Chapter 12

Marina's p.O.V



**2 days past**


Ilang araw na ang naka-lipas ng lumipat ng eskwelahan si Gilbert... kamusta na kaya siya?


Tumakbo bigla si Gianne sa amin na hingal na hingal, ano kaya ang problema non? ._.


"Si-si Gilbert! Nabalitaan ko patay na siya!" ang sinabi niya ay ang ikina-gulat naming lahat


'Diba lumipat na siya ng school? Kaya dapat ligtas na siya ngayon! Ano kaya ang nangyari? Hinabol ba siya... ng killer? Wala talagang puso ang killer!


"ano nangyari sa kanya? At imposible! Lumipat na siya ng school!" sigaw ni Farrah at Daniel


"Nakita siyang putol ang mga paa niya at tanggal ang puso niya sa kwarto niya sa bahay nila.'' paliwanag ni Gianne


"Hindi maari...'' ayun lang ang nasabi ko


"May bala din ng baril sa loob ng puso niya.'' sabi pa ni Gianne.


Walang awa yung killer! Kahit umalis na si Gilbert pinatay niya pa rin!


"Lumipat ka 'man ng eskwelahan ay ikaw pa rin ang mamamatay... huwag kang umasa dahil walang mangyayari.'' sabi sa speakers, walang awa ang killer


"WALA KANG AWA, KILLER! STUPID, MAMATAY KA NA RIN!" sigaw ko 


"oo nga!" sigaw ni Daniel


"kayo ang stupid.' ' sabi pa ulit sa speakers


Sa sobrang inis ay hinampas ko na ang pader, at umungol... Gusto ko na talaga malaman kung sino ang killer, pero wala pa akong matibay na pruweba kung sino ang killer. Wala pa akong hinihinala na killer.


"Relax lang, baka mahimatay." pag bibiro sa akin ni Daniel


"Hindi ko kaya, gusto kong patayin ang killer at bigyan hustisya ang kanyang mga pinagpapatay! pati ba naman kasi innocenteng tao nadamay!" sigaw ko


Nagsi-tinginan silang lahat sa akin, yung weirdo na pag-tingin ba. Parang gusto nila akong kainin >.> 


"Guys, I have some terrible news..." sabi ni Lindsey 


"Ano iyon?" tanong ko sa kanua


"Ang killer... ako ang susunodin niya." malungkot na sabi ni Lindsey


"paano mo naman nalaman?" nabigla kong tanong


"Kasi ang killer ay isa sa ating mga matatalik na kaibigan... ang killer... ay si... AAAAAAAAAAAAAAAAH!" biglang sumigaw si Lindsey at bumagsak sa lapag ng duguan


Sinaksak si Lindsey sa leeg ng mabilisan, halatang hinagis lamang ito sa leeg niya. Ngunit paano na-gawa iyon ng killer? Does that mean ang killer ay isang good thrower? Sayang at wala akong kilalang kaklase ko na isang good thrower...


"Malapit na tayong maubos." wika ni Rhianne


"Ilang buwan na lang ang natitira at may malaking posibilidad na tayo ay mamatay lahat, kailangan natin mag sama sama at talunin ang mamamatay tao dito sa room. Pero hindi din natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan o hindi... dahil isa sa inyo ay sinungaling, at kakampi ng killer. Isa din sa inyo ang sipsip na nag-sasabi na siya ay pagkakatiwalaan. Ngayon, isa isa niyong sabihin kung kayo ba ang killer." wika pa ulit ni Rhianne


"Pagkaka-tiwalaan ako." sabi ni Jonathan, Daniel at Ariel


"Isa akong pagkaka-tiwalaan na tao, hindi ako sinungaling." wika naman ni Farrah


"Maaari niyo akong pagka-tiwalaan." wika ko naman


Nagpa-tuloy ito at lahat sila ay sinabing sila ay pagkakatiwalaan, walang nagpa-talo... isa sa kanila ay ang sinungaling.


"Kita niyo? Mahirap mag-tiwala, dahil isa sa inyo ay ang killer na masama, sinungaling at maka-sarili." wika ni Rhianne sa amin at tumayo na sa kinauupuan niya


Halos lahat kami ay tumitig sa seryoso niyang muhka, isa kasi siyang tahimik na estudyante. Kaya hindi halata na seryoso siya.


"Ang estudyanteng kakain ng pinaka-masarap na pagkain ay ang mamamatay tao, sa pagkat mayabang ang mga mamamatay tao.'' sabi naman ni Jonathan


"Hindi ka tama, Jonathan." biglang sinabi ni Ylona.


"Paano mo nasabi, Ylona?" na-gulat si Jonathan sa sinabi ni Ylona


"Hindi lahat ng mamamatay tao ay mayabang, dahil may mga mamamatay tao na simple lamang, tulad ng tito ko. Isa siyang mamamatay tao pero hindi siya mayabang, selfish lang, and anyway, nasa bilangguan na siya." wika ni Ylona


"May lahi kang masama?" biglang tanong ni Farrah


"Meroon, pero hind ibigsabihin non ay masama na din ako.'' wika ni Ylona


"Sinungaling!" sigaw ni Jonathan


"May lahi kang masama, at ng dahil sa kwento mo ay masasabi ko na ikaw ang hayop na mamamatay tao!" sigaw ni Jonathan sinapa ang pader ng malakas


"Ikaw ang mamamatay tao! Hindi ako masama! Dahil may lahi din akong mabait! Hindi mo naman masasabi kung saan ako nag-mana! At lalong lalo na hindi mo malalaman na ako talaga ang killer ng walang pruweba!" sigaw ni Ylona at sinampal si Jonathan


"Tumigil nga kayong dalawa! Kung gusto niyo kayo na parehas ang mamamatay tao! Huwag kayong mag-away sa pagkat hindi niyo naman alam kung sino talaga ang mamamatay tao!" saway ko sa kanilang dalawa


Nakaka-irita sila... -_- Away pa more..! Parehas naman silang walang pruweba kung sino ang killer!


"Yes! both of you don't know who's the real killer." wika ni Cara 


"Lahat tayo.'' wika ni Rhianne


"Mag-self study muna kayo for the mean time, your teachers are in an important meeting right now. principal" sabi sa speakers


"mag-self study na tayo." sabi ko at binuksan na ang libro ko


"sa bandang huli ay malalaman ninyo na ako ang killer, kung sino ako." may narinig akong bulong.


oo, sa bandang huli ay mapapatay din kita. Mabibigyan hustisya ko ang mga kaklase ko... 


---


...itutuloy


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top