61 /Revelations/


Daniela's POV

Nagising ako sa isang kwarto na ang pagkakaalam ko ay hindi saakin pero pamilyar, hindi ko maalala kung kaninong kwarto ito. Iginala ko ang mga mata ko atsaka bumangon sa pagkakahiga, agad namang namilipit ang ulo ko sa sakit.

"Shit!" mura ko habang nakahawak sa ulo ko.

Doon ko lang napagtanto kung anong nangyari saakin. Yung nangyari sa pagitan namin ni Raven kanina at hindi ko na maalala kung anong sumunod na nangyari saakin?

Nasa ganoon akong posisyon ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang taong hindi ko expected na makikita.

"Ivan?" kunot noo kong tanong.

"Thanks god you're awake Daniela!" sabi niya at lumapit sa saakin.

"A-anong nangyari? Atsaka bakit ako nandito sa kwarto mo?"

"Nakita kita sa Bonifacio Bridge kanina malapit sa school natin dati. Nagulat ako kasi sumulong ka'sa malakas na ulan habang tulala. Then suddenly you fainted, buti nalang nakita kita." mahaba niyang kwento at unti-unti ko namang naalala lahat ng nangyari.

Of all people na kilala ko ay bakit sa ex ko pa ako nawalan ng malay? Is this kalandian Daniela?

Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko sa kadahilanang pinaglaruan ako ni Raven. Mabilis kong pinunasan ang luha ko, ayokong magmukhang mahina.

"Why are you crying? May nangyari ba sayo?" he said with worriedly eyes.

"Ahaha! Wala napuwing lang ako." sabi ko at napilit na tumawa.

"Sure ka?"

"Oo. Don't mind me, I'm fine. Thanks anyway, kung hindi dahil sayo baka kung ano na nang nangyari saakin."

"No worries; ikaw pa."

Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa pero nabasag din agad ng biglang kumalam ang tiyan ko. Napayuko naman ako sa kahihiyan atsaka ko narinig ang tawa niya.

"You're hungry huh? Kumain ka muna." offer niya at agad naman akong tumanggi.

"No! Masyado na kitang naaabala. Salamat nalang." sabi ko atsaka ulit kumalam ang tiyan ko.

"Huwag ka ng tumanggi, atsaka hindi ka naman iba ehh. Ano ba naman yung kumain ka muna, baka himatayin ka ulit sige ka!?" pagpupumilit niya kaya tumango nalang ako at ayoko namang maging bastos sa pagmamagandang loob niya.

Isa sa mga ugali ni Ivan ang pagiging persistent. Talagang matatalo ka sakanya dahil talagang mapilit siya. I know wala na kami pero hindi naman masamang mag-recall.

Pumunta kami sa kusina niya. Actually nakatira siya sa isang condominium. He's 19 yrs old at kaya na niyang maging independent. Ako nga dapat nasa bahay na before 6 pm kundi patay ako kila Kuya.

Speaking of Kuya. Sure akong nag-aalala na sila saakin dahil hindi pa ako nakakauwi. Bahala na.

Pinaghanda ako ng pagkain ni Ivan atsaka siya nagtimpla ng kape para saakin.

"Thanks!" pasalamat ko.

Tahimik lang akong kumakain samantalang siya ay naka-lean sa may lababo habang umiinom ng kape. Naiilang ako sa sitwasyon namin kaya nag-open up ako para naman walang ilangan.

"Kamusta kayo?" biglang kong tanong at kumunot naman ang noo niya.

"Kamusta kami? Nino?" taka niyang tanong.

Napaka-out of knowhere naman kasi ng tanong ko kaya hindi niya agad na-gets kung anong pinupunto ko.

"I mean kayo ni Jessica? Kamusta naman kayo?" punto ko at matagal bago siya sumagot.

"I don't know?"

"What do you mean you don't know?" kunot noo kong tanong.

"Okay naman ako, ewan ko lang sakanya?" sabi niya kaya naguluhan ako.

"What? Diba girlfriend mo yun? Bakit break na kayo?" straight forward kong tanong pero kita kong pilit siyang ngumiti.

"Girlfriend? Paano ko siyang magiging girlfriend eh hindi naman naging kami?" sabi niya at literal kong nabuga yung kinakain ko dahil sa gulat.

Mabilis ko namang ininom yung kape pero agad ko ding naibuga dahil mainit pala. Mabilis namang kumuha ng tubig si Ivan atsaka ipinainom saakin.

"You okay?" tanong niya at hinimas ang likod ko.

"O-oo, okay lang ako."

"Paanong hindi naging kayo? Ehh diba nga ibinulgar pa niya sa buong school na boyfriend ka niya." sabi ko at tumango siya.

"Yun ang pagkakaalam mo at ng lahat but it wasn't true. Hindi naging kami. Tapos!" sabi niya at mas nalito ako dahil hindi ko siya maintindihan.

Noong foundation namin dati sa Saint Avila, sinabi niya sa buong school na sila na ni Ivan at kung sinasabi ni Ivan na hindi naging sila. So does that mean they faked their relationship?

"So nagkunwari kayong mag-on ganon ba? Nag-kunwari kayong maging kayo para magmukha akong tanga, ganon ba!?" sabi ko in a sarcastic tone.

Hindi ko maiwasang mainis at magalit dahil pinagmukha nila akong tanga. All those times na akala ko sila ay hindi naman pala.

"It's not like that Daniela, please let me explained." sabi niya dahil mabilis kong tinapon ang kinakain ko.

"Explained what Ivan! Buong akala ko kayo talaga dahil ang sweet niyo tapos todo tanggol ka'pa sakanya habang nakikita mong nag-aaway kami. Sabihin mo saakin kung anong totoo!!!"

Sa sobrang pagpupuyos ko ay hindi ko naiwasang masampal siya. Nagulat din ako sa ginawa ko at napaatras siya sa lakas ng pagkakasampal ko, hindi niya naiwasan yung basag na plato na hinagis ko kanina kaya mabilis na umagos yung dugo sa kamay niya.

"S-sorry..."

Nataranta ako kaya mabilis ko siyang hinila sa sink atsaka ko hinugasan ang kamay niya. Agad akong naghanap ng tela atsaka ko binalot sa kamay niya para pigilan ang pagdugo.

"Chill Daniela, hindi naman 'to malala." sabi niya at iniwas ang kamay niya.

"Anong hindi malala, eh ang dami ngang dugo. Sorry! Hindi ko sinasadya, hindi ko lang kasi maiwasang magalit." sabi ko at tuluyan na akong umiyak.

"Sorry."

Hindi siya sumagot at hinayaan lang akong umiyak ng umiyak. Sa totoo lang gulong-gulo na ako at feeling ko sasabog na ang ulo ko sa dami ng mga bagay na nalalaman ko. Kanina kay Raven ngayon naman ay kay Ivan.

'Hindi ko'na alam kung anong totoo?'

"I know it's too late to say this, pero gusto ko paring sabihin sayo Daniela kung anong totoo. Jessica blackmailed me na hiwalayan ka in return na hindi ka'na niya guguluhin, i know how much you suffered that timed, gusto kong maging okay na kayo ni Jessica pero mali pala, na-bankrupt yung business ni Dad at family ni Jessica yung nangsalba ng business ni Daddy.

Wala akong nagawa kundi sumangyon sa plano niyang makipag-hiwalay sayo, alam kong selfish ang dating ko, I'm out of luck, feel down and frustrated that timed kaya wala akong nagawa. I'm sorry Daniela, sana mapatawad mo'ko..."

Tuloy-tuloy na umaagos ang luha ko habang sinasabi niya lahat saakin ang totoo, ganoon din siya at basag na din ang boses. Sobra akong nasasaktan sa mga nalalaman ko.

Gusto kong magalit ng sobra kay Jessica dahil nagawa niya yun, hindi ko ine-expect na ganoon kalala ang galit niya saakin. Wala lang ba sakanya ang tatlong taon na naging magkaibigan kami para magawa niya ang ganoong bagay?

Gusto ko rin na magalit kay Ivan dahil sa ginawa niya. Gusto ko siyang sisihin kung bakit hindi siya nagpaka-lalaki para ipaglaban yung relationship namin, pero hindi ko magawa dahil mas pinili niya ang pamilya niya ke'sa saakin.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari saakin 'to? Ito na ba ang karma ko? Ito na ba ang mga kabayaran sa mga nagawa kong kasalanan, kung ito nga ay nagsisisi na ako dahil sobrang sakit pala.

May mga bagay na kailangan talagang tanggapin kahit galing sa masakit na katotohanan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, sa sobrang sakit ay feeling ko ay wala na akong maramdamang sakit.

~~
Yow guys! Sorry if maikli lang 'tong chapter na'to pero okay lang dahil confident ako dahil hindi ako sinaniban ng katamaran.

Let me know your thoughts guys. Seeyah in my next update.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top