36 /School Festival 6/
Daniela's POV
Matapos naming mag-jollibee sa Mcdo ay agad din kaming bumalik ng school dahil may aasikasuhin pa daw ang iba atsaka kami nagpulot ng ibang mga basura para hindi na gaanong makalat mamaya.
"I didn't know that being basurera is fit to you Daniela!"
Napatingin ako sa taong nagsalita at tinalo pa ang isang foreigner sa sobrang kaartehan sa pagsasalita.
"Yeah, ikaw din Yngrid hindi ko alam na bagay mo din palang..."
"Basurera? No way, over my gorgeous body!" pinutol niya ako sa pagsasalita ko atsaka sila nagtawanan ng mga alipores.
"Gaga! What i mean is bagay mo palang maging isang langaw, kung nasaan ang basura nandoon ka, well hindi na ako magtataka?" natatawa kong bulalas at nakita kong napaigting siya.
"The hell, mas mukha kang langaw bitch ka!" sigaw niya atsaka ako tinulak pero may sumalo saakin. Napatingin naman ako sa taong sumalo.
"Pwede ba Yngrid tigilan mo'na si Daniela." sabi niya pero inirapan lang siya ni Yngrid.
"Hindi ikaw ang magsasabi Zero kung anong gusto kong gawin? Huwag kang pakialamero!" sabi niya at inirapan si Zero atsaka ako binangga bago umalis.
'Peste ka talagang babae ka!'
"Thanks Zero, hindi mo naman kailangang gawin yun." sabi ko at inayos ang sarili ko atsaka ulit nagpulot ng mga plastic,mga kamag-anak ni Yngrid.
"Okay lang, hindi rin naman titigil yun kahit anong gawin ko." sagot niya.
"Huh? Bakit sayo lang ba siya nakikinig?" kunot-noo kong tanong.
"Ahh ehh, hindi naman, noon pa namin siya sinasabihan pero maldita talaga siya." sagot niya.
"Sabagay, hindi yata nako-kompleto ang araw niya ng hindi ako naiinis ehh? Sa huli siya din naman ang naaasar." realtalk ko.
"Yeah, sige una na ako, may gagawin pa ako ehh."
"Sige."
Umalis na siya atsaka ko tinuloy ang pagpupulot ko ng basura atsaka ko itinabi sa gilid at naupo sa bench atsaka ko pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad.
Kaliwa't-kanan pa din ang mga booths and stall dito sa field at abala din ang mga faculty. Tumingala ako atsaka ko sinalubong ang sinag ng araw atsaka ko hinarang ang kamay ko.
Maayos ang panahon ngayon at hindi gaanong masakit sa balat. Nasa ganoon akong position ng may umupo sa tabi ko atsaka ako napatingin sakanya.
Prente siyang nakaupo habang may iniinom na soda, anong trip nito sa buhay at tumabi saakin?
"What?"
"Huh? Ahh wala naman."
"Gwapo ko ba?"
"Ano? Gago ka?"
Nagbingi-bingihan ako pero parang wala namang effect sakanya. Inaamin talaga niyang gago siya.
"Hoy! Bakit mo ginawang bandana yang panyo ko?" asik ko kay Raven.
"Trip ko, pakialam mo ba?" bara niya at napairap nalang ako.
"Whatever you say..."
Katahimikan ang namayani saaming dalawa at wala talagang nagsasalita, ayoko namang magsalita ng magsalita dahil alam ko namang walang pakialam ang isang 'to. Nagtataka lang ako kung bakit siya tumabi saakin?
Usually kasi hindi naman siya nakikiupo sa iba, kapag meron man ay sinasamaan niya ng tingin. Ayy ewan ko ba!
"Want some?" offer niya ng iniinom niyang soda.
"No thanks." sagot ko.
"K! Arte mo."
Urgh! Kita mo'na, nananahimik na nga ako tapos siya pa'tong may ganang mambara. Bigwasan ko kaya siya.
Kahit sa kawalan ako nakatingin ay nakikita ko siya sa peripheral vision ko, naubos na niya yung iniinom niyang soda atsaka pumikit.
'What? Natulog ang lolo niyo'
Pasimple akong tumingin sa gawi niya at hindi ko maiwasang mamangha dahil gwapo nga talaga siya, mahabang pilikmata, matangos na ilong, yung beard niya sa panga papunta sa baba at ang mapupula niyang labi.
'Shit! Am i fantasizing him?'
No way!
"Picturan mo nalang kaya ako?" bigla niyang salita kaya napaiwas ako ng tingin, nagkunwari naman akong walang narinig at sumipol pa. Chos!
"Tss!"
"Problema mo?" kunwari kong tanong.
Napaatras ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko at ilang dipa nalang ay magkakasalubong na ang mga labi namin.
"Wala akong problema, baka ikaw ang may problema?" sabi niya sa mismong mukha ko at amoy na amoy ko ang lasa ng ininom niyang soda.
Lumayo na siya saakin at natatawa, hindi ako nakareact sa ginawa niya at bigla nalang bumayo ng sobrang bilis ang puso ko. Heto na naman tayo, tumalikod ako atsaka napahawak sa dibdib ko at huminga ng malalim.
"Damn you Rav--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pagharap ko ay may bigla nalang tumakip sa mata ko atsaka mabilis akong piniringan, shit ano na naman ba'to?
"Damn it! Binitawan niyo ko! Ano ba!"
Nagpupumiglas ako pero wala akong nagawa dahil mas malakas ang mga lalaking kumaladkad saakin. Huwag nila sabihing jail booth na naman 'to?
Hindi nalang ako umangal at naglakad nalang habang akay-akay ng kung sino. Wala naman akong magagawa kung magpupumiglas lang ako, mapapagod lang ako kaya huwag na.
'Advance ako mag-isip noh'
Nakarinig ako ng mga sigawan at natitiyak kong jail booth nga ito. Pagkaalis na pagkaalis ng piring saakin ay malabo pa ang paningin ko at blurred pa ang nakikita ko.
"What the hell!?"
Halos magwala ako ng maka-recover ako at makita ng tuluyan ang paligid. Hindi jail booth ang pinagdalhan saakin kundi isang wedding booth.
'Seriously?'
Wedding booth talaga siya dahil may kunwaring aisle sa gitna at mga nagkalat na petals, mga taong nagsisigawan na mistulang witness at isang kunwaring pari na nakasuot pa talaga ng damit ng pari at may hawak na libro.
OMG! Don't tell me ako ang bride?
'Hindi teh ikaw ang groom!'
Natawa ako sa katangahan ko. Malamang ako ang bride, but the question is... who's my groom?
"Bitawan niyo ko! Or else!?"
Napatingin ako sa lalaking nagpupumiglas at hawak-hawak din ng mga lalaki at nakapiring ang mata. Itinabi siya saakin atsaka inalis ang piring at mabilis na kwinelyuhan yung mga lalaki.
Siya? Siya ang groom ko.
"Tarantado kayo, bakit niyo ako kinaladkad!?" sigaw niya pero agad ko din na pinigilan.
"Raven, pwede ba kumalma ka!" asik ko at inalis ang pagkaka-kwelyo niya doon sa dalawang lalaki.
"What? A-anong gingawa mo dito? Atsaka bakit nila ako kinaladkad?!" nanggagalaiti niyang bulalas.
"Ewan ko'ba kung tanga ka o tanga ka talaga? Ano ba sa tingin mo kung bakit tayo kinaladkad dito?" sarcastic kong tanong.
Iginala naman niya ang mga mata niya sa paligid at mariin na napapikit at nagmura.
"Damn it!"
"Ahem? Baka pwede na tayong magsimula?"
Napatingin kami doon sa pari atsaka kami nagkatinginan ni Raven. Hindi ko alam kung bakit ayaw tumutol ng katawan ko at gusto kong matuloy ang kunwaring kasalanan na'to.
"The hell with this shit!" mura niya kaya inirapan ko siya.
"Maki-cooperate ka nalang para matapos na." halos mabingi naman ako sa sinabi ko.
Did i just persuade him? Nakita kong ngumisi siya kaya napaiwas ako ng tingin. Nasapok ko nalang ang bibig ko dahil sa nasabi ko. OA na kung OA pero iba kasi ang dating ng pagkakasabi ko at ang pagkakaintindi niya?
'Bahala na nga!'
"Okay simulan na natin ang kasalan na'to!" simula ng pari atsaka mabilis na nilagay sa ulo ko yung belo at pinasuot naman ng coat si Raven.
Ang arte. Kinarir na talaga ang kasal-kasalan na'to at kumpleto na. Kahit alam kong kunwari lang ito pero iba ang pakiramdam ko at nae-excite.
"Narito kayong lahat upang saksikan--"
"Pwede bang umpisahan mo nalang sa dulo, yung palitan na kami ng linya." pagpuputol ni Raven sa sinasabi ng pari at nag-demand pa.
Umangal naman yung pari at sinunod naman ang sinabi ni Raven at inumpisahan sa dulo at hanggang sa linya na namin.
"I, Daniela, choose you Raven to be my husband, to respect you in your successes and in your failures, to care for you in sickness and in health, to nurture you and to grow with you throughout the seasons of life." mahaba kong litanya habang nakatingin sakanya habang magkahawak kamay.
"I, Raven, take you Daniela to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part."
Mahabang litanya ni Raven at habang nakatitig saakin, ni hindi ako kumurap habang sinasambit niya ang mga salitang parang naging musika saakin at para bang nag-slow motion ang nasa paligid ko at tanging malakas na pagbayo lang ng puso ko ang naririnig ko.
'DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!'
"You may now kiss your bride!"
Nagsigawan ang mga tao sa paligid namin at dahan-dahang tinataas ni Raven ang belo ko habang malaya parin kaming nagtititigan at mas lalo din tumibok ang puso ko.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang panga ko at unti-unting nilalapit ang mukha niya sa mukha ko, hindi ko alam kung bakit ayaw kumurap ng mga mata ko at para bang si Raven lang ang nakikita ko sa paligid at wala ng iba.
Hanggang sa tuluyan nang nakalapit ang mukha niya sa mukha ko at ilang dipa nalang ang mga labi namin ng dumiretso ang bibig niya sa tenga ko.
"Huwag kang mag-expect na hahalikan kita, saka na kapag asawa na talaga kita..."
Halos makiliti ako sa bulong niya at nagmistulang tuod sa kinatatayuan ko at para na akong mamatay. Ano ba talagang nararamdaman ko? Aaminin kong na-disappoint ako sa hindi paghalik saakin ni Raven at hindi ko din alam kung kilig ba ang nararamdaman ko o ano?
Pero isang bagay lang ang alam ko'sa sarili ko. Ayokong mag-assume pero sana huwag namang lumalala dahil ayokong mawasak ulit.
'I'm literally inlove'
How?
~~
Eto na guys! Nakapag-UD na ng maayos at sana maayos din ang next UD. Pray for me thanks.
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top