Chapter 5

Marina's P.O.V


***Sa Bedroom***


Nakakakilabot ang mga nangyayari... hindi ko akalaing may iba pa palang killer... hindi lang pala si Anna ang killer, may isa pang demonyong killer, o baka dalawa pa! Pero sana hindi.


Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si Farrah



Text Message:

To: Farrah


Farrah, pag punta natin sa school. Meet me at the Mezzanine tomorrow, I'll need to talk with you eh!


----


***Time past***


Andito ako sa Mezzanine, hinihintay ko si Farrah kaso ang tagal. Turtle kasi yung babaeng yun eh >.>


"A-andito na-a ako!" sabi ni Farrah na hingal na hingal



Halatang tumakbo siya papunta dito... baka traffic nung pumasok siya?



"Ah sige, may sasabihin lang kasi ako sa iyo... may alam ka ba tungkol sa history ng North Force School?" sabi ko sa kanya


"Meroon kaso kapiranggot lang." sabi niya sa akin


"Pwede ikwento mo sa akin?" sabi ko sa kanya at umupo


"Noon, payapa lang ang section... kaso nga lang dahil sa mabagsik na principal ay may nilagay siyang rules sa section natin. At ang rule na iyon ay; Everytime someone transfers in this section, a horrible story should happen. Makasarili kasi ang dating principal, pero binago na ang principal ngayon. Kaso nga lang kahit na tinanggal na ang rule na iyon sa room ay nagpapa-tuloy pa rin." Paliwanag sa akin ni Farrah


"Kaya ngayon ay ganoon pa rin, every time na may nag-transfer sa room ay sunod sunod na ang patayan." Pagpatuloy na paliwanag ni Farrah


"Pero tumigil ang pag transfer ng mga estudyante sa loob ng dalawang taon. Umulit lang ito ng bigla kayong nag transfer ni Jean."Pag patuloy na paliwanag pa niya


Woah... may nakakatakot pala na history ang section hell...


"Oh..." yun lang ang nasabi ko sa mga sinabing kwento niya


"Kung may gusto ka pang malaman.. mag-tanong tayo sa librarian." sabi ni Farrah sa akin


Nag-nod na lang ako sa kanya at pumunta sa library.


Naunang mag-tanong si Farrah sa akin


"Madame Librarian, may libro po kayo tungkol sa history ng Section - Hell?" ayun ang sinabi niya


"Iha, walang libro ang library na ito tungkol sa Section-Hell, lahat ng lumang libro ay naka-spread out sa old building. Hindi na kami nag-abala na kunin pa ang mga ito..." sabi ng librarian at nag tuloy na sa pag aayos ng mga libro.


Old building? May old building pala dito sa North Force!


"Nasaan po ang building na iyon?" sabi ko sa librarian


"Nasa likod ng Principal's Office, you'll need to get pass the faculty to get there."inayos ng librarian ang salamin niya at tumingin sa aming dalawa


"Kailangan niyong mag-ingat, pinagbabawalan din kasi ang mga estudyante na pumunta sa old building, kaya inilagay nila ang teacher's faculty sa likod non." sabi pa niya


"Sige po, salamat..." sabay naming sabi ni Farrah


***Time past***


Hindi na kami naka-attend ng classes... okay lang yun!


***


Andito na kami sa teacher's faculty... nako, may dalawang teacher ang nandito, kailangan naming mag-ingat



"Huwag kang maingay." bulong sa akin ni Farrah, at dumiretso na kami



***


Nakakakilabot ang itsura ng old building, sira sira na ang pintura nito at puro kalawang na...



"Nakaka-kilabot...." Bulong bigla ni Farrah



"Okay lang yan..." sabi ko sa kanya at pumasok na sa building


Pundi na ang ilaw dito, patay sara patay sara na yung ilaw....


"Hanapin natin ang Old Classroom ng Section Hell." Sabi ni Farrah


Hinanap nga namin ang old classroom ng section Hell, nakakatakot dito dahil puro dugo ang classroom at pundi din ang ilaw... ._.


"Marina, may naka-patong na libro doon sa teacher's table." sabi sa akin ni Farrah at tinuro ang libro sa teacher's table


Agad ko itong nilapitan at kinuha, binuksan ko ito at nagulat ako sa mga nakita ko...


Section Hell's Celebration S.Y 1990-1991


Tumitig ako sa litrato... hindi naka-ngiti ang mga estudyante at may umiiyak pa.. at ang cake ay kulay red at ang mga decoration ay sira sira... Kakaiba ang litrato, walang masaya doon sa litrato...


"Farrah..." sabi ko ng mahina


"Ano kaya ang meaning ng celebration na ito? At bakit may patak ng dugo?" Sabi nI Farrah


Ikinagulat ko ang sinabi niya, nung kinuha ko naman ang litrato ay walang patak ng dugo..


***

Ah! May pumatak na dugo sa ilong ko!


"OMG, SI MA'AM.... PEREZ!!!!!" Biglang sigaw ni Farrah


Tumingin agad ako sa taas at na-gulat...


Ang pugot na ulo ni Ma'am Perez...


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" bigla akong sumigaw at tumakbo palabas, natakot na kasi kami...


***


Andito na kaming dalawa sa classroom, oo late na late na kaming naka-attend ng classes pero okay lang iyon. Absent and mga teachers namin kasama na roon si Ma'am Theresa, puro self study lang kami ngayon.


"Marina, ano yang hawak mo?" Tanong sa akin ni Gem at Gianne



Nadala ko pala yung libro....


"Yung... libro ng Section Hell dati... nakita namin ito sa old building." sabi ko sa kanilang dalawa


Halatang na-gulat sila sa sinabi ko...


"May Old Building pala itong school na ito? Sa katagal tagal na namin dito ay ngayon lang namin na laman na may old building pala itong school na hindi na ginagamit..." paliwanag sa akin ni Gianne


Hindi pala nila alam na may old building ang school na ito, bakit kaya?


"What do you mean? bakit?" curiously kong tinanong sa kanila



"Tinago sa amin na may misteryosong old building ang school na ito... wait, paano mo naman nalaman na may old building itong school ha?" sabi at tanong sa akin ni Gem



"Dahil sa babaeng librarian, nag-tanong kami ni Farrah sa kanya kung----" naputol ang sinasabi ko nang biglang may nagsalita sa speakers



"Farrah at Marina, go to the Principal's Office Imediently" ayun ang sinabi sa speakers



Ha? May kasalanan ba kaming ginawa?


***Time past***


Andito na kami sa Principal's Office, kinakabahan kaming dalawa dahil baka i-suspend kami ng principal, baka nalaman niya na pumunta kami sa Old building kanina.


"Ms. Farrah at Ms. Marina, bakit kayo late nang pumasok sa inyong classroom na kahit andito na rin naman kayo sa school?" halatang pagalit na sinabi ng principal sa amin



"Ma'am, may emergency po-o kasi, um um, nawala yung book ko po." pag sisinungaling ni Farrah



"Maybe I'll take that as a simple excuse, but next time. Try to attend the classes earlier, okay? The next time I find out that you didn't attend classes even if you are already here in school, I will call your parents to talk with." sabi ni madame principal



Buti na lang at tinanggap iyon as an Excuse ni Madame Principal, baka napahamak na kami ngayon kapag hindi pa gumawa ng excuse si Farrah...


***sa room***




Naka-upo na ako sa upuan ko at binabasa ang mga libro ko, grabe talaga kanina, nakakahiya... buti talaga, Farrah made an excuse kahit na hindi dapat.... ;(


"Sinungaling kayo ni Farrah." Narinig kong may nag sabi sa akin


Ha sino iyon? Andito lang siya sa room at kaklase ko, pero bakit hindi 'man lang pamilyar yung boses at hindi ko pa siya nakita? At paano niya na laman ang ginawa ni Farrah?


Somebody's P.O.V


Alam ko ang ginawa nila Farrah at Marina, dahil nasa pintuan ako ng principal's office ng mag-usap usap sila kasama ang principal. Mga sinungaling na babae. -,-


-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top