29 /Examination/


Daniela's POV

Weeks passed at busy'ng-busy ang lahat dahil sa nalalapit na examination ng first semester, kaliwa't-kanan na ang mga deadlines ng mga projects at research at tanging exam nalang ang iisipin namin, ganado rin ang lahat ng teachers na magturo dahil sa nalalapit naming exam.

Hindi ko nga alam kung bakit pa'easy-easy ang mga depungal dahil parang wala silang interest sa mga itinuturo ng mga teachers, yung iba nga naming subjects hindi na kami pinapasukan dahil wala naman daw kaming pakialam?

Aba! Porke, responsibilidad nilang magturo at turuan kami in any all costs dahil yun ang dapat, naturingan pa silang guro kung hindi naman sila magtuturo at responsibilidad din nilang patinuin ang mga estudyante hindi yung tinatakasan nila kami.

'Sige! Ako na, ako ng magaling!'

"Cholo hindi ka'ba magre-review? Puro ka nalang kain!" saway ko kay Cholo dahil ngumunguya na naman siya at sign yun na may nginangatngat siyang pagkain.

"Ihhh narebyu ko'na lahat yan ehh!!" confident niyang sagot habang nakaturo sa sentido na parang sinasabi niyang memorized ko'na lahat kaya ganon.

"Aba! Kailan ka'pa nagka-interest na mag-aaral eh puro pagkain lang naman laman ng bag mo." sabi ko at kinalkal ang bag niya at hindi nga ako nagkamali dahil puro chocolates at candies ang laman.

"Oo nga Ate Danny, narebyu ko'na lahat kagabi, kaya huwag ka ng mag-alala!"

"Talaga lang ha! Kapag ikaw bumagsak, tatawan lang kita tamo..." asik ko.

"Sus, gusto mo iperpek ko'pa yung exam natin ehh!"

Aba! Nagmalaki pa ang bata, kinutusan ko siya at pinagpipisil ko ulit ang pisngi niya dahil sa kakulitan ng batang 'to.

"Sige kapag ikaw hindi mo na-perfect ang exam, malilintikan ka saakin!" angal ko at pinandilatan lang niya ako ng mata.

Yung feeling na pinalaki niya ang mga singkit niyang mata at nakipagtalasan ng tingin saakin.

"K payn! Kapag naperpek ko ililibre mo ako ah!" pusta niya kaya confident naman akong tumango dahil feeling ko nagbibiro lang siya.

"Sige, at kapag hindi mo na-perfect ay ibibigay mo saakin lahat ng chocolates at candies mo..." pusta ko naman at parang nag-alangan pa siyang tumango.

"Sige pero kapag hindi ko naperpek ililibre mo padin ako!"

"What? Ehh diba nga dapat perfect, huwag kang madaya!"

"Hmm! Basta deal is a deal."

Pilit niya at kinuha ang kamay ko at nakipag-shake hands. Wow ha! Ano 'to business deal? Parang ako pa ang luge sa pustahan. Wala akong nagawa kundi panggigilan ulit ang pisngi niya atsaka ako natawa.

"PWEDE BA TUMAHIMIK KAYO! DI NIYO BA NAKIKITA NATUTULOG AKO!"

Gulat kaming napatingin kay Raven ng bulyawan niya kami ni Cholo. Nagulat din yung ibang depungal at natigil sakanya-kanyang ginagawa. Natakot naman si Cholo at nagtago sa likod ko.

"Sorry naman po kamahalan at naistorbo namin ang tulog niyo! Hindi naman po kasi tulugan dito para matulog kayo, kung ayaw niyo ng naiingayan edi lumabas kayo! Ayun yung pinto oh!" sagot ko in a very sarcastic tone atsaka ko siya inirapan.

"Inuutusan mo'ba ako?"

Bored niyang sagot at dahan-dahang lumalapit saamin pero hinarang siya nina Zero at Marcus.

"Pare, huwag mo ng patulan." rinig kong awat sakanya ni Zero.

"Tss!"

Sinamaan niya ng tingin si Zero at Marcus atsaka niya sinipa yung upuan bago siya bumalik sa upuan niya at dumukdok ulit.

'Problema ng lalaking 'to?'

"Ano yun?... " bulong ko sa sarili ko dahil sa iniasta ni Raven.

"Pagpasensyahan mo'na si Raven, Daniela!" sabi ni Marcus.

"Wala lang sa mood ang gago!" asik naman ni Zero.

"Ahh okay!"

Yun nalang ang naisagot ko at hindi na sila pinansin at nagtuloy nalang sa pagre-review at ganoon din sa mga depungal na bumalik sa kanya-kanyang mundo.

--

"GET ONE AND PASS!"

Binigay ni Sir Alvin yung mga test papers saamin at gaya ng sabi niya ay kumuha kami ng isa para saamin at pinasa sa iba pa.

"If i caught someone's cheating or chit-chatting to your seatmates then your test paper are automatically failed!"

Pagpapatuloy ni Sir Alvin sa sinasabi niya at hindi ko alam kung nasindak ba ang mga depungal lalo na't alam niya ang mga ugali ng nila.

"Take your time! Be right and cooperative, and goodluck!" pagtatapos niya at nagsimula na kami sa pagsagot.

Alam ko naman sa sarili ko'na nag-review ako pero parang wala akong alam sa isasagot ko, yung feeling bang ang sipag mong mag-review at no'ng examination na ay wala pala yung ni-review mo sa exam.

'Palaging nangyayari saakin yan!'

1.) It is possessed by man which enables him or her to survive and endure life.

A. Faculty of Reason.

B. Human Consciousness.

C. Human Thoughts.

D. Faculty of Ideas.

Pucha naman oo! First question palang ay hindi ko'na alam ang sagot. Bakit kasi Philosophy ang unang exam. Urgh! Kahit hindi ko alam ay binilugan ko nalang yung sa tingin ko ay ang tamang sagot.

Ano nang mangyayari saakin? Paano na yung ibang subjects at ma-mental block din ako at hindi alam ang isagot. Hindi pwede, hindi naman ako bobo para hindi maipasa ang exam.

Ayoko din na tuksuhin na ang yabang-yabang ko eh wala naman akong binatbat sa academics at sure akong ibu-bully nila ulit ako, lalo pa't mainit ang mga mata ng mga estudyante saakin.

"Kaya ko'to!" bulong ko sa sarili ko atsaka ko tinuloy ang pagsasagot.

Goodluck saakin at sa mga kaklase ko. Gaya ng sabi ni Sir Alvin ay hindi ko minadali ang exam dahil baka mas lalo akong mabokya kapag nagkataon, kahit papaano ay alam ko naman ang sagot.

Meron din yung time na kinakanta ko yung mini-mini may nimo kapag hindi ko talaga alam ang sagot. Desperada ang peg ko kaya kahit katangahan ay ginagawa ko. Hindi ko naman magawang lumingon sa iba dahil baka mahuli ako ni Sir at maging failed pa ang test paper ko.

Halatang sineryoso nga ng mga depungal yung sinabi ni Sir Alvin at wala talagang nandadaya at nag-uusap at seryosong nakatingin sa test papers.

Shit! Ako lang yata ang pressured? Samantalang sila eh hindi naman nag-review at parang walang pakialam kung babagsak ba sila o hindi? Punyeta naman oh.

Pinunasan ko ang kamay ko dahil namamasa. Huminga ako ng malalim at pinilit na mag-concentrate sa test paper ko. Bahala na nga.

'Goodluck nalang saakin!'

"Please pass your test papers forward!"

Buti nakaabot ako sa oras at hindi nagahol, pinasa ko ang papel ko paharap at ganon din yung iba hanggang sa makuha lahat ni Sir Alvin ang mga test papers namin.

"Next week pa natin malalaman ang results ng exams niyo, that'll be posted on daily bulletin board. Bukas magmi-meeting kami sa darating na School Festival, may you now take your break!"

Lumabas na si Sir Alvin at balik sa kawang gawa ang mga depungal.

"Bakit ipo-post pa sa Bulletin Board ang results ng exam?" tanong ko kay Marcus na siyang katabi ko.

"Yeah, pino-post talaga nila lahat ng mga results sa bulletin board by sections para makita kung sino ang may possibilities na makapasok sa top." nauumay niyang sagot.

"Huh? Eh bakit parang disappointed ka?" tanong ko.

"Syempre, wala namang magbabago kung may nakapasa saatin sa top, hindi tayo priority pero sinasali pa ang section natin sa daily bulletin board para ipamukha na etchapwera lang talaga tayo." sagot niya at hindi ko maiwasang kumunot ang noo.

"Seryoso ka ba?"

"Oo seryoso ako sayo!" sagot niya at napalaki ako ng mata.

Hindi ko alam kung bakit iba ang dating saakin ng pagkakasabi niya, parang may ibang meaning. Nailang tuloy ako at hindi alam ang isasagot.

"Ahh g-ganon ba, okay!"

Why am i stammering? Agad akong umiwas ng tingin atsaka ko inayos ang gamit ko at hindi na siya pinansin. Baka ako lang 'tong paranoid at iba ang iniisip.

'Isipin pa niyang assuming ako?'

"Daniela tawag ka!"

Sigaw saakin ni Blake at nakita ko sila Kuya sa labas ng pinto habang may hawak na paper bag. Lunch time na kasi at lagi nila akong dinadalhan ng pagkain.

"Here!" inabot ko yung paper bag kay Kuya Yoseph.

"Kamusta ang exam mo?" tanong ni Kuya Joseph.

"Okay naman, nasagot ko naman lahat ng tanong." sagot ko at nginitian sila.

"Sure ka?" paniniguro naman ni Kuya Yoseph.

"Yeah, kayo?" balik tanong ko.

"Sus kami pa!"

Aba't nagmayabang pa sila, edi kayo ng magaling.

"Sige kayo na, kain na din kayo. Bye!"

Pinagtabuyan ko'na sila Kuya atsaka ako bumalik sa upuan ko at nakita ko naman si Cholo na ang laki ng pagkakangiti.

'Nakaabang ang bata!'

"Yey! Kakain na!" sayang-saya na bulalas ni Cholo at nagpapadyak pa.

'Bwisit!'

Nilabas ko lahat ng laman ng nasa paper bag at sobrang dami at hindi ko mauubos lahat 'to, isama mo pa ang kasama kong batang timawa. Napatingin naman ako sa ibang mga depungal at nakatingin saamin.

"Sumabay na kayo saamin, hindi namin mauubos 'to!"

Inaya ko ang mga depungal na sumabay nang kumain saamin at wala pang isang segundo silang nakalapit sa upuan ko at kanya-kanya ng kuha ng pagkain.

'Pucha! Ako pa ang naubusan!'

~~
Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top