14 /Sexy Lips/
Daniela's POV
Maganda at maayos ang kinalabasan ng report namin, tuwang-tuwa si Sir Alvin dahil sa maayos na pagkaka-deliver namin, at iisa lang ang ibig sabihin non.
'Hindi na ako utusan'
Tapos na ang report, tapos na din ang pagiging utusan ko. Ewan ko lang kung hindi pa ako tigilan ng mga depungal na yan, Friday ngayon at mabilis namang nagsaya ang mga depungal, lalo na't half day kami ngayon, last subject namin ang philosophy sa umaga at wala na ng hapon.
'Yehey!'
"Ano ba'to Cholo, nag-aaral ka pa ba?" tanong ko dahil puro pagkain ang laman ng bag niya, ni notebook at ballpen wala.
'Tibay!'
"Nag-aaral pa rin naman, pero mas masarap ang kumain kasi food is life!" sabi niya at nilabas lahat ng pagkain sa bag niya.
Mabilis pa sa alas-quatro'ng naubos ang pagkain niya dahil mabibilis ang kamay ng mga depungal, yung kaninang masayang mukha ni Cholo ay napalitan ng lungkot at anumang oras ay parang iiyak na.
'Luh!'
"Ibalik niyo mga pagkain ko!" sigaw niya at nakipag-agawan sa mga depungal pero itinaas lang nila ang kamay nila para hindi niya maabot.
'Maliit kasi...'
"Hoy ibigay niyo nga yan!" sigaw ko sakanila dahil parang naiiyak na talaga si Cholo.
"Sorry, may laway na." sabi ni Zico habang subo-subo yung peppero at dinila-dinilaan.
"Ay dugyot."
Nakita ko naman si Marcus at Zero na may hawak na tinapay at chocolate na dapat ay kay Cholo, si Kahlil naman ay pasimpleng kumukuha.
"Ate Danny, kinuha nila yung mga pagkain ko!" atungal niya, imbis na mainis ako sa mga depungal ay nakyutan pa ako sa itsura ni Cholo.
'Sobrang cute niya kasi!'
"Hayaan muna, ililibre nalang kita." sabi ko at pinisil-pisil yung pisngi niya.
"Yey! Sabi mo yan ah, wala ng bawian." paniniguro pa niya.
'Ikaw na nga 'tong ililibre, ikaw pa 'tong demanding'
"Oo nga."
Natawa naman siya at mas lalong nawala yung singkit niyang mata, urgh bakit ang cute ng batang 'to. Ginulo ko nalang yung buhok niya at nag-ayos. Yung mga depungal naman walang humpay sa pag-inggit ng pagkain na akala mo naman sakanila.
Nahagip ng mata ko si Raven na nakaupo sa likod at may subo-subong lollipop at tila nagpapa-inggit dahil may pakagat-kagat labi pa siyang nalalaman.
'Sexy Lips?'
"Hoy Danny!"
"Shit sexy lips!" sigaw ko dahil sa lapastangang nanggulat saakin.
"Huh? Sexy lips?" takang tanong ni Blake.
'Shit, naisigaw ko pala!'
"Wala! Bakit ka nanggugulat?" taas kilay kong tanong.
"Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi ka naman lumilingon." sabi niya at napaiwas ako ng tingin.
"Bakit ano bang kailangan mo?" tanong ko habang inaayos yung bag ko.
"Ibabalik ko'na 'tong ballpen mo." abot niya saakin ng hiniram niyang ballpen.
"Sige."
"Ikaw Danny, pinagnanasaan mo pala si Raven ah." sabi niya at sinundot ako sa tagiliran.
'What? Pinagnanasaan?'
"Anong sinasabi mo dyan?" taka kong tanong.
"Sus, ide-deny mo pa eh kitang-kita kong nakatingin ka kay Raven eh." realtalk niya.
"Hoy ang kapal mo, napatingin lang ako sakanya." sabi ko at inambahan siya ng sapak.
"Owwss? Eh bakit sabi mo sexy lips?" malakas niyang asar kaya napatingin saamin yung ibang depungal.
"Sinong sexy lips?" biglang tanong ni Cholo na parang bulate kung sumayaw.
'Bulate Dance?'
"Oo nga? Ako ba'yon." sigaw ni Allyson at nagkagat labi.
'Piling naman 'to'
"Ulol! Ako yun!" angal naman ni Joshua.
"Mga sira-ulo kayo, ako talaga yun!" sigaw din ni Zero at nag-flying kiss pa.
"Mga gago! Hindi kayo yun, diba Danny, ako talaga." singit naman ni Marcus.
'Aba!'
Hindi lang pala mayabang ang mga 'to kundi makakapal at mahahangin din, wala naman akong binabanggit na pangalan tapos nag-self proclaimed. Mga depungal talaga!
"Hindi kayo yun, si Ra--"
Hindi natuloy yung sasabihin ni Blake dahil agad kong tinakpan yung bibig niya at pilit na natawa. Isa pa 'to eh, wala namang ibig sabihin yung sinabi ko baka kung anong isipin nila kapag sinabi niya.
"Ah haha, ako talaga yun, na-realize ko kasing ang sexy ng lips ko." sabi ko at mabilis naman silang sumang-ayon.
'Buti nalang!'
"Anong ikaw? Si Ra--, Aray!" hindi na naman natuloy ni Blake yung sasabihin niya dahil mabilis ko siyang binatukan.
"Bakit mo'ko binatukan?" asik niya habang nakahawak sa batok.
"Sorry, may lamok kasi kaya pinatay ko." sabi ko at nag-peace sign.
'Kinginang lamok kasi yan, nangangagat'
"Wala namang lamok ah?" sabi niya at naghanap ng lamok.
'Wala talagang lamok, ikaw yun!'
"Haha wala na, pinatay ko'na." sabi ko at umalis nasa harap niya atsaka ko hinila si Cholo na nagbu-bulate dance parin.
'May bulate yata sa pwet 'to eh?'
"Saan tayo pupunta Ate Danny?" tanong niya.
"Diba ililibre kita, kaya huwag ka ng magtanong." sabi ko habang hatak-hatak ko ang kamay niya.
Nasa entrada na kami ng pintuan ng biglang humarang si Raven, ayoko siyang tignan dahil naiinis ako sa pagmumukha niya, lalo na't bored siya.
"Where do you think you're going?" malalim niyang tanong.
'Sa langit, chos!'
"Malamang kung saan ako pupunta." pabalang kong sagot at akmang lalabas na ay humarang ulit siya. Nakayuko ako at ayaw kong makita ang mukha niya, lalo na't...
Naka-lollipop siya!
"Kasama si Cholo? At sinong nagsabing aalis ka?" tanong na naman niya.
"Bakit ba ang dami mong tanong? Imbestigador ka ba? Malamang dahil isasama ko siya!" sabi ko at doon na ako napatingin sakanya.
Bored niya akong tinignan at dalawang beses na lumunok kaya kitang-kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya, atsaka niya inalis sa bibig niya yung lollipop bago nagsalita.
"Hindi ko naman inutos na umalis ka, kasama siya." sabi niya at tinuro pa si Cholo.
'Sexy Lips!'
Urgh! Nakita ko na naman yung ginawa niya, lips na lollipop yun kaya naging pink din ang kulay ng labi niya, nagkagat labi siya at parang?
'Nang-aakit!'
"Urgh! Stop asking! Hindi mo'na ako mauutusan dahil tapos na report natin at wala ng dahilan para sundin kita." nanggagalaiti kong bulalas at parang wala lang sakanya.
'Kinginang expression yan!'
"Tss!"
Yun lang ang sinabi niya at walang sabi-sabing umalis siya, naiwan naman akong tulala dahil sa dami ng sinabi ko 'Tss' lang ang sagot niya. Nagkibit balikat nalang ako at mabilis na hinila si Cholo.
"What's that Ate Danny?"
"Huh? Ang alin?"
"Yung sa pagitan niyo ni Raven?"
"Ah eh, wala, siraulo yon."
Hindi na siya nagsalita at nagtanong pa dahil patuloy ko lang siyang hinila atsaka ko siya dinala sa Mcdo para mag-Jollibee.
'Meganon, at libre ko!'
"Wow ang sarap!"
Tuwang-tuwa naman 'tong bata kong kasama, hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy nalang din sa pagkain ko. Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong yun ay naalala ko na naman yung pesteng si Raven.
'Sexy Lips'
Watdahel! Ano bang nangyayari saakin? Nababaliw na ba ako? Kasalanan 'to ng bwisit na albularyong 'yon. Lakas kasi maka-albularyo dahil sa bandana niya sa ulo, may pakagat-kagat labi pa siyang nalalaman.
'Kingining Sexy Lips yan!'
~~
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top