Chapter 10
Marina's P.O.V
***Sa Mezzanine***
Ginawa na namin ni Farrah ang mezzanine bilang meeting area namin, dito na kami laging nag-uusap tungkol sa killer at clues... Dito kasi mas onte ang mga taong napunta at tahimik, kaysa naman sa cafeteria, populated at maingay, hindi kami makaka-concentrate sa pag-uusap doon at baka may maka-rinig pa.
"Parang may kutob na ako kung sino ang killer...." sabi ni Farrah
"Sino?" I asked her, startled.
Sino kaya ang killer na nasa kutob niya?
"Hindi ko pa alam pero may kutob ako na dalawa sila at parehas silang babae..." sabi ni Farrah at biglang humawak sa kamay ko
"Babae? Edi ibigsabihin non, wala tayong lalake na dapat kalabanin." sabi ko
"Malamang." sabi ni Farrah at ngumiti sa akin
May clue na kami, well, isang hindi pa na proved na clue pero ang kutob niya ay maaaring malaking clue na ibibigay sa akin, sa amin... You will lose 'SECRET' killer, no matter what how they say, you will lose.
"Meeting? Wala kayong mapapala dahil wala naman kwenta iyang pinag-uusapan ninyo." may nag-bulong sa akin
"Loser." ayun lang ang na-sabi ko at kinausap si Farrah
***Time past***
Andito ako sa library, tahimik dahil nga sa rules dito na 'Keep Silent' I know all libraries have that rule...
May nakita akong libro tungkol sa Section Sky, pero bakit sa Section Sky lang at wala ang sa Section Hell? bakit yung libro ng section Hell ay nasa old building pa??
"Madame, bakit po ang libro ng Section Sky ay nandito? At wala ang sa Section Hell?" ang tanong ko sa librarian
Inayos niya ang salamin niya at tumingin sa akin habang naka-taas ang pareho niyang kilay
"Ang Section Sky ay ang paboritong section ng Dating principal Kiara, kaya pinakuha niya ang libro ng section na ito sa old building papunta dito dahil gusto niyang makita ng mga tao kung gaano ka-ganda sa Section Sky." sabi niya sa akin at agad siyang bumalik sa pag-aayos ng libro
What? Paborito ng dating principal ang Section Sky? Tss, porket lang paborito niya, yun lang ang gusto niyang ipakita sa mga estudyante ngayon, ang Section Sky. -_- Nag-hirap kami ni Farrah kunin pa ang Libro ng section Hell doon sa old building...
Sa sobrang galit ko ay pumunta agad ako sa Principal's Office, doon ko nakita si Ma'am Kiara.
"Ma'am Kiara, totoo ba na paborito niyo ang Section Sky?" tanong ko sa kanya
"Ang paborito kong Section ay Section Jacinth." sabi niya
"Hindi ba ikaw ang dating principal Kiara?" bigla kong tanong sa kanya, hindi ko akalaing magagawa ko iyon
"Hindi, ako ang anak niya. Ang buo kong pangalan ay 'Kiara Mai Jr.' " sabi niya sa akin
May... anak pala ang dating principal? Hay...
"Huwag mong sabihin kahit kanino na anak lang ako, isang malaking sekreto ito ng North Force High School." sabi niya sa akin at tumitig
"Opo, pero may tanong lang. Bakit ang libro ng Section Sky lang ang kinuha galing sa old building?"
"Old building? Paano mo nalaman na may old building?" tanong niya sa akin
"Basta po, please answer me first." pagpupumilit ko sa kanya
"Ganito kasi iyon... sa section Sky lang ang section na walang patayang naganap, kaya itong section lang ang may libro doon sa library, honey
"Section Sky lang?" gulat na gulat kong tanong
"Oo, ang section Sky lang ang naging payapa... ngayon na sinabi ko sa iyo, huwag mo itong ipag-sasabi. Sekreto ito, kahit sa iyong matalik na kaibigan, huwag na huwag mo itong sasabihin."sabi niya sa akin
''Pangako po..." pinangakuan ko siya at umalis na ako
Madami akong sekretong nalaman na ang mga nakakaalam lamang ay ang mga School Staff... isang malaking sekreto ng eskwelahang North Force High School... at ako lamang ang estudyanteng nakalaman nitong lahat...
***Sa classroom***
May namatay na naman at si Rita iyon, yung maldita sa amin na babae... hay, umoonte na kami at sigurado akong malapit na naming malalaman kung sino ang walang hiyang killer, o yung demonyo ng Section Hell...
"May clues kang nakita sa library?" tanong sa akin ni Farrah
"Um... wala..." pagsisinungaling ko
Gustong gusto kong sabihin kay Farrah kaso ayaw kong sirain ang pangako ko kay Ma'am Kiara... baka i-kick out kapag nalamang sinabi ko, next time ko na lang sasabihin kay Farrah dahil dapat niya itong malaman... ewan ko lang kung clues ang sinabi ni Ma'am...
"Ano? may napala ka ba? 'Diba wala? Kaya give-up! Dahil matatalo lang kayo at ako na ang mananalo, good luck sa inyo at sa akin, HAHAHA." Sabi sa akin sa bulong at humalakhak
Madami ang nakarinig pero walang pumansin, kahit si Farrah. Ako lang, titingin na sana ako sa bumulong ng bigla na lang itong umalis. Malamang ayaw niyang makita ko siya >.>
***
May isang bagay akong nakita na nagbigay pansin sa akin... isang jar sa teacher's table. Puno ito ng dugo... nakaka-takot ang itsura
"What's that?!" sigaw ni Dorothy at Cara, sila na ang new best friends, parehas Ingleshera
"Isang jar na puno ng dugo... creepy!" sigaw ni Gilbert
"May letter sa gilid nito." sabi ko at kinuha ang letter
Ang taong iinom nito ay mabubuhay siya, siya ang magiging survivor. Inomin mo na at ang unang iinom nito ay mabubuhay. ~Anonymous
---
Kadiri, iinomin ang dugo? Hindi ako vampire noh!! -_-
Halos nag-tutulukan silang lahat at gustong gusto nilang inumin ang dugo dahil gusto nilang maging survivor pero hindi nila alam... may naka-sulat pa sa likod ng papel na ngayon ko lang nabasa..
In the Opposite!! The one who drinks the blood will get the most torture!
---
Pero it was too late na ng mabasa ko ito, dahil may naka-inom na ng dugo at si Gilbert iyon... hindi 'man lang sila nag-isip muna, basta inom na... hindi nila alam masama pala ang idudulot non sa kanila.
"Guys, may nabasa pa ako sa likod nito." ng sinabi ko iyon ay biglang nagkaroon ng katahimikan
Ayan, sisihan na ba? Mag-isip kasi muna...
"The one who drinks the blood will get the most torture... ayun ang naka-sulat guys..." ang bigla kong sabi at naluha pa
Na-gulat si Gilbert at halos mag-dadabog... bigla niyang hinawakan ang uniform ko at hinampas ako sa muhka
"HOY, TUMIGIL KA!" sigaw ko sa kanya
"Hindi mo agad sinabi eh, magdudurusa ako!" sigaw niya sa akin na galit na galit
"You should've think first, hindi ko kasalanan iyon. Ngayon ko lang din nabasa..." paliwanag ko sa kanya
Binitawan agad niya ako at tumalikod,napa-isip siya bigla... naaawa pa rin ako sa kanya dahil siya ang makaka-receive ng most torture, at ayaw ko naman na ganoon...
"Sorry..." ayun lang ang nasabi ni Gilbert at pumunta na sa kanyang upuan at duon na nag-mukmok
Sana ay mabuhay pa siya ng matagal at hindi siya ma-torture... nakaka-awa talaga... sobra...
Someone's P.O.V
Lesson Learned: Think first before you do something kahit na naka-sulat ito dahil baka ito pa ang maging dahilan ng iyong kamatayan o pagdudurusa...
Ginawa ko lamang iyon para makita kung gaano sila mabilis mapa-tiwala, hindi ko alam ang dali pala... sobrang dali, ang bilis nilang mauto.
Sa paraang iyon ay madali akong makaka-pag higanti.
---
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top