56 /Fell/


Daniela's POV

It's been a week since Raven acting weird and confessed his feelings that he liked me. Isang linggo na rin akong pinepeste ng depungal na'yon at hindi ko na alam ang gagawin ko.

He's getting into my nerves really. There's this time na palagi niya akong inaayang mag-lunch at hindi naman ako makatanggi dahil pipilit-pilitin parin niya ako hanggang sa pumayag ako.

Meron din yung time na may nantrip saaking mga barumbado sa quadrangle at hindi niya yun pinalagpas at pinagsasapak isa-isa. Wala ulit akong nagawa dahil sa gulat dahil ibang-iba na siya sa kilala kong Raven, yung Raven na walang pakialam sa paligid at higit sa lahat, yung Raven na may bored look.

I hate to admit it but i can't help it, meron sa parte kong gusto ko yung mga ginagawa niya at biglaan niyang pagbabago kuno, at natutuwa ako dahil kahit papaano ay feeling ko malaking achievement na saakin na nagbago siya.

Hindi ko rin maiwasang matakot dahil baka palabas lang ang lahat? Malay ko ba kung totoo lahat ng pinapakita niya o may iba siyang intensyon? Hindi ko gustong maghinala sa mga gawa't kilos niya pero yun ang nararamdaman ko.

"Urgh! I don't know?" sabi ko at umiling-iling.

Palabas na sana ako ng CR ng sakto namang pumasok si Yngrid at nagkabungguan kami. Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa babaeng 'to. Alam niyo na. We're not in good terms y'know.

"Oh! It's you pala Daniela." nakangiti niyang sabi at literal akong napalaki ng mata dahil sa sinabi niya.

Ang inaasahan kong gagawin niya ay tarayan ako at okrayin pero hindi yun ang inaasahan ko. Anong nakain ng babaeng 'to at bumait yata?

"Y-yeah." awkward kong sagot at natawa naman siya.

"Hahaha! It's been a while Daniela. Kamusta ka?" tanong niya.

Siningkitan ko siya ng tingin at ineksamin siya mula ulo mukhang paa at feeling ko hindi siya si Yngrid na kilala ko at impostor lang siya. Nasaan na ang Yngrid na marinig palang ang pangalan ko ay kumukulo na ang dugo?

"Did you just ask me kung kamusta ba ako?" tanong ko at tumango naman siya.

"Bakit? Masama bang kamustahin kita?" nakangiti niyang tanong.

"H-hindi naman, it's just that--"

"Ahh? Maybe you're nagtataka kung bakit ako mabait today right?" conyo niyang sabi at daglian akong tumango.

"It's just nothing. Gusto ko lang mangamusta ng mga tao ngayon, especially sa mga malapit saakin."

Pagkasabi niyang yun ay agad na umarko ang kilay ko dahil alam kong may ibang pakay ang babaeng 'to. Ikaw ba naman hindi magtataka kung yung kaaway mo ay bigla kang kamustahin at umasta na parang walang away sa pagitan niyo.

'No way!'

"Excuse me! We're not friends!" taray ko naman atsaka nag-exclamation point pa.

"Awww... But it's okay, actually i don't want to be friends with you too." maarte niyang sabi atsaka nag-ayos ng itsura sa harap ng salamin.

Sinasabi ko na nga ba't may ibang intensyon ang babaeng 'to. Well I'm not that stupid to take her bait.

"Okay then, hindi kasi ako nakikipag-kaibigan sa mga plastic. You know naman girl, maraming pakalat-kalat diyan. Well then see you around..." maarte ko ding bulalas atsaka mabilis na umalis ng CR.

'She's so faked!'

"Ricci!"

Tawag ko kay Ricci pero hindi niya ako narinig. Nakatayo siya sa may gilid ng bleachers at may kausap na lalaki pero hindi ko mawari kung sino dahil nakatalikod. Nagkibit-balikat nalang ako at hindi na siya pinansin pa.

It's none of my business to interfere with others businesses though. Naglakad nalang ako pabalik sa room pero napahinto din agad ako ng makita ko si Raven na nakasandal sa may pader paliko sa room namin.

Ngumiti siya at kita ko ang mapuputi at pantay niyang ngipin at ang kanyang killer dimples. Shit! I know this would be happened when he's around or smiling like that. Nag-init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-anong ginagawa mo diyan?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya atsaka mabilis akong hinawakan at kinaladkad.

"Hoy Raven ano ba! Saan mo ako dadalhin!?" ramdam ko ang pag-panicked sa boses ko at handa ko na sanang baliin ang braso niya.

"Just follow me." sabi niya atsaka ulit ako hinila.

"What? Anong follow me ka dyan eh hila-hila mo nga ako. May klase pa tayo ano ka ba!" sabi ko at sinapok siya pero hindi natinag ang loko.

Wala naman akong nagawa kundi magpatianod sakanya dahil hila-hila nga niya ako. Gustong umangal ng utak ko na wag sumama sakanya, pero parang sinasabi naman ng puso ko na sumama sakanya.

Walang nagawa yung guard dahil tinakot ni Raven kaya walang problema kaming nakalabas ng school. Naglakad kami sa gilid ng school at pumasok sa isang eskinita.

"W-what the hell are you doing Raven? Anong gagawin mo saakin? Don't tell may balak ka saakin! Oh god please Raven huw--"

Natigil ako sa paghi-hysterical ko ng biglaan niya akong hinalikan. Napatulala naman ako at hindi alam ang sasabihin.

"Good! Kiss ko lang pala makakapagpa-tahimik sayo eh." sabi niya at natawa.

"Bwisit ka!" mabilis ko siyang pinagsasabunot dahil sa pangnanakaw niya ng halik saakin.

"Stop it Daniela, or else..." banta niya atsaka hinawakan ang panga ko at akmang hahalikan ulit pero umangal na ako.

"Ano ba! Hindi lang sabunot makukuha mo saakin, makakatikim ka talaga ng sapak saakin." banta ko at inambahan pa siya ng sapak.

"Ay! Di ba pwedeng tikim nalang ako ng kiss?"

"RAVEN!"

--

Nakaangkas ako sa likod ng minamanehong motor ni Raven ngayon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at wala akong iniisip ngayon kung mabubuhay pa ba ako dahil sa bilis magpatakbo ng pesteng lalaking 'to.

Pagkahinto niya ay agad din akong bumaba at halos mangatog ang tuhod ko at feeling ko nawalan ako ng lakas tumayo.

"Peste ka talaga Raven! Namumuro ka'na saakin ah. Pasalamat ka gwapo ka..." sabi ko at hininaan ang huli kong sinabi.

"Huh? Anong sabi mo?"

"Wala! Ang sabi ko gago ka!" asik ko at ngumiti naman siya.

"Ah oo gwapo ako!"

'Lintik'

Doon ko napagmasdan kung nasaan kami ngayon. Nasa isang burol kami kung saan kitang-kita ang kabuan ng lugar namin. Presko din dahil sariwa ang hangin at maaliwalas ang panahon.

"Dito ako nagpupunta kapag gusto kong mag-relax." biglaang bulalas niya at dinama ang sariwang hangin.

Napangiti naman ako at masasabi kong nakakarelax nga dahil sa ganda ng ambiance. Nakakawala ng stress ang ganitong scenery, binuka ko ang kamay ko at dinama rin ang hangin atsaka ako pumikit.

Nasa ganoon akong posisyon ng maramdaman kong may dalawang bisig na bumalot sa bewang ko. Napatingin ako kay Raven pero sinandal lang niya ang mukha niya sa balikat ko at maling kilos ko ay siguradong magkaka-halikan ulit kami.

Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya pero mas hinigpitan lang niya ang yakap niya. Kahit naiilang ako ay hinayaan ko nalang siya. Hindi ko alam saakin kung bakit tumatagal ay gustong-gusto ko rin ang ginagawa niya.

Maybe because i find it cute and sweet. I've never thought na hinayaan kong mahulog ulit sa isang lalaki. Pinangako ko kasi dati sa sarili ko na hindi na ulit ako mahuhulog and yet here I am, kasama ang isang badboy slash leader ng isang kinatatakutang gang.

Ironic isn't? Parang sa mga napapanuod ko lang sa TV at nababasa ko. Worth it nga ba talagang magmahal? Hindi ko rin masabing mahal ko na nga talaga siya, alam ko sa sarili kong masaya ako kapag kasama ko si Raven, pero hindi ko din maiwasang isipin na tama ba 'tong ginagawa ko?

Alam ko na ngayon ang tanong sa mga tanong ko. Despite sa mga nangyari sa pagitan namin ay dito din pala kami mapupunta. Feeling ko tuloy totoo yung sinasabi nilang the more you hate, the more you love at ngayon eto na.

'I fell inlove with him'

~~
Eyy guys! Yikes, hindi ko alam kung okay ba 'tong chapter na'to. Feeling ko ampangit ng kinalabasan. Kayo nalang humusga okay?

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top