49 /Lunch/
Daniela's POV
Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali dahil sa mga binitawang salita ni Raven. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng hinala ko na siya yung lalaking nagligtas saakin. Oo walang kasiguraduhan pero malakas ang kutob ko.
"Ssshhh! Tama na, nandito na ako"
Nagpaulit-ulit na naman sa utak ko yung mga salitang bumabagabag saakin. Urgh! Napasabunot ako sa buhok ko at hindi ko maiwasang mainis.
"Bwisit!" mahina kong mura.
"Is there something's wrong Ms. Alvarez?" napatingin ako sa teacher namin ng mapansin niyang balisa ako.
Nakatingin din saakin yung mga depungal at bakas sa mukha nila ang pagtataka.
"Ah nothing Sir! Sorry..." sagot ko nalang at hindi na ako pinansin, nagtuloy nalang din siya sa pagdi-discuss niya.
"Pssst!"
Tinignan ko naman si Marcus ng sitsitan niya ako.
"Okay ka lang ba?" tanong niya kaya tumango nalang ako.
"Sure?"
"Yeah. Don't mind me." bulong ko at sumang-ayon nalang siya.
Nahagip ko naman si Raven na nakatingin saakin pero inirapan lang ako. Ayt peste talaga 'tong lalaking 'to. Hindi ko nalang siya pinansin at pinilit na mag-focus sa klase.
Natapos ang klase ng wala akong natutunan dahil masyado akong nagi-space out. Hindi ko'na alam ang nangyayari? Ang tamlay ng pakiramdam ko ngayon at feeling ko nawala yung kalahati ng utak ko.
Lunch na at sasabay ako kila Kuya ngayon dahil yun ang bilin nila. Hindi ko makakasabay kumain si Cholo dahil wala siya at nagpapagaling pa daw. Wala tuloy akong ganang kumain dahil nami-miss ko ang kakulitan niya.
Naglakad ako papunta sa room nila Kuya at sakto namang palabas na sila ng room nila kasama ang mga barkada nila, including Yngrid. Yeah barkada sila dahil nasa pareho silang section. Nagtama ang paningin naming dalawa at inirapan niya ako pero hindi nalang ako gumanti.
'Wala ako sa mood'
"Hey! Okay ka lang? Bakit ang tamlay mo?" asik ni Kuya Yoseph.
"Ewan ko? Huwag niyo kong pansinin."
"Teka may sakit ka'ba?" asik din ni Kuya Joseph at hinawi ang sentido ko pero mabilis din akong umilag.
"Wala akong sakit." sagot ko.
"Naks! So mabait ka'na niyan pre!" asar ng barkadang lalaki nila Kuya.
"Gags! Malamang kapatid ko."
"Don't tell me guys na sasabay siya saatin?" maarteng bulalas ni Yngrid.
"Yes, why? Does it bother you?" bara naman ni Kuya Yoseph.
"Argh! I'm not, i mean bakit siya sasabay saatin eh Section E siya and at the same time bawal siya sa cafeteria. Duh!" maarte ulit na bulalas ni Yngrid na sinang-ayunan naman ng mga alipores niya.
"Sige Kuya, kayo nalang hindi na ako sasabay." asik ko at akmang aalis na pero pinigilan ako ni Kuya Joseph.
"No! You're not leaving, sasabay ka saamin. And please Yngrid kung naiirita ka'sa presensya ng kapatid ko ikaw nalang ang umalis. Sasabay siya saatin whether you like it or not!" maangas at matigas na bulalas ni Kuya at wala naman silang nagawa lalo na si Yngrid.
"Okay fine! Whatever, let's go girls!" asik niya at nag-flip hair pa.
Kingina! Ang sarap niyang tadyakan sa mukha. Wala ako sa mood makipag-away kaya pasalamat siyang hindi ko siya pinatulan.
"Salamat Kuya!" sabi ko atsaka mabilis naman akong inakbayan ni Kuya Yoseph.
"Tsk! Tara na nga..."
Mabilis kaming dumiretso sa cafeteria at pagkapasok na pagkapasok palang namin ay napatingin na saamin yung mga ibang estudyante. Well saakin talaga sila nakatingin and maybe they're wondering why I'm here? I don't care!
"Hintayin muna kami dito, ako ng o-order ng pagkain natin." pinaupo ako nila Kuya sa isang long table sa gitna.
Pang-maramihan talaga dahil reserba na ang upuan na'to kila Kuya at sa mga kaibigan niya. Hindi ko nalang pinansin yung ibang nagbubulungan dahil nga wala akong pakialam.
Ngayon ulit ako nakapasok dito sa cafeteria. Presko at maayos kahit maraming tao. Malamig din dahil nasa mismong tapat namin yung aircon. Well hindi ako kumportable dahil nasanay ako sa rooftop ng lumang building kung kumain kasama si Cholo at yung ibang depungal.
Mas okay doon dahil presko at sariwang hangin ang nalalanghap at hindi crowded. May umupo naman sa tapat ko'na tatlong lalaking barkada nila Kuya at nakatingin sila saakin at nailang naman ako.
"What?" blunt kong tanong at nagkatinginan naman silang tatlo.
"Ah wala naman. Ngayon kalang kasi namin nakita ng malapitan." asik no'ng nasa left side.
"Huh?" kunot-noo kong tanong.
"Ahm actually nakikita ka namin lagi pero sa malayo." sabi naman no'ng nasa right side.
"Tapos lagi ka pang may kaaway!" pahabol naman no'ng nasa gitna.
"Seriously? Bakit niyo sinasabi yan?" taka kong tanong sakanila.
"Wala lang, ang cool lang kasi hindi ka nalalayo kila Joseph at Yoseph."
"Oo nga, hindi rin nalalayo sa away."
"So anong cool doon? Cool dahil troublemaker ako o cool dahil kapatid ko yung kaibigan niyo." asik ko at sabay naman silang natawa.
"Hahaha! No we mean na ang cool mo because of your personality, bihira lang kasi ang babaeng ganoon, usually kasi dito sa school natin masyadong pabebe ang mga babae. Walang ibang alam kundi makipag-flirt, shopping at magpa-ganda." asik nila.
"Well iba kasi ako sakanila." flattered ko namang sagot.
'Minsan lang 'to kaya sasakyan ko'na'
"Yeah we know that, para ka nga lang girl version nila Joseph at Yoseph." realtalk nila kaya natawa ako.
"Bwahaha seryoso?" natatawa kong sagot at tumango naman silang tatlo.
"Anyway I'm Adrian." sabi no'ng nasa right side. "And I'm Chester." sabi naman no'ng nasa gitna. "And I'm Riley." sabi naman no'ng nasa left side at nakipag-kamay sila saakin isa-isa.
"I'm Daniela!" pakilala ko naman.
Mababait naman pala 'tong kaibigan nila Kuya. Akala ko masasama ang mga ugali ng mga taga-Section A, except sila Kuya. Djk! Ang realistic lang nila kausap at mararamdaman mo yung sinseridad nila.
"Nice to meet the three of you, Adrian, Chester and Riley!" sabi ko at sabay-sabay naman kaming natawa.
Sakto namang dating nila Kuya kasama sila Yngrid na may dalang pagkain. Nilapag ni Kuya Yoseph yung pagkain ko at tumabi saakin at sa tabi naman niya si Kuya Joseph and the rest ay sa kabila na.
"What are you guys laughing at?" tanong no'ng isang alipores ni Yngrid.
"Ahm nothing, nakipag-kwentuhan lang kami kay Daniela. Right Daniela?" tumango naman ako at kita ko naman ang pagkaumay sa mukha ni Yngrid.
"Flirt..."
Mahina ang pagkakasabi niya pero dinig naming lahat and that made Kuya Yoseph pissed. Pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kutsara.
"Yngrid can you please stop! Lagi mong pinag-iinitan ng ulo si Daniela, pakikipag-flirt na ba ang pakikipag-kaibigan ngayon?" mariin na bulalas ni Kuya.
"Chill Kuya ang puso..." pag-alo ko sakanya at nagtuloy nalang sa pagkain.
Wala ng umangal pa dahil wala namang magagawa sila Yngrid dahil mababara lang siya kila Kuya. Todo irap naman sila saakin at kung nakakamatay lang ang titig, sure akong nakabulagta na ako.
Nagkwe-kwento sila ng kung ano-ano at nakikinig lang ako. Hindi ko naman alam yung pinag-uusapan nila dahil nakatutok lang ako sa pagkain ko. Minsan natatawa dahil nagbibiro si Chester.
Masaya naman silang kasama actually, sila Yngrid lang yata at ibang mga babae sa klase nila ang maitim ang budhi. The hell i care. Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy nalang sa pagkain ko.
Natapos kaming mag-lunch ay agad din kaming bumalik sa kanya-kanya naming klase. Nabusog ako kahit papaano kaya sulit naman kahit may panira ng mood.
"Salamat Kuya ah, next time ulit. Una na ako bye!" sabi ko at mabilis silang niyakap at lakad takbong dumiretso sa klase ko.
Nasa likod pa ng bagong building ang room ko kaya binilisan ko nalang para hindi ako malate sa klase. Nadatnan ko silang nakadukdok sa kanya-kanya nilang upuan at may kanya-kanya na namang mundo.
~~
Eyy guys! Long time no update. Naghintay ba kayo? Sorry kasi ngayon lang ulit ako nag-UD. Medyo busy ehh, pasensiya na at pangit ang UD ko ngayon dahil rush lang to. Niway thanks dahil nasa 29k reads na tayo. Thanks sa support niyo. Road to 30k tayo guys. Baka lang naman. ILY!
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top