41 /Gang War/


Marcus POV

Mabilis akong naglakad papasok sa loob ng kings Ground kung saan ang tambayan naming magkaka-grupo, sinaluduhan naman ako ng mga nakakasalubong kong mga underslings namin kaya tinatanguan ko nalang.

Kings Ground, isang tagong institution na pinamumugaran ng mga kapwa ko gangsters. Ang grupo ko ang nangunguna sa lahat ng mga gangs local man o international, ang Death Gang kung saan si Raven ang leader namin, I'm his sword hand at si Zero naman deputy sa aming grupo at yung iba naman ay representative na.

Maraming kumakalaban saamin na iba't-ibang gang pero hindi nila kami mapatalsik sa pwesto, lalong-lalo na ang Black Gang na siyang lagi naming nakakaaway, sila rin yung gang na sumugod sa HVIS kung saan target nila si Daniela.

Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na pumasok sa isang VIP room kung saan ang kwarto namin at nadatnan ko naman sila na may kanya-kanyang mundo pero isang tao lang ang gusto kong makausap.

Mabilis akong naglakad sa kinauupuan niyang swivel chair habang humihithit ng sigarilyo. Nakatalikod siya at nakatingin sa baba kung saan kasalukuyang naglalaban ang dalawang gangs sa baba.

"Raven!"

Humarap siya saakin atsaka tinapakan ang hinihithit niyang sigarilyo. Bored naman niya akong tinignan pero hindi ako natinag.

"Bakit?"

"May natanggap akong email galing sa isang anonymous gang." sagot ko pero hindi nagbago ang expression niya.

"So? Sigurado akong isa sa mga gang lang yan na gusto tayong patumbahin, dinadaan pa'sa pagtatago ng pangalan!" asik niya.

"Paano kung hindi?" angal ko.

"Marcus hindi ka'pa ba nasasanay? Laging ganyan ang set-up ng mga gangs na gusto tayong patumbahin, what's the big deal? Kung gusto nila tayong kalabanin edi bigyan natin ng leksyon, tapos!" pagtatapos niya kaya hindi nalang ako umangal kahit gustong-gusto ko.

Alam kong totoo lahat ng mga sinabi ni Raven, lagi may sumusubok na patumbahin kami pero wala namang nakakagawa, iba't-ibang tactics din ang ginagawa ng ibang gang para kumagat kami sa patibong nila pero hindi naman nila kami napapatumba.

Iba kasi ang nararamdaman ko at alam kong hindi maganda yon, umiling nalang ako at hindi nalang pinansin si Raven atsaka tumabi kila Zero.

"Sup bro! What's with the face?" tanong ni Zico habang nakipag-appear pa.

"Oo nga, seryoso mo yata?" asik naman ni Blake.

"May problema ba Marcus?" sabay din na tanong ni Dino at cloud.

"Wala naman mga pre, may kakaiba lang akong nararamdaman." sagot ko.

"Luh! Don't tell me aamin kang bading ka?" asik ni Zero kaya nasapok ko siya.

"Ulol hindi! What i mean is yung tungkol sa natanggap ko kaninang email."

"Huh? Anong email ba?" kunot noong tanong ni Kahlil.

"Isang anonymous email eh." sagot ko.

"Sus, baka death threats na naman? Hindi ka'pa sanay bro." sabi ni Ignacio.

"Oo nga, wala naman silang laban saatin at puro banta lang sila." bata namang sagot ni Cholo na nakandong pa kay Ace.

"Ewan ko'ba? Iba yung pakiramdam ko eh, alam kong banta lang ulit yun ng mga gang na gusto tayong kalabanin." sagot ko.

"Oh yun naman pala, eh ano pang inuungot-ungot mo dyan?" sarkastikong bulalas ni Thirdy.

"Ang drama mo bro, para kang timang!" asar din ni Philip.

"Mga siraulo!" binato ko sila ng popcorn na kinakain ni Joshua at Allyson.

"Loko ka ahh!"

Gumanti sila at binato din ako ng popcorn. Nauwi sa batuhan namin ng mga popcorn ang usapan namin kanina at pansamantalang nawala din ang kakaiba kong nararamdaman.

"HOY RAVEN!"

Sabay-sabay naming sigaw kay Raven at unti-unti naman siyang pumihit paharap atsaka mabilis namin siyang pinagbabato ng popcorn.

"What the hell! Damn, stop it or else!" sigaw niya kaya mabilis pa'sa alas quatro kaming tumigil, mahirap na.

'HAHAHA'

"Sinong nagsabing batuhin niyo ko?"

Dahan-dahan naman nila akong tinuro at matalim akong tinitigan ni Raven.

"Sorry bro, walang pikunan!" sabi ko at nag-peace sign, pinakyuhan naman niya ako kaya tumahimik nalang ako.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bumukas ang pintuan at pumasok sa loob si Tiger, ang may-ari nitong Kings Ground. Nakasuot siya ng puting sando at short, nakasuot din siya ng pulang medyas na abot hanggang tuhod at may tiger coat sa balikat, punong-puno din ng malalaking singsing ang mga daliri niya.

Imagine him? That's his style even though his a mafia. Yes, he is. Ang weird lang taste niya sa fashion pero mabait naman siya saamin. Actually kaibigan nga ang turingan namin sa isa't-isa.

"Kamusta kayo? Mukhang nagkakasiyahan kayo ah!" asik niya at nilibot ang paningin saamin.

"Obvious ba?" pambabara ni Raven.

"Oh? Wala sa mood?" tanong ulit ni Tiger.

"What do you think?" bored na tanong ni Raven.

"Hmm, maybe yes or maybe no. What do you think is my answer?" balik tanong naman ni Tiger.

"Tss!"

Don't get them wrong, ganyan lang talaga sila mag-usap, lalo na't badtrip si Raven, kasalanan pa yata namin kung bakit wala siya sa mood.

"Anyways, nandito ako para sabihin na may gang na gusto kayong kalabanin, naghihintay na sila sa baba." mahabang litanya ni Tiger at mukha namang game ang mga kwago.

"Yun oh! Galing ng timing, nag-iinit kami ngayon." mabilis naman silang nagsitayuan at inihanda ang sarili.

"Who are they?" biglang tanong ni Raven.

"The Red Serpent Gang!" sagot naman ni Tiger.

"I'm not in the mood, kayo ng bahala, make them suffer!" bored na bulalas ni Raven atsaka tumalikod.

Mabilis naman kaming lumabas at pumunta sa battle ground kung saan nandoon na nga yung gustong kumalaban saamin. Nasa 20 silang lahat at lamang sila saamin ng limang miyembro pero hindi naman hadlang yun para tapusin namin sila.

Sa pagtapak namin sa battle ground ay mas lumakas naman ang hiyawan ng mga tao kaya mas lalo kaming ginanahan. Sinuot ko yung asero ko atsaka mabilis na sumugod.

Sapak dito, sapak doon, tadyak doon, tadyak dito. Mabilis namin silang naubos at hindi man lang ako pinagpawisan sa totoo lang.

"Boooo!" hiyawan ng mga nanonood.

Mabilis akong naglakad paalis pero may humigit sa balikat ko at mabilis akong nasapak sa mukha at hindi ko yun naiwasan. Nasalo naman ako ni Zero kaya mabilis akong gumalaw atsaka ko pinagsasapak ang walang hiyang sumapak saakin.

"Ang lakas ng loob mong sapakin ako!" sigaw ko'sa mismong mukha niya atsaka mabilis kong tinuhod ang pagmumukha at namilipit naman siya sa sakit.

Shit! Sa lakas ng pagkakasapak saakin ay pumutok yung kanan kong kilay. P*ta!

Mabilis naman akong bumalik sa kwarto namin at dumiretso sa CR para gamutin yung putok kong kilay. Halos maligo narin ng dugo ang kalahati kong mukha.

Mabilis kong tinahi ang kilay ko at ginamot atsaka nilagyan ng gauze. Nagpalit na din ako ng damit dahil nabahiran na ng dugo yung damit ko.

"Okay ka lang? Hindi ka'ba nahilo?" tanong saakin ni Kahlil pagkalabas ko.

"Hindi okay lang, medyo masakit at makirot lang." sagot ko.

"Okay lang yan bro, malayo sa bituka." tinapik naman ako ni Cholo atsaka kumandong saakin.

'Pesteng bata!'

"Umalis ka nga dyan!" tinulak ko siya sa pagkakandong saakin.

"Aray! Bakit mo'ko tinulak."

"Manahimik ka Cholo, mainit ang ulo ko." seryoso kong bulalas kaya nanahimik nalang siya.

Nasa ganoon akong position ng mag-vibrate ang phone ko kaya mabilis kong tinignan, isang photo message kaya agad kong binuksan. Napahigpit ang pagkakapit ko'sa phone ko ng makita ang laman ng litrato.

It's a picture of Daniela, entering their house. What's the meaning of this? Is somebody stalking her? Damn it!

Anonymous number din ang nagpadala saakin ng picture kaya hindi ko alam kung sino? I tried to track it but it's rejecting my invasion. Anong kabalbalan naman ang pumasok sa utak ng tao sa likod nito?

Masasabi kong matalino siya dahil marunong siyang kumontrol ng tao sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid saamin. Sigurado akong banta ulit 'to ng isa sa mga gangs na gusto kaming patumbahin.

'But i don't let that happen'

~~
Hi guys! Nakapag-UD na naman ako(clap for myself) thank you for waiting.

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top