22 /CLOSE and OPEN/


Zero's POV

Natapos ang mga sumunod naming klase at vacant namin ngayon, sobrang boring na naman at walang magawa, gusto kong tumambay sa tambayan namin dito, sa rooftop ng lumang building pero masyadong nakakatamad dahil maglalakad pa ako at aakyat kaya, huwag nalang.

Lumabas ako ng room dala-dala ang DSLR ko at naglakad kung saan-saan para kumuha ng pictures, hobby ko ang kumuha ng kung ano-anong litrato, kahit alam kong hindi ko mapapakinabangan ay kumukuha parin ako ng mga gusto kong pictures.

Dinala ako ng mga paa ko sa loob ng library, tinaasan ako kilay ng librarian pero nginitian ko lang siya atsaka pinakita ang hawak kong camera na kalaunan ay tumango naman.

'Papayag din pala'

Naglibot ako sa buong library at kuha dito at kuha doon ang ginagawa ko at madami-dami na akong nakuha at masasabi kong maayos lahat. Palabas na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang isang madilim na parte ng library.

Actually nasa gilid siya at medyo malayo sa mga actual na mga pag-uupuan talaga ng mga estudyante. May taong nakadukdok sa gilid at parang natutulog, aba ginawang tulugan ang library.

'Makuhanan nga'

Lumapit ako sa tabi niya at dahan-dahang kinuhanan ng litrato, ayos 'to. Kinuha ko ang tamang anggulo para mas magandang kuha, naka-focus na siya ng madunggol ko ang isang divan kung saan nagkahulugan ang mga ilang libro at muntikan na yung tumama sa ulo ng taong natutulog pero nasalo ko naman.

Maling moves yata yun dahil nagising yung natutulog at unti-unting iniangat ang ulo habang gulo-gulo pa ang buhok na nakatakip sa mukha niya, inayos niya yun at kitang-kita ko kung sino siya.

"Daniela?"

Hindi ko alam na si Daniela pala 'to.

"Zero? Anong ginagawa mo?" taka din niyang tanong.

"Ah eh, ano... Kumukuha ng litrato." sagot ko at bahagyang itinaas ang DSLR ko.

"So you're saying na kinukuhanan mo ako ng litrato habang natutulog ako?" kunot noo niyang tanong.

"Ah pa-rang ganon na nga..." sagot ko pero sinamaan niya ako ng tingin at mabilis niyang hinila ang kwelyo ng uniform ko.

'Damn it!'

"Patingin ng kuha mo!" asik niya.

"Bakit, hindi pwede bawal."

"Anong bawal ka dyan? Kinuhanan mo ako ng picture ng hindi ko alam!" mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-kwelyo saakin.

"A-ray, nasasakal ako. Bitaw!" pilit kong inaalis ang kamay niya atsaka niya ako inirapan.

"Talagang masasakal kita, patingin na kasi." pamimilit niya.

"Hindi nga pwede. Bawal!" pilit ko din.

"At bakit bawal, aber!?" taray niya.

"Syempre, nandito tayo sa library, alam mo namang hindi ko'to pwede ipakita!" malakas ang pagkakasabi ko at napalaki siya ng mata.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante dito at napapalaki din ng mata at nagbubulungan.

"Peste ka! Ang dumi talaga ng utak mo!" sigaw niya atsaka ako pinagsasabunot.

"Aray shit, masakit!" angal ko.

Hindi siya tumigil sa pagsabunot at nagkakanda hulog na ang mga libro dito at pinagtitinginan na kami at nahagip ng mata ko yung librarian na ang sama-sama ng tingin.

'Lagot!'

"What's happening here!?" pagalit niyang sigaw at natigil naman sa pagsabunot saakin si Daniela.

"Pasensya na po Ms. Minchin, may LQ kami ng girlfriend ko." sagot ko na kinagulat naman ni Daniela.

"Anak ng! Anong girlfriend!" angal niya.

"Babe please stop!"

"Urgh! Anong babe ka dyan, mukha mo!"

"Enough the both of you, kung may hindi kayo pagkaka-intindihan, huwag kayong mandamay! Now get out!" sigaw saamin ni Ms. Minchin kaya wala kaming nagawa kundi lumabas nalang.

Nagpupuyos parin si Daniela ng makalabas kami at ako naman natatawa sa itsura niya. Mukha siyang ewan, hindi ko naman talaga gustong asarin siya pero hindi ko mapigilan. Ganyang-ganyan ang itsura niya ng una kaming nagkita.

"Alam mo ikaw, hindi ka lang pala mayabang, siraulo ka pa. Ang kapal-kapal ng mukha mo para sabihing tayo eh hindi naman talaga!" bulyaw niya at halos pumutok ang litid niya sa leeg.

"Haha chill, joke lang yun, huwag mong totohanin." sabi ko.

"Chill mo mukha mo! At bakit naman ako maniniwala, diba sabi ko tigilan mo'ko dahil hindi tayo close!"

Pinagpipilitan talaga niyang hindi kami close, alam ko naman yun kaya nga inaasar ko siyang open kami kung hindi kami close.

"Alam mo ulit-ulit ka rin eh noh, kung ayaw mong maging close tayo edi open nalang." asik ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Peste ka talaga kahit kailan, isa pang pilisopo mo masasapak na talaga kita!" inambahan pa niya ako ng sapak pero hindi naman ako natinag.

"Sige nga kung kaya mo?" asar ko at inilapit ko pa ang mukha ko pero agad din akong tumayo ng maayos dahilan para hindi niya ako maabot.

"Patangkad ka muna, liit mo kasi, hindi mo tuloy ako masapak!" asar ko ulit sakanya at mas lalo siyang nainis.

"Bwisit ka talaga! Wala ka ng ibang ginawa kundi asarin at bwisitin ako!" sigaw niya at sinipa ako sa baba.

'Baba ng tuhod ko!'

"Aray!" atungal ko atsaka hinamas ang baba ng tuhod ko dahilan para mapayuko ako at kinuha niya yong pagkakataon para abutin ang tenga ko at lapingutin.

'Puta! Yung may hikaw pamandin'

"Tigilan mo'ko ah, kung ayaw mong hilain ko 'tong hikaw mo." gigil niyang sabi.

"Ah eh, pag-iisipan ko."

"Nakng! Hindi pwede." mas lalo niyang piningot ang tenga ko.

"ARAY! Oo na, titigilan na kita." napasagot ako ng wala sa oras.

"Yan, sasagot ka din naman pala, pinahirapan mo pa ang sarili mo." sabi niya atsaka niya hinimas ang tenga kong piningot niya.

"Be a goodboy okay?"

Nginitian niya ako pero may halong asar atsaka siya umalis sa harap ko.

"Ano yun?" bulong ko dahil sa pagbabago ng asta niya.

'Bipolar'

Ganda na sana eh, may saltik lang. Hindi, hindi lang may saltik, amazona rin. Daig pa akong lalaki kung makaasta. Ngayon ko lang na-realize na iba siya at hindi basta-bastang babae.

"A really tough one..." bulong ko ulit atsaka siya sinundan.

Pinagtitinginan pa ako ng mga nakakasalubong ko pero hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis akong naglakad papasok ng room at natigilan sila ng makita ako at gulat na gulat.

"Pre! Anong nangyari sayo?" tanong ni Zico.

"Oo nga, may bumanat ba sayo?" tanong ni Blake.

"Sinong bumugbog sayo!?" tanong naman ni Ignacio.

Sunod-sunod na tanong nila kaya hindi ako makasagot at napayuko lang. Hindi sila maniniwalang si Daniela talaga ang may kagagawan saakin neto.

"Huwag niyo ng alamin, baka balikan pa ako." sagot ko.

"Ano? Hahayaan mo nalang yung gagong bumugbog sayo?" asik naman ni Cloud.

"Oo nga, tignan mo nga yang itsura mo, daig mo pa babae na pinagsamantalahan." sabi naman ni Dino habang nakaturo sa kabuuan ko.

Sinipat ko naman ang kabuuan ko sa salamin at mukha nga akong nagahasa dahil wala nasa ayos ang polo ko at gulo-gulo ang buhok at namumula ang kaliwang tenga ko.

'Watdahel!'

"Sinong gumawa sayo niyan?" malalim at baritonong tanong ni Raven na nakatingin na din pala saakin.

"Sabihin muna kasi Zero!" pilit naman ni Cholo na may hawak na burger.

'Saan galing yan?'

"Ah eh kasi si--"

"AKO BAKIT!"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naagaw non ang sigaw ni Daniela dahilan para mapatingin kaming lahat sakanya.

'Bakit mo pa sinabi! Patay ka ngayon'

"Ano! Binugbog mo talaga si Zero Ate Danny?" hindi makapaniwalang tanong ni Cholo.

"Oo! Ako gumawa niyan sakanya!" sagot niya.

"No way!" ani ni Ace

"Paanong nangyari yun?" ani ni Thirdy

"Watdahel!" ani ni Marcus.

"Haha! Hayaan niyo na, kasalanan ko naman kaya niya ako binugbog." sabi ko pero parang hindi sila naniniwala.

"Tss!"

Bored akong tinignan ni Raven atsaka siya lumabas ng room. Ilang minuto pang tulala ang mga gunggong ng bumalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan ng dumating ang teacher namin.

Wala na akong nagawa kundi umupo nalang din at ayusin ang itsura ko dahil nagtaka pa si Ma'am Daisy sa itsura ko.

'Peste talaga'

~~

Pasensya na po sa tagal ng update, tinapos ko pa kasi yung ibang drafts ko para tuloy-tuloy ang update ko at para narin hindi ako tamarin dahil next week na ang pasok namin. Thank you guys for loving my story, kung hindi sainyo hindi ako nawawalan ng gana.

Just keep on reading guys! (kahit mabagal ang update) 😍😍😍

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top