CHAPTER TWO: KUGH VILLAGE
CHAPTER TWO: KUGH VILLAGE
SINUBUKAN KONG buksan ang mga mata ko pero para bang ang bigat-bigat ng mga talukap niyon. Dahil ba 'to sa paghampas ko? Muli kong sinubukang buksan ang mga mata ko, sabay ng paggalaw ng mga kamay ko para pakiramdaman kung ano pa ang naapektuhan ng pagkaka-aksidente ko. Ba't naman kasi may bigla-bigla na lang tumatawid sa harap ng umaandar na kotse eh?
When I finally opened my eyes, my first thought was, "I'd still be in that exact accident location." As for the second one, it was either, "I'm inside an ambulance" or "I'm inside a hospital". So I have never, ever thought that I'd be inside a hut. As in bahay kubo style. Baka may nakakita sa aking taga-roon na may bahay sa may gubat? Tas inuwi na lang nila ako kesa tumawag ng ambulansya?
"Gising na siya. Kaka! Gising na siya." Agad akong napalingon sa taong biglang nagsalita. Ilang beses akong napakurap. Saka litong-lito sa style ng pananamit niya. Kakaiba ata trip nito ah? Ang alam ko sa mga kabataan, pormang t-shirt at basketball shorts ah? Pinilit kong umayos ng pagkakaupo't nakahiga pala ako kanina. Inalalayan pa ako nitong lalakeng nagsalita.
Ilang saglit lang ay may lalake — na parang nasa twenties tulad ko — ang humahangos na pumasok sa kwarto. Ganoon din ang porma niya, pero mas medyo bongga lang. Ang hilig ata nila sa sleeveless na tunic ngayon? Saka green talaga? Agad nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang siyang lumuhod at idinikit ata sa lapag ang noo niya. "Oh! Salamat sa diyos at nagising ka na. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa amin kung ika'y tuluyan nang namaalam at nalaman ng iyong pamilya na sa lugar ka namin namatay."
Agad na napaangat ang mga kilay ko sa narinig ko. "Ah... pasensya na po, pero ibang tao po ata ang tinutukoy niyo," hindi ko na napigilang sabihin. Matagal nang patay sina Mama at Papa. 'Yung mga kamag-anak ko naman, halos isumpa ako nang malamang hindi babae ang gusto ko, kaya alam ko eh mag-isa na lang ako sa buhay. Saka bakit siya nakaluhod?
Yung lalakeng tinawag na "Kaka" naman eh inangat ang ulo saka ako tiningnan na para bang naguguluhan siya. Napagkamalan pa nga naman. Akala ko pa naman unique ang kagwapuhan ko. "Kayo po talaga ang tinutukoy ko, Kamahalan." Kamahalan??
"Ha?" Anong kamahalan? "H-Hindi ho ako kamahalan." Kamura-mura siguro, a-agree pa si Nala. "Leo po ang pangalan ko. Kayo po ba? Sino po kayo?"
Agad siyang tumayo at inayos ang suot bago muling iniyuko ang ulo habang ang isang braso ay ipinwesto sa harap ng katawan niya. Para siyang knight kung umasta. "Ako po si Ponn Kugh, ang tumatayong lider nitong Kugh Village. Ikinagagalak ko pong maipakilala ang sarili ko sa inyo nang personal, Prince Amelio Pyrehold."
TALK ABOUT shock. Or maybe even shock was an understatement. Halos ilang minuto akong napatulala sa sinabi ni Ponn. Akala pa nga nila eh side effects pa rin ng pagkakaaksidente ko raw ang pagkatulala ko't hindi paggalaw eh.
Hindi naman na ako umimik nang sabihin ko sa kanilang okay lang ako, ni hindi ko kinwestyon ang sinabi nilang pangalan ko. Humingi lang ako sa kanila ng alone time na agad din naman nilang ibinigay. Noon ko lang din kasi napansin ang damit na suot-suot ko. Hindi iyon ang porma na suot ko bago ako maaksidente. Hiningi ko pa nga sa kanila kanina ang cellphone ko, pero nagtinginan lang silang dalawa at hindi raw nila alam kung ano ang cellphone. Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga saka ipinikit ang aking mga mata.
Alam ko na kasi kung ano ang nangyayari.
Nananaginip ako. Sure ako roon.
Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa. Muli akong bumangon, and this time, tumayo na talaga ako at umalis sa kama, saka ko sinampal ang sarili ko. "Aray. Potek. Hindi ako nananaginip??"
Nagmamadali akong naghanap ng kahit anong pwedeng maging mirror at ang nakita ko lamang ay ang bowl ng tubig sa ibabaw ng mala-bedside table.
"Shet..." Napatitig ako sa reflection ko nang makita kong may nasa likod ko. "Pakpak... shet! May pakpak ako!" Palipat-lipat ang tingin ko sa reflection ko't nasa likod kong pakpak na kulay orange — kahit na mala-apoy ang itsura niya ay kontrolado yung apoy, na hindi niya susunugin yung paligid — nang ma-realize kong hindi lang yun ang iba. Kinapa-kapa ko ang mukha ko. "Hindi... Hindi ko mukha 'to."
Ang natatanging facial feature lang na meron pa rin ako ay ang freckles ko at ang pinagyayabang kong natural red kong cupid-bow lips. Pero ang kulay chocolate brown kong mga mata ay napalitan na ng orange? Orange nga! Kahit yung shape ng mga mata ko, naiba na. Yung square shape kong mukha, naging diamond ampucha. Yung tenga ko, patusok din. Fairy ears, jusko po.
At... "Shet..." Hinawakan ko ang buhok ko. "Kailan pa ako nagpakulay ng ginger? At 'di talaga uso ang haircut??" Nasa kalahati ata ng likod ko ang haba ng buhok ko.
"Prince Amelio, dala ko po ang mga damit ninyo. Pwede po ba kaming pumasok?" Boses iyon ni Ponn kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo sa kama — na roon ko lang napansing nagtatago yung mga pakpak ko kapag uupo ako at hihiga — saka siya pinapasok. Marami pa kasi akong gustong itanong sa kaniya. "Ah... Nagagalaw na po ba ninyo nang maayos ang inyong mga paa?" Tumango naman ako saka siya pinanood na ipatong ang damit na hawak niya sa lamesang nasa may paanan ng kama. Hindi nga talaga iyon ang cardigan ko. "Nagugutom na po ba kayo?"
Saktong-sakto namang tumunog ang tiyan ko. "Ah, eh.. Opo." Ngumiti naman siya saka sumenyas sa mga tao na nasa may pintuan lamang. "May... May gusto lang po sana akong itanong — Actually, marami po akong itatanong, kung okay lang po."
"Opo naman, kamahalan."
Huminga ako nang malalim saka pinakalma ang sarili at sinimulan ang pagtatanong. "N-Nasaan po ako?"
"Ah... Kugh Village po, isa sa mga village sa loob ng Wildwood Kingdom."
Wildwood... Kingdom? T-Teka nga! "N-Nasa Zefadia po ba ako? At ang Wildwood... Isa yun sa eleven — ten na kingdoms, tama ba?"
Halatang naguguluhan si Ponn pero nakangiti pa rin siyang tumango sa akin. "Tama po kayo." Sakto namang pumasok ang isang matandang babae na may pakpak na may dala-dalang bowl na umuusok pa. Dama ko ang paglalaway ko nang maamoy ko ang mabango at pamilyar na pagkaing iyon. Amoy Sinigang. "Mother... I told you to let the others bring the food," ani Ponn.
English na English ang kuya mo kahit hindi halata sa itsura dahil mukha siyang Pinoy na Pinoy. Pero wala nga ako sa Pilipinas, ni wala ako sa Earth. Jusko. Ni literal naman ata ni Lord yung kagustuhan kong makita nang personal yung mundong ide-design ko.
"Ah, Prince Amelio, nais ko po palang ipakilala sa inyo ang aking ina." Tumabi kay Ponn ang matandang babae. "This is my Mother Fahh, the wife of the former leader of our village."
Mabilis kong itinago ang pagkamangha at pagkagulat ko nang tuluyan kong mapansin ang buong itsura ng matandang babae. Just like in chapter two of the book, fairies had pointy ears and female nature fairies had the wings of a butterfly. "It is a pleasure to meet you, Mother Fahh," magalang kong salita. Halata ang katandaan niya. Pero brown pa rin ang buhok niya — parang yung description sa nature fairies.
"It is my pleasure, Prince Amelio. I was once a scholar of the Crassus Kingdom, and that was the reason why most of the villagers here could speak the higher language. Pero dito po talaga ako ipinanganak. Bumalik lamang ako sa Wildwood nang magkaroon ng giyera dahil kay—" Bigla siyang natigil at halata ang panginginig ng matandang babae.
Sabay kami ni Ponn na mabilis na inalalayan si Mother Fahh. "A-Ayos lang po. 'Wag... 'Wag niyo na pong ituloy. Salamat po nang marami sa pagkaing dinala ninyo."
Sinenyasan naman ni Ponn ang iba pang nasa labas para alalayan si Mother Fahh pabalik sa bahay nila. "Pasensya na po, Prince Amelio. Nais niya raw po talagang magpakilala sa inyo nang personal."
Ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa papalayong bulto ng matandang babae hanggang sa tuluyan na itong nawala. "Ayos lang." Napatingin naman ako kay Ponn na inaayos na ang kakainan ko. "Ponn... Kugh talaga ang apelyido niyo?" hindi ko na napigilang itanong.
Tumango naman ito saka ipinaghila ako ng upuan. "Opo, apelyido ng yumao kong ama."
Naupo naman ako sa upuan. "Ahh... Tapos Fahh talaga ang pangalan ng mommy mo o nickname lang yun?"
Napaisip naman siya habang nilalagyan ako ng kanin sa plato. "Fahh po talaga eh."
Napatango naman ako saka nagpasalamat sa kaniya. Alagang-alaga ako. "Tapos "Mother" ang tawag mo?"
"Opo, dahil yun ang nais ni Inay. Since nag-aral po siya sa Crassus, ninais niya pong ibahagi ang natutunan niya po. Kaya mas gusto niya rin po yung "Mother"."
"Ahh... So, Mother Fahh Kugh..." Napailing ako saka pigil na pigil matawa.
"Opo, 'yun ang buong pangalan ni Inay. Mother Fahh Kugh — Ayos lang po ba kayo?"
Hindi ko na napigilang ibuga ang ininom kong tubig. Hindi ko na kasi napigilan ang tawa ko. Taena kasi. "Mother faka". Ansakit ng tiyan ko katatawa pero si Ponn, concern na concern kaya naman pinilit kong mahimasmasan.
"Ayos lang po ba kayo, Prince?"
"O-Opo, p-pasensya, may... may naalala lang na nakakatawa," pagdadahilan ko. "Tapos, ikaw... Ponn? Ponn Kugh?"
"Opo."
Kulang na lang ng "n", Ponkan na. "Eh bakit tinawag ka kanina na "Kaka"?"
"Ahh... Iyon po kasi ang, kumbaga, title o pagpapakita ng respeto sa village leader."
"Oh... Okay—"
"Ka Ponn! Ka Ponn!"
Agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko saka napatingin sa boses ng babaeng sumisigaw sa labas. Nilingon ko si Ponn na nakatingin na rin sa may pinto at handa nang lumabas. "Teka..." Napatingin siya sa akin nang hawakan ko siya sa braso. "Ka Ponn Kugh?" Inosente siyang tumango. Muli na namang akong natawa nang malakas. Kapon ka naman ampucha talaga!
"Ayos lang po ba kayo, Prince Amelio?" Shet, ayoko na talaga! Naluluha na ako.
"O-Okay lang—" shet "—okay lang ako. Sorry, sorry." Pinunasan ko ang mga mata kong naluha na sa katatawa.
"Ka Ponn, ayos na po ang decorations sa labas," dinig naming sabi ng babaeng tumatawag sa kaniya kanina.
"Anong meron?" tanong ko matapos tuluyang mahimasmasan.
"Ah eh, ikakasal ho kasi ako ngayon."
My lips formed an 'O' before completely turning it into a smile. "Ohh! Congratulations! Go! Labas ka na. Kaya ko na ang sarili ko. Ayusin mo muna ang kasal mo."
Nag-bow naman siya sa akin saka nakangiting nagpasalamat. "Pero okay lang po ba talaga kayo?"
"Oo naman. Sorry sa kanina, pero okay na talaga ako. Pagkatapos kong kumain, susunod din ako sa labas." Tumango naman siya saka nagpaalalang may mga tao sa labas na pwede ko raw utusan kung may kailangan ako. Nagpasalamat ako saka siya pinanood makalabas ng kwarto na technically, bahay pala talaga.
Napailing naman ako nang maalala ko ang mga pangalan nila, saka nagsimula nang kumain.
NATAPOS NA akong kumain at nakapagbihis na rin ako ng damit na ibinigay sa akin — na damit ko raw, este ni Amelio, nang muli akong mapatitig sa pader na gawa sa kahoy.
Hindi pa rin talaga tuluyang nakapag-sink in sa utak kong na-isekai ako. Akala ko sa mga nababasa't napapanood ko lang 'yun eh. Pero imposible namang nananaginip ako dahil nakailang kurot na ako sa sarili ko't hindi pa rin ako nagigising.
O baka naman patay na ako.
Napaisip ako. Technically, wala naman akong masyadong maiiwan kung patay na talaga ako. Ang malulungkot lang eh sina Nala at Aire — saka yung si head, pero mas lamang sa kaniya ang stress ng paghahanap ng bagong book designer kesa malungkot sa pagkamatay ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Well, kung patay man, edi patay na. Wala na eh.
Bawal nga talagang nagpupuyat kababasa ng stories. Nakamamatay.
Napailing na lang ako. Haist! Andaming nangyayari! Idagdag pa yung hindi ko pa nababasa ang character na ito roon sa libro. Yung nabasa ko lang ay POV nung narrator na mukhang yung isa sa lead guy. Hanggang chapter six pa lang ang nababasa ko tapos puro pa tungkol sa history ng Zefadia — which, in my defense, was really helpful sa akin bilang artist. Tapos dine-describe niya rin yung lalakeng gusto niya — which is a fire fairy. Never pa na-mention yung pangalan nung fire fairy, pero kung fire fairy yun, most likely, sa Emberton City ko sila makikitang dalawa.
Kung prinsipe nga itong si Amelio, at based sa kulay ng pakpak niya't mga mata ay fire fairy siya, dalawa ang pwede niyang maging kingdom, Verlice Kingdom at Emberton Kingdom. Sana sa Emberton na lang, para mas madaling makilala yung dalawang bida, mas madaling i-drawing — kung buhay pa ako eyy.
Matapos ang ilang saglit na pakikipag-usap sa hangin ay napagdesisyunan ko nang lumabas. Hindi ko na ibalang itali pa ang buhok ko at baka bawal pala sa kaharian ni Amelio edi nategi kaagad ang karakter niya.
Yung village nila, parang yung na-imagine ko lang nung una ko itong nabasa. Punong-puno ng mga puno. Ang ganda at ang gaan pa ng ambiance, samahan pa ng maaliwalas na kalangitan. Yung mga bahay nila ay halo-halo, yung iba ay treehouses, yung iba naman ay parang nasa loob ng hill dahil ang roof nila ay puro moss at ibang wildflowers, at yung iba naman ay katulad ng pinanggalingan kong cottage na parang bahay kubo. Maliban sa mga puno at limpak-limpak na palayan ay may nakita rin akong lawa.
Based sa libro nito, kilala ang Wildwood Kingdom sa agriculture nila, pero dahil sa nangyaring mga giyera ay isa ang kaharian na ito sa mga nagsara ng pinto nila para sa ibang mga fairy, human, at halfling. Kung sino lang ang nasa loob ng Wildwood pagkatapos ng Age of Greed ay sila-sila na lang ang natitira.
Napansin ko naman ang kumpol-kumpol na mga tao sa may sosyaling hill house — na hindi pala house paglapit ko dahil mukha siyang event's place. Mukhang doon ata ang kasal.
Napatingin naman ako sa signage — wood plank siya na nakasulat ang pangalan ng mga ikakasal.
"Hmm..." Pinigilan ko na naman ang pagtawa ko saka tuluyang binasa ang nakasulat. "Kaka Ponn Kugh at..." Hindi ko pa tuluyang nababasa ay natatawa na ako. "Maisy Fawn... Yetta."
Pakiramdam ko ay nakuha ko lahat ng atensyon ng mga dumaraan dahil sa malakas kong tawa. 'Di ko na talaga kaya. Either Maisy Fawn Yetta Kugh o Maisy Fawn Kugh, parehong laugh trip. Lakas ba ng tama ng author nito?
"Antalino na napakasiraulo ng author para pagtripan pangalan ng mga karakter niya," ani ko saka nilingon ang mga nakatingin pa rin sa akin na para bang ako yung siraulo. "Hi! Don't mind me. Hindi ako tututol sa kasal, promise."
Kumunot ang noo ko nang magsimula silang magbulungan. Akala ko pa nga eh ako ang pinag-uusapan, hanggang sa may nagsalita sa likuran ko. "Prince Amelio Pyrehold, the royal highnesses have been searching for you since yesterday."
Dahan-dahan akong lumingon saka ko nakita ang di ko mabilang na mga lalakeng naka-black na may hint of orange na knight uniforms. Mukhang yung nasa unahan ang nagsalita at lider nila. Pero hindi sa kaniya tumigil ang atensyon ko, kundi sa lalakeng tahimik lang na nakatitig sa akin at hindi naka-knight uniform.
He was muscular and tall — the daddy-type pero bata-bata medj yung face, pero bagay sa kaniya yung itsura niya. Idamay mo pa yung brown top knot niyang buhok, at yung mga mata niya — shocks! Igop! Mapapa-thank you, Beyonce na lang talaga sa Brown Eyes niya.
"Your name?" tanong ko habang nakatitig sa lalakeng iyon.
Medyo kumunot naman ang noo niya bago bumalik sa pagiging straight-faced nonchalant na ferson. "Daedalus, your highness. Daedalus Thatcher, your servant," anito saka bahagyang yumuko.
Shet... Ang gwapo ng alalay ko!
H | Z
So... How's the first two chaps, guys? A short feedback would be nice since people pleaser ako (charing --- 1/2)
Thank you for reading po! Mwah with consent <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top