60 /Ignore/
Daniela's POV
Isang linggo na ang nakalipas matapos mag-transfer ni Patricia dito sa HVIS. Sa isang linggong yun ay maraming nagbago, lahat ng nakasanayan ko sa ilang buwan kong pag-aaral dito ay masasabi kong literal na maraming nagbago.
Unang-una ay yung typical na pagla-lunch namin ni Cholo at iba pang depungal sa room ay hindi na namin nagagawa dahil kay Patricia na sila minsan sumasama.
Alam ng lahat na totally banned kami sa cafeteria pero nagulat nalang ako ng biglang naging open ulit yon para saaming mga taga Section E. Maraming nagtaka dahil ilag ang karamihan saamin pero sa huli ay wala rin silang nagawa na siyang ikinapagtataka ko hanggang ngayon.
Minsan naman kapag nakikipag-kwentuhan ako kila Marcus at Zero ay ramdam ko ang pagkailang at hindi pagiging komportable sa presensiya ko. Ang sakit para saakin na parang hindi kami magkakaibigan para ganoon nalang ang treatment nila saakin.
Ang hirap palang mag-expect masyado dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan at magmumukhang palaasa. Yun kasi ang nararamdaman ko at ang sakit lang talaga para saakin.
Naglakad ako palabas ng room at mabilis na sinundan si Raven. Isa pang bagay na nagbago matapos ang isang linggo. Si Raven, he totally changed and completely ignoring me.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya para magbago ng ganoon and worst saakin pa talaga, para bang mas naging cold siya kumpara dati at literal na wala ng pakialam sa paligid niya. Nakita ko naman kung paano siyang nagbago at alam ko yun pero parang ibang-iba na siya ngayon.
'Parang hindi na siya yung Raven na kilala ko?'
Yun bang feeling na napaka-close niyo dati at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay para na ba kayong hindi magkakilala. Hindi ko alam ang rason niya para matiis akong hindi kausapin at pansinin pero isa lang ang naiisip ko kung bakit siya nagkaganyan.
'It was Patricia's fault'
I know na masamang mambintang lalo na't wala akong ebidensiya na nagpapatunay na siya nga ang may pakana para tuluyang magbago si Raven. Nagbago lang naman siya matapos nilang mag-usap noong nakaraang linggo.
Kung alam ko lang na ganyan ang magiging kinalabasan niya matapos nilang mag-usap, sana ipinagpilitan ko nalang na sabay kaming mag-lunch. Hindi ko alam kung bakit sobrang obsessed ng dating ko pero hindi ko talaga mapigilan.
Kahit alam kong hindi ulit niya ako kakausapin ay sinundan ko parin siya. Naglakad siya papunta sa rooftop ng lumang building kung saan kami madalas kumain na dalawa.
Nakakainis bakit dito pa? Marami kaming happy memories sa lugar na'to. Tahimik lang ako at sinundan din siya sa rooftop. Tumigil siya at tumayo sa gitna at dinama ang preskong hangin, nakatayo lang ako sa likod niya at para ba akong napipi dahil walang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"R-raven..."
Sa wakas nahanap ko din ang boses ko. Kung pakikinggan mo ng mabuti ang boses ko ay mararamdaman mo ang lungkot at pag-crack ng boses ko. Lumingon siya saakin at blangko lang ang tingin niya saakin.
"I m-missed you..." usal ko at para bang may nakabara sa lalamunan ko at pigil na pigil ang luha ko.
"I don't miss you Daniela, leave me alone." matigas niyang sabi pero hindi siya makatingin saakin.
Kung may mas masakit pa sa sinabi niya sure akong nakabulagta na ako dahil sa sakit ng mga binitawan niyang salita. Feeling ko pinagsasaksak ang puso ko dahil sa kirot.
"Ano bang nangyayari sayo Raven?" tanong ko ulit.
"Walang nangyari saakin, nakikita mo naman diba?" pilosopo niyang sagot at iginiya ang sarili na para bang gusto niyang ieksamin ko ang katawan niya.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin, i m-mean bakit nagbago kana?" sabi ko at tumungo dahil feeling ko anumang oras maiiyak na ako.
"Hindi ako nagbago Daniela, hindi mo pa nakikita ang tunay na ako. Ganito na talaga ako dati pa." sabi niya in a very deep voice.
Umiling ako at ayaw kong tanggapin ang mga sinabi niya dahil halatang nagsisinungaling lang siya.
"Hindi! Hindi ka ganyan dati, oo alam natin na dati kang mayabang, mainit ang ulo, walang pakialam sa mundo pero lahat ng yun ay panlabas mo lang dahil alam ko kung anong tunay mong ugali, ayaw mo lang talagang ipakita sa iba dahil mas pinaninindigan mo ang pagiging gangster mo!" mahaba kong litanya kahit hirap na ako sa pananalita pero kinakaya ko parin talaga.
"Kalimutan mo na lahat ng pagkakakilalanlan mo saakin, hindi na ako yung dating Raven na nakilala mo. Eto talaga ako Daniela, may mga tao talagang nagbabago at isa na ako don." sabi niya pero pilit akong umiling dahil ayoko talagang tanggapin.
"Please Raven tama na. Bumalik kana sa dati, yung Raven na kilala ko. Bumalik na tayo sa dati please..." sabi ko at ngayon lang ako nagmakaawa sa isang tao para lang bumalik sa dati.
Alam kong ma-pride akong tao at hindi basta-basta pero hindi ko talaga kaya. Lalo na't si Raven ang usapan.
"You can't please everybody Daniela. Atsaka walang tayo."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko at doon na tuluyang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Isang salita mula sakanya pero feeling ko bumagsak na ang mundo ko. Ang sakit pala talaga. Ang sakit palang marinig ang salitang yun sa taong mahal mo.
"Stop it Daniela! Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang talaga? Pinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto!"
Biglaang sulpot ni Patricia sa likod ko atsaka siya lumingkis sa braso ni Raven. Hindi naman umangal si Raven at lumayo ng tingin saakin. Assumera lang ba talaga ako at sobrang nasasaktan dahil umasa ako sa matatamis at mapanlokong ngiti ni Raven.
"B-bakit Raven? Sabihin mo saakin? Ano ba talagang tingin mo saakin?" matapang kong tanong habang nakatingin sakanilang dalawa ni Patricia at patuloy namang tumutulo ang luha ko.
Tinitigan niya ako at kitang-kita ko ang lito, sakit, panghihinayang, at pagsisisi sa mga mata niya. Hindi ko na alam kung ano ang totoo ngayon.
"I l-love you, b-but i lied!" sabi niya habang nakatitig saakin at mas lalong kumirot ang puso ko sa mga salitang binitawan niya.
"See Daniela? So back off!" asik ni Patricia at mabilis na hinila si Raven at hinalikan sa labi. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Raven at tila hindi gusto ang ginawang paghalik ni Patricia.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghagulgol ko at sobrang labo na ng paningin ko dahil sa luha ko. Yumuko ako at hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak. Tiniis ko ang sakit at umiyak ng tahimik. Ayokong magmukhang mahina sa paningin nilang dalawa.
Lumapit saakin si Raven at akmang hahawakan ako pero agad din akong umiwas. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko dahil naghahalo na ang sakit, lito, hinanakit at pati narin galit.
Tinignan ko sa mata si Raven at bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero hindi ko alam kung totoo ba yun o nagpapanggap lang siya. Walang ano-anu'y bigla kong tinaas ang kamay ko at mabilis kong pinadapo sa mukha niya ang palad ko.
Hindi ako sa nakuntento sa isa kaya apat na beses ko siyang sinampal, kaliwa't-kanan. Pinagsusuntok ko din ang dibdib niya at talagang wala siyang kibo.
'Talagang wala kang pakialam saakin'
"Bakit Raven? Bakit mo ako nagawang lokohin, bakit masyado kang paasa? Bakit ang duwag-duwag mo. Akala ko ba mahal mo'ko? Lahat ba yun kasinungalingan lang ba? Sorry ah, umasa ako sa mga sinabi mo kahit wala naman palang ibig sabihin yun.
Ang tanga-tanga ko lang dahil nagpahulog ako sayo kahit alam kong si Patricia parin talaga ang mahal mo. Oo! Wala akong karapatan para magselos dahil wala namang tayo, pero may karapatan akong masaktan dahil nagmahal ako!"
Kahit alam kong wala na akong boses ay nakaya ko parin na ipagtanggol ang sarili ko. Ang sakit palang magmahal ng isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Ang sakit-sakit. Kung pwede ko lang sanang alisin ang puso ko at palitan ng bago sana ginawa ko na pero hindi eh.
Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol at maramdaman ang sobrang sakit. Umatras ako atsaka tumakbo paalis ng rooftop at hindi pinansin ang mga estudyanteng nakakita saakin dahil wala silang pakialam sa nararamdaman ko.
Nakasalubong ko sila Marcus, Zero at ibang depungal at bumalandra sa mukha nila ang pagtataka pero tumakbo na ako palayo at hindi maiwasang may makabangga. Agad akong humingi ng sorry habang hindi tinitignan yung nakabangga ko.
"Daniela?"
Napatingin ako sa taong nakabunggo ko at kamalas-malasan namang si Yngrid pala. Gulat din ang bumalandra sa mukha niya matapos akong makita pero hindi ko na yung pinansin at tuluyang tumakbo paalis.
Nakakainis dahil kailangan pa nilang makita kung paano ako kamiserable ngayon. Wala na akong mukhang maihaharap sakanila dahil nakita na nila ang kahinaan ko. Hinayaan ko ang sarili kong tumakbo kung saan.
Kasabay ng pag-iyak ko ang biglaang pagkulog ng langit at anumang oras ay magbabadyang uulan. Parang nakikiramay ang kalangitan ngayon dahil sa labis kong kalungkutan.
Hindi ko rin pinansin ang mga taong nakakakita saakin dahil wala akong naiisip sa ngayon kundi magpakalayo-layo dahil ayokong makita ang mga taong naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
Tuluyan nang bumagsak ang malakas na ulan at ngayon masasabi kong wala ng dahilan ang ibang tao para pagtawanan ako dahil basang-basa na ako at inaanod ang luha ko kasabay ng tubig ulan.
Nakarating ako sa isang tulay at hindi ko na alam kung anong nangyayari saakin. Wala akong balak magpakamatay pero parang may nag-uudyok saakin para tumalon sa tulay, sumampa ako sa railings ng tulay at tumingala sa kalangitan atsaka mabilis na nanlabo ang paningin ko at tuluyan na akong kinain ng dilim.
~~
OMO! Ano kayang nangyari kay Daniela? Bye-bye Daniela na ba tayo? Grabe ang intense ng chapter na'to. Yung feeling na ang sakit ng ulo ko dahil puyat ako pero andami pa palang ideas na gumagala sa utak ko. Wala lang share ko lang!
C U in my next update.
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top