55 /Persistent/


Daniela's POV

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko at hindi makatulog dahil sa pesteng Raven na yan. Kahapon pa ako binabagabag matapos niyang sabihin na gusto niya ako matapos siyang matamaan ng bola sa ulo.

Naalog ba ang utak niya kaya kung ano-ano nalang ang nasasabi? Atsaka parang baliw 'tong puso ko sa pagtibok kapag may sinasabi siya at hindi ko alam ang ire-react ko.

"Damn you! Urrggghh!" nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa nahulog at kamalas-malasang nauntog pa ako.

"Shit!" asik ko habang hawak ang ulo kong nauntog.

"Danny! What the hell are you doing?" rinig kong tanong ni Kuya Yoseph habang kinakatok ang pintuan ko.

"Ahm? Nothing Kuya, nagpra-practice lang ako. Don't worry." sagot ko.

"Sure?"

"Sure na sure Kuya!" sagot ko at rinig ko naman ang yapak niya papaalis.

Umayos naman ako ng higa at pinilit na matulog.

'I like you Danny'

'I like you Danny'

'I like you Danny'

Urgh! It can't help either. Mas lalo ko siyang naalala at yung sinabi niya, pati ba naman sa pagtulog siya parin? Kainis naman oh.

KINABUKASAN...

Latang-lata akong kumilos at ramdam ko ang hapdi sa mata ko at kulang ako sa tulog. Kitang-kita rin ang eyebags ko dahil alas tres na ng madaling araw ako nakatulog.

Mabilis akong bumaba at dumiretso sa kusina para mag-almusal at wala akong nadatnan na kambal. Nasan sila? Kadalasan sila ang nauunang bumangon at kumilos, himalang wala sila ngayon.

Nagkibit balikat nalang ako at walang buhay na tumungo sa cabinet at kinuha yung cereal at nagtimpla ng gatas. Susuray-suray naman akong kumakain. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon.

"OWW SHIT!"

Napatingin naman ako kila Kuya na nagulat matapos akong makita.

"W-hat happened to you?" napapalaking mata na tanong ni Kuya Joseph.

"Kumakain..." sagot ko.

"Ano?" tanong naman ni Kuya Yoseph.

"Kumakain..." sagot ko ulit.

"Ehh bakit ang aga mong nagising? Atsaka anong ayos mo? Mukha kang sabog! Bwahaha!" asik ni Kuya Joseph at natawa naman si Kuya Yoseph.

"Che!"

"Bat di pa kayo nakabihis?" tanong ko naman dahil naka-boxer lang silang pareho. Peste! Hindi na nahiya saakin at binalandra pa ang katawan nila.

"Sira! 6:15 palang, masyado pang maaga." sabi ni Kuya Yoseph.

"What?"

Napatingin naman ako sa orasan at alas sais palang pala. Ano bang nangyayari saakin? Mabilis kong inubos yung kinakain ko atsaka kumilos, napatingin naman ako sa salamin at mukha nga akong sabog dahil sa itsura ko.

Mabilis naman akong nag-ayos atsaka lumabas para pumasok. Pinigilan pa ako nila Kuya pero mabilis akong tumakbo at diretso palabas ng subdivision namin.

Nagsalpak naman ako ng headset sa tenga ko atsaka tuluyang naglakad. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may biglang umakbay saakin kaya naalerto ako at mabilis kong nahawakan ang kamay niya atsaka ko inikot patalikod.

"Aray! Bitaw, masakit!" agad ko namang binitawan ang kamay niya atsaka nag-sorry.

"Baliw ka talaga Marcus, bakit ka kasi nanggugulat!" asik ko habang sinusuri ang braso niya.

"Ilang beses mo ng muntikan baliin ang braso ko noh." sisi niya saakin.

"Ikaw naman kasi nanggugulat, alam mo naman palang nambabali ako ng braso ehh." sabi ko at sinapok siya atsaka ako diretsong naglakad.

"Bat dika hinatid ng mga Kuya mo?"

"Wala, gusto ko lang maglakad." asik ko.

"Aba! Mamaya may dumakip na naman sayo tapos kami ulit ang sisisihin ng nga Kuya mo. Loko ka rin ehh." sabi niya at pinektusan pa ako.

"Loko ka ahh!"

Binelatan niya ako atsaka tumakbo kaya hinabol ko.

"Peste ka Marcus! Bumalik ka dito!" sigaw ko habang hinahabol siya.

--

Mabilis kaming nakarating sa school ni Marcus at agad din akong napatigil ng makita kong nakaupo si Raven sa tabi ng upuan ko. Damn! Ayoko siyang makita dahil naiilang ako, lalo pa't may awkward moment sa pagitan naming dalawa.

"Daniela!"

Paalis na sana ako sa room at balak kong mag-skip ng makita niya naman ako at malakas na tinawag. Wala naman akong nagawa kundi tuluyang pumasok at pilit na ngumiti.

"O-h Ra-ven?"

Shit! Why am i stammering?

"Goodmorning! Kamusta ka?" nakangiti niyang tanong.

Hindi naman agad akong naka-react at napatingin din yung ibang depungal dahil sa masayang mood ni Raven ngayon. Did he just greet me? Omo! Confirmed! Naalog nga ang utak niya.

"O-okay lang ako. Ikaw ba? Mus-ta yung ulo mo?" tanong ko din pabalik para hindi naman awkward.

"Okay lang, maayos na ako." nakangiti parin niyang tanong at mas lalo akong hindi naka-react at naninibago ako sa ugali niya.

Nasanay kasi akong laging magkasalubong ang kilay niya at may bored na expression. Ngayon ibang-iba dahil buhay na buhay ang mukha niya at nakangiti lang.

Umupo nalang ako sa upuan ko at ganon din siya, katabi ko siya at hindi ko maiwasang mailang. Ano bang nangyayari sakanya at ang weird niya ngayon? Mas gusto ko pang nagsusungit siya kesa sa ganitong nakangiti at sobrang creepy.

Hindi ko alam kung naalog ba talaga ang ulo niya at nagkaroon ng amnesia o talagang may ganito siyang side at nagpapanggap na parang walang nangyari kahapon.

Gusto ko siyang iwasan pero hindi yata papabor saakin ang kahilingan ko dahil sa lalaking 'to. Sinubukan kong hindi siya pansinin buong klase pero mas lalo akong naiilang dahil maya't-maya siyang sumusulyap saakin and that's make me uncomfortable.

Sana bumuka 'tong sahig at lamunin nalang ako dahil anumang oras mababaliw na ako dahil sa lalaking 'to.

"Sabay tayong mag-lunch."

Napatigil ako sa pagtayo ng magsalita si Raven, mabilis niyang inayos ang gamit niya atsaka isinukbit ang bag sa balikat niya.

"Ka-sabay ko si Cholo."

"Kumakain na siya. Ayun oh!" tinuro niya si Cholo na nasa isang sulok at parang timawang kumakain habang nakikipag-agawan sa mga depungal.

"Ganon ba? Ahh ehh, sasabay ako kila Kuya. Oo tama sasabay ako sakanila." malakas kong sabi.

"Kakain sila sa cafeteria. Baka nakakalimutan mong banned tayo doon." maayos niyang sabi at wala akong lusot.

Hindi naman sa ayaw ko siyang kasabay, nakakailang lang kasi na sumabay sakanyang kumain matapos niyang sabihin na gusto niya ako tapos kung kumilos siya ay parang wala lang.

"Halika na, huwag ka ng umarte dyan!"

"Wait Raven!"

Hawak niya ang kamay ko at hinila palabas ng room. Wala naman akong nagawa kundi magpahila sakanya. Nakarating kami sa rooftop ng lumang building, humila siya ng upuan malapit sa may railings at ganon din siya at mabilis akong pinaupo.

"Akala ko ba maglu-lunch tayo?" taka kong tanong.

"Oo nga."

"Ehh anong kakainin natin kung dito mo'ko dinala?" asik ko at natawa naman siya.

"Wait..."

Mabilis niyang binuksan ang bag niya at nilabas ang isang big size na tupperware, binuksan niya at doon ko nakita ang iba't-ibang putahe ng ulam.

"Seriously Raven? I-ikaw nagluto lahat nito?" sabi ko at nakaturo sa mga ulam.

"Nope, pero ako ang nag-prepare." nakangiti niyang sabi atsaka inabot saakin ang spoon at fork.

"Ahh..." sabi ko nalang at tumango sakanya.

Nagsimula na kaming kumain at nailang na naman ako dahil nakatingin si Raven saakin habang kumakain. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya.

"Can you pls stop staring at me, naiil-naiirita ako."

"Naiirita o naiilang?" asar niya.

"Naiirita ako ano ba. Tumigil ka kung ayaw mong tusukin ko yang mata mo." banta ko at tinaas niya ang kamay na parang sumusuko.

"Okay fine."

Kumain nalang siya at hindi na ulit ako tinignan pa. Buti naman may isang salita ang isang 'to. Ngayon ko lang napansin na hindi niya suot yung bandana niya at nakalugay lang ang bagsak niyang buhok, kitang-kita ko din ang paggalaw ng panga niya dahil sa pagnguya.

"So bawal kitang titigan pero ikaw pwede?" bigla niyang sabi atsaka ako tinitigan sa mata.

Hindi naman ako nakagalaw at para ba akong napipi at hindi ko maialis ang tingin ko sakanya, kitang-kita ko ang nakakalunod niyang mata.

Mas lalo akong hindi nakagalaw dahil unti-unti siyang lumalapit saakin, at ilang inches nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa ng bigla siyang ngumiti.

OH MY FUCKING GULAY!

"Para kang bata kung kumain." sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi ko at ngumiti ulit siya.

Hindi ko na kaya, ayoko na. Lumabas ulit yung mga kabayo sa dibdib ko at nagmistulang may nagaganap na karera. Ramdam ko din na nag-init ang pisngi ko at wala akong nagawa kundi yumuko nalang. Please lupa kainin mo na ako parang awa mo na.

"Hahaha you're so cute Danny. That's why i like you."

Me: Kalma Daniela, fuckboy yan. Huwag kang papauto.

My inner self: SHIT! WATDAPAK. WAAHHH! AY KENNAT! PATAYIN NIYO NA AKO PLEASE LANG! SUSMARYOSEP JUICE COLORED! PATAWARIN NIYO AKO SA MAGAGAWA KO SA LALAKING TO!

~~
Ayown! Nakapag-UD din sa wakas. Sorry for the long wait guys. Eto yata ang kauna-unahang promise ko na natupad, kadalasan kasi tinatamad ako. Anyways labyu guys, til the next UD.

Pls vote and comments.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top