15 /Topless/


Daniela's POV

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga matapos tumunog ng alarm clock ko, agad ko ring inayos ang kama ko atsaka ako kumilos para maligo at mag-ayos.

Agad akong umupo sa tabi ni Kuya Yoseph pagkababa ko. Nagtimpla ako ng kape at nagpalaman ng tinapay, pinaghalong nutella at peanut bitter ang palaman.

'Great Combination'

"Tignan natin kung makaalis ka pa ng CR." sabi ni Kuya Yoseph at natawa matapos sa kinain kong tinapay.

"Hindi yan, ako pa."

"Kamusta ka naman sa Section E?" tanong ni Kuya Joseph.

"Okay lang naman, magkakasundo na kami ng mga depungal's." sagot ko.

"Huh? Anong depungal's?" takang tanong ni Kuya Yoseph.

"Ah yung mga kaklase ko, yun kasi tawag ko sakanila." realtalk ko.

"Really? Pati kay Raven?" taka ring tanong ni Kuya Joseph.

Tumango naman ako atsaka ulit nagpalaman ng tinapay at isinawsaw sa kape ko. Matakaw na kung matakaw, wala akong pakialam.

'Pud is Layp!'

"I mean, hindi siya nagagalit kapag tinatawag mo siyang depungal?" taka paring tanong ni Kuya Joseph.

"Not totally, actually mas nasabihan ko pa siyang OGAG kaysa sa depungal, tutal wala naman siyang pakialam, nakakainis pa yung bored niyang expression!" realtalk ko at nagkatinginan naman silang dalawa.

'Bakit ano bang meron kay Raven?'

"Seryoso ka? Hindi ka niya ginalaw!?" histerical na tanong ni Kuya Yoseph at sinipat naman siya ni Kuya Joseph.

'Ginalaw talaga?'

"Sira! Ang pangit ng term mo, ang ibig naming sabihin ay hindi ka ba niya sinaktan?" tanong niya na nakapagpakunot sa noo ko.

"Hindi, at bakit naman niya ako sasaktan?" taka kong tanong.

"Knowing Raven, he's the type of person na ayaw iniinsulto at napagsasabihan." realtalk nila.

"Yeah! Masyado siyang mayabang at bossy, actually he's a good time tripper."

'Ganon?'

"And he's a womanizer!"

What? Babaero ang isang yon? Sa yabang no'ng tao tapos babaero, hindi ko alam kung paano siya naging babaero despite of his damn bored looking expression, na parang laging walang pakialam sa mundo.

'Maybe ganon na siya? Hindi ko naman siya kilala talaga'

"Seriously? That guy? Yung albularyong yun!" singhal ko at natawa.

"Albularyo?" taka nilang tanong.

"Yeah, dahil sa bandana niya sa ulo, nagmumukha siyang albularyo." sabi ko.

"Really, nakuha mo pa talagang tumawa, well i can't blame you dahil yun ang trip niya." sabi naman ni Kuya Yoseph.

'Kita mo'na'

"Umayos ka Danny, sa oras na na-tyempuhan ka ni Raven ay hindi ka na makakawala, hindi mo kilala si Raven. Hindi siya magiging leader dahil sa wala." banta ni Kuya Joseph.

"Are you threatening me?"

"No, we're just stating the fact!" sabi ni Kuya Yoseph.

Watdahel was dat? Hindi ko nga kilala yung tao pero parang sinasabi nilang huwag ko siyang galitin? Ganon ba siya kinatatakutan? Parang hindi naman dahil sa bored niyang expression!

"What do you guys mean?" tanong ko.

"Ang ibig naming sabihin ay huwag kang pakakasiguro na wala talagang balak sayo si Raven, we knew him for years."

So does that mean na kailangan ko nang tigilan si Raven? Bakit eh wala naman akong ginagawa sakanya? Siya kaya 'tong mayabang at nakakainis, wala pa akong ginagawa naiinis na ako.

'Sino ka ba talaga?'

Natapos ang almusal namin atsaka pumasok. Hindi ko na inisip pa lahat ng pinag-usapan namin tungkol kay Raven.

Sumalubong saakin si Cholo na may hawak-hawak na chocolate, umagang-umaga chocolate agad. Hindi ba sumasakit ngipin nito?

"Good morning Ate Danny!" bati niya.

"Good morning din." bati ko pabalik.

Ganon din sa ibang mga depungal's na ka-close ko na ay binati ako, hindi ko alam na sa pagiging war namin no'ng una ay magkakabati rin pala kami.

'Akalain mo yun!'

Agad na nagturo si Ma'am Daisy pagkapasok niya, halata ko agad na masungit siya dahil salubong ang kilay at parang naaalibadbaran tuwing nakikita kami.

Natapos din agad ang three subjects namin at ngayon P.E namin, tuwing MWF (Monday, Wednesday, Friday) kasi ang P.E namin. Inayos ko na ang gamit ko at para na rin magpalit ng P.E uniform.

Hindi agad ako nakagalaw at nakaalis dahil bigla nalang nagsitayuan yung mga depungal at walang sabi-sabing nag-hubad ng uniform.

Not totally naked, naka-topless sila at yung iba naka-boxer lang. Shit! Hindi ba nila naisip na may babae dito! Hindi naman sa maarte ako pero lalaki pa rin sila at napaka-inappropriate tignan.

"Waahh! Mamboboso si Ate Danny!"

Biglang sumigaw si Cholo at nagulat yung mga depungal, hindi pa kasi ako nakakakabas at nasa gilid ako na medyo tago malapit sa divan kaya hindi mo ako agad makikita.

"Shit! May babae pala!"

"Mananamantala ka Danny!"

"Manyak!"

Reaksyon nila matapos akong makita na nakatingin sakanila. What! Hindi ko ma-take ang mga pinagsasabi nila saakin! Manyak, no way! Over my sexy, gorgeous, slim, fit body!

"Bakit ka naninilip Ate Danny?" biglang tanong ni Cholo at nakatakip sa katawan.

'Naka-boxer ng flappy bird!'

"Ah eh, palabas na talaga ako...kaso may naiwan ako kaya ako bumalik." pagsisinungaling ko.

"Tss!"

Nahagip ng mata ko si Raven habang naka-topless, siya lang ang may ganong expression. Infairness may abs!

"Ikaw Daniela, pasimple ka din eh noh?" sabi ni Zero pero inirapan ko siya.

"Che! Hindi ko balak manilip, ano namang sisilipin ko sayo?" taray ko at nakaiwas ng tingin sakanila.

'Nakahubad parin kasi sila'

"Weh? Eh bakit nakatayo ka pa dyan?"

"Palabas na nga ako eh, may naiwan lang!" sigaw ko.

'As if namang sinisilipan ko sila!'

"Why don't you admit it? Pakipot ka pa!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sabihin yun ni Raven at lumapit sa kinatatayuan ko, hindi sadyang naidikit ko ang braso ko sa tyan niya o tama bang sabihin kong sa abs niya, ewan ko ba kung sinadya niya o hindi!

"Tssk, huwag kang feeler." sabi ko at lumayo sakanya ng bahagya.

"Talaga ba? Baka naman gustong-gusto mo kaming makitang nakahubad?" sabi niya at mas lalong lumapit saakin kaya lumayo naman ako.

Doon ko nakita ang kabuuan niya, naka-topless lang siya at masasabi kong maganda ang katawan niya at may abs, six pack abs, messy hair, broad shoulders, perfect jawline, pointed nose, bored eyes yet intimidating and that bloody lips.

'Urgh! What the hell am i saying?'

"A-ng kapal ng mukha mo, lumayo ka nga saakin, naiirita ako sayo!" pinagtutulak ko siya pero hindi naman siya natinag.

"Tss! Pakipot ka pa."

Sa pagkakataong yun ay na-corner niya ako at kinulong sa dalawang bisig sa magkabilaan kong mukha, bored siyang nakatingin saakin at halos mangatog naman ang tuhod ko. Bakit hindi gumagana ang maldita powers ko?

'Damn this guy!'

"Tell me, am i irritating you?" tanong niya.

"P-pwede ba umalis ka sa harap ko!" tinulak ko siya pero hindi natinag. Peste!

"You're not answering my question?" patuloy niya at lumapit saakin.

Ang simple ng sagot niya bakit hindi ko masagot? Kingina sumagot ka Daniela!

"Y-yes! So back off!" sigaw ko sakanya.

Hindi naman siya natinag at mas lumapit pa saakin, hindi ako makagalaw dahil maling kilos ay mahahalikan na niya ako. Lumapit siya saakin at bumulong sa tenga ko na mas lalo kong ikinatuod.

"Ako rin, naiirita sa'yo!"

~~
Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top