13 /Servant or Slave?/
Daniela's POV
So lahat si Kahlil ang nag-discuss about sa topic namin sa reporting, si Zero naman nagte-take down notes, si Raven ang nago-orient saamin sa mga possibles na itanong saamin. Ako?
'NGANGA!'
Akalain mong natapos na agad nila yung report namin ng wala ang tulong ko, ako 'tong nag-aaya kanina tapos silang pa-easy-easy ang tumapos. Wow ang galing, isa lang pala akong display sa grupong 'to.
2:30 na ng hapon at nandito parin kami sa library, samantalang ako naka-sitting pretty habang sinu-sway ang paa ko. Pasarap buhay, inaantok na nga ako eh!
"Why so boring..." halos pahikab kong sabi. Kanina ko pa din napapansin ang mga masasamang tingin saakin ng mga babae dito sa library. Care ko?
'Ang hirap talaga maging maganda!'
Nasa ganoon akong posisyon ng isinarado ni Kahlil yung laptop niya, si Zero na nag-unat ng kamay, at si Raven na humikab matapos magsalita ng magsalita kanina. Alam ko'na naman lahat eh.
*GROORK*
Kumulo ang tyan ni Zero na halatang gutom. "Gutom na ako, gusto ko ng kumain." sabi niya habang nakahawak sa tyan.
"Me too." sabi ni Kahlil.
"Ikaw!" biglang duro saakin ni Raven at wala sa oras ko namang itinuro ang sarili ko.
"Ako bakit?" tanong ko pero bored lang niya akong tinignan.
'Kinginang mukha yan!'
"Tutal wala ka namang naitulong sa grupo natin, o mas tamang sabihin kong grupo namin." sabi niya at napalaki ako ng mata.
"What? Don't tell me na hindi mo'ko isasali sa grupong 'to?" tanong ko at tumango-tango naman siya.
'Watdahel!'
"Anong ine-expect mong gawin ko, isali ka, samantalang prente kang nakaupo dyan!" sabi niya at natawa naman si Zero.
"Eh ginawa at tinapos niyo na namang lahat ah. Ano pa bang gagawin ko?" sabi ko at tila nag-isip naman siya.
"Hmm let me see, how about you serve us." sabi niya at literal na agad akong tumanggi.
"There's no way, I'm gonna do that!" sabi ko at nag-cross arms pa.
"Fine, hindi ka namin isasali sa grupo namin and that's means bagsak ka dahil wala kang kagrupo." paliwanag niya at napaisip ako.
Kung papayag ako sa gusto niya, automatic na may grade ako, at kapag umayaw naman ako, wala akong grade at paniguradong bagsak ako at mas lalo na namang magagalit saakin si Mommy pagnagkataon.
'Kainis!'
Seems like i don't have a choice. Kung magsasarili naman ako ay baka hindi ako umabot dahil bukas na ang presentation at mahaba-haba pa naman ang ire-report. Napatingin ako kay Raven na bored na nakatingin saakin at tila sinasabing wala kang choice look at mas lalo akong nainis dahil parang wala siyang pakialam!
"Fine! Papayag na ako!" singhal ko.
'Kung hindi lang dahil sa grade hindi naman ako papayag eh!'
"Yun oh! Papayag ka rin naman pala, nag-isip ka pa." sarcastic na sabi ni Zero kaya inirapan ko siya.
'Syempre dahil advance ako mag-isip!'
"Okay here's the deal, madali lang naman ang gagawin mo eh, kailangan mo lang sundin ang mga utos namin." sabi niya na mabilis namang sinang-ayunan ni Zero.
"What do you think Kahlil?" tanong ni Raven kay Kahlil pero nagkibit balikat lang siya.
"I'll take that as a yes." sabi niya.
"What? Hindi naman siya totally nag-agree!" sabi ko at halos gusto ko na siyang sapakin.
"Tss! Wala kang magagawa, I'm the King and i can take whatever i want." sabi niya at kinindatan ako.
'Tusukin ko mata mo eh!'
"Since you serves us, what do i call you? Servant or Slave?" sabi niya at mas lalo akong nainis.
"Ulol! Iisa lang naman definition non!" sigaw ko sakanya at gulat na napatingin saamin yung mga tao sa loob ng library at mas lalo na ang librarian na nakataas kilay, nag-peace sign nalang ako.
"Tss! Umalis ka na at ibili mo kami ng pagkain. Gutom na ako."
At talagang pinanindigan na niya ang pagiging King at ginawa pa akong servant o slave eh iisa lang naman yun. Mabilis kong kinuha yung pera na ibinigay niya atsaka ako padabog na umalis.
'Saan naman ako bibili?'
Hindi naman pwede sa cafeteria, bwisit kasi, naging utusan pa ako ng wala sa oras dahil sa pesteng reporting na yan. Naisipan kong bumili sa labas pero hinarang ako ng guard.
"Sorry Miss, bawal lumabas dahil class hours ngayon." sabi niya.
"Sa tingin mo makakalabas at makakapunta ba ako dito sa harap mo kung bawal lumabas?" sarcastic kong tanong na ikinagulat niya.
'Napagbuntunan ko pa tuloy siya!'
"Pasensya na, bawal talaga, sumusunod lang kami sa utos." mahinahon naman niyang sabi at naalarma naman ako.
"Pasensya na Manong, napag-buntunan pa kita ng inis ko." paumanhin ko'na tinanggap naman niya.
Wala akong nagawa kundi maglakad pabalik pero agad kong nakita si Ricci na lumabas ng room nila.
"Ricci!"
Lumapit ako sakanya at binati naman niya ako. Isang linggo ko din siyang hindi nakita at ngayon nalang ulit.
"Bakit Daniela?" tanong niya ng makalapit ako.
"Ah may favor sana ako sayo, kung okay lang?"
"Sure ano yun?"
"Pwede bang bilhan mo ako ng pagkain sa cafeteria, hindi kasi ako makalabas eh." sabi ko.
"Sige, sakto papunta ako don ngayon." sabi niya.
'Pagkakataon nga naman oh'
"Here, hintayin kita sa labas." inabot ko sakanya yung pera at listahan ng pagkain at nagtaka pa siya.
"Andami yata neto?" tanong niya habang binabasa yung listahan.
"Haha oo, alam mo'na kapag gutom." sabi ko at natawa.
"Okay just wait!" sabi niya at umalis na.
Ilang minuto pa akong naghintay bago dumating si Ricci dala-dala ang isang box, hindi naman ganon kalaki pero sakto lang para magkasya ang mga pinamili ng mga depungal.
"Here!" hirap niyang abot na agad ko namang nasambot.
'Hindi naman ganon kabigat'
"Salamat Ricci, una na ako, see you around!" paalam ko atsaka niya ako tinanguan sabay alis.
Dumiretso ako sa room dala ang pagkain nila at pabagsak kong nilapag sa upuan ni Raven yun kaya siya napadilat sa pagkakapikit atsaka bored akong tinignan.
"Can you please learn how to modify your attitude, masyado kang taklesa!" sabi niya atsaka binuksan ang box at kumuha ng pagkain.
'Taklesa?'
"I don't care, ikaw masyado ka namang pa-cool!" sabi ko atsaka siya inirapan pero ayun na naman ang tingin niya.
'Bored Look!'
Mabilis namang nagsilapitan yung mga depungal at kanya-kanyang kuha ng pagkain. Mukha silang mga patay gutom dahil nakikipag-agawan pa sila, nakita ko si Cholo na nakipagsiksikan at nakikuha rin ng pagkain. Yan pa walang kabusugan, mabilis siyang nakakuha dahil sa height niya.
Bwisit ngayon pa lang ayoko ng maging utusan ng mga depungal na'yon. Hindi lang don natapos ang pagiging ustusan ko.
'Utos dito, Utos doon'
Kapag natapos ang report namin, deadma agad sila saakin. I can't believe na naging utusan lang ako ng lalaking yun.
Humanda ka saakin Raven McKnight nasaakin parin ang huling halakhak.
'Hahahahahahahaha'
Dami kong tawa mga 12 siguro. Chos!
~~
Pls vote and comment.
Thank you:)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top