EPILOGUE
Daniela's POV
Mabilis kaming nagtungo sa hospital kung saan isinugod nila Kuya si Raven. Lahat kami alalang-alala sa kalagayan niya. Lahat kami may iniindang sakit dahil pare-pareho kaming sugatan at pagod matapos ang naging labanan namin kay Raquim.
Agad din kaming nakarating sa hospital at dumiretso sa ICU kung saan kasalukuyang naroroon si Raven. Hindi ko alam kung inooperahan na siya dahil nasa ICU lang naman ang sinabi ng nurse saamin.
It should be. Delikado ang lagay niya at maraming dugo ang nawala sakanya, kaya kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. I can't afford to lose him. I know I've been harsed to him lately but i can't deny the fact that I'll still want to saved his life.
Oo nagkamali kami sa isa't-isa, hindi kaming lahat pero hindi ko gusto ang ganitong kinalabasan. Ayokong may mawalang buhay dahil lang sa maliit na bagay na nangyari saamin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung maiiyak ba ako o matutuwa dahil sa ginawang pagliligtas saamin ni Raven.
Gusto kong maiyak dahil feeling ko kasalanan ko kung bakit nag-sacrifice siya saamin ni Patricia kahit alam ko namang kasalanan talaga ni Raquim ang lahat, at pangalawa gusto kong matuwa dahil pinaglaban niya kung anong nararamdaman niya, nagpakatotoo siya at kinalaban ang takot at matauhan sa pagiging duwag niya.
"Guys! Kailangan daw ng Family's consent bago operahan si Raven." biglang bulalas ni Marcus matapos niyang kausapin ang doctor.
"Edi ipaalam natin sa parents niya, kailangan na niyang maoperahan..." naiiyak kong bulalas pero inalo lang ako ni Ricci na siyang katabi ko.
"Yes we can, pero nasa states ang parents niya, siguradong bukas pa sila makakarating kung nagkataon." asik naman ni Ace at tumango naman ang iba.
"W-what?" sabi ko at tuluyan ng naluha at napaluhod.
Hindi ko ininda ang mga sugat ko sa katawan. Ano ng mangyayari sakanya kung bukas pa makakarating dito ang parents niya. Feeling ko pinagkakait na saamin ang tadhana na itama ang mga mali namin. Feeling ko karma na namin sa mga nagawa naming kasalanan.
"Daniela stop crying! Magpakatatag ka!" sabi ni Kuya Joseph atsaka pinunasan ang luha ko.
"Hindi mo ba alam na mayabang yung boyfriend mo? Sigurado akong wala lang sakanya yung tama ng baril, alam natin na kaya niyang lumaban. Ikaw nga pinaglaban niya kay Raquim eh, sarili niya pa kaya?" sabi ni Kuya Yoseph.
Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong sarkastiko yun pero hindi ko maiwasang mabuhayan ng loob. Kahit papaano ay may pakialam din sila Kuya kay Raven. Tumango ako at tinanguan din nila ako.
"Sila Ate Roxanne!" biglang bulalas ni Cholo kaya kunot noo ko siyang tinignan.
"Right! Nandito na sila sa pinas 2 weeks ago pa. Tawagan mo na sila Zero!" sabi ni Marcus at mabilis namang inilabas ni Zero ang phone niya at tinawagan daw yung Roxanne.
'Ate ni Raven?'
Umiling nalang ako at hindi na nag-isip pa. Kasalukuyan naman kaming ginagamot dahil sa mga natamo naming sugat sa pakikipaglaban. Nandito kaming apat sa room 304 nila Patricia, Yngrid at Ricci.
May kanya-kanya kaming mga benda sa katawan, sa braso, paa, at leeg. Walang nagsasalita saamin at hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sasabihin ko. Nagkaayos na kami ni Patricia at tanging si Yngrid nalang ang hindi pa, ayos naman kami ni Ricci.
"Ahem! Sorry!"
Unang nagsalita si Yngrid at nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung sincere siya sa paghingi ng sorry pero okay na yon atleast marunong siyang mag-sorry.
"Sorry din sa lahat." sabi ko sakanya.
"Huwag mong isipin na napipilitan lang ako, sorry for the things that I've caused to you, and sorry because I've witnessed on how you suffered in hands of those thugs. Lets just in peace, kahit alam kong hindi mo'ko mapapatawad." mahaba niyang litanya.
"Sino namang nagsabi? Let's forget the past and make new things, pinapatawad na kita, pinatawad ko narin si Patricia. So peace na tayo..." sabi ko at ngumiti sakanila.
Ayoko kasing magpatuloy sa buhay na may kagalit na tao. Naniniwala kasi akong walang maidudulot na maganda yon sa buhay ng isang tao. Kaya kung maaari ayoko ng nagtatanim ng galit.
"Yie! So wala ng war sa pagitan nating apat. Peace, peace na tayo!" exagged na bulalas ni Ricci at iika-ikang tumayo at inilahad ang palad niya sa gitna.
Nagngitian naman kami ni Yngrid at ganon din sila Patricia at Ricci. Sabay-sabay naming pinatong ang palad namin sa palad ni Ricci.
"Friends?"
"Friends!" sabay naming sigaw at natawa.
Hindi ko alam na sa lahat ng pinagdaanan namin ay naging magka-kaibigan pa kami matapos ang lahat. Talaga ngang hindi mo hawak ang tadhana mo, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para sa bagong karanasan.
--
Nakaupo kami dito sa labas ng ICU habang hinihintay yung Ate ni Raven, para tuluyan na siyang maoperahan. Kung kailan matatapos na'tong storya namin saka ko lang nalaman na may Ate pala si Raven.
"Where's Raven?"
Napatingin kami sa taong nagsalita. Bumungad sa harapan namin ang dalawang magagandang babae, matangkad, maputi, maamong mukha at higit sa lahat kambal sila.
"Roxanne, Roxanna!" sabay na asik ni Kuya Joseph at Yoseph sa kambal na Ate ni Raven.
"Joseph, Yoseph?" kunot-noo namang tugod nila Ate Roxanne at Roxanna.
'I smell something fishy'
"What are you two doing here? Akala ko ba nabaril si Raven? Nasaan na siya?" sabay na tanong nina Ate Roxanne at Roxanna kila Kuya.
"Nasa ICU, kailangan daw ng Family's consent para tuluyan ng operahan si Raven." sabay din na sagot nina Kuya.
"What? Ano bang nangyari?" sabay ulit nilang tanong.
"Mahabang storya, mamaya na namin ipapaliwanag, kailangan ng maoperahan si Raven." sabay din na sagot nila Kuya.
Hindi na nagtanong pa sila Ate Roxanne at Roxanna at tumango nalang at kinausap yung doctor. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil maooperahan na si Raven dahil nandyan na yung kambal niyang Ate.
Kung titignan ng maigi parang girl version lang ni Raven sila Ate Roxanne at Roxanna, parang ganoon din saakin. Parang girl version lang ako nila Kuya.
Lumipas ang oras kung saan tuluyan ng naoperahan si Raven at naghihintay lang kami dito sa labas ng ICU. Yung iba naisipan ng umuwi dahil sa pagod at sakit ng katawan, kami namang apat nila Yngrid, Patricia, Ricci, Marcus, Zero, Uno, sila Kuya at Ate Roxanne at Roxanna ang naiwan.
Tahimik lang akong nakaupo habang hinihintay ang balita tungkol kay Raven. Napabalik ako sa ulirat ng maupo sa tabi ko sila Ate Roxanne at Roxanna. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil first time kong makita ang kambal na Ate ni Raven.
"You must be Daniela. We finally meet our brother's girlfriend." sabi ni Ate Roxanne at napatango nalang ako.
"As far as you don't know Daniela, lagi ka kayang kinu-kwento saamin ni Raven." sabi naman ni Ate Roxanna.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil kinukwento pala ako ni Raven sa mga Ate niya. Naiilang tuloy ako dahil baka kung anong pinagsasabi niya tungkol saakin.
"Alam mo Daniela, hindi mo alam kung gaano ka kamahal ng kapatid namin. She's always mentioning you to us after he go to school, laging nakangiti kapag ikaw ang usapan." asik ni Ate Roxanna.
"Alam namin kung anong pinaggagawa niya sa buhay niya, he's been hurt before at nawalan ng pakialam sa paligid niya, kahit mismo saaming pamilya niya. Laging umuuwi ng may bangas sa mukha, minsan nga hindi na umuuwi at kasama nalang ang buo niyang kaibigan." asik naman ni Ate Roxanne.
"Pero alam mo ba kung anong mas exiting na part? Yun yung nakilala ka niya, bumalik siya sa dating Raven na kilala namin noon, palangiti at may pakialam sa iba. It's hard to believed but it's true."
Nakikinig lang ako sa kwento ng mga Ate niya at hindi ko alam kung bakit gusto kong maiyak dahil feeling ko wala namang naging kasalanan si Raven. Naawa tuloy ako sa kalagayan niya dahil sa kwento ng Ate niya.
"Matapos magkwento saamin ng mga Kuya mo ay doon namin napatunayan na mahal na mahal ka niya talaga. He's willing to sacrifice himself just for you, why? Because he's really loved you."
"Masaya nga kami dahil finally nakita ka'na namin, binalik mo sa dati yung masayahin naming kapatid."
"Masaya kami kung ano mang meron sainyo. Sa mga kwento nina Joseph at Yoseph ay masasabi naming mahal mo din yung kapatid namin, hindi naman siguro mamumugto yang mata mo kakaiyak kung hindi eh."
Napangiti nalang ako at walang sabi-sabi ko silang niyakap. Nakakatuwa dahil kahit paano ay naiintindihan nila ang kalagayan namin ni Raven. Parang gusto ko na tuloy sila maging Ate.
"Wait! What's you're relationship with my brothers?" tanong ko kila Ate Roxanne at Roxanna.
"They're our Boyfriends. Hindi ba nila sinabi sayo?" sabay nilang sabi.
Napapikit ako at mabilis kong sinamaan sila Kuya na nakaupo sa gilid at kunot-noo naman nila akong tinignan. All this times may girlfriend pala sila at mga Ate pa pala ni Raven. Kaya pala laging mainit ang ulo nila kay Raven.
Mabilis kaming napatayo ng bumukas ang pintuan ng ICU at lumabas ang doctor. Naglakad kami sakanya atsaka siya tinanong tungkol sa kalagayan ni Raven.
"What now Doc? Ligtas na po ba siya?"
Hindi nagsalita yung doctor at mabilis niyang inalis ang suot niyang hospital cap at salamin niya atsaka tumingin saamin at bumuntong hininga.
--
Isang buwan ang nakalipas matapos ang lahat. Ngayon nakaharap ako sa full length mirror ko habang nakasuot ng white dress. Napangiti ako dahil doon.
Mabilis akong bumaba at nadatnan ko sila Kuya na nakabihis na din, pareho silang naka-white polo at naka-neck tie. Mas lalo tuloy silang gumwapo.
"Let's go Princess. Late na tayo!"
Umangkla ako sa braso nila at sabay kaming sumakay ng kotse at diretso sa Spring Valley. Agad din kaming nakarating at sobrang daming tao pagkarating namin.
Tumakbo kami sa loob ng auditorium at nadatnan namin sina Ate Roxanne at Roxanna na naka-dress din. Napangiti sila ng makita kami at nagkanya-kanya sila ng halik. Boyfriend ni Ate Roxanne si Kuya Joseph at Girlfriend naman ni Kuya Yoseph si Ate Roxanna.
"Sige mang-inggit kayo!" sita ko at natawa silang apat.
'Peste 'tong mga kambal na'to'
"Tara na, naka-reserved na yung upuan natin. Isuot niyo na'to."
Mabilis na pinasuot kila Kuya yung toga nila at yung toga ko wala pa. Yes. It's our graduation day at sobrang saya ko dahil sa wakas graduate na kami ng senior high school. College life na kami next year.
"Daniela!"
Napatingin ako kila Ricci at kinawayan nila ako, kasama niya sila Patricia at Yngrid. Nasa likod naman nila yung buong Section E. Ngitian ko sila at masaya akong nagkapatawaran narin kami.
"Girl! Late ka'na isuot mo na'tong toga mo." asik ni Yngrid at binigay ang toga ko na mabilis ko namang isinuot.
"Hayyss! Sa wakas graduate na tayo." sabi ko at natuwa naman sila.
Ang sarap sa pakiramdam na sa halos isang taon ko dito sa Higher Value International School ay sa huli naka-graduate din ako, naranasan ko ang iba't-ibang karanasan dito.
Mula sa away namin ng Section, iringan naman araw-araw ni Yngrid, lokohan namin ni Cholo at ibang mga depungal at higit sa lahat nakabuo kami ng love and friendships sa isa't-isa.
"Guys! Groufie tayo!" sigaw ni Zero habang may hawak na camera.
Nagkanya-kanya naman kaming poses atsaka ko pinisil ang pisngi ni Cholo. Nakaka-miss ang batang 'to. Akalain niyo yun naka-graduate din ang bata.
"Okay pictures naman by couples." sigaw naman ni Marcus kaya mabilis silang tumakbo sa kanya-kanya nilang jowa.
Si Zero na nakatuluyan si Yngrid. Oo naging sila, si Marcus naman kay Ricci, si Patricia kay Uno, naging sila din sa huli. Si Cholo kay Trixie, naging sila din. Sila Kuya at sila Ate Roxanne at Roxanna, at yung ibang depungal na still singles parin.
"Oh ano Daniela tatayo ka nalang ba diyan?" sita nila saakin.
"Paano wala naman yung boyfriend ko." sabi ko.
"BABE!"
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko siya habang may hawak na bouquet of roses at nakangiti habang papalapit saakin. Napangiti din ako sakanya.
"Oh! Ayan na pala si Raven, yung boyfriend mo! Yie kilig na yan!" asar nila kaya binelatan ko sila.
"Babe for you." sabi niya at binigay saakin yung bouquet of roses.
"Thanks Babe! Bakit saan ka nagpunta? Ang tagal mo." sabi ko at napakamot naman siya sa ulo niya.
"Hehe! Binilhan kasi kita ng roses. Do you like it?" nakangiti niyang tanong kaya kinilig ako.
"Of course!" sabi ko at mabilis ko siyang hinalikan sa labi, gumanti din siya at kasabay noon ang tunog ng camera at kantyawan nila.
"Yie! Happy na siya!"
Natawa nalang din ako at ganoon din sila. Ilang oras pang lumipas bago natapos ng tuluyan ang graduation namin at ngayon nakatayo kaming lahat habang hawak-hawak namin ang mga cap namin.
"Okay 1 2 3!"
"Happy Graduation!"
Sabay-sabay naming sigaw atsaka inihagis ang mga caps namin at masaya naming tinanggap na graduate na kami. Hinawakan naman si Raven yung kamay ko atsaka niya hinalikan kaya napayakap ako sakanya.
"I love you Babe Daniela!"
"I love you too Babe Raven!"
*THE END*
Waaahhh! Sa wakas tapos na ang Section E! Sorry guys i can't contain my happiness right now, so I'll gonna separate my greetings and my gratitude later. See'yah
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top