... sa bagay, mahirap mawalan ng best friend, kahit ako ganyan din ang gagawin ko 'pag namatay si Farrah... Sana ay hindi mapatay si Farrah sa pagkat siya ay ang pinaka-matalik kong kaibigan dito sa North Force High School...



***Time past***


Beauty pageant day na, nanood pa ako sa Youtube para lang makita kung paano mag make-up ng maayos at kung paano mag ayos ng magandang hairstyle para sa buhok...


Kinakabahan pa ako dahil ito ang unang beses na sumali ako sa isang Beauty Pageant, at hindi ako marunong mag-ayos...


Pumasok na ako sa Room kung saan naag-aayos ang mga kasali din sa Beauty Pageant pero...


Ang nakita ko lamang ay mga make-up na naka-kalat, lipstick na sira, dugo at lamang loob ng mga tao. Halos hindi na ako pumikit sa sobrang kaba ko, at may nakita akong sulat sa isang upuan.


----

Nasayang ang mga oras niyo sa pag-punta niyo dito, isa isa na kayong mamamatay sa inyong ka-engotan. Hindi 'man lang kayo nag-isip na maaari itong maging isang dahilan nang inyong kamatayan... Section Hell lang ang pumunta dito kaya pinag-papatay ko kayo.


~Anonymous Killer


---



Halos ma-suka ako sa takot at kaba, killing event lang pala ito... Does this mean... si Stella ang killer? Pero bakit? Sa kaartehan niyang iyon kakayanin niyang pumatay?


...


Na-gulat ako ng biglang pumasok si Stella, maayos ang gown niya at maganda ang hairstyle at make-up niya, halatang hindi siya pumatay.



"Ste-Stella? Ikaw ang ki-killer....?" kabado kong tinanong sa kanya



"What the? For your information kakadating ko la-------- ANONG NANG-YARI DITO?!" biglang sigaw ni Stella



Ha? Na-gulat siya sa pang-yayaring ito? Halatang na-gulat siya ng totoo at hindi sinungaling dahil iyon sa itsura ng kanyang nakaka-silaw na mga mata...



"Marina, ikaw ang killer!!!! mas nauna kang dumating kaysa sa akin!!" sigaw ni Stella at tinuro niya ang daliri niya sa akin



"HINDI KO KAYANG PUMATAY,OKAY?! Kung kaya ko 'man pumatay ay baka sarili ko na ang pinatay ko, Stella... naging matalik na kaibigan ko din si Lillian at ang mga namatay, 'diba nakita mo naman kung paano ako nag-aalala kay Lillian bago siya mamatay? Alam ko kasing siya ang next kay Xander dahil siya ang number 2... Mahal ko sila, bilang mga matalik na kaibigan, Stella, matalik na kaibigan." paliwanag ko kay Stella na may luha luha pa



Hindi ko naman talaga kayang pumatay, mga kaibigan ko ang mga namatay at iisa lamang sa aming classroom ang pinaka-kagalit ko at iyon ay si... Stella. Obvious naman, hindi ko gusto maging kaibigan ang isang maarteng nilalalang :3


"Nakaka-tawa ka, Marina. NAg-bibiro lang naman, I have no complete evidence that you're the one who killed our classmates..." sabi ni Stella at may biglang humila sa kanya



Kinabahan ako ng bongga dahil baka iyon na ang killer, at ito na ang aking pagkaka-taon na malaman ang killer at mag-higanti sa mga masasamang ginawa nila sa mga kaibigan ko.


Sinundan ko agad sila pero na-gulat ako...

Si Robert lang pala, yung boyfriend ni Stella Maarte. Niyayakap siya nito at hinahalikan sa pisngi, tss, anong kaartehan iyon?



"Robert!" sigaw ni Stella at bigla siyang sinampal



"Lasing ka na naman, sinabi ko na sa iyo na break na tayo 'diba?!" sigaw ni Stella kay Robert



Break na pala yung dalawa? Bakit kaya?



"Balik na tayo-o...." sabi ni Robert na halos nag-iikot pa, lasing na lasing na nga talaga si Robert



"Tumigil ka na! Wala na! Kasalanan mo ito." Sabi ni Stella at biglang niyakap ako



"Psst, Marina. Help me please na patigilin si Robert." Bulong sa akin ni Stella



Ha? Para saan naman? Well, baka para patigilin si Robert...



"Stop it, Robert. Kung break na kayo, wala na. It's her final answer and you can't do anything about it." Sabi ko kay Robert at sabay sampal



Na-gulat ako ng biglang nag-labas siya ng kutsilyo at sinaksak ang sarili niya... What the?!



"Robert!!!" sigaw ni Stella at umiyak


"It's all your fault, you killed yourself. Hindi ka dapat nag-suicide." sabi ni Stella at sinampal sampal pa talaga ang muhka ni Robert, parang hindi pa siya naawa.



"Tumigil ka na Stella. He's dead na." sabi ko at inawat siya



"Madami pa akong dapat ipaliwanag sa kanya bakit nag-break kami. He needs to live." sabi ni Stella at kinuha ang phone niya para tawagin ang mga nurse sa clinic.



***Time past***


Andito na ang mga nurse, sinasampal pa rin ni Stella si Robert.



"Tama na miss, kami na ang bahala sa kanya." sabi ng nurse habang inaawat si Stella



"Sige, make sure he lives. I still need to talk to him." sabi ni Stella at tumaray



"Salamat nga pala sa sinabi mo kay Robert, ng dahil doon ay nag-suicide siya."sabi ni Stella sa akin at ngumiti



Hindi ko siya ma-gets... dahil gusto niya pang mabuhay si Robert, ngayon nag-papasalamat siya sa akin ng dahil sa sinabi ko patay na si Robert? Hay, at hindi dahil sa sinabi ko kaya siya nagpaka-matay... dahil iyon sa kanya -_-



***Time past***


Bagong araw na naman sa eskwela, wala ako sa mood pumasok ngayon dahil alam ko someone will die again. -_- as usual naman...



"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ni Farrah



Si... FARRAH! OH MY GOD! SIYA NA KAAGAD ANG SUNOD?! 


Tumakbo agad ako sa upuan ni Farrah, mabuti na lang at hindi pa siya patay. May saksak lang ng kutsilyo ang kanang kamay niya, magpa-galing lang siya at magiging maayos na ang kalagayan niya.



"Okay ka lang?" tanong ko habang naiyak


"Oo... masakit lang ang braso ko..." sabi ni Farrah


Nasa braso pa rin niya yung kutsilyo, hindi ko lang tinatanggal dahil alam ko kapag tinanggal ko ito ay napaka-sakit.


"Tinawag ko ang nurse." sabi ni Stella at ngumiti


Parang nag-bago bigla si Stella... ang dating Stella MAarte ay ngayon Stella Seryoso... kanina pa siya eh, hindi na siya paarteng Ingles... well, sana ganyan na siya dati pa.


"Asan na ang pasyente?" sabi ng nurse



Yung nurse na iyon... siya din ang nurse na tumulong i-revive si Robert.


"Stella, may good news nga pala ako sa iyo. Maayos lang ang lagay ni Robert at nasa ospital na siya ngayon, hindi natamaan ang kahit na anong organ niya..." sabi ng nurse



"Okay." sabi ni Stella


***Time past***


Okay na si Stella ngayon... buti nga okay na siya at hindi na nakirot ang sugat niya sa braso niya...


"Hindi ko napatay si Farrah, dahil iyon sa iyo Marina.. But this doesn't mean I will stop killing. My revenge is still on." sabi sa speakers


Ugh, the killer again. -_- Revenge revenge ka pa diyan, sa oras na makita kita.... Papatayin din kita, isa kang halimaw na walang puso na pumapatay ng mga innocenteng tao... Isa kang malakas na halimaw pero kayang kaya kitang talunin, dahil hindi ako nag-iisa...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top