50 /Visit/
Daniela's POV
Natapos ang tatlong klase namin sa hapon at may isa pa kaming subject pero homeroom na at mabilis kaming kumilos para mag-ayos at maglinis ng room namin.
Himala din na hindi tumakas ang mga depungal dahil kadalasan iniiwan nalang nilang parang dinaanan ng bagyo ang room namin. Wala rin namang pakialam yung iba naming teachers dahil nga hindi kami priority.
Mabilis din kaming natapos at nagsiuwian na din yung iba, ayoko pang umuwi dahil wala naman akong gagawin sa bahay at masyado pang maaga.
"Hindi ka'pa uuwi?"
Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Marcus na nag-aayos ng gamit.
"Hindi pa, atsaka ayoko pang umuwi." sagot ko.
"Ahh ganon ba? Ako din ehh..." asik din niya.
Katahimikan ang namutawi saaming dalawa at walang nagsasalita. Nakasandal siya sa table habang nakapamulsa at ako naman ay parang tangang palinga-linga.
"Ahm... Sorry!"
Isang salita ang bumasag sa nakakamatay na ingay sa pagitan namin ni Marcus kaya kunot-noo akong napatingin sakanya.
"Sorry? Huh bakit ka nagso-sorry?" asik ko.
"Kasi nagsinungaling kami sayo." diretso niyang sabi pero sa sahig nakatingin.
Napaisip naman ako sa dahilan ng pagsisinungaling niya sila. Anong dahilan ba?
"Hindi kita maintindihan..." sagot ko atsaka siya napatingin saakin.
"Seryoso? Diba nga nagsinungaling kami sayo at ginawa ka naming pain kay Raquim para matalo namin siya." sagot niya at unti-unting nag-sink in sa utak ko.
Yun yung time na kinompronta ako ni Raquim at sinabing may deal siya at ang mga depungal. Gustong angkinin ni Raquim ang position ni Raven bilang first leader gangster at ako bilang kabayaran niya kapag hindi sila tumupad sa usapan.
Nakaramdam naman ako ng konting guilt sa kadahilanang yun. Nawala sa isip ko yun kaya siguro siya humihingi ng sorry saakin.
"It's okay, you're forgiven." nakangiti kong sagot.
"Talaga? Pinapatawad mo'na kami?" asik niya atsaka napatayo.
"Well ikaw lang, ikaw lang naman ang humingi ng sorry eh."
"Ahh, so galit ka'sa iba?"
"Hmm hindi naman sa galit, maybe tampo dahil sa ginawa niyo. Hindi naman ako marunong magtanim ng galit sa totoo lang..." nakangiti kong sagot.
"Totoo nga, ang bilis mo nga akong pinatawad ehh, thanks anyway!" asik niya kaya tumango nalang ako.
Katahimikan ulit ang namutawi saamin pero hindi ko kinaya ang nakakabinging katahimikan.
"Alam mo kung saan nakatira si Cholo?" tanong ko at napatingin naman siya saakin.
"Yeah why?"
"Gusto ko siyang bisitahin at kamustahin, ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok." realtalk ko dahil siya ang mas naapektuhan sa naganap na pag-kidnapped saamin.
"Kung gusto mo puntahan natin siya." sabi niya kaya nagliwanag naman ang mukha ko.
"Really? Sige ba, nami-miss ko'na din kasi ang kakulitan niya." sabi ko at mabilis na tumayo.
"Okay, let's go!"
Mabilis kaming lumabas ng room at palabas na kami ng gate ng makasalubong namin si Raven.
"Where do you guys going?" tanong niya habang bored na nakatingin saamin ni Marcus.
"Were goin--"
"Wala ka'nang pakialam don!" mabilis kong putol sa sasabihin ni Marcus atsaka ko siya binara.
Pakialam ba niya kung saan kami pumunta? Tutal yun naman talaga ang purpose niya bilang gangster.
"What?" asik niya.
"Hmm basta, may pupuntahan kami kaya huwag ka ng magtanong." bara ko ulit pero inirapan lang ako.
'Aba!'
"Saan kayo pupunta?" this time kay Marcus na siya nakatingin at nagalinlangan naman si Marcus na sumagot dahil siningkitan ko siya ng tingin.
Naiinis parin kasi ako sa ginawa nila saakin, except Marcus. Hindi na ako aasa kay Raven dahil alam ko namang ma-pride siyang tao.
"Tell me!" maangas niyang utos.
"We're planning to visit Cholo." sagot ni Marcus.
"Pwede ba huwag kang umasta na parang anak mo kami na pwede mo nalang utusan." bulyaw ko sakanya pero hindi siya natinag.
"Tsskk! Shut up Daniela." utos ulit niya.
"Aba't mayabang kang talaga!"
"I said shut up, and I'm coming with you..." sabi niya at nagsalubong naman ang kilay ko at handa na siyang bulyawan ng takpan ni Marcus ang bibig ko.
"Hayaan mo'na Daniela, isama nalang natin." asik niya.
"Urrgghh! Fine!"
Wala akong nagawa kundi pumayag dahil kahit anong bulyaw ko wala naman akong magagawa, sumang-ayon na din naman si Marcus kaya hindi na ako nagpapilit.
Inirapan ko si Raven pero nagkibit balikat lang siya. Peste ang sarap kutusan. Nauna na akong lumabas atsaka naglakad sa parking lot. Kotse ni Marcus ang ginamit namin at pasakay na sana ako sa front seat ng unahan ako ni Raven at dinunggo.
"Peste ka talagang ungas ka!"
Padabog akong sumakay at umupo sa backseat, nagkatinginan naman kami sa rear mirror pero pinakyuhan ko lang siya. Kita ko namang umiling-iling si Marcus habang natatawa. Isa pa'to ehh...
"Nyemas! Magsama kayong dalawa!"
Pinaandar na ni Marcus atsaka kami mabilis na umalis, huminto muna kami sa isang mall atsaka bumili ng pagkain para kay Cholo. Alam naman naming timawa ang tiyan ng bubwit na'yon.
Ilang minuto kaming nasa biyahe hanggang sa huminto kami sa isang subdivision at kinausap ni Marcus yung guard atsaka niya kami pinapasok. Mukhang mayayaman ang nakatira sa subdivision na'to dahil ang lalaki ng bahay.
Huminto kami sa isang puting bahay atsaka kami bumaba. Iginala ko ang paningin ko'sa buong bahay at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa laki ng bahay nila Cholo.
Naglakad si Marcus papunta sa gate atsaka pinindot ang doorbell ng dalawang beses at ilang segundo lang ng lumabas ang isang maid.
"Magandang Umago po, nandito po kami para bisitahin si Cholo. Kaibigan niya po kami." magalang kong bulalas sa maid at umangal naman si Raven pero inirapan ko siya.
"Ganon ba? Sige pasok kayo." pinagbuksan niya kami ng gate at tuluyan kaming pumasok.
"Mabuti naman at napadalaw kayo, nasa loob si Cholo, halikayo pasok." pinapasok niya kami sa loob ng bahay at namangha na naman ako dahil mas maganda pa pala dito sa loob.
"Kadiri! Yung laway mo tumutulo." asik ni Raven kaya sinuntok ko ang braso niya.
"Maupo muna kayo at tatawagin ko lang si Cholo."
"Salamat Manang."
Umupo kami sa sofa at nilapag naman ni Marcus yung binili naming pagkain para kay Cholo. Napag-gitnaan naman ako ni Raven at Marcus kaya parang naging uneasy ang atmosphere.
"ATE DANNY!"
Umalingawngaw naman ang batang boses ni Cholo sa loob ng bahay nila at mabilis na bumaba ng hagdan matapos kaming makita.
Nakasuot si Cholo ng red shirt na pinatungan ng jumper at sumbrero. Napatayo naman ako at mabilis niya akong niyakap.
"Ate Danny na-miss kita!" hyper niyang sabi.
"Yie ako din. Teka ikaw ba talaga si Cholo o si Super Mario?" biro ko.
"Ako si Super Cholo!" biro din niya at sabay kaming natawa.
Niyakap ko ulit siya at pinisil-pisil ang pisngi, grabe namiss ko talaga ang batang 'to. Sinuri ko naman ang kabuuan niya at mukhang okay na naman siya.
"Okay ka'na ba? Wala na bang masakit sayo?" tanong ko.
"Don't worry Ate Danny, magaling na ako atsaka ako pa. Ang cute ko kaya!" sabi niya at nagpacute pa.
"Ehhhh!" sabay ulit kaming natawa.
"EHEM!"
Sabay din kaming natigil sa pagtawa ng tumikhim ang dalawang tukmol. Ay oo nga pala, nakalimutan kong kasama ko pala si Marcus at Raven.
"Raven! Marcus!"
Nakipag-apir naman si Cholo kila Marcus at Raven, pa-cool naman ang datingan nilang tatlo kaya na-wirduhan naman ako. Akala ko kasi magyayakapan din sila eh pero hindi.
"Dinalhan ka namin ng pagkain Cholo, alam naman naming patay gutom ka eh!" realtalk ni Marcus kaya natawa naman si Raven.
"Ano namang nakakatawa?" taray ko sakanya.
"Wala." sagot din niya.
"Yey thanks! Buti nalang dumalaw kayo, bored na bored ako dito sa bahay eh." sabi niya habang binubuksan yung pagkaing binili namin.
"Magaling ka'na pala, eh bakit hindi ka'pa pumapasok?" tanong ko.
"Huwag muna daw akong pumasok sabi ni Mommy at magpagaling muna ako, eh magaling na nga ako sa magaling eh!" sabi niya at nagtatalon sa sofa.
"Ay tumigil ka ngang bata ka!" sita sakanya no'ng maid na napadaan.
"Huwag ka ng magtaka, maalaga talaga ang mommy niya sakanya." sabi naman ni Raven.
"Ahh ganon ba?"
"Yeah!"
Tumango-tango nalang si Cholo dahil dire-diretso siyang sumubo sa kinakain niya. Natatawa naman kami habang pinapanuod siya dahil para siyang mauubusan, eh wala naman siyang kaagaw.
Marami kaming napag-kwentuhan, nang magsawa atsaka kami naglaro ng xbox ni Cholo at kumain na din. Nagkwentuhan ulit atsaka nagpaalam na umalis na dahil alas sais na ng gabi.
"Bye Cholo, kita nalang ulit tayo bukas." sabi ko at niyakap ulit siya at ginulo ang buhok.
"Bye Cholo!" paalam din ni Marcus at nakipag-fist bump.
"Bye Bata!" asar naman ni Raven bago kami umalis.
Naglakad na kami palabas ng bahay nila Cholo at mabilis na sumakay sa kotse atsaka pinaandar paalis.
~~
Eyy guys! Musta kayo? Salamat at nakapag-UD na ako. I know hindi maganda 'tong chapter na'to pero tinapos ko nalang hanggang chapter 50. Ire-reveal kona sa mga next UD's ang mga secrets ng mga characters ko kaya kitakits nalang guys.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top