17 /Not an Exemption/
Daniela's POV
Nandito kaming lahat sa office ng P.O.D at nakaharap kay Mr. Robert Batumbakal na siyang disciplinarian, halata sa mukha niya ang disappointment at tinignan kami isa-isa, umiiling-iling pa siya at ganon din saaming mga Section E.
'Lalo na ako!'
"I'm very much dissapointed to all of you, hindi niyo ba kayang magpakatino, lagi nalang may away na namamagitan sainyo!" bulyaw niya saamin at wala naman kaming nagawa kundi yumuko, yung iba parang walang pakialam.
"Hindi niyo ba kayang magkabati at magpakatino kahit ngayong whole year lang, huling taon niyo na bilang highschool at sa susunod na taon ay college na kayo!" bulyaw ulit niya. "Hindi na kayo bata para mag-away ng mag-away, malalaki na kayo at alam niyo naman na siguro kung anong tama at mali!" sabi niya at nilibot ang tingin.
"Hindi naman po kami yung unang sumugod, siya at sila!" sabi ni Uno at itinuro ako at ang buong Section E.
Tumingin silang lahat saamin at napaikot ako ng mata, ang galing niyang mambaliktad ng sitwasyon, bwisit talaga yang Uno na yan.
"Hindi naman kita kakantiin, kung marunong kalang humingi ng sorry, ikaw na 'tong may kasalanan ikaw pa ang mayabang!" singhal ko naman sakanya atsaka sila napatingin kay Uno.
"Paano akong magso-sorry eh masyado ka at kayong mayayabang, tignan mo nga mga itsura namin!" angal niya at sinipat ang kabuuan at sa mga kasama niya.
"Hindi ko'na kasalasan yan, hindi naman tayo aabot sa sakitan kung marunong kang rumespeto!" singhal ko.
"Wow, ikaw talaga nagsabi niyan ah." sabi niya.
'Totoo naman eh!'
"Uno is right Mr. Batumbakal, masyadong mayabang yang babaeng yan, hindi na nakakapagtaka kung nasa Section E siya dahil kakambal niya ang takaw gulo!" singit naman ni Yngrid.
"Anong mayabang, ikaw at yang tarantadong mong boyfriend ang mayabang, kung magsalita ka eh mas bagay ka namang maging Section E! Kung tutuusin mas malala ka pa nga saakin!" sigaw ko sakanya at dinuro. Inawat naman ako ni Kuya Joseph.
"Danny, stop!"
"Watch what you guys are saying, i do not tolerate that kind of attitude, lalo na dito sa opisina ko!" sabi ni Mr. Batumbakal.
"Walang mangyayari kung magsisigawan at magtuturuan lang kayo, kung ayaw niyong magpakumbaba ay wala akong magagawa kundi parusahan kayo, hindi na kayo nahiya sa mga pag-uugali niyo, hindi lang ako ang napapahiya kundi ang buong HVIS!" bulyaw ulit niya at anumang oras ay pwede na siyang sumabog sa kapulaan ng mukha.
Nakita ko sila Cholo na nakaupo lang sa gilid, at yung iba ay nakikipagpatayan ng tingin sa mga Section A na nakaaway namin, at sila Raven na bored na namang nakatungo.
'Walang pakialam!'
"Well, first and foremost Mr. Batumbakal, baka nakakalimutan niyo kung sino yang mga Section E na'yan, dapat sila ang parusahan niyo at hindi kami... dahil sila ang main cause ng kaguluhan dito sa HVIS, we all know that Section E is the worst ever section of all sections, they have the right to give a punishment, because in the first place they're, Not an Exemption!" mahabang litanya ni Yngrid na sinang-ayunan ng lahat, mula sa mga students at faculties.
'Majority wins, and that's unfair!'
Wala naman kaming nagawa kundi tanggapin ang ibigay na punishment ni Mr. Batumbakal dahil wala siyang choice. Sino ba naman kasi kaming mga Section E, basura lang yata ang tingin saamin eh!
Binigyan kami ng parusang one week community service, tuwang-tuwa naman yung mga Section A dahil kahit isa hindi sila naparusahan, kaming mga Section E ang naparuhan o mas tama bang laging Section E ang na-aagrabyado, one word to described this crabby school,
'Unfair!'
Tama, nagagawa nila ang gusto nila dahil may kapit sila o kaya may kaya, kaya nagagawa nilang maliitin ang section na kinabibilangan ko, ewan ko nga ba kung bakit walang ginagawa ang Section E at hinahayaan lang nila ito. Sabagay sino nga ba kami para umangal, because in the first place,
'We're not an exemption!'
"Bwisit!" sigaw ni Cloud at hinagis ang hawak na walis tingting. Nandito kami sa school ground para maglinis.
"Ano bang problema mo!" sigaw naman sakanya ni Dino na kaibigan niya.
"Ito! Ito ang problema ko, ganito nalang ba lagi?" sabi niya at tumingin saamin.
"Bakit hindi ka pa ba nasanay!?" pabalang na sabi naman ni Allyson.
"Bakit ba kasi hinahayaan niyong ganituhin nila tayo! Kung ituring nila tayo sa p*tang-inang eskwelahan na'to ay daig pa natin ang hayop! Nakakagago!" nagsimula na siyang magwala at pinagbabato ang mga mahawakan niya.
Walang pumigil sakanya at hinayaan lang na magwala. Kayo na, kayo ng may pakialam!
"Wala ka ng magagawa kahit magwala ka pa ng magwala dyan! May tradisyon tayong sinusunod noon pa, ngayon ka pa magagalit sa tinagal-tagal mong naging Section E!" bulyaw sakanya ni Joshua atsaka masamang tumingin.
'Anong tradisyon?'
"P*tang tradisyon yan! Walang kwenta, mga walang ut*k lang ang nagpasimuno niyan dito, hindi naman tayo ganito dati, nang dahil sa tradisyon na'yan, nagulo at nabago na ang lahat!" sigaw ulit ni Cloud at literal akong naiwan dahil wala akong alam sa pinag-uusapan nilang tradisyon.
"Sinabi nang wala kana at tayong magagawa kundi sundin yon, tayo din naman ang may kasalanan kung bakit umabot pa sa ganitong sitwasyon!" sigaw din ni Zico.
'Can't relate talaga, kailangan ko ng interpreter!'
"Oo, wala akong magagawa at wala din kayong magagawa, kung mauulit na naman ang nangyari one year ago, at malaki ang posibilidad na mangyayari yun dahil sa babaeng yan!"
Bigla akong tinuro ni Cloud at napatingin sila saakin, hindi ko naintindihan ang sinabi niyang mauulit na naman ang nangyari one year ago, bakit ano bang nangyari?
Matapos sabihin yun ni Cloud ay mabilis pa sa alas-quatro na sumugod si Zero at Kahlil na pinagsasapak si Cloud, mabilis namang umawat yung mga depungal at hindi nagpapigil yung dalawa, yung kaninang gulo ay nadagdagan na naman dahil sa gulong nangyayari sakanila.
Wala akong nagawa kundi manood dahil sa napaka-seryoso nilang suntukan, hindi sila nagpapa-awat, nakagalaw lang ako at mabilis kong nahawakan si Cholo ng akmang lalapit siya at makipag-suntukan din.
"Ate Danny, bitawan mo'ko!" sabi niya at pilit na hinahablot ang kamay.
"Hindi, huwag ka ng makigulo Cholo!" sabi ko pero mapilit talaga.
"Please Ate Danny, let me go, hindi mo kasi naiintindihan!" sigaw niya at literal akong napabitaw at hindi nakagalaw dahil sa iniasta ni Cholo.
Ngayon ko lang siya nakitang nagalit sa ilang linggo naming pagsasama, lagi siyang nakangiti at nakatawa kaya nagulat ako sa iniasta niya.
Nagpatuloy ang rambulan nila at lahat sila hindi nagpapa-awat, sa ganoong kalagayan ay napansin ko si Raven na naglakad papunta sa gitna at pinagsasapak ang mga depungal.
Hindi ko mawari ang itsura niya dahil kakaiba, nasanay ako sa lagi niyang bored na expression, pero ngayon hindi ko alam kung galit ba siya o naiinis o talagang walang pakialam.
"PUT*NG INA! TUMIGIL KAYO!"
Sa malakas na sigaw na yun ni Raven ay natigil ang mga depungal sa rambulan nila at takot na tumingin kay Raven, kakaiba ang itsura niya at parang may itim na aura ang bumabalot sakanya, na mas naging nakakatakot.
'Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan!'
"Wala kayong karapatan para pangunahan ako sa gagawin ko, huwag kayong magmalinis dahil pare-pareho tayong makasalanan kaya tayo nandito, at kahit kailan hindi mangyayari yang sinasabi mo!" sigaw ni Raven at idinuro pa si Cloud na nakahandusay sa sahig at dumudugo ang putok na kaliwang mata at bibig.
"That couldn't be happen, because that girl," malamig niyang sabi at itinuro ang gawi ko, nabato naman ako sa kinatatayuan ko dahil nakatingin na sila saakin.
"Because that girl is never and, Not an Exemption!"
~~
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top