Chapter 3 - Sayaw Marko, Sayaw

HINDI namalayan ni Marko na nakaidlip pala siya sa paghihintay ng oras niya para isalang sa stage. Nagising lang siya nang maramdaman niya ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat.

"Gising na. Ikaw na ang susunod sa stage." Malinaw na narinig ni Marko ang sinabi ng tinig na nagmula sa isang lalaki.

Nagmulat siya ng kanyang mata. Nakita niya si Dax. "Ako na ba?"

"Oo, kaya ayusin mo na ang sarili mo. Sumunod ka na dito sa backstage." Lumabas na ng dressing room si Dax.

Agad na bumangon si Marko at inayos ang sarili. Kinuha ang suklay na nasa panlikod na bulsa ng kanyang pantalon at inayos ng kanyang buhok. Hinubad ang pantalon at brief at isinuot ang puting trunks na pinahiram ni Dax. Kasya naman pala bagamat tingin niya'y lalabas ang hindi dapat lumabas sa isang maling galaw lang niya.

Naalala ni Marko ang gomang pinagagamit sa kanya ni Dax. Kailangan ba talagang ilagay niya yun? Hindi na. Wala nang oras. Nagpasya siyang hindi na gamitin ang gomang sabi'y magpapanatiling matikas ng alaga niya habang sumasayaw.

Lumabas na sa dressing room si Marko. Sinalubong siya ng isang bading na staff ng club at itinuro sa kanya ang daan papuntang backstage. Ito rin ang nagsuot sa kanya ng props na gagamitin niya habang sumasayaw sa stage.

Maya-maya pa'y narinig na ni Marko ang pagpapakilala sa kanya ng emcee.

"Ladies and gentlemen, presenting to you with pride! Our star of the show, the fresh, the handsome! Ang bagong sasambahin ng ikatlong lahi... MARKO!!!

Pumailanlang ang awiting Angels Brought Me Here at kasabay nito ay lumabas sa stage si Marko na suot ang isang manipis na puting trunks. Sa likod niya ay may nakasabit na munting pakpak kaya't nagmistula siyang anghel na bumaba sa lupa. Gwapong-gwapo si Marko, di yun maitatanggi ng sinumang tao na naroon ngayon sa club. Ang maamo niyang mukha ay mas nagpatingkad sa imaheng binibigyang buhay niya ngayon sa entablado. Lahat ng mga customer ay tila natulala sa kaguwapuhang nakahain sa kanilang harapan. Ngayon lang nila nakita ang bintang ito sa club na iyon at sa mukha ng ilang manonood ay naroon ang panghihinayang kung bakit ang isang ganun kagwapong binata ay pinasok ang ganitong trabaho. Ang iba naman ay pagnanasa ang nasa mga mata. Pagkakataon na nilang masilayan ang hubad na katawan ng anghel na ito. Lahat ay napansin ang nag-uumapaw na bukol na tila gustong kumawala sa maliit at manipis na trunks. Di pa man nag-uumpisa sa pagsayaw si Marko ay nag-iinit na ang mga tao sa bar. Naghiyawan sila tanda na gusto nila ang nilalang na nakikita nila sa ibabaw ng stage.

Pumuwesto si Marko sa gitna ng stage at nagsimulang gumiling. Banayad ang kanyang paggalaw. Ang expression ng kanyang mukha ay umaakit sa mga nanonood. Marahang hinaplos-haplos ng binata ang kanyang malapad na dibdib tila pinaglalaruan ang balat sa parteng iyon ng kanyang katawan. Titig na titig ang lahat. Buong kasabikang nag-aabang kung ano pa ang susunod na gagawin ng binatang sumasayaw.

Lumakad si Marko papunta sa kaliwang bahagi ng stage at itinuloy doon ang pagsayaw. Paulit-ulit siyang gumiling sa harap ng tila natutulalang mga bakla. Ganun din ang ginawa ni Marko nang pumunta naman siya sa kanang bahagi ng entablado. Siniguro niyang makikita ng audience ang kanyang pagsayaw sa mas malapit na anggulo. Tuwang-tuwa ang mga bakla, nakita nila ng mas malapit ang bukol na tinatakpan ng manipis na puting trunks.

Maya-maya pa'y bumaba ng stage si Marko at umikot sa kinaroroonan ng mga manonood. Ito ang hinihintay na pagkakataon ng ilan na masagi o madampian ng palad nila ang nakaumbok na bahagi ni Marko. Nag-ipit sila ng pera sa trunks pero sinasadyang idikit ang palad sa pagkalalaki ng binata. Bahagya pang nagulat si Marko sa pananantsing ng ilan pero di na lang niya pinansin. Ikinatuwa na lang niya ang mga perang papel na nakasabit ngayon sa kanyang trunks.

Muling umakyat sa stage si Marko. Tinanggal niya ang pakpak na nakasabit sa kanyang likuran. Pagkatapos ay patuloy na gumiling habang paunti-unting ibinababa ang suot na trunks.

Sa isang sulok ng club ay ngingiti-ngiti lang si Dax. Batid nitong walang balak maghubad si Marko. Pero alam na alam ni Marko kung paano lalandiin ang audience.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang pagsayaw ni Marko. May naghiyawan, humihingi ng isa pang sayaw mula sa binata. Hindi maikakailang nakuha talaga ni Marko ang atensyon at paghanga ng mga parukyano ng club.

Pagbaba ng stage, diretso si Marko sa dressing room. Kasunod niya si Mama Bang na hindi magkamayaw sa pagbati sa kanya.

"Congratulations, Marko! Ang galing-galing mo! Alam mo bang andaming nagrerequest na i-table ka? Gustung-gusto ka nila!"

"Ayaw ko munang tumeybol, Mama Bang."

"Of course! Hindi ka teteybol ngayon. Hayaan natin silang manabik sayo. Para paulit-ulit silang bumalik dito."

"Salamat, Mama Bang."

"Yung perang isinabit sayo, sayo na yun. Mamaya bago ka umuwi dumaan ka sa akin, ibibigay ko sayo ang budget mo."

"Budget?"

"Yung bayad mo sa pagtatrabaho ngayong gabi."

"Ahh.. Sige."

"O, lalabas na muna ako. Agahan mong pasok bukas. At galingan mo pa lalo sa mga susunod mong sayaw."

Paglabas ni Mama Bang, siya namang pasok ni Dax sa kwarto.

"Pre, saan ka nakatira? Sabay na tayo mamaya hanggang sakayan."

"Sa QC. Sige sabay tayo."

"Ang galing mo, pre! Nganga silang lahat sayo," tatawa-tawang sabi ni Dax.

"Salamat. Di ko magagawa yun kung di mo ako tinuruan."

"Magaling ka talaga. Kahit naman turuan ka kung hindi ka magaling, makikita pa rin sa pagsayaw mo na di ka magaling. Ibang klase ka kanina. Wala ka pang pinapakita nun ha. Paano na lang pag naghubad ka na? Baka mabaliw na silang lahat sayo."

"Hindi naman siguro," napangiti rin si Marko.

"Effective yung goma, di ba? Pansin na pansin ang bukol mo mula umpisa hanggang matapos ang sayaw mo."

"Ha? Hindi ko nagamit, eh. Wala na kasing oras para ilagay."

"Ibig mong sabihin, natural yun?"

"Oo..."

"Hanep, pare! Mas dakota ka pa kesa sa akin."

"Sakto lang."

"Naku, pati pala ako kakabugin mo dito." At napahalakhak na lang si Dax.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top