48 /Hint/


Daniela's POV

Isang puting kisame ang tumambad saakin matapos kong dumilat, iginiya ko ang paningin ko at tanging puti lang ang nakikita ko, malabo rin ang mga imahe at ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot ng buo kong katawan.

'Anong nangyari?'

"Daniela! Thanks god your awake."

Tinignan ko ang isang babae na lumapit saakin atsaka ako mabilis na niyakap. Unti-unting umayos ang paningin ko atsaka ko na-realize na si Mommy pala ang yumakap saakin, nakita ko'sa mukha niya ang pag-alala.

'Am i dreaming?'

"What happened?" tanong ko.

"This is not the right time para pag-usapan kung anong nangyari sayo anak, magpahinga ka muna. Hintayin mo ako rito at tatawag ako ng doctor." mahabang litanya ni Mommy atsaka mabilis na lumabas.

Humiga ulit ako sa kama at inalala lahat ng nangyari, mula sa school, pag-kidnapped saamin ni Cholo at doon sa lalaking nagligtas saamin. Mabilis akong napabangon ng maalala ko yung lalaki na nagligtas saakin.

'Sino siya?'

Mula sa pagyakap niya saakin, mula sa paghalik niya at sa pag-amin niya saaking mahal niya ako pero ang tanong sino siya? Sino yung lalaki?

Napapikit at napahawak ako sa sintido ko dahil biglang kumirot at bigla akong nahilo, kasabay naman noon ang pagbukas ng pinto atsaka iniluwa no'n si Mommy, ang doctor at sila Kuya at ang taong hindi ko inaasahang makita. Si Daddy.

Sinuri ako ng doctor kaya wala akong nagawa kundi manahimik nalang, nakatingin lang saakin sila Kuya na may mga benda sa braso at band aid sa mukha.

"Her vital signs is stable right now, she's completely fine but she really need a rest Mr. & Ms. Alvarez." bulalas ng doctor.

"Thank's Doc. Santiago." pasalamat ni Mommy atsaka naman siya tinapik ni Daddy.

"Anytime, just call me if anything's happen. Excuse me." sabi ni Doc. Santiago atsaka lumabas.

Naiwan naman kaming magpa-pamilya at walang may gustong magsalita matapos ang nangyari saakin at sila Kuya kung bakit pati sila may benda.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ng Doctor, Daniela? Magpahinga ka at magpagaling." asik ni Mommy.

"Yes Mom." sagot ko.

Katahimikan ang namayani bago basagin ni Daddy ang nakamamatay na katahimikan.

"Ano bang nangyari sayo Daniela? Look at yourself, nawala lang kami ng Mommy mo tapos malalaman nalang namin na na-ospital ka? I can't believe it." sakit sa ulo na asik ni Daddy.

Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung magpapaliwanag ako baka hindi naman sila maniwala? Minabuti ko nalang na manahimik para wala ng gulo sa pagitan namin.

"Kumalma ka Hon, pagpahingahin mo muna ang anak natin." awat ni Mommy kay Daddy.

"Paano naman kayong dalawa? Ano namang dahilan niyo kung bakit ganyan ang itsura niyo?" pagalit din na asik ni Daddy kila Kuya.

"Sorry Dad, napaaway lang kami." sabay na sagot nila Kuya.

"Lintik na'yan! Imbis na pag-aaral niyo ang inaatupag niyo pero mas inuuna niyo pa'yang pakikipag-basag ulo!" galit at namumulang sigaw ni Daddy kila Kuya.

Inawat ulit siya ni Mommy kaya wala kaming nagawa kundi manahimik. Ngayon ko lang ulit nakita si Daddy at Mommy dahil may trabaho silang inaatupag, lagi silang wala at kadalasan business trip pa.

Kung tutuusin dapat nakabantay at nakaantabay sila saaming magkakapatid pero mas inuuna pa nila ang trabaho nila ke'sa saaming anak nila. Habang tumagal ay nasanay na din kami kaya kadalasan ay nagiging spoiled kami sa atensiyon nila.

Dalawang araw ang nakalipas bago ako nakalabas ng hospital at ngayon ang araw ng lunes at nakahanda na ako para pumasok, hindi maipinta ang mukha ko dahil naiinis ako na hindi ko alam? Wala naman akong dalaw pero badtrip ako ngayon.

Sa dalawang araw na nasa hospital ako ay wala man lang ni isang kaklase ko ang dumalaw saakin, wala man lang nangamusta saakin kung okay na ba ako? Hindi ba nila alam na na-ospital ako? O talagang wala silang pakialam saakin?

'Gangster sila kaya huwag ka ng magtaka!'

Napaikot nalang ako ng mata bago ako bumaba para mag-almusal, nadatnan ko silang kumakain na kaya binati ko sila at tinanguan lang nila ako. Sa araw-araw na kumakain ako, ngayon lang yata ulit kami nagkasabay-sabay sa umagahan.

Tumabi naman ako kila Kuya atsaka nagsimulang kumain, hanggang ngayon nakabenda parin ang braso nila Kuya at may pasa sa mukha. Hindi ko alam kung bakit sila napaaway at umabot pa sila sa ganyan.

"Simula ngayon Daniela, sasabay ka'na ulit sa mga Kuya mo, hindi ka pwedeng pumasok mag-isa simula ngayon hanggang pag-uwi mo naiintindihan mo?" napahinto ako sa pagsubo ng magsalita si Dad kaya tumango nalang ako, kapag siya ang nagsalita sigurado naman akong wala akong laban.

"Kayo ring dalawa, bantayan niyo ng maigi yang kapatid niyo, mag-aral kayo ng mabuti at ayokong nadadawit kayo sa pakikipag-basag ulo. Sagot!"

Mabilis namang tumango sila Kuya, wala rin silang takas kay Daddy dahil mahigpit niyang bilin yon. Nakakainis feeling ko tuloy nasasakal ako sa mga sinasabi niya, ngayon ko'na nga lang ulit sila makikita tapos puro utos pa.

Gaya nga ng usapan ay sumabay ako kila Kuya pagpasok, mabilis kaming nakarating sa school at diretso ako sa room namin. Nadatnan ko naman silang kalat-kalat at may kanya-kanyang mundo.

Napatingin sila saakin at hindi ko alam kung paano mag-react? Feeling ko ngayon lang ulit kami nagkita-kita matapos ang ilang taon. Isa pang napansin ko ay puro benda at band-aid din ang iba't-ibang parte ng katawan nila.

'Huwag nila sabihing nakipag-away na naman sila?'

Kunot-noo akong umupo sa upuan ko at bumalik na naman yung pakiramdam kong naiinis. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita? Hinagilap ko si Cholo pero hindi ko siya makita. Ano na kayang nangyari sakanya?

Ibang tao ang nahagilap ng mga mata ko. Nakita ko si Raven na nakatingin saakin at parang bored na bored naman ang itsura niya. Wala paring pagbabago. Hindi ko rin makita si Zero at tanging si Marcus lang ang nakita ko habang nakadukdok siya sa upuan niya.

Ano bang nangyayari? Bakit parang lahat sila wala sa mood? Marami na akong iniisip atsaka na naman sila dumagdag?

Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa lunch na pero wala akong ganang kumain. Wala naman kasi si Cholo na lagi kong kasama, yung iba naman may kanya-kanyang grupo at nakakahiya namang umepal.

Kung sasabay ako kila baka mapag-tripan na naman ako nila Yngrid at ang mga alipores niya, mas okay nang hindi kami magkita dahil away na naman ang mangyayari sa pagitan namin.

Lumabas nalang ako atsaka dumiretso sa lumang building kung saan kami na-trapped dati ni Raven. Naalala ko'na naman siya. Sumampa ako sa upuan atsaka ako umupo sa may railings, sinigurado ko namang safe bago ako sumampa.

"Mag-ingat ka baka mahulog ka?"

Napatingin naman ako sa taong nagsalita at nakita ko naman si Raven na nakatayo sa gilid ko habang nakatingin saakin. Aba himala at may malasakit saakin.

"Anong nakain mo?" tanong ko at kumunot naman ang noo niya.

"Huh? Wala akong kinain." sagot niya kaya natawa ako.

"I mean bakit may pakialam ka kung mahulog man ako o hindi?" asik ko.

"May pakialam talaga ako, hindi mo lang nakikita?" sagot niya kaya natahimik ako.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Ano bang pakialam niya kung mahulog ako dito o hindi? Eh yun naman talaga ang ugali niya.

Umalis ako sa pagkakasampa ko'sa railings at humakbang paalis pero mali ang natapakan ko kaya dumiretso ako pababa pero mabilis akong nahawakan ni Raven.

"Aaahhh! Tulungan mo'ko!" tili ko dahil siguradong pilay ang aabutin ko kapag natuluyan akong nahulog.

"Ssshhh! Tama na, nandito na ako."

Mabilis niya akong nahila pataas at paalis sa edge ng railings. Hindi ko alam ang ire-react ko dahil sa naghahalo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba, saya at hinala.

Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Halos mabato naman ako sa kinatatayuan ko at nakapako lang ang tingin ko kay Raven.

"Ssshhh! Tama na, nandito na ako."

Napaulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya at hindi ko maiwasang maghinala. Siya ba? Siya ba yung lalaking nagligtas saakin? Siya ba yung humalik saakin? Paano?

~~
Pasensiya na guys kung lame 'to. Wala akong maisip na magandang scene kaya nag-type nalang ako ng kung anong maisip ko. Sorry! Kita nalang tayo sa next UD.

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top