05 /Prank/


Daniela's POV

"Why did you do that!?" rinig kong sigaw ni Kuya Joseph. Nandito ako sa labas ng kwarto niya at pinakikinggan kung ano bang pinag-uusapan nila ni Mommy sa phone.

"But why? Hindi parin naman tama na doon mo siya ilagay!" rinig ko ulit na sigaw niya, mas lalo ko pang idinikit ang tenga ko sa pintuan para mas marinig ko.

"This is insane!" pagmumura ni Kuya Yoseph. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila.

"Mom you don't know what you're doing, hindi siya pwede don, maniwala ka saakin dahil alam ko ang mga pag-uugali nila!" sinong nila ang tinutukoy niya.

"Damn it!"

"Paano na yan Kambal? Mukhang desido talaga si Mommy." sabi ni Kuya Yoseph.

"Don't worry, I'll convince her para mailipat na si Danny ng section." napalaki ako ng mata dahil sa narinig ko. Section? Bakit naman nila ako ililipat ng section.

'May mali talaga eh!'

"Yeah! Alam natin kung anong kayang gawin ng mga taga-Section E at hindi ko maiwasang hindi mag-alala sakanya." ani ni Kuya Yoseph.

"Huwag kang praning, kilala natin si Danny at hindi yun basta-basta. Kaya nga siya napunta sa Section E diba." sabi naman ni Kuya Joseph.

"Eh anong gagawin natin, tutal hindi naman natin mapipilit si Mommy?" ani Kuya Yoseph.

"Wala tayong magagawa sa ngayon, but we'll keep an eye on her tutal nakakasama naman natin siya sa school." sabi ni Kuya Joseph na narinig kong sinang-ayunan ni Kuya Yoseph.

Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko ng marinig ko ang mga hakbang nila. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano nga bang meron o anong nasa Section E?

Lalo na't ganoon ang mga reaction nila, kahit gustong-gusto ko ng malaman ang totoo ay pinigilan ko ang sarili ko, gusto kong ako mismo ang makaalam at ayoko na ulit tanungin sila Kuya dahil alam ko namang hindi nila sasabihin kung anong totoo.

Magpapanggap nalang akong walang narinig sa mga pinag-usapan nila. Aakto nalang ako sa normal kong ginagawa para naman hindi nila ako mabisto.

--

Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko at naglagay ulit ng ivory channel lipstick atsaka ko itinali ang buhok ko into curly bun. Sinuot ko din yung choker na nabili ko sa mall noong isang araw, dream catcher siya na choker at bumagay naman saakin. I really fascinated with style and get up like this dahil mas nagmumukha akong matapang.

'Fierce Daniela'

Bumaba na ako ng kwarto ko at nadatnan sila Kuya sa kusina, binati ko sila at binati din nila ako pabalik. Umupo ako sa tabi ni Kuya Yoseph, wala ngayon si Mommy dahil malamang abala na naman sa business matter niya kasama si Daddy.

Walang-nagsasalita saamin at patuloy lang akong kumakain, hindi ko pinapahalata na may alam ako sa plano nila.

"Kamusta ka naman sa Section E?" biglang tanong ni Kuya Joseph at napatingin ako sakanya.

"Okay lang naman, maayos." nakangiti kong sagot sakanya.

"Sigurado ka?" tanong ni Kuya Yoseph.

"Yeah!"

Nagtuloy ulit ako sa pagkain at mabilis naman kaming natapos at kinuha ko'na ang gamit ko atsaka sumakay sa kotse ni Kuya Joseph.

Wala ring nagsasalita saamin at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami nakarating sa school at agad akong bumaba pagka-park ni Kuya Joseph.

Pagkapasok palang namin ay nagsitilian na naman ang mga babae matapos makita sila Kuya. Aminin ko man o hindi ay gwapo talaga sila Kuya at malakas ang appeal, hindi na ako magtataka kung marami silang fangirls.

"Bye!" paalam ko ng makarating kami sa tapat ng room nila at agad akong umiling dahil nagpupumilit silang ihatid ako. Naglakad ako papunta sa room ng Section E.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nahinto sila sakanilang mga ginagawa at napatingin saakin. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy lang sa upuan ko pero agad din akong napahinto ng makitang wala na doon ang upuan ko. What the!

Sinamaan ko sila ng tingin pero ngumisi lang sila saakin. Problema ng mga 'to?

Naghanap nalang ako ng ibang mauupuan at may bakante pa sa gitna kaya doon ko nalang piniling maupo. Pagkaupo ko palang ay may kakaiba na agad akong naramdaman at kasabay non ang pagtawa nila. May mali!

Tinignan ko ang kinauupuan ko pero wala namang kakaiba, sinamaan ko ng tingin yung mga depungal at tumigil naman sila sa pagtawa at nagpatay malisya.

Wala pa kasi si Sir Alvin kaya malakas ang loob nilang gumawa ng kalokohan. Huwag lang nila akong pagtripan dahil lagot sila sakin kapag nagkataon.

*TOINK!*

Napahawak ako sa ulo ko ng may bumato saakin ng kung ano? Mabilis ko yung hinanap at isang...bote ng yakult? Sinamaan ko sila ng tingin pero nagpatay malisya ulit sila pero natatawa.

"Sinong bumato?" tanong ko at agad na nagtaas ng kamay yung lalaking may itim na hikaw.

"Ako, bakit angal ka!?" maangas niyang sabi atsaka ulit sila nagtawanan.

'Aba lokong 'to ah!'

Binato ko sakanya pabalik yung bote ng yakult at sapul sa noo niya at nawala ang ngisi niya at napalitan ng inis.

"Don't mess with me." sabi ko at umayos sa pagkakaupo ko.

Wala pang ilang minuto matapos nila akong batuhin ngayon meron na naman. Hindi lang bote ng yakult, may balat ng kendi at worst nilukot na papel.

"Ano ba! Ano bang problema niyo!?" bulyaw ko sakanila pero pinagbabato lang nila ako ng kung ano-ano. Urgh!

"Ikaw ang problema namin kaya umalis ka na!" sabi nila at binato ulit ako ng kung ano. Wala na akong nagawa kundi umalis don.

Habang naglalakad ako paalis ay siya namang salubong ko doon sa lalaking mayabang, bored niya akong tinignan atsaka nginisian. OGAG!

Ramdam ko ang bigat sa palda ko pero hindi ko yun pinansin dahil naiinis ako sa pinaggagawa nila saakin. Bakit ba gusto nila akong paalisin sa section nila?

Napapatingin saakin ang mga nakakasalubong ko at bigla nalang tatawa na parang ewan? Mga siraulo!

Hindi ko alam kung saan na ako nakarating at nalaman ko nalang na nasa field ako at doon ko nakita ang upuan ko.

'Anong ginagawa nito dito?'

Nilapitan ko yung upuan ko at tinalo pa ang salitang art sa dami ng vandal. May naka-drawing sa gitna at isang babae pero ang pangit ng mukha. Sure akong ako 'to! Sino pa bang babae don bukod saakin?

Binuhat ko yun papunta sa room para ibalik sa mga walanghiyang mga depungal. Nakakahiya naman nabawasan pa ang upuan nila. Sayang! Kahit pinagtitinginan na ako ay wala akong pakialam.

'Naiinis ako!'

Ibinato ko yun sa loob ng room at napatigil sila sa tawanan at masamang tumingin saakin. Ngayon tignan natin kung pagtripan niyo pa ako kapag ako ang nantrip sainyo!

"Ano ba talagang problema niyo!" sigaw ko sakanila dahil sa inis ko pero walang sumagot.

"Ano? Bakit hindi kayo magsalita!" bulyaw ko ulit at wala talagang nagsalita at naghikab lang yung iba. T@ngna!

"Tss, Ang ingay mo!" sigaw saakin no'ng lalaking mayabang pero inirapan ko lang siya.

"OGAG!" mura ko pero parang balewala lang sakanya.

"Tss, kung naiinis ka saamin pwede ka namang umalis nalang, ayun yung pintuan oh. Alis na!" pagtatabuyan niya saakin na sinulsulan naman ng mga depungal.

"Pwede ba tigilan niyo ako sa mga trip niyo dahil kahit anong gawin niyo hindi ako aalis sa section na'to!" bulyaw ko sakanila at doon sa lalaking mayabang.

"Okay ikaw bahala, huwag ka sanang magsisi sa desisyon mo." sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"TALAGA!"

"Anyways, nice skirt. Hindi ba uso sayo ang gumamit ng napkin?" tanong niya at nagtawanan sila. Taka akong napatingin sa palda ko at may tagos. What? Wala naman akong dalaw ngayon para tagusan.

"Hahaha! Your facial expression is priceless!"

"BWISIT!" sigaw ko sakanila atsaka ako mabilis na umalis don at dumiretso sa CR. Sure akong kagagawan nila 'to. Kaya pala may kakaiba kanina sa upuan ko dahil may PRANK silang ginawa against me.

'Makakaganti rin ako sainyo!'

~~
Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top