Chapter 30 - Tago

"TAMA NA, hepe!!! Masakittt! Maawa ka sa 'kin!" Halos pumuno sa buong bahay ang sigaw ni Dennis pero parang walang naririnig ang pulis. Hayok na hayok ito sa ginagawa sa kanya. Mas mabilis na ang pag-indayog ng katawan nito habang hinahabol ang paghinga. Ilang sandali pa at lalong ipinagdiinan ni hepe ang katawan nito sa likuran ni Dennis na sinundan ng isang mahabang pag-ungol.

"Ahhhh!!!" sigaw ni Dennis habang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi.

Sa labas ng bahay ay napakatahimik. Tila wala namang nakarinig sa panaghoy ng binatang ninakawan ng dignidad ng isang alagad ng batas.

Ilang sandali ring nanatiling nakadagan si hepe sa katawan ni Dennis na tila napagod na rin sa pagdaing at hinayaan na lamang ang pulis. Maya-maya pa ay bumangon na si hepe at nagbihis. Nanatili sa pagkakadapa sa sahig ang binatang estudyante.

"Bumangon ka na diyan! Iuuwi na kita," matigas ang tinig na sabi ng pulis.

"Hoy! Gusto mo bang makatikim pa ng tadyak bago ka bumangon d'yan?" Umasta si hepe na tila tatadyakan si Dennis.

Agad na bumangon si Dennis pero napahinto ito nang makaramdam ng sakit mula sa kanyang likurang bahagi. Nakita niya ang ilang patak ng dugo sa sahig at alam na niya kung saan iyon nanggaling. Pakiramdam ni Dennis ay nanlaki ang kanyang ulo.

"Virgin ka pa pala," sabi ni hepe kasabay ang isang nakakalokong pagngisi. Dinampot nito ang mga damit ni Dennis at inihagis sa binata. "Magbihis ka na."

Tiniis ni Dennis ang nararamdamang kirot habang nagbibihis. Awang-awa siya sa sarili. Bakit ba niya sinapit ang ganito?

"Sumunod ka na sa 'kin, para makauwi ka na." Nauna nang naglakad si hepe papalabas ng bahay. Agad na sumunod si Dennis, tinitiis pa rin ang nararamdamang kirot na hatid ng kababuyang ginawa sa kanya ng buhong na pulis.

"Sakay na! Bilisan mo ang kilos!"

Walang imik na sumakay sa kotse ang binata.

Tahimik lang silang dalawa habang bumibiyahe. Kabisado ni hepe ang daang tatahakin papunta sa tinitirhan ni Dennis. Nang sa wakas ay marating nila ang dormitoryo, nagbigay ng babala si hepe bago pa bumaba ng kotse si Dennis. "Huwag kang magkakamaling magsumbong kahit na kanino kung ayaw mong may masamang mangyari sa'yo."

Malinaw na narinig ni Dennis ang banta ng pulis ngunit hindi na siya sumagot. Bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng dormitoryo. Sa mukha niya'y mababanaag ang lubhang pagkalungkot at hindi mailabas na galit at sama ng loob. Naroon din ang awa sa sarili dahil sa sinapit niya sa kamay ni hepe.

MABILIS ANG kilos ni Stephen habang nag-eempake. Pinuno niya ng mga damit ang isang itim na backpack at pagkatapos ay agad na lumabas ng bahay. Palinga-linga pa sa paligid ang binata. Sinisiguro niyang walang alagad ni hepe ang naririto sa paligid. Ang hindi niya alam, isang lalaki ang kanina pa naghihintay sa kanya at nagmamatyag sa bawat kilos niya.

Dala ang bag na puno ng mga damit ay nilisan ni Stephen ang kanyang tirahan. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Alisto rin ang kanyang pakiramdam. Palinga-linga siya sa paligid. Malalim na ang gabi. Wala na ngang mga tao sa kalye.

"Saan ka pupunta?" Nagulat si Stephen nang biglang lumabas mula sa isang madilim na bahagi ng kalye ang isang lalaki. Magkasingkatawan sila nito, matangkad, at may suot na sumbrero.

"Sino ka?" Hindi nagpahalata ng takot si Stephen. Walang puwang ang takot ngayon sa kanya. Kung may balak na masama sa kanya ang lalaki, sisiguruhin niyang lalaban siya rito nang sabayan. Bahala na! Patay kung patay!

Ngumisi ang lalaki. Hindi man makita ni Stephen ang itsura nito dahil may kadiliman ang paligid ay tila nababanaag na ng binata ang mala-demonyong ngisi ng lalaki. "Akala mo siguro, matatakasan mo si hepe."

Pakiramdam ni Stephen ay nanlaki ang kanyang ulo. "Wala akong atraso kay hepe!" matigas niyang sabi.

"Malalaman natin 'yan sa sandaling magkita na kayo ni hepe..." Biglang naglabas ng baril ang lalaki at itinutok kay Stephen. Dahan-dahan itong lumapit sa binata.

Napaurong si Stephen. Iniisip niyang tumakbo pero alam niyang kayang-kaya siyang habulin ng bala ng baril.

"Subukan mong tumakbo para mas mapadali ang buhay mo," tila nabasa ng lalaki ang iniisip ni Stephen.

Nakalapit ang lalaki kay Stephen. Itinapat nito ang baril sa tigiliran ng binata. "Sasama ka nang maayos sa akin kung ayaw mong paglamayan." Itinulak ng lalaki si Stephen gamit ang baril na nakatutok sa tagiliran ng binata. "Lakad! Doon sa nakaparadang sasakyan na 'yun." Nakita ni Stephen ang isang stainless owner-type jeepney ilang metro mula sa kinaroroonan nila.

Humakbang si Stephen patungo sa sasakyan. Sumabay sa kanya ang lalaki na hindi inaalis ang pasimpleng pagkakatutok ng baril sa tagiliran niya.

Ilang hakbang na lang malapit sa sasakyan ay biglang pumihit si Stephen paharap sa nabiglang lalaki na hindi nagawang iputok ang baril dahil agad nahawakan ni Stephen ang braso nito. Mahigpit na sinakmal ng dalawang kamay ni Stephen ang kanang braso ng lalaki at buong lakas na sinubukang pilipitin ito sa pag-asang mabibitawan nito ang baril ngunit mahigpit ang pagkakahawak dito ng lalaki.

Nag-agawan sila sa baril. Sa isang maling paghakbang ay nawalan ng panimbang ang lalaki at natumba ito sa kalsada. Kasunod ding natumba si Stephen dahil nakahawak ito sa braso ng lalaki. Noon pumutok ang baril!

Mabilis na bumangon si Stephen. Nakita niyang dumudugo ang gawing tagiliran ng lalaki. Sa tabi nito ay naroon ang nabitiwang baril. Nagpumilit na tumayo ang lalaki pero bago pa ito nakatayo nang tuwid ay sinalubong na ito ni Stephen ng isang malakas na suntok sa mukha na muling nagpatimbuwal dito. Tulog ang lalaki!

Mabilis na dinampot ni Stephen ang baril at patakbong nilisan ang lugar. Habang tumatakbo ay isinuksok niya sa pantalon ang baril. Pagdating sa kanto ay pumara ng taxi si Stephen upang mabilis siyang makalayo sa lugar na iyon.

"SA TABI na lang..."

Huminto ang taksing sinasakyan ni Stephen sa tapat ng isang eskinita. Binayaran niya ang driver at agad na bumaba sa taksi.

Tinahak ni Stephen ang eskinita hanggang makarating siya sa isang bahay na pamilyar sa kanya. Nag-aalangan pa siyang tumuloy pero narito na siya. Wala nang atrasan. Higit kailanman, ngayon niya kailangan ang suporta ng pamilya.

Pero paano? Hindi ba't galit na galit sa kanya ang nanay niya dahil akala nito'y pinagtangkaan niyang patayin ang kanyang tiyo Dado? Ang walang kuwentang lalaking kinakasama ng nanay niya na ginawa nang libangan ang pananakit sa kanya mula nung bata pa siya. Mahigit dalawang taon na mula nang lumayas siya sa impiyernong ito. Sinong mag-aakalang ang impiyernong tinakasan niya dati ay ang impiyerno ring gagawin niyang kanlungan ngayon?

Marahang kumatok si Stephen sa pinto ng bahay na ang itsura ay tipikal sa squatters area. Saglit siyang naghintay. Nang walang nagbukas ng pinto ay muli siyang kumatok.

"Sino 'yan?

Bumilis ang tibok ng puso ni Stephen nang marinig ang boses. Hindi siya maaaring magkamali. Boses iyon ng nanay niya.

"Ako po...," mahinang sagot ni Stephen pero alam niyang sapat iyon para marinig siya ng nanay niya.

Bumukas ang pinto. "Sinong kailangan mo at..." Napamulagat ang matandang babaeng nagbukas ng pinto. Tila nakakita ito ng multo.

"Nay... Ako po ito..." Hindi napigilan ni Stephen na mangilid ang kanyang luha habang nagsasalita.

"Stephen, anak?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top