Chapter 17 - Bagong Buhay

BAGO mag-alas dose ng tanghali ay gising na sina Marko at Mia. Mabilis na naghanda ng makakain si Mia habang si Marko naman ay dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos ay si Mia naman ang naligo. Pagkabihis ay sabay na silang kumain.
"Huwag mong kalimutang magdala ng ID," paalala ni Mia kay Marko. "Kakailanganin mo 'yun sa pagbubukas ng bank account."

"Oo, may ID naman ako diyan."

"Marko..."

Tumingin si Marko kay Mia. "Ano 'yun?"

"Naisip ko kasi 'yung sinabi mo na tumigil na ako sa trabaho ko," sabi ni Mia. "Parang gusto ko nang sundin ang sinabi mo."

Nagliwanag ang mukha ni Marko. Bumakas dito ang kasiyahan.

"Magreresign na ako sa club. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho."

"Talaga? Salamat, alam mong 'yan naman talaga ang gusto kong mangyari. Tiwala naman ako na madali kang makakahanap ng ibang trabaho."

"Sana... Ayoko rin naman kasing tumambay nang matagal."

"Paano? Kelan ka magsasabi sa club na hindi ka na papasok?"

"Magtetext na lang ako kay madam. Pwede naman 'yun, eh. Hindi na ako pupunta sa club. Ayoko nang magawi ulit dun."

"Sige, ikaw ang bahala. Basta alam mong nakasuporta lang ako lagi sa mga desisyon mo."

"Salamat..."

"Unti-unti nating itutuwid ang mga buhay natin. At mag-uumpisa tayo ngayon."

PAGKATAPOS kumain ay lumakad na sina Marko at Mia patungong bangko para makapagbukas ng account si Marko. Medyo maraming kliyente nang dumating sila kaya medyo natagalan din sila sa paghihintay. Pero pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos din ang sadya nila sa bangko at nagpasya silang dumaan muna sa mall at manood ng sine.

Love story ang pinanood nila. Medyo naka-relate si Mia sa istorya dahil tungkol ito sa isang babaing nagkagusto sa lalaking nagligtas sa kanya. Hindi nga lang napigilan ni Mia na maluha sa bandang dulo ng palabas dahil namatay ang lalaki sa kuwento.

Napansin ni Marko na umiiyak si Mia.
"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Marko.

"W-wala, nadala lang ako sa kuwento. Naalala ko ang sarili ko. Parang ako 'yung babae sa istorya. Niligtas mo ako sa masasamang loob dati, di ba? Tapos ngayon, naging tayo na."

"Hawig nga sa kuwento mo 'yung takbo ng kuwento. Pero huwag mong iisipin na mangyayari din sa akin 'yung nangyari sa bidang lalaki. Namatay siya sa sakit kasi nagpabaya siya sa sarili niya. Ako naman, inaalagaan kong mabuti ang sarili ko. Hindi ako aagawin ng kamatayan sa'yo. Hindi pa ngayon dahil bubuo pa tayo ng pamilya at magkasabay pa tayong tatanda." Niyakap ni Marko si Mia. Dinampian din niya ng maliliit na halik ang buhok ng dalaga. Gusto niyang maging payapa ang kalooban nito.

NANG MATAPOS ang palabas ay kumain ang dalawa sa McDonalds at tumuloy na silang umuwi. Pagdating ng bahay ay naligo si Marko at naghanda sa pagpasok sa bar. Big night ngayon kaya kailangang nandun siya. Tsansa iyon para kumita siyang muli. Lahat ng oportunidad para kumita ay hindi niya dapat pakawalan. Ngayon pa na desidido na siyang baguhin ang takbo ng buhay niya. Kailangan niyang sunggaban ang lahat ng pagkakataon para mabilis siyang makaipon at makapag-umpisa na ng bagong buhay.

Ng bagong buhay kasama si Mia.

SINALUBONG ni Dax si Marko pagkadating niya sa gay bar.

"Bilisan mo, pare. Magre-rehearse pa tayo," sabi ni Dax.

"Pare, ilang taon na nating ginagawa ito. Di pa ba tayo nasanay?" sagot naman ni Marko. "Lalo na pag tayong dalawa ang magkasama sa stage. Isang tingin lang, alam na natin kung anong gagawin. Kaya lagi tayong nire-request ng mga customer."

"Pero mas maganda pa rin na praktisado tayo, para siguradong sulit sa atin ang customers. At para hanap-hanapin rin nila tayo. Kailangang may bago tayong ipapakita lagi."

"Sabagay, sang-ayon naman ako sa'yo dun. Ako rin naman, gusto kong laging satisfied ang mga manonood sa palabas natin. Nagbabayad sila para masiyahan kaya dapat ibigay natin ang tunay na magpapasaya sa kanila."

"Doon na tayo sa dressing room, pare. Para makapagpraktis."

Nilakad ng dalawang macho dancers ang makipot na pasilyo papuntang dressing room. Doon ay inubos nila ang natitirang oras sa pag-eensayo ng sayaw na ipapalabas nila mamaya. Pareho silang star dancers ng club na iyon kaya asahan nang sila ang finale sa gabing iyon. Karamihan sa mga parukyano ay naroon para mapanood sila sa kanilang paggiling sa entablado na tanging kakarampot na tela lang ang suot.

"Marko, Dax, maghanda na kayo. Kayo na ang susunod na isasalang," biglang iniluwa ng pinto si Mama Bang para tawagin ang dalawang mananayaw.

"Sige, Mama Bang. Ready na kami ni Marko," maagap na sagot ni Dax.

"Sumunod na kayo rito sa backstage," pagkasabi no'n ay lumakad na si Mama Bang pabalik sa loob ng bar para mag-entertain ng mga bagong dating na kliyente. Ganoon talaga sa bar 'pag big night nila. Kahit finale na, may mga dumarating pang bagong customers.

Ilang sandali lang at pumailanlang na ang boses ng bading na announcer sa bar. "Ladies and gentlemen... our finale for tonight, our star dancers!!! Dalawang gwapo, dalawang macho, magsasalpukan sa entablado... please welcome Dax and Marko!!!"

Naghiyawan ang mga customers kasabay ang 'di magkamayaw na palakpakan.

Dumilim ang stage at nagsimulang tumugtog ang kantang One Night Only na binago ang areglo para tumugma sa inihandang sayaw nina Marko at Dax.

You want all my love and my devotion. You want my loving soul right on the line...

Mula sa backstage ay lumabas ang dalawang macho dancers na tanging punit-punit na pantalong maong lang ang suot. Hindi nakabutones ang pantalon kaya malayang lumilitaw ang garter ng suot na briefs ng dalawang lalaki.

I have no doubt that I could love you forever. The only trouble is you really don't have the time...

Naghiwalay sina Marko at Dax. Si Marko ay pumunta sa gawing kaliwa samantalang si Dax ay gumawi sa bandang kanan ng entablado. Doon ay nagsimula silang gumiling-giling habang sa mukha nila ay makikita ang emosyong tila nang-aakit sa bawat isang customer na naroroon. Walang kakurap-kurap ang mga manonood. Bawat isa ay nag-aabang kung anong pasabog ang gagawin ng dalawang macho dancers.

You've got one night only, one night only, that's all you have to spare. One night only, let's not pretend to care. One night only, one night only, come on big baby come on. One night only, we only have 'til dawn...

Patuloy sa paggiling sina Dax at Marko. Si Dax ay unti-unti nang ibinababa ang suot na pantalon habang walang humpay itong kumikiwal-kiwal na tila isang bulateng nabudburan ng asin. Ilang sandali pa ay brief na lang ang suot ni Dax. Napanganga ang mga manonood sa tila masarap na putaheng nakahain sa harapan nila.

In the mornin' this feelin' will be gone. It has no chance goin' on...

Pumunta sa gitna ng entablado si Marko at Dax at nang magtagpo ay tila sabik na sabik sa isa't-isa na naghalikan sa harap ng namamanghang mga parukyano.

Mabilis na kumilos ang mga kamay ni Dax at ibinaba nito ang zipper ng pantalon ni Marko. Singbilis din nitong naibaba at nahubad ang pantalon ng binatang kapareha.

Something so right has got no chance to live. So let's forget about chances, its one night I will give...

Muli'y nagromansahan ang dalawang macho dancers na mas lalong nagpataas sa libido ng mga manonood. Wala nang kumukurap sa audience. Lahat ay tila namagneto na ng dalawang halos hubad na lalaking sumasayaw sa entablado.

Muling naghiwalay sina Dax at Marko. Bumaba sila sa stage at lumapit sa mga manonood. Oras na para mangolekta ng tip mula sa mga nag-enjoy sa kanilang palabas.

You've got one night only, one night only, that's all you have to spare. One night only, let's not pretend to care...

Bawat customer na nilapitan nina Marko at Dax ay malayang humawak sa nagngangalit na pagkalalaki ng dalawang macho dancers. May ibang kuntento na simpleng pagsalat lang. Ang iba naman ay walang pagkahiyang dinukot ang pagkalalaki ni Marko sa loob ng brief nito. Halos lahat ng lapitan ni Marko ay hindi na nagpakipot pa. Sa konting halagang iniipit sa garter ng brief ni Marko ay madadama nila ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita ng binata.

Si Dax naman ay mabenta rin sa mga customer na nilapitan nito. Ang isa nga ay hindi na nakapagpigil at biglang inilabas sa brief ang pagkalalaki ni Dax sabay subo rito. Bahagya lang nagulat si Dax. Sanay na siya sa ganitong parukyano. Hindi ito ang unang pagkakataon na may bigla na lang gumawa ng ganun sa kanya. Kapalit naman nito ay isang kulay dilaw na perang papel na inipit ng customer sa garter ng brief niya.

One night only, one night only, come on big baby come on. One night only, we only have 'til dawn.

Natapos ang kanta at tuluyang dumilim sa loob ng gay bar, hudyat na tapos na ang palabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top