25 /Piggy Back/


Daniela's POV

"Ganon nga ang buong pangyayari..."

Ikwinento ko sakanilang lahat ang buong pangyayari sa pagitan namin ni Raven matapos nila kaming makitang nakapatong sa isa't-isa, hindi ko ma-take ang kaberdehan ng mga utak nila.

"Sorry, akala kasi namin may milagro na kayong ginagawa ehh?" sabi ni Marcus.

"Oo nga, kung mag-usap kasi kayong dalawa may kakaibang meaning?" sabi naman ni Blake.

"Tapos makikita pa namin kayong nakapatong sa isa't-isa." sabat naman ni Zero.

"Tss!"

Inirapan ko si Raven na nakaupo sa couch dito sa clinic, matapos maipit ng paa ko at pwersahang hinila ni Raven ay namaga kaya medyo hirap akong maglakad, buti nalang meron 'tong mga depungal na umalalay saakin.

"Waahh! Ate Danny... Sorry na, akala kasi namin may ginagawa kayo ni Raven eh?" atungal ni Cholo kaya natawa ako sa itsura niya.

'Kahit bata ay kung ano-ano na iniisip!'

"Okay lang, hindi ko naman kayo masisi, kung ako yun ay ganon din ang maiisip ko." i said and i brush cholo's hair.

"Haha! Ang bait mo talaga no?"

"Mabait ba ako, hindi ah?" pa-humble ko.

"Oo kaya, lagi mo nga akong binibigyan ng baon mo tuwing lunch ehh..." asik niya.

"Ayyt! Oo nalang nga, mabait na ako. Cute ka naman!" sabi ko at pinanggigilan ko ulit yung pisngi ni Cholo.

*BLAAGG!*

Natinag kami ng biglang bumukas ang pintuan at gulat kaming napatingin sa pumasok.

'Shit sila Kuya!'

"K-kuya?" utal kong sabi ng makita silang humahangos.

"Shit Danny, what happened to you?" asik ni Kuya Joseph.

"Ahh, naipit yung paa ko." sagot ko.

"Damn it! Don't tell me sila may kagagawan niyan sayo?" asik din ni Kuya Yoseph at masamang tinignan isa-isa yung mga depungal.

"Hala, hindi wala silang kasalanan, naaksidente lang ako dahil sa katangahan ko!" todo angal ko dahil anumang oras ay para na silang magra-rambulan sa sama ng tingin sa isa't-isa.

Kapag nagkataon dehado sila Kuya dahil marami sila pero hindi naman ako makapapayag na mangyari yun.

"Pwede ba Alvarez, alamin mo muna ang buong pangyayari bago ka mambintang!" asik ni Zero kila Kuya.

"Tama, masyado kayong mainit mga pare!" sabat namin ni Marcus.

"Wala kaming kasalanan!" asik naman ni Cholo.

'Bwisit nakisali pa ang bata!'

"Malay ba namin kung anong mga katarantaduhang pinaggagawa niyo sa kapatid namin!" asik ulit ni Kuya Yoseph.

'Masyado siyang mainit, kailangan palamigin!'

"Kuya please, wala silang kasalanan sa nangyari saakin. Aksidente ko talagang nadunggol yung mga upuan kaya naipit yung paa ko at namaga." pagpapatahan ko at tila nakumbinsi naman sila Kuya.

"Next time, suit your clumsiness para hindi kami napapaaway!" asik saakin ni Kuya Joseph kaya tumango-tango ako.

"Tss! Sa susunod kasi mga Alvarez alamin niyo muna ang buong pangyayari bago kayo sumugod saamin!"

Bulalas ni Raven at tumayo atsaka sinamaan ng tingin sila Kuya at binigyan naman niya ako ng bored at nauumay na tingin bago siya lumabas ng clinic. Sumunod naman ang ibang depungal sa kanya at kami nila Kuya at Cholo nalang ang natira.

"Oh bakit hindi ka pa umalis bata?" sita ni Kuya Yoseph kay Cholo.

"Hmm, sabay kaming uuwi ni Ate Danny!" pagmamatigas naman ni Cholo.

Nangako pala ako sakanya na sabay kaming uuwi kaya hindi pa umaalis ang batang 'to, hayaan nalang nga. Bata naman eh.

"Pwede ba Kuya, huwag mo ng pag-initan si Cholo. Isabay nalang natin siyang iuwi." sabi ko at natuwa naman si Cholo.

"What? No way!" asik naman ni Kuya Joseph.

"Please!" pilit ko at wala naman silang nagawa kundi pumayag dahil sa kakulitan ko.

Sumabay nga saamin si Cholo at hinatid na rin namin sa labas ng subdivision nila, mayaman pala ang batang kumag. Akalain mo yun?

Nakauwi na din kami sa bahay at medyo nahimasmasan na sila Kuya at ako naman iika-ika parin dahil sa namaga kong kanang paa...

"Danny sa susunod mag-iingat kana, baka mamaya sumusugod na naman kami ni Yoseph na walang kaalam-alam." biglang bulalas ni Kuya Joseph matapos niya akong akayin paakyat sa kwarto ko.

"Oo Kuya, salamat at sorry na rin." sabi ko at ginulo lang niya ang buhok ko.

"Sige na, magpahinga ka na!" sabi niya at umalis na ng kwarto ko at malaya na akong humiga sa kama ko at doon ko naramdaman ang tunay na pagod.

Nag-flashback lahat ng nangyari saakin ng isang linggo, no'ng una si Marcus sa music hall na marunong palang kumanta, si Zero sa library na hobby pala ang kumuha ng litrato na kalaunan ay nabugbog ko na naging big issue sa mga depungal, si Kahlil na ang berde ng utak, at si Raven na siyang dahilan kung bakit nangyari saakin 'to.

Peste siya, kung hindi ba naman kasi niya ako sinigawan edi hindi nahulog yung mga upuan at hindi ako papatong sakanya at mas lalong hindi ako maiipitan ng paa!

Urgh! Sumasakit ang ulo ko kakaisip, dumagdag pa sila Kuya kanina dahil sa katangahan ko, pumikit ako ng mariin at hinilot ang sentido ko. Ilang minuto kong ginawa yun hanggang sa nakatulog na ako.

ZzzzZzzzZzzz

--

Maaga akong nagising kinabukasan at kasalukuyang bumabyahe papuntang school, nakatingin lang ako sa labas at tahimik na nakaupo sa backseat.

"Danny okay ka lang ba?"

Napatingin ako kay Kuya Yoseph ng tanungin niya ako.

"Okay naman..." sagot ko at tumingin ulit sa labas ng bintana ng kotse.

"Sure ka? Eh yang paa mo, okay na ba?" tanong din ni Kuya Joseph na siyang nasa driver's seat at nakatingin sa rear mirror.

"Yeah! Nawala na yung pamamaga medyo kumikirot lang." sagot ko at tumango siya.

Ang gusto pa naman nila ay magpahinga ako sa bahay at umabsent muna pero nagpumilit ako, wala naman kasi akong gagawin sa bahay at mabuburyong lang ako maghapon kaya mas maganda ng pumasok ako kahit iika-ika.

Nakarating din agad kami sa school at as usual tilian na naman ang mga girls na nakakasalubong namin pero deadma sila Kuya at nakaalalay sila saakin...

"OMG! Anong nangyari sa paa mo?" nakasalubong namin si Ricci at tinignan ang kabuan ko.

"Ah eh, naipit." sagot ko.

"Ganon ba? Hindi na ba masakit?" tanong ulit niya pero napansin kong napapatingin siya kila Kuya at medyo huminhin.

'I smell something's fishy!'

"Yeah! Don't worry, okay na..." sabi ko atsaka ako nagpaalam sakanya at nagtuloy ulit sa paglalakad habang akay parin nila ako Kuya.

Nang makarating sa tapat ng room nila Kuya ay nagpaalam na ako para pumasok na rin, pinilit pa nila ako Kuya na ihatid sa mismong room namin pero umiling nalang ako.

Kaya ko namang pumasok, okay na ang paa ko at medyo kumikirot lang kapag tinatapak ko ng madiin kaya iika-ika akong maglakad.

Literal akong napalaki ng mata ng maalala kong may tier pa pala akong madadaanan bago makarating sa mismong room namin at sure akong mahihirapan ako sa paglalakad neto.

"Ang tanga ko talaga..." bulong ko dahil nagpaubaya nalang sana ako kila Kuya kanina.

Humakbang ako sa unang baitang at nakahawak sa railings ng tier at hirap akong makahakbang, pusang galsalan naman oo!

"Tss!"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko siyang nakatingin saakin habang nakasukbit ang isang bag sa balikat niya at nakapamulsa ang dalawang kamay at hindi naka-butones ang polo shirt niya at tanging puting t-shirt lang ang panloob habang tinatapunan ako ng bored na look.

"Bwisit ka! Umalis ka'na nga!" bulyaw ko sakanya pero hindi siya natinag.

Yung feeling na hirap na hirap ka ng maglakad tapos makikita ko lang siyang nakatingin saakin na parang kinakaawaan, feeling ko nang-iinis ang dating niya.

"Tss!"

Naglakad siya palapit saakin at biglang umupo sa harap ko.

"W-what the hell are you doing?" mura ko sakanya at mabilis kong tinakpan ang palda ko.

"Masyado kang feeling no? Wala akong balak silipan ka!" asik niya kaya nag-init ang ulo ko.

"OGAG ka pala, eh bakit ka nakaupo sa harap ko!?" inis kong bulalas sakanya.

"Damn it, ang slow ng utak mo! Can't you see? Ako na nga 'tong nagma-magandang loob tapos binibigyan mo pa ng malisya!" bulyaw din niya saakin at bigla akong hinigit at pinaakay sa likod niya at mabilis na tumayo at naglakad.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya, alam kong katangahan ang iniasta ko at hindi agad na-gets ang gusto niyang gawin, malay ko bang tutulungan niya ako, ugali palang niya alam ko ng wala siyang balak akong tulungan and yet here he is.

'Naka-piggy back ako sakanya!'

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang nakasakay ako sa likod niya at kitang-kita ko ang gilid ng mukha niya, nakasuot parin siya ng scarf sa ulo niya at nakabagsak ang mushroom cut na buhok niya.

Doon ko din napansin na ang tangos pala ng ilong niya, mahaba ang pilikmata at nakaka-akit nitong labi!

Watdapak did ay sey? Erase! Erase! Walang ibang meaning yun at yun talaga ang nakikita ko sa itsura niya at hindi ko maitatangging gwapo at pinagpapantasyahan siya ng mga babae.

'Kaya Babaero'

"Done fantasizing me?"

Sabi niya at ibinaba ako sa tapat ng upuan ko at napalaki ako ng mata at gulat na gulat din ang mga depungal ng makita kami.

"Huh?" painosente kong tanong.

"Tss!"

Inirapan niya ako atsaka mabilis na naglakad papunta sa upuan niya at mabilis namang lumapit saakin si Cholo na nakakunot noo.

"Bakit ka binuhat ni Raven ha!?" asik niya at nakapout sa harap ko.

"Ah eh, tinulungan lang niya ako dahil medyo hindi ko pa malakad ng maayos ang paa ko." sabi ko at tumango-tango naman siya.

"Not typical of him!" sabi niya kaya naguluhan ako.

"Huh? What do you mean?" tanong ko.

"Hahaha! Wala yon, huwag mo akong pansinin Ate Danny!" bigla siyang naging hyper kaya mas lalo akong nalito at naguluhan sa iniasta niya.

'May bipolar pa yata ang batang 'to?'

Umiling nalang ako atsaka ko ginulo ang buhok niya at kalaunan ay dumating na si Sir Alvin at nagturo atsaka kami nakinig sakanya.

~~
Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top