09 /Ceasefire/


Daniela's POV

Kasalakuyan akong nag-aayos ng sarili ko, lunes ngayon at masaya ang gising at araw ko. Ewan ko ba kung bakit? Usually kapag monday ay tamad na tamad akong bumangon at pumasok pero ngayon ganadong-ganado ako.

Sinuot ko yung blue na turban ko at hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Nag-wink pa ako sa salamin dahil ang ganda ko. Chos! 

As usual nadatnan ko sila kuya sa kusina na nag-aalmusal, umupo agad ako at mabilis na kumain. Isang buong subo sa tinapay at isang lagukan sa kape.

"Bakit parang nagmamadali ka?" biglang tanong ni Kuya Joseph.

"Ah hindi naman." sagot ko.

"Weh? Atsaka bakit ang blooming mo ngayon?" halos mapabuga ako sa iniinom kong kape dahil sa sinabi ni Kuya Yoseph.

"A-ako? Blooming? Lagi kaya akong blooming." sagot ko atsaka sila nginitian pero siningkitan lang nila ako ng mata.

'Bahala kayo sa mga life niyo'

Ilang minuto pa kaming kumain at bago nag-ayos para pumasok.

"Ah mga Kuya, hindi muna ako sasabay sainyo." sabi ko at natigilan sila.

"What? May kikitain ka!?" gulat na sabi ni Kuya Yoseph.

'OA'

"At bakit hindi ka sasabay?" tanong ni Kuya Joseph at nakapamewang pa.

"Ah kasi gusto ko lang, atsaka pahiram muna ng skateboard mo." sabi ko kay Kuya Joseph pero tinignan lang niya ako na parang hindi naniniwala.

"Owss? Baka naman may gawin kang iba?" tanong ni Kuya Yoseph habang ngingisi-ngisi.

"Wala, ano naman sanang gagawin ko? Gusto ko lang pumunta ng school mag-isa!" asik ko.

"Eh bakit galit ka?"

"Hindi ako galit."

"Sige papayagan kita pero kapag nalaman kong may iba kang ginagawa, lagot ka saakin." banta ni Kuya Joseph at tumango nalang ako.

Mahirap makipag-usap sa dalawang yan, lahat ng gawin ko may ibang meaning sakanila. Palibhasa parehong may saltik, buti nalang hindi ako nagmana sakanila.

"Oh! Marunong ka ba gumamit?" tanong ni Kuya Joseph habang inaabot saakin yung skateboard niya.

"Of course, hihiramin ko ba kung hindi?" pabalang kong sagot at pinektusan niya ako.

"Aray bakit?"

"Wala sige, bye!" paalam niya at umalis na sila ni Kuya Yoseph.

Mga siraulo talaga. Lumabas na ako ng bahay at sinipat muna kung makakatakbo ba ng maayos yung skateboard at okay naman. Actually hindi ako ganon kagaling mag-skateboard pero marunong naman ako paano gumamit.

Nagsalpak muna ako ng headsets bago ko pinatakbo yung skateboard, buti nalang hindi ito yung two way na skateboard dahil mas mahirap imaniobra yun. Napapansin kong napapatingin saakin yung mga nadaanan ko pero hindi ko nalang sila pinansin.

Agad din akong nakarating sa school kaya agad kong inalis yung headsets ko atsaka binuhat yung skateboard at tuluyan na akong pumasok.

"Hoy!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil may sumigaw at humablot sa kamay ko. Gulat akong napatingin sakanya at agad din na nagsalubong ang kilay ko.

"Ano bang problema mo!?" tanong ko.

"Wala naman, kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka namamansin?" sabi niya at tumingin sa hawak kong skateboard.

"At bakit naman kita papansin? Hindi nga tayo close diba?!" asik ko at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Hindi nga tayo close pero open tayo."

"At sinong may sabi? Sira ulo ka ba?" pagtataray ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ako, diba ayaw mo ng close so open tayo." sagot niya.

Aba sira talaga ulo nitong Zero na'to, kung makaasta akala mo walang namagitang away saamin no'ng biyernes, akala siguro nito kakalimutan ko nalang yun ng basta-basta? Neknek niya!

"Lumayo ka nga saakin!" tinulak ko siya at nagpaumunang maglakad.

"I didn't know na marunong ka pala mag-skateboard?" tanong niya.

"Now you know, pwede ba tigilan mo'ko, kung makaasta ka akala mo naman okay tayo?" sabi ko at bigla naman siyang ngumisi.

"Bakit may TAYO ba?" malakas niyang tanong at in'emphasize pa ang salitang tayo.

Doon ako natigilan at pati na rin yung mga students na nakakasalubong namin.

"Urgh! Walang tayo at huwag kang assuming, what i mean is yung away na namamagitan saatin. Kung makaasta at makalapit ka saakin akala mo ceasefire na tayo!" tuloy-tuloy kong sabi at halos maputol na ang ugat ko sa leeg.

"Ah yun ba? Kalimutan mo na yun. Ceasefire na tayo." sabi niya atsaka ako inakbayan at hinatak ako palakad.

Siniko ko naman siya sa tagiliran at mabilis kong inalis ang pagkaka-akbay niya saakin. Ano daw ceasefire? Wiling naman akong makipagbati pero bakit ganon nalang sila kung makaasta?

Hindi ko nalang siya pinansin at yung sinabi niya at nagtuloy nalang sa paglalakad. Napapansin ko din yung mga bulungan ng mga students pero wala akong pakialam.

Nakarating din agad kami sa room at diretso sa upuan ko. Ramdam kong nakatingin sila saakin pero hindi ko sila pinansin. Nilagay ko sa ilalim ng upuan ko yung skateboard.

"Hi Daniela!" may umupo sa tabi ko at bigla akong binati.

Napalaki ako ng mata dahil sa kakyutan niya, hindi ko napigilan ang sarili kong panggigilan ang pisngi niya. May fetish kasi ako sa mga cute stuff at sa mga taong cute.

"Waahh! Ang cute mo!" sabi ko at pinisil-pisil ang pisngi niya.

"A-ray ma-shakit!" napatigil naman ako sa ginagawa ko.

"Sorry, ang cute mo kasi." sabi ko at nag-peace sign pa.

"Alam ko yun." sabi niya at ngumiti, halos wala na siyang mata sa pagkakangiti niya.

"Ako pala si Cholo Guevarra." pakilala niya at inabot saakin yung kamay niya at inabot ko naman para makipagkamay.

Wait! Sinipat ko ang kabuuan niya at ang bata niya tignan, mga nasa 13 to 15 yrs old lang yata siya? Atsaka bakit siya nandito sa Section E?

"Ilang taon ka na?" tanong ko.

"14" masaya niyang sagot.

"What? 14 ka lang, ang bata mo pa ah, atsaka dapat 2nd or 3rd year highschool ka palang?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Haha mahabang storya, pero friends na tayo?" tanong niya at tumango ako.

"Yey! Bati na kami ni Daniela!" sigaw niya at napatingin saamin yung mga ibang depungal.

"Hoy Cholo! Dito ka nga!" sigaw sakanya.

"Ayoko nga! Dito na ako uupo, tabi na kami ni Ate Daniela." sabi niya at humila ng upuan atsaka tumabi saakin.

"Pwedeng Ate Danny nalang tawag ko sayo?" biglang tanong ni Cholo at tinanguan ko nalang siya. Ngumiti naman siya saakin at nawala na naman ang mga mata niya.

'Ang cute talaga!'

Isipin mo, isang 14 yrs old na lalaki, 5,5 ang height, hanggang balikat ko lang siya tapos ang cute-cute pa niya kung magsalita at kumilos. Sa ganyang itsura kinatatakutan dito sa Section E?

'No way!'

In an instant nagkaroon ako ng batang kaibigan, ito na ba yung ceasefire na sinasabi ni Zero? Eh bakit si Cholo, Marcus at Zero lang ang nakikipagbati saakin? Nagkibit balikat nalang ako.

Nasa ganoon kaming posisyon ng pumasok si Marcus at nagkatinginan kami atsaka niya ako nginitian at nagtuloy sa upuan niya.

"Uyy! Nginitian siya ni Marcus." sabi ni Cholo at sinundot pa ako sa tagiliran.

"Haha oo bati na kami eh." sagot ko.

"Ehh? Bakit hindi namin alam?" tanong niya.

"Kahapon lang naman kami nagkabati." sabi ko at tumango-tango nalang siya at nginitian ako.

"Gusto mo?" may inalok siya saakin pero hindi ko alam kung ano.

"Ano 'to?" tanong ko habang sinisipat yung binigay ni Cholo.

"Gummy Bears, masarap yan." sabi niya.

Kinain ko nalang at nakipag-kwentuhan sakanya ng kung ano-ano.

~~
Sorry guys, lame 'tong chapter na'to. Wala akong maisip. Sorry 😂

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top