30 /Plan/
Daniela's POV
"Bukas na ang School Festival natin at ngayon kinakailangan nating mag-ayos para don at tayo ang naka-assign sa mga Garbage's at tayo rin ang magbabantay sa night activities ng school!"
Umalingawngaw ang malaki at malakas na boses ni Sir Alvin at hindi ko alam ang ire-react ko dahil parang nalayo kami sa mga recreational activities para sa magaganap na school festival bukas.
Agad akong nagtaas ng kamay. "Yes, Miss Alvarez?" tanong ni Sir.
"Eh Sir bakit tayo ang naka-assign sa mga basura kung pwede namang yung mga janitors nalang ng school at bakit tayo pa ang magbabantay sa gabi kung meron namang mga guards?" angal ko.
"Ahh yun ba, lahat kasi ng sections required na magkaroon ng responsibilities at wala tayong magagawa doon dahil ang nakakataas na ang nagdesisyon kung saan tayo qualified, kahit gusto ko man ay hindi rin tayo papayagan!"
"What? Ehh bakit yung ibang sections sila ang naka-assign sa mga iba't-ibang booths at activities, tapos tayo sa mga kalat nila at para magbantay sa gabi? Ano sila mga bata na kailangan pang bantayan para hindi mawala!?" asik ko at nagulat naman sila sa iniasta ko.
Totoo naman ehh, lagi nalang nila kaming nilalagay sa mga bagay na mahirap gawin, tapos kukunsintihin pa sila ng ibang committee ng school? Nasaan ang hustiya? Masyadong unfair!
"Ate Danny, okay lang naman saamin, sanay na din naman kami ehh!" sagot ni Cholo.
"Urgh! Kahit booths man lang wala?" asik ko ulit.
"Wala ehh, inako na nila lahat ang mga booths, mas okay na'yun para hindi na din tayo mamroblema." sagot naman ni Zero.
"Hmm! Paano pa tayo makakapag-enjoy kung busy naman tayo sa pagbabantay sakanila!"
"Wala tayong magagawa Daniela, utos nila yun ehh!" sabat naman ni Zico.
"Huwag ka'na kasing umangal, kung gusto mo doon ka'sa school committee umapela!" pambabara saakin ni Raven pero inirapan ko lang siya.
"Hep! Tama na, huwag na kayong magsumbatan pa, hindi naman sa lahat ng oras magbabantay tayo atsaka by group naman at pwede parin kayong mag-enjoy sa umaga at sa hapon nalang natin trabahuhin ang mga basura!" pagtatapos ni Sir Alvin kaya tumahimik nalang ako.
Ganoon nga ang ginawa namin at hinati kami sa dalawang grupo na may walong member.
First Group.
Daniela, Zero, Raven, Blake, Cholo, Cloud, Allyson, Ignacio.
Second Group.
Marcus, Kahlil, Zico, Dino, Joshua, Philip, Thirdy at Ace.
Yan ang mga kanya-kanya naming grupo, kami ang naka-assign na magbantay mamayang gabi at sila Marcus naman sa mga basura. Tatlong araw kasing gaganapin ang school festival at salitan kami ng assigned area.
Hindi na kami nagtalo pa doon at pinag-usapan din namin ang iba pang gagawin at kung ano-ano pa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung magiging excited ba ako o hindi dahil bukas na ang festival at may nakaabang naman saaming trabaho.
Imbes kasi na mag-enjoy kami ay kami pa ang pinagtrabaho, ano pang silbi ng mga school facilitators kung hindi naman nila gagawin ang mga dapat na trabaho nila at dapat magsaya lang kami sa araw na yun.
'Bahala na nga!'
"Hey! Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Marcus ng tumabi siya saakin at inabot ang coke in can.
"Ahh yeah, thanks!" sagot ko at nagpasalamat sa binigay niyang coke.
"Okay lang, napansin ko kasing nakakunot yang noo mo? Iniisip mo parin ba yung school festival bukas?" tanong niya at nilagok ang coke. Nagtaas baba naman ang Adam's apple niya.
"Yeah, hindi ko alam kung bakit napaka-unfair nila pagdating saatin?"
"Sinabi mo pa, kahit noong wala ka'pa dito, unfair na talaga sila. Walang nagbago."
"Hmm! Kung ako ang masusunod gagawin kong patas ang lahat, hindi ba nila naisip ang mararamdaman natin sa mga ginagawa nila? Ganoon ba sila kagalit saatin?" nanggagalaiti kong bulalas.
"Chill Daniela, hayaan mo nalang, wala na tayong magagawa. I-enjoy nalang natin bukas!" asik ni Marcus at kinuha ang hawak kong coke atsaka niya binuksan at binigay ulit saakin.
"Paano nga tayo mag-eejo--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang itinaas ni Marcus ang kamay ko at direstong pumasok sa bibig ko yun habang nagsasalita.
'Aba bastusan!'
"Inumin mo nalang yan, ang init ng ulo mo ehh. May dalaw ka no?" asar niya.
"Che! Wala!" bulyaw ko pero tumalsik sa bibig ko yung coke at diretso yun sa mukha niya.
"HAHAHA!"
Imbes na mag-sorry ay natawa ako sa kadugyutan ko at natulala pa siya sa iniasta ko pero mabilis namang naka-recover at natawa nalang din.
"Hahaha! Sorry Marcus, hindi ko sinasadya." natatawa kong sabi atsaka ko inilabas ang panyo ko at pinunasan ang mukha niyang natalsikan ko ng coke.
'May kasama pa ngang laway ehh, chos!'
"A-hh a-ako na-lang!" utal niyang sabi at kinuha sa kamay ko yung panyo.
"Sorry ah..."
"Okay lang haha!"
"Oo nalang nga, inumin mo nalang yang coke mo." asik ko at bahagyang tinapik ang coke niya.
"Uyyy! Ano yan?"
Biglang sumulpot si Cholo sa pagitan namin ni Marcus na may nakakalokong ngiti, punyeta 'tong batang 'to.
"Aminin mo nga Cholo, tao ka'ba talaga o kabute? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot ehh!" sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"ISA AKONG BATANG KABUTE!"
Sigaw niya at nagkunwaring bulate, ayy bata nga talaga.
"Sabi ni Daniela kabute hindi bulate!" natatawang sabi ni Marcus kay Cholo.
"Kahit na, cute naman ako!" angal ng bata atsaka nagpacute at nag-finger heart pa.
'Shit! Ang cute niya!'
"Ihhhh! Ikaw talaga Cholo ang cute-cute mo!" sabi ko atsaka ko pinanggigilan ang buo niyang mukha.
"Machaket Ate Danny po!"
"Oo nga ang cute mo!"
Rinig kong asik ni Marcus pero nakatingin siya saakin pero mabilis din siyang umiwas. Wat was dat? Parang nailang tuloy ako dahil sa sinabi ni Marcus, parang ang dating kasi ay saakin niya sinabi pero ayoko namang mag-assume dahil baka assumera lang talaga ako.
'Ang gulo!'
Napansin ko naman si Raven at Zero na nakatingin sa gawi namin kaya nginitian ko sila, nginitian ako pabalik ni Zero pero bored lang akong tinignan ni Raven.
'Bored na naman ang hari!'
"Tamaaa na pooo! Ang shakittt na ng pishngii koooo!" pagmamakaawa ni Cholo dahil namumula na ang pisngi niya dahil sa panggigigil ko.
"Ehh sorry na Cholo. Peace tayo ah." sabi ko pero bigla siyang sumimangot.
"Hala, uyy Cholo bakit sumimangot ka?" tanong ko.
"Mashakit na kasi yung cute face ko ihhh!" kahit nagbuhat ng sariling bangko ang bata ay hindi ko magawang barahin dahil cute naman talaga siya.
"Ganon ba? Sorry ah, kiss ko nalang." sabi ko at hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya.
Normal kiss lang naman siya pero biglang namula si Cholo at bigla namang nabitawan ni Marcus yung hawak na coke in can. Rinig ko namang umangal yung mga depungal atsaka umalis yung iba, kasama na don si Raven at Zero.
'Hala anong nangyari?'
"Did y-you j-just ki-ssed Cho-lo?" uutal-utal na tanong ni Marcus kaya tumango ako.
"Why? Masama ba?"
"Ahh ehh, hindi naman. Nagulat lang kami sa ginawa mo!" sagot niya.
"Huh? Ano namang nakakagulat don sa ginawa ko?" tanong ko ulit.
"Hinalikan mo siya ehh!"
"Oo nga, smack lang naman atsaka sa pisngi. So anong masama don?"
"Ahh ehh wala. Hahaha!" sabi nalang niya at natawa.
Aba ang gulo nito. Hinalikan ko lang si Cholo tapos kung makareact sila wagas. Masama na ba ang humalik ngayon? Nakakamatay na ba ang paghalik ngayon at masyadong big deal!
'Grabe may virus ba ako?'
"Hoy Cholo!"
Niyugyog ko si Cholo dahil natuod na yata sa kinatatayuan niya at hindi na gumagalaw at mukhang hindi narin humihinga hanggang sa natumba siya at nagulat naman kami atsaka namin siya inalo pero huli na ang lahat dahil hindi na siya humihinga. Chos!
Ang exaggerated ko ba? O advanced lang talaga ako mag-isip, napamahal na saakin 'tong batang 'to.
'OA ko talaga!'
~~
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top