CHAPTER THREE: EMBERTON KINGDOM


CHAPTER THREE: EMBERTON KINGDOM

EMBERTON KINGDOM. Doon nakatira si Amelio at ang laki ng ngiti ko nang malaman ko yun. May possibility na makita ko yung dalawang bida! Other than that, nasa lugar ako ng main place ng bida — yung highlighted ng author na lugar, kitang-kita ko ang bawat detalye. Kung buhay pa ako, ang angas ng ma-d-drawing ko nito.

We rode a carriage from the Kugh Village to Bloodstone City, the capital city of Emberton Kingdom. In that carriage made out of black glass was just me and the servant, Daedalus. Alam kong malaki ang loob ng carriage, pang-apat na tao 'to eh, pero bakit parang anliit kahit dadalawa lang kami?

Napailing na lang ako saka nag-focus sa mga dinaraanan namin. Kanina, pansin na pansin ko na may mala-Great Wall of China ang Wildwood, kung saan nakita ko pang nakipag-usap si Adish — yung head ng knights ng tatay ni Amelio — tatay ko in this isekai scenario — sa guards na nagbabantay ng gate roon.

Nang makalampas naman kami, after kaming samaan ng tingin nung head guard, ay may dinaanan pa kaming gubat bago nakarating sa tapat naman ng isa pang gate. Compared sa mala-punong gate ng Wildwood, para namang gawa sa basalt rocks ang wall at gate ng Emberton Kingdom. May nakikita rin akong smoke na panigurado ay nanggagaling sa isa sa mga bulkan sa kahariang ito.

Katulad nga ng sinabi sa libro, nagkawatak-watak at nagkaniya-kaniya na nga lang talaga ang bawat kaharian matapos ang Age of Greed. May gusto sana akong kumpirmahin kaya naman nilingon ko si Daedalus — na agad ko rin namang binawi at ibinalik ang tingin sa labas, kunwari ay kalmado lang. BAKIT NAMAN KASI TITIG NA TITIG SA AKIN 'TONG LALAKENG 'TO??

Pero ako ang prinsipe, dapat hindi ako tumitiklop sa ganito — kahit gaano pa kapogi ang alalay ko — kaya naman inayos ko ang pagkakaupo ko saka pasimpleng huminga nang malalim at tumikhim bago muling nilingon si Daedalus. "Daedalus, pwede bang magtanong?"

Muli na namang kumunot ang noo ng lalake bago nagsalita. "Your highness, hindi niyo po kailangang magpaalam sa akin. Magtanong lang po kayo nang magtanong. I am only your servant. I'll do what you ask and give you whatever it is that you want."

Napa-facepalm naman ako sa utak ko. Wengya, ganito nga pala dapat kapag nai-isekai, kinakapa yung paligid without ruining the actual person's character. Pero kasi... Sino nga ba si Amelio? Anong ugali niya? Paano siya manamit? "Right, I forgot. I'm—" Don't apologize! Remember, Leo. Slaves ng fairies ang humans, at kung prinsipe si Amelio ng Emberton Kingdom, ang kaharian kung saan nanggaling si King Ignatius, dapat wala rin siyang pakealam sa pakiramdam ng mga tao at alam niyang galit sa kaniya ang mga human. Baka kapag nagpakita ng kahinaan si Amelio sa harap ng alila niya ay may mangyaring masama. "—needing proper rest. Where are my... parents?"

Bumalik naman sa pagiging seryoso at wala halos mabasang ekspresyon sa mukha si Daedalus. "The king and queen remained in the palace and never left ever since you went missing. They deployed all the knights in order to locate his royal highness."

Tumango-tango naman ako. Nakapapanibago na may mga magulang ako — hindi nga pala akin, kundi kay Amelio. Muli akong tumingin sa bintana ng sinasakyan namin. Sa mga napanood at nabasa ko, kapag na-isekai ang isang tao, ibig sabihin lang nun ay may may mission siyang dapat gawin at tapusin — para makasabalik siya sa dati niyang buhay, yun ay kung buhay pa nga.

So kung buhay pa ako... anong misyon ko rito?

Napabuntong hininga na lamang ako. Saka muling binuksan ang bibig ko para magtanong nang hindi nakatingin kay Daedalus. "Is there anything I need to know about the current situation in the kingdom? Like an update while I was gone?" Maybe through this, malalaman ko kung anong dapat kong gawin.

"Her Highness, the Princess, left the kingdom to study in the Sunstone City, as well as to attend an incoming festival there. As for the King and Queen, according to Adish, they were busy having a meeting with the other town elders as well as the mayor of Forgeheart City."

Natigil naman ang pagp-process ng utak ko nang marinig kong may prinsesang involved. So may kapatid si Amelio? Napailing na lang ako. Sa pagkakaalala ko ay may tatlong towns sa Emberton Kingdom at dalawang cities. I wonder if pwede akong gumala. "Say... Daedalus... Do you think the king and queen are mad at me? Dahil sa pagtakas ko?"

Umiling naman siya. "According to Helios, the Majesties are just deeply concerned, but they're already used to you suddenly disappearing for the sake of your adventures."

Napatango na lang ako. So palatakas nga 'tong si Amelio. Kohlet ng prinsipeng ito ah? May naisip naman ako biglang itanong. "Nasaan ka pala nung bigla akong mawala? I thought you were supposed to guard me or something?" Hindi ko rin sure kung tama yung sinasabi ko pero it's worth a try.

Kumunot naman ang noo ni Daedalus bago iyon mawala at maging seryoso na naman. "I apologize for my lack of sense of mission, however, this was not the first time that you have left my sight, Your Highness. Madalas niyo po talaga akong tinatakasan, hindi ba?"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Makulit ka nga talaga, Amelio. Kohlet kohlet. "Right..."

Finally, napansin kong huminto na ang sinasakyan namin kaya naman napatingin ako sa labas ng bintana. It was a huge castle made-out-of black glass and basalt rocks — just like the wall of the kingdom. One word to describe the castle? Fortress. It looked like a fortress. Itim na may orange ang castle at kung hindi ako nagkakamali ay dumadaloy na lava ang itsura ng orange highlights na iyon. Ang angas.

Napansin ko namang naunang lumabas na sa akin si Daedalus at hinintay akong makababa ng karwahe. At nang makababa ako ay agad siyang pumwesto sa likuran ko, habang nasa harapan ko naman si Adish. As he was guiding me inside the palace, I couldn't take my eyes off the structure of the palace. Kung ang angas na ng itsura niya sa labas, elegante naman na may pagka-dark ang nasa loob. Kumbaga borderline gothic siya.

"Your Majesties, we have found His Highness, Prince Amelio. He was found by the villagers in the Wildwood Kingdom. And according to their leader, His Highness was found unconscious, floating in the Ruby Lake," seryosong report ni Adish sa hari at reyna na nasa harapan namin—What?

Pinanood ko namang bumaba sa kinauupuan nilang trono ang dalawang taong kamukhang-kamukha ng mga namayapa kong mga magulang. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at titig na titig lang ako sa mga mukha nila hanggang sa hindi ko napansin na nakatayo na sila sa harapan ko.

The queen looked young even though the age lines were visible. Her eyes were still the same with what I remembered she had — that tender look, a mother's care and love. Mama... Hindi ko napansing may tumulo nang luha mula sa mata ko hanggang sa pinunasan iyon ni Mama. "Look at my darling, crying already when I still haven't given him his punishment for making his mother worry," aniya sa malokong tono. May punishment siyang sinabi pero halatang hindi iyon totoo. Bahagya pa siyang nagulat nang bigla ko siyang niyakap. "Oh! I wonder what this troublemaker did." Mahina pa siyang natawa. "What is it, sweetheart? Why are you trying to soften your mother?"

Napangiti naman ako saka mas ninamnam ang yakap ng isang ina. I was ten years old when my mother died because of her cancer, then at the age of eighteen, it was my father who died next, due to an accident at his workplace. Kaya naman nanamnamin ko ang chance na binigay sa akin ng Maykapal. Kung sa pangalawang buhay kong ito ay makakasama kong muli ang mga magulang ko, then di hamak na pahahalagahan ko 'tong buhay kong 'to. Gagawin ako ang lahat, makasama ko lang sila nang mas matagal.

"Let me guess," dinig kong panimula ni Papa, "tinakasan na naman niya si Daedalus." Sinundan niya naman iyon ng tawa na para bang tuwang-tuwa siya. Bumitaw ako kay Mama saka siya hinarap. Ginulo naman ni Papa ang buhok habang nakangiti pa rin. "Sinabi ko na sa'yong 'wag mo nang takasan si Daedalus eh. Paano na lang kung mas malala pa ang nangyari sa'yo dahil diyan sa kakulitan mong bata ka? Hindi ka na nagmana sa akin—Aray naman, mahal."

Napangiti naman ako nang makita kong nakangiwi si Papa dahil sa pagsiko sa kaniya ni Mama. Ganito rin sila noong nabubuhay sila.

"Who are you kidding, Adan? Alam nating lahat na sa'yo nagmana 'yang panganay natin. Who even encouraged him about the adventures he could have in the kingdom?" Umirap pa si Mama na mas ikinatawa ko, lalo na nang agad tumiklop si Papa at sinimulan nang lambingin si Mama. Masaya na ako sa ganito pero kung mas matagal ko silang makakasama, higit na matutuwa ako. Bumalik naman sa akin ang mga mata ni Mama. "But seriously, Amelio, be careful. We're already used to you suddenly leaving the castle but to lessen our worries, please, just please, always bring Daedalus with you."

Medyo kumunot naman ang noo ko. Hindi ba dapat galit ang mga fairy sa humans? Bakit parang anlaki ng tiwala nila Mama — fairy version — kay Daedalus? Sinubukan ko namang halungkatin ang utak ni Amelio at baka may maging sagot, pero bigo lang ako. Alam ko namang sobrang gwapo yung alalay ko pero grabe naman ata ang tiwala ng fairies — especially ng hari at reyna sa kaniya. "Mother, aren't we supposed to be wary of him? He's a human after all," bulong ko kay Mama, yung sigurado akong 'di ako maririnig ni Daedalus.

Sumama naman ang tingin sa akin ni Mama bago iyon nawala at saka siya bumuntong hininga. "I know what you're trying to say. And we're really going to receive punishment from King Ignatius if he ever knew about our treatment of humans, but seriously, there's nothing wrong with showing kindness to them, especially if they have never done anything wrong to us. For example, Daedalus, he has always been by your side ever since you turned thirteen, and he even saved you one time after you suddenly left the castle to do one of your adventures." Muli siyang bumuntong hininga. "I'm not asking you to befriend him, son. Just... be nice... whenever it's just the two of you. Don't treat him like a slave, okay?"

Ilang beses akong napakurap. So... Ito yung nangyayari sa Zefadia ngayon? Despite the colonization that the humans did to every kingdom, after the rise of the Age of Power, not every fairy kingdom treated the humans like how they were treated. That's... heart melting. Tumango naman ako nang tuluyan nang makabawi. "Yes, Mother."

Naramdaman ko namang tinapik ako ni Papa sa balikat. "Not all humans are bad, son. Remember that. Especially those who were not yet born during the last age."

Muli akong tumango. "Yes, Father. I understand."

"Good." Muli akong tinapik ni Papa bago niya ipinalibot ang braso sa bewang ni Mama. "Now, since mukha ka namang okay," natatawang sabi ni Papa, "your mother and I would proceed to the bed chambers to try for another baby—" At nasikong muli si Papa.

Natawa na lang din naman ako. "Enjoy, my mother and father," I said with the hint of teasing. Mama scowled at me but it was obvious that she wasn't really mad. Nang makalayo na sila ay nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi ko, saka ako tumalikod para itanong kung saan ang kwarto ko nang bahagya akong magulat sa nasa harapan ko. "Daedalus! Jusko po! Kanina pa ka riyan?"

Tumango naman ito. Seriousness is written all over his face. Napatitig naman ako sa mga mata niya. Ang ganda-ganda kasi nun. Para bang mata pa lang, gwapo na. Pero yung mga matang 'yon, somehow, medyo nakararamdam ako ng kaba kada tititig din sa akin. Ewan ko ba, para bang bad boy ang dating niya — Mysterious with a hint of danger.

Napailing naman ako saka pinilit burahin ang nasa isip ko. Ang kagustuhan ko kaninang pahinga ay napalitan ng kagustuhang gumala. Tutal ang hilig hilig naman palang tumakas nitong prinsipeng ito, edi I'll use it to my advantage. Para naman makalibot ako sa mundong binabasa ko lang kaninang umaga. With that thought in mind, I once again stared at my oh-so-serious-but-poging servant. "Daedalus, I'll roam around the city."

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top