16 /Riot/


Daniela's POV

'Ako rin, naiirita sayo!'

'Ako rin, naiirita sayo!'

'Ako rin, naiirita sayo!'

Nagpaulit-ulit pa rin sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Raven, matapos ang makapigil hiningang scenario ay nagawa ko paring makagalaw at makaalis don sa kabila ng pagkakatuod ko.

'Pakinang shit!'

Mabilis akong pumasok sa CR at nagpalit ng P.E uniform, nasa kalagitnaan ako ng pagtatali ko ng buhok nang pumasok ang tatlong babae. Nagtatawanan sila.

'Ang aarte!'

"Haha yeah, they're so hot!"

"Nanggigigil ako sakanila!"

"Sayang lang at nasa worst section sila!"

Rinig kong tsismisan nila at sinabi ba nilang worst section? Kahit hindi naman specific ang pagkakasabi ay alam kong Section E ang pinag-uusapan nila.

'Worst daw eh!'

"But wait? Wala yata don yung nag-iisang babae?"

'Napataas ako ng kilay'

"Ah yung transferee? Malay ko don?"

"Alam mo girl, napapaisip ako kung bakit napunta siya sa Section E?"

"Me too, sa itsura niya mukha naman siyang maamo pero nasa loob pala ang kulo."

'Aba! Ang kakapal ng mukha para pag-tsismisan ako, hindi ba nila ako napapansin?'

"Sinabi mo pa, looks can be deceiving kaya, hindi na ako magtataka kung basagulera ang babaeng yun!"

"Yeah right, simpleng malandi rin daw yun."

Doon na ako naalarma, sino sila para lait-laitin ang pagkatao ko, huminga ako ng malalim, taas kilay atsaka ko sila hinarap.

"Hoy mga babaeng tsismosa!" sigaw ko sakanila at gulat naman silang napatingin saakin, "Kung makapag-salita kayo tungkol sa pagkatao ko ay daig niyo pa ang walang pinag-aralan, pwes para sabihin ko sainyo ay wala kayong karapatan para husgahan ako, kung tutuusin kayo ang mga walang kwenta! Mga impaktita, letse!"

Sigaw ko sakanila atsaka ko sila binangga isa-isa, naiwan naman silang nakanganga at hindi nakapagsalita.

Kunot-noo akong dumiretso sa gym at nakita ko naman yung ibang section na naglalaro ng basketball at yung mga depungal naman ay naglalaro ng outdoor games.

'Nawalan na ako ng gana!'

Padabog akong umupo sa bleachers habang kunot noo pa rin, na-badtrip ako sa mga babaeng yun, nasira tuloy ang araw ko. Peste kasi!

'Gusto kong manapak!'

"Hoy ulo!"

Sigaw ng kung sino at huli na para lingunin ko dahil tumama na sa ulo ko yung bola ng basketball. Sa mukha ko tumama yung bola kaya expected na masakit, ilang minuto pa akong napaupo dahil sa hilo.

"Ate Danny! Okay ka lang?" tanong ni Cholo ng makalapit saakin at sinipat ang kabuuan ko.

Hindi ko siya sinagot at hinarap kung sinumang gago ang nakabato saakin. Sinamaan ko ng tingin yung mga lalaking naglalaro ng basketball.

"Sinong bumato saakin!?" sigaw ko.

Nagkatinginan sila at bigla nalang nagtawanan kahit wala namang nakakatawa! K*ngina! Ayoko sa lahat ay yung pinagtri-tripan ako.

"Hahaha! Ang angas mo naman!" sigaw no'ng lalaking moreno.

"Huwag mo nga siyang sigawan Uno!" sigaw ni Cholo doon sa lalaking Uno ang pangalan.

'Nice name, Uno!'

"Huwag mo nga akong pagsabihan!" sigaw niya pero hindi naman natinag 'tong bata.

"Ikaw ba bumato saakin?" tanong ko don sa lalaki.

"Ako nga, bakit angal ka!?" mayabang niyang sagot.

'Aba!'

"Tarantado ka! Hindi lang pala height mo ang malaki, isa ka rin palang malaking gago!" mura ko sakanya at nagulat siya sa iniasta ko at ganon din yung iba.

Pinagtitinginan na kami at yung nga depungal nanonood lang saamin, nakita ko naman si Raven na bored na nakatingin saamin, si Cholo lang yata ang may pakialam saakin eh.

'Who cares?'

"Ang kapal naman ng mukha mo para murahin ako, hoy para sabihin ko sayo, Section E ka lang!" bulyaw naman niya saakin atsaka nagtawanan ang mga ungas.

"Wow ha! Sayo pa talaga galing yan, kung umasta at magsalita ka, eh dinaig mo'na kaming mga Section E!" sigaw at dinuro ko siya at nagngitngit naman siya sa iniasta ko.

"Bwisit ka! Pasalamat ka't babae ka, kundi kanina pa kita nasapak!" nanggagalaiti talaga niyang bulalas.

"Pasalamat ka rin at lalaki ka, dahil may pagkakataon akong sapakin ka!" sigaw ko at mabilis ko siyang sinugod, malakas ko siyang sinipa sa tyan niya at mabilis siyang humandusay sa sahig.

"Gago ka!" tumayo siya at bigla akong sinugod, mabilis niyang nahawakan ang panga ko at mabilis akong sinampal.

"Ate Danny!"

Kahit masakit ang pagkakasampal saakin ay kita kong sinugod ni Cholo yung mga lalaki, nakasapak siya pero nasipa naman siya sa tagiliran.

"Cholo!" sigaw ko at akmang susugod ulit pero mabilis na gumalaw ang mga depungal atsaka nila pinagbubugbog yung mga lalaki.

Pinagtulungan nilang bugbugin yung mga lalaki at halos hindi na makatayo sa pagkakabugbog, sila Blake, Zico, Dino, Cloud, Allyson, Joshua, Philip, Thirdy, Ignacio, at Ace lang mga sumugod.

Sila Raven, Zero at Kahlil lang ang hindi sumugod at nakatayo lang sila sa gilid habang nanunuod. Leste! Nagawa pa nilang manuod imbes na tumulong.

Agad na nagkagulo ang mga ibang students at nagsisi-sigaw, sa ganoong kalagayan ay humahangos na pumasok ng gym si Yngrid kasama ng mga alipores niya at sila Kuya na kasama ang ibang faculties.

"What the hell is happening here!?" histerical ni Yngrid at nilibot ang tingin saamin at nagtama ang mata namin atsaka mabilis akong sinugod at sinabunutan.

"Sigurado akong ikaw ang may pakana nitong babae ka! Dinamay mo pa ang boyfriend ko!" sigaw niya saakin na mabilis naman siyang inawat.

"Yngrid tama na." awat sakanya ng faculty.

"Anong dinamay? Eh hindi ko naman kilala kung sino yang boyfriend mo!" sigaw ko sakanya.

"Gaga! Nasaktan mo na't lahat tapos hindi mo kilala!" sigaw niya at nakaturo kay Uno.

"Ah, siya ba? Pasensya na, wala kasi akong pakialam sa pangalan ng tarantado mong boyfriend." duro ko kay Yngrid at sa boyfriend niyang si Uno.

"Walanghiya ka talagang babae ka!" mabilis pa sa alas-quatro niya akong sinugod at sinabunutan, hindi naman ako nagpatalo dahil nakakarami na siya saakin.

'Hindi naman pwedeng siya lang'

"Damn it! Danny please stop!" awat saakin nina Kuya Joseph at Yoseph.

"Tumigil ka'na babe, hayaan mo'na!" awat naman ni Uno sa impakta niyang girlfriend.

Galit na galit akong sinamaan siya ng tingin at kay Uno, bwisit kasi 'tong lalaking 'to, walang respeto sa babae at hindi marunong mag-sorry, siya na nga 'tong may kasalanan siya pa 'tong may ganang magalit at sumugod!

"ENOUGH! ALL OF YOU GO TO P.O.D's OFFICE! NOW!"

Sigaw ng isang faculty at isa-isa kaming tinignan ng masama, lalo na saaming mga Section E, bakit ba lagi nilang sinisisi ang Section E. Hindi ba pwedeng kasalanan ng ibang section.

Kainis naman oh! Pangalawang beses na akong napa-P.O.D, malamang sa malamang ay makakarating na'to kay Mommy.

'Punyeta kasi!'

"Cholo, okay ka lang ba?" tanong ko dahil iika-ika siya sa paglalakad.

"Okay lang ako, ikaw Ate Danny, may masakit ba sayo?" tanong niya at sinipat ang kabuuan ko.

"Ah medyo masakit lang ang ulo ko atsaka 'tong pisngi ko." sabi ko at hinimas pa ang pisngi kong sinampal ni Uno.

"Halata nga, namumula oh!"

"Hayaan muna." sabi ko at nagtuloy sa paglalakad habang akay si Cholo papuntang P.O.D

Nahagip ng mata ko'na nakatingin saakin sila Marcus kaya nginitian ko sila, si Raven naman as usual sa mukha niya.

'Bored!'

Naglakad nalang ako habang kasunod sila Kuya at ang mga sangkot sa gulo namin. Ngayon palang ihahanda ko'na ang mahaba-mahabang sermon pagkauwi ko.

'Lord help me!'

~~
Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top