28 /Evaluation/
Daniela's POV
Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil sa natamo kong bugbog at sakit sa katawan dahil sa kadahilanang pinagtulungan akong bugbugin ng mga PAWER PAKGIRLS at ni Yngrid at dalawang araw na rin akong pinapagalitan nila Kuya dahil hindi daw nakokompleto ang araw ko ng wala akong nakakaaway sa school.
Dalawang araw na rin akong nabuburyong sa bahay at dalawang araw na din akong pinagsasabihan nila Kuya pero pinapalabas ko lang sa kabila kong tenga. Nakakainis dahil wala akong magawa kundi manahimik nalang dahil alam kong wala akong laban sakanila, lalo na kapag si Mommy ang kaharap ko.
"Ikaw Danny, please lang kahit ngayong araw lang, huwag ka munang makipag-away o kahit ano, hindi mo ba alam na may malaking epekto yun sayo?" singhal saakin ni Kuya Joseph.
Kasalukuyan kaming bumabyahe papuntang school at tumatango-tango lang ako.
"Talaga lang ha, sa katigasan ng ulo mo sure akong susundin mo talaga kami!" sarkastikong bulalas din ni Kuya Yoseph at inirapan ako.
'Aba!'
"Kapag ikaw nalaman na naman naming dinala sa clinic malilintikan ka'na talaga saamin. Gets mo?" banta ni Kuya Joseph.
"Seryoso?" asik ko.
"Oo, seryoso pa sa ex mo!" angal ni Kuya Yoseph.
'Ex?'
"Huh? Paanong nasali sa usapan yung ex ko? Ano ba yun?" painosente kong bulalas pero nagkatinginan lang silang dalawa at umiling-iling.
'Bahala kayo!'
Hindi na kami nagkibuan pa at tahimik nalang na bumyahe papuntang school, sana nga makatagal ako ng isang araw ng walang nakakanti, hindi naman ako warfreak na basta-basta nalang nakikipag-away, nakikipag-away ako dahil sa mga taong nakakasalamuha ko.
Kung wala silang pakialam saakin edi wala din akong pakialam sakanila, ganon lang kasimple.
Ilang minuto pa kaming nagbyahe hanggang sa makarating kami sa school at hindi ko maiwasang kumunot ang noo dahil halos wala akong makitang estudyante na nagkalat, usually maraming students ang pakalat-kalat ng ganitong oras at nakapagtataka lang dahil ang aga pa naman para sa oras ng klase.
'Anong meron?'
"Bakit ang tahimik at walang students?" tanong ko kila Kuya dahil kapag ganitong naglalakad kami sa hallway ay maraming nagtitilian.
"May evaluation kasing ico-conduct ang mga board of directors ng school para tignan ang kalagayan ng mga students, teachers, at mga facilities ng school kaya walang students ang gumagala ngayon." sagot ni Kuya Joseph.
"Meganon? So parang survey lang?" tanong ko ulit.
"Yeah, taon-taon nangyayari ang ganitong scenario at kaya todo impressed ang mga students para sa good impression ng mga evaluators para sa image ng school." sagot naman ni Kuya Yoseph kaya tumango nalang ako.
So in short nagpapasipsip sila, ang galing pala ng tactic ng mga estudyante dito no, masasabi kong matatalino talaga. Kung wala namang evaluation na magaganap, sure akong kaliwa't-kanan ang riot ng estudyante.
'Ibang klase'
Agad din akong dumiretso sa klase ko at ganoon din sila Kuya, hindi ko'na alam ang nangyayari sa mga kaklase ko o kung may nangyari nga ba talaga sakanila dahil sa dalawang araw akong nawala.
Nakarating din agad ako sa room at hindi na ako nagulat kung walang pinagbago ang itsura, mula sa magulo at kalat kalat na alignment ng mga depungal, hindi ba sila na-inform na may gaganaping evaluation ngayon at baka ma-dissapoint pa sila kapag nakitang binagyo ang room namin.
"Bakit hindi pa kayo nag-aayos?" tanong ko sa mga depungal at napatingin naman sila saakin.
"Huh? Anong nag-aayos?" takang tanong ni Blake.
"Oo nga Ate Danny?" sabat naman ni Cholo na may saksak ng lollipop sa bibig.
"Diba may evaluation ngayon, so bakit ang gulo-gulo niyo tapos hindi pa maayos 'tong room." sagot ko pero parang wala lang sakanila yung sinabi ko.
"Ahh yun ba?"
"Hayaan mo sila, wala naman silang pakialam saatin ehh!" sagot ni Marcus kaya kumunot ang noo ko.
"Huh? Paanong walang pakialam?" naguguluhan kong tanong.
"Daniela, huwag ka ng mag-abala sa mga ganyan-ganyan dahil hindi naman nila tayo pagtutuunan ng pansin." asik ni Zero.
"Oo nga, hindi naman tayo priority ng school at wala silang pakialam kung anong mangyari saatin, pagtatakpan lang ng mga faculties ang kung ano mang gulo ang meron tayong Section E, kaya wala na silang pakialam!" mahabang litanya ni Dino.
"So you mean, etchapwera lang tayo ganon?" sarcastic kong bulalas habang tinitignan sila isa-isa.
"Ganon na nga!" they answered in unison.
So all this time pinagmumukha nilang tanga at masyadong minamaliit ang Section namin, hindi pati na rin kaming nag-aaral sa eskwelahang 'to. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pumapayag silang maliitin nalang sila o kami.
"Bakit? Bakit kayo ganyan?" bigla kong usal.
"Huh? Anong ibig mong sabihin Ate Danny?" bulol-bulol na tanong ni Cholo dahil sa lollipop na subo niya.
"Kayo, bakit hinahayaan niyo nalang na maliitin at kaya-kayanin nalang ang Section natin, kahit wala silang pakialam saatin dapat hindi niyo parin hinahayaan na niyuyurakan at minamata ang Section natin, estudyante parin naman tayo at dapat nirerespeto hindi dahil sa kilala tayong masasama sa paningin ng iba pero mali parin na ganito ang trato saatin ng iba." mahaba kong litanya at nakatingin lang sila saakin.
Totoo naman ang mga sinabi ko, hindi porke minamaliit na nila kami ay basta-basta nalang nila kaming e-etchapwerahin, parte parin kami ng school na'to at may karapatan silang gabayan kami dahil estudyante parin kami sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari dahil palaging nasasangkot ang Section E.
"Tss! Sa tingin mo'ba may magbabago kapag ginawa namin yun, simula't sapol ganon na ang tingin saating mga Section E, hindi mo'na mababago sakanila yun, kung wala silang pakialam saatin edi mas lalong wala tayong pakialam sakanila, ganon lang kasimple!" mahaba at maangas na angal ni Raven.
Nakita ko siyang nakaupo sa likod at nakatingin saakin, wearing his usual bored looked, so ganon-ganon nalang yun? Parang lahat naman sila sang-ayon sa sinabi ni Raven kaya wala akong nagawa dahil yun ang gusto nila.
Wala naman akong intensyong iba, ang gusto ko lang naman ay itrato nila kami ng patas. Fair and Square!
Umupo nalang ako sa upuan ko at hindi na sila pinansin pa, hindi ko naman makukumbinsi ang mga utak nila dahil nagsalita na ang Hari nila, panindigan nila kung anong gusto nila.
Matapos ang usapan namin ay siyang pasok naman ni Sir Alvin at hindi rin siya nagulat sa itsura ng room namin, talaga ngang wala silang pakialam saamin.
'Nakakainis!'
"Class! Can you please arrange the chairs and suit yourselves, darating ang mga evaluators para tignan kayo!" malakas na sabi ni Sir at kanya-kanyang reactions ang mga depungal.
'Akala ko ba wala silang pakialam?'
"What? Bakit Serr?" inis na tanong ni Cloud.
"Kaya nga Serr, bakit bigla silang nagka-interes saatin?" sabat naman ni Zico.
"Anong nangyari Serr?" tanong naman ni Zero.
"Wait! Wait! Let me explain, ganito kasi kaya tayo i-evaluate dahil sa utos ng principal dahil nagtataka daw yung mga evaluators kung bakit laging daw tayong exempted, kaya pinilit nilang i-evaluate tayo at nakiusap saakin si Mr. Spencer na ayusin kayo!" mahabang litanya ni Sir Alvin.
Kita mo nga naman ang pagkakataon, kanina lang pinag-uusapan namin ang tungkol dyan tapos ngayon ie-evaluate nila kami. Walang nagawa ang mga depungal kundi sumunod nalang sa utos, nahagip ng mata ko si Raven at parang wala siyang pakialam.
'Bahala ka sa buhay mo!'
Inayos at umayos ang room at mga itsura ng mga depungal at masasabi ko ng hindi masakit sa mata at tiyak naman akong hindi kami mapapahiya sa mga evaluators.
Ilang minuto lang din ang hinintay namin bago dumating ang mga evaluators na titingin saamin, tatlong lalaki at dalawang babae, so bale lima sila atsaka sila in-assists ni Sir Alvin.
Chineck nila ang buong room namin, mula CR, garbage, sanitation, and most of all kami. Binilang at sinipat isa-isa hanggang sa mapadako saakin ang tingin nila.
"Oh! Sir Alvin, hindi mo sinabi may babae pala sa mga estudyante mo?" asik no'ng lalaking evaluator.
"Ah yes Sir!"
"Akala ko'ba puro lalaki lang ang Section E?" asik naman no'ng babaeng evaluator.
"Ah yes Ma'am, she's a tranferee from Saint Avila!" sagot ni Sir Alvin.
'Imbestigador pala ang mga 'to!'
"Really? How come na napunta siya dito sa Section E kung galing siyang Saint Avila?" tanong ulit ng isa pang babaeng evaluator.
"Ahh..."
Hindi alam ang isasagot ni Sir Alvin at naghahanap ng lusot, bakit pa? Sure naman akong may hint na sila kung bakit ako nandito.
"I'm sorry to say this Ma'am/Sir but your question is too common and i think and you all think na iisa lang rason kung bakit ako nandito sa section na'to, I'm a troublemaker so that's why I'm here. Did i answer your question Ma'am?" matapang at may tonong sarcastic sa huli kong sinabi at kita ko ang gulat sa mga mukha nila.
Bakit pa ako mag-aalangan na sagutin sila kung wala naman silang pakialam saamin at si Raven na rin ang nagsabi na hindi magbabago ang tingin nila saamin.
"Y-yes! And now we know why!"
Napaikot nalang ako ng mata ng tarayan ako ng babaeng evaluator na sinagot ko. Lumabas tuloy ang tunay na kulo. Nag-check pa sila ng kung ano-ano at nag-usap kasama si Sir Alvin hanggang sa umalis na sila.
"WHEW!"
Gulat naman ang bumalandra sa mga mukha ng mga depungal dahil sa iniasta ko kanina, ganon din si Sir Alvin, huwag na silang magtaka dahil sila na rin naman ang nagsabi na wala silang pakilam saamin.
'Paulit-ulit na!'
"That was unexpected Daniela!"
Hindi makapaniwalang sabi ni Sir Alvin.
"Ate Danny, sinabi mo talaga yon?" batang tanong ni Cholo kaya nginitian ko siya.
"Hahaha! Ang cute mo talaga!" pinisil-pisil ko ang pisngi niya to lighten up the mood kaya tumawa nalang din siya.
Hindi ko nalang pinansin ang iba at nagtuloy nalang si Sir Alvin sa pagtuturo niya at nakinig nalang kami.
~~
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top