Chapter 2 - Ang Simula

MALAKAS ang tunog ng musika sa loob ng gay bar. Alas-otso pa lang ng gabi pero marami na rin ang mga kostumer na naririto. Bawat isa ay may kaharap na bote ng beer. Ang ilan ay may ka-table na macho dancer. Ang iba naman ay seryosong nanonood sa lalaking sumasayaw sa entablado.

Maharot ang musika. Puno ito ng landi na sinabayan ng erotikong paggalaw ng macho dancer na sumasayaw. Matipuno ang pangangatawan ng dancer. Sa suot nitong kakapirasong skimpy trunks, halos hubo't hubad na ito sa ibabaw ng entablado. Pero wala itong pakialam kung pinagpipiyestahan man ng nagnanasang mga mata ang kanyang kahubdan.

Pumasok si Marko sa gay bar. Ngayon ang usapan nila ni Mama Bang na pupunta siya sa bar para magpaturong sumayaw. May konti pa siyang pagtataka dahil bakit gabi siya pinapunta dun. Sino ang magtuturo sa kanya sa ganung oras kung ang lahat ay abala sa pagtatrabaho?

Madilim sa loob ng bar. Ang konting liwanag ay nagmumula lang sa kulay pulang ilaw na mas nakasentro sa lalaking sumasayaw sa stage.

Isang bakla ang sumalubong kay Marko.

"Isang table, sir?" tanong ng bakla.

Napagkamalan pa yata siyang kostumer, sa isip ni Marko. "Hindi. Hinahanap ko si Mama Bang."

"Ah! Ikaw ba si Marko?"

Tumango lang ang binata.

"Kanina ka pa hinihintay ni Mama Bang. Halika, sumunod ka sa akin." At pakendeng-kendeng na naglakad ang bakla papasok sa mas loob pa ng bar. Isang silid na may mga lalaking nagbibihis ang pinasok ng bakla, kasunod si Marko.

"Mama Bang! Eto na, ang hinihintay mo!"

Lumingon ang tinawag. Isang may edad nang bakla na bihis babae. Mahaba ang pelukang gamit nito. Makapal ang make-up at lipstick. Kung titingnan, humigit-kumulang singkwenta y singko na ang edad ni Mama Bang.

"Marko, ba't ngayon ka lang. Akala ko maaga kang dadating." Sinalubong ni Mama Bang si Marko.

"Sorry, Mama Bang. Natrapik ako eh," pagpapaliwanag ng binata.

"Hindi bale, kokonti pa lang naman ang tao sa labas. Mamayang konti pa magdadatingan ang mga suki ng bar. May panahon ka pa para aralin ang sayaw mo mamaya." Kaswal na sabi ng matandang bakla.

"Ha? Sasayaw na ba ako ngayon?"

"Oo! Ngayon ang tamang pagkakataon para ipakilala kita sa mga parukyano ng bar. Big night namin ngayon dito. Dagsa sigurado ang customer mamaya at ikaw ang finale. Ang star dancer of the night!"

"Pero..."

"Wag kang mag-alala. Kahit ano man ang gawin mo sa stage, tumayo ka man dun o sumayaw. Lumakad o tumambling, sigurado papalakpakan at sasambahin ka pa rin ng mga bakla! Sa gwapo mong yan, ikaw ang magiging pinakamabenta ngayong gabi. Sigurado ako dyan!"

Hindi pa rin makapagsalita si Marko.

"Dax..." Tinawag ni Mama Bang ang isa sa mga macho dancers ng bar. "Ikaw na ang bahala kay Marko. Turuan mo siyang mabuti."

"Areglado, Mama Bang."

"O, siya. Bilisan nyo dyan. Nasa labas ang mga customers. Wag kayong tumambay dito sa loob. Di kayo kikita kung andito lang kayo sa dressing room. Hala, magsilabas na kayong lahat," pagtataboy ni Mama Bang sa mga lalaking mananayaw.

Lumabas na si Mama Bang at ang mga lalaki. Naiwan sa loob sina Marko at Dax.

"Pare, pagpasensyahan mo ako ha. 'Di talaga ako marunong sumayaw."

"Wag kang mag-alala, p're. Akong bahala sayo. Dati, 'di rin ako marunong. Pero madali lang naman matutunan ang macho dancing. Basta ibigay mo lang lahat ng kaya mo."

Bahagyang ngumiti si Marko, tanda ng pag-sang-ayon sa sinabi ni Dax.

"May dala ka bang trunks o bagong brief na isusuot mamaya? tanong ni Dax.

"Wala, eh. Ang alam ko kasi, magpapraktis lang ako ngayon. Hindi ko alam na isasalang na pala agad ako."

"Sige, 'di bale. pahihiramin na lang kita. Halika, umpisa na tayo."

Pumili si Dax ng isang kanta sa music file ng cellphone niya at pinatugtog. "Panoorin mo ako. Pag-aralan mo kung paano ako gumalaw. Mamaya ikaw naman ang sasayaw."

"Sige..." nag-aalangang sagot ni Marko.

Nagsimulang umindayog si Dax. Malumanay ang kanyang bawat galaw. Tila nang-aakit. Kasabay ng bawat pag-alon ng kanyang tiyan ay ang nakakalibog na ekspresyon ng kanyang mukha. Gwapo si Dax at kumbinsido si Marko na magaling ang macho dancer na ito.

"Sabayan mo ako," si Dax habang patuloy na kumikiwal-kiwal at umaalon ang katawan. "Madali lang ito. Basta gayahin mo lang kung anong ginagawa ko."

Sinubukan ni Marko na gawin ang sinabi ni Dax. Nag-umpisa siyang gumalaw, sumayaw nang marahan at pagkatapos ay pinaalon-alon din ang kanyang katawan. Mabini ang paggalaw ni Marko. Sinabayan niya ang tugtog habang hindi inaalis ang tingin kay Dax para masigurong tama ang kanyang ginagawa.

"Yung mukha mo, gawin mong nang-aakit. Yung mukhang nalilibugan!" suhestiyon ni Dax.

Parang nag-alangan si Marko. "Kailangan ba talagang ganun?"

"Oo, para maakit mo ang customer na i-table ka at ilabas pagkatapos. Mas dun kumikita ang mga macho dancer, 'pag inilabas sila ng customers. Kaya gawin mo na lahat para mailabas ka. Tuksuhin mo sila. At magagawa mo 'yon habang nasa stage ka at sumasayaw."

Pumikit si Marko sabay hinga nang malalim. Pagdilat niya ay nagsimula siyang gumiling, marahan lang sa umpisa at sumasabay sa tugtog. Sa mukha niya'y bakas ang kakaibang pang-aakit. Tila nang-aanyaya siyang sumabay ang lahat sa kanyang pagsayaw.

Tuloy lang sa paggiling si Marko. Huminto na si Dax. Pinanood na lang niya ang bagitong tinuturuan niya. 'Di niya akalaing ganito kadaling turuang magmacho dancing si Marko gayong kanina lang ay nag-aalangan pa ito sa sariling kakayahang sumayaw.

Maya-maya pa'y natapos ang musika at pumuno sa loob ng silid ang palakpak ni Dax.

"Ang galing!!! Iba ka, p're. Ako na ang nagsasabi sayo, marami kang patataubing dancers dito. At natitiyak ko, maraming bakla ang mag-aagawan sayo rito."

"Tama ba 'yong ginawa ko?"

"Oo, saktong-sakto! Matutuwa sayo si Mama Bang. Andali mong natuto."

Ngiti lang ang isinagot ni Marko.

"Ganito, mamaya pagsalang mo ganung-ganun din ang gawin mo. Sakto na 'yon. Wag ka munang magpapakita ng iba pa. Takamin mo muna ang audience. Hayaan mong balik-balikan ka nila dito para tingnan kung ano ang susunod mo pang ipapakita."

"Ipapakita?"

"Oo, big night namin ngayon dito at dahil ikaw ang finale inaasahan ng lahat na huhubarin mo ang suot mo bago matapos ang sayaw mo. Pero dahil bago ka pa lang dito, okay lang yun na di ka pa ganun kapangahas. Ako na lang ang magsasabi kay Mama Bang na di ka maghuhubad mamaya."

"May hubaran talaga? Akala ko hanggang sa pagsusuot lang nga trunks or brief."

"Normal lang ang maghubad dito. Yun ang dinadayo ng customers dito. Pag walang maghuhubad, lilipat sila sa ibang bar. Alam mo naman ang kompetensiya."

Di nakasagot si Marko. Kaya ba niya ang maghubad at magpakita ng ari sa harap ng maraming tao?

"O, isang praktis pa tayo. Kailangang makabisado mong mabuti ang gagawin mo. Para di ka na mahiya mamaya."

"Di ba nire-raid ang bar na ito?"

"Minsan. Pag pumapalya ng lagay sa pulis si Mama Bang. Pero pag okay ang lagay, walang raid. Wag kang matakot, ilalabas naman tayo ni Mama Bang sakaling mag-raid dito."

Magtatanong pa sana si Marko nang may pumasok na isang macho dancer sa dressing room.

"Dax, set mo na. Labas ka na dun."

"Sige. Marko, sasayaw muna ako. Balikan kita dyan mamaya."

"Pwede ba akong manood?"

"Wag ka nang lumabas. Sumilip ka na lang dyan sa pinto. Hawiin mo na lang 'tong kurtina. Ikaw ang finale. Dapat mamaya ka pa lang nila makikita."

Yun na nga lang ang ginawa ni Marko. Nakasilip siya sa may pinto habang pinanonood ang pagsayaw ni Dax. Dinig na dinig pa niya kung paano ipinakilala ng emcee si Dax.

"Ladies and gentlemen! The Dakota King himself, Dax!"

At unti-unti nang pumailanlang ang isang kanta habang iniluluwa ng entablado si Dax suot ang isang sira-sirang maong pants. Gumiling-giling ito sa stage. Banayad ang paggalaw. Mabini ang bawat pag-arko ng katawan. Ang mga parukyano naman ng club ay tila nahipnotismo sa lalaking gumigiling sa kanilang harapan. Sanay na sanay si Dax sa pagkuha ng atensyon ng mga manonood lalo na yung mga bakla. Kahit ang iilang mga babaeng nandun sa club ngayon ay tutok din ang mga mata sa kanya.

Ganun pala, naisip ni Marko. Hindi lang katawan ang dapat gumagalaw, pati pala ekspresyon ng mukha ay naroon din. Kailangan palang todo ang emosyon.

Nagulat si Marko nang sa kalagitnaan ng pagsayaw ay hinubad ni Dax ang maong na suot at inihagis sa audience. Puting bikini brief na lang ang suot ngayon ng macho dancer. Naghiyawan ang mga manonood. May ilang tumili. May nagpalakpakan. May isang sumigaw, "Dakota ka talaga, Dax. Bagay na bagay sayo ang pangalan mo!"

Sa katapusan ng kanta, biglang ibinaba ni Dax ang brief niya at bumulaga sa audience ang pribadong bahagi ng dancer sabay biglang namatay ang pulang ilaw na nagsisilbing tanging liwanag sa sumasayaw sa stage.

Tuloy-tuloy na bumaba sa stage si Dax at dumiretso sa dressing room kung saan naroon pa rin si Marko. Hubo't hubad pa rin si Dax pero walang anuman dito kung nakikita man ni Marko ang kanyang hubad na buong katawan.

"Napanood mo ba?" Tanong ni Dax kay Marko.

"Oo."

"Ganun lang din ang kailangan mong gawin. Madali lang, di ba? Kayang-kaya mo yun."

Hindi sumagot si Marko.

"Halika, magpraktis ka ulit," sabi ni Dax habang nagbibihis. Mas maganda kung ready ka pagsalang mo mamaya."

"Kinakabahan ako."

"Sus! Wala yan. Mawawala yan pag nasa stage ka na." Nag-play ng isang kanta si Dax. "O, praktis ka na ulit."

Nagsimulang sumayaw ulit si Marko. Muli niyang ipinamalas kay Dax ang tila natural niyang talento sa pagma-macho dancing. Mula umpisa hanggang matapos ang kanta ay naitawid nang maayos ni Marko ang dapat niyang gawin.

Napapangiti si Dax habang pinanonood si Marko. Nagagalingan siya dito. Parang nakikita na niya ngayon pa lang ang magiging reaksyon ng mga manonood sa oras na sumayaw na sa entablado si Marko.

"Maghubad ka."

"Ha?!"

"Hubarin mo ang t-shirt mo at pantalon. Itira mo lang ang brief mo. Susubukan mo naman ngayong sumayaw nang brief lang ang suot."

Nag-aalangan man ay sinimulang hubarin ni Marko ang damit na suot, pagkatapos ay hinubad na rin ang pantalon. Tanging black na brief ang naiwan sa katawan ng binata.

Muling nagsalang ng kanta si Dax at buong husay na sinabayan ni Marko ang tugtog. Ngayon, mas nakita ni Dax ang galaw ng katawan ni Marko dahil halos wala na itong suot habang sumasayaw sa kanyang harapan. Mas napatunayan ni Dax na talagang may ibubuga sa macho dancing ang binatang bagong salta sa kanilang club. Sa oras na yun, siniguro ni Dax na magiging asset ng kanilang club si Marko.

Natapos ang tugtog.

"Pahinga muna tayo," si Marko.

"Sige. Tingin ko naman, okay ka na eh. Kayang-kaya mo nang magshow sa finale mamaya." May dinukot sa bulsa si Dax. "Eto o, gamitin mo mamaya," iniabot nito kay Marko ang dalawang piraso ng rubber band.

"Ano ito? Anong gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong ni Marko.

"Gamitin mo mamaya bago ka sumayaw."

Hindi sumagot si Marko pero nagtatanong ang kanyang mga mata.

Nagpaliwanag si Dax. "Bago ka sumayaw mamaya, dapat siguruhin mong matikas ang ari mo. Paano mo gagawin? Siyempre, alam mo na kung paano pagagalitin yan. At habang sumasayaw ka, hanggang sa matapos ang pagsayaw mo dapat manatiling matigas pa rin yan. Kaya kailangan mong gamitin yang rubber band. Patitigasin mo ang ari mo at ilalagay mo yan sa pinakapuno para manatiling matigas habang sumasayaw ka. Hindi pwedeng lumambot ang ari mo nang hindi pa tapos ang pagsayaw mo. Kaya kakailanganin mo ang gomang yan."

Tiningnan lang ni Marko ang hawak na goma.

"Lahat ng macho dancers, dito man o sa ibang club ay ganun ang ginagawa. Kaya umpisahan mo na ring gawin mamaya," nakangiti si Dax habang nagsasalita.

"Kanina ba, may ganito ka rin?"

Tumango si Dax. Pagkuwa'y tumayo at may kinuha sa isang bag na nakapatong sa isang upuan. "O, gamitin mo ito mamaya." Iniabot ni Dax kay Marko ang isang puting trunks.

Sinipat ni Marko ang trunks. Mukhang maliit ito sa kanya. Baka lumuwa dito ang kanyang alaga, lalo na at pagagalitin pa pala.

"Wala bang mas malaki ng konti dito?"

"Wag kang mag-alala, kasya yan sayo. Akala mo lang maliit."

"Sige..."

"Pahinga ka na lang muna dito. Lalabas muna ako sandali para kumita. Tatawagin na lang kita pag ikaw na ang sasalang sa stage. Andun sa backstage ang props na gagamitin mo mamaya."

"Okay. Salamat."

Ngumiti lang si Dax at lumabas na ng dressing room.

Naiwan si Marko, nag-iisip. Tama ba talaga itong pinasok niya? Kung mali, pwede pa ba siyang mag-backout?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top